"Pinatay niya talaga ang wizard!"
"Diyos ko!"
"Totoong wizard 'yon!"
Umalingawngaw ang ingay ng isang sirena habang nanunuod ang lahat!
Ibig sabihin, papunta na ang mga awtoridad ng Magore Academy.
Naramdaman na nilang mayroong mali!
Tumayo lang si Marvin doon at hindi makikitaan ng ano mang pagkabahala.
Lahat ay naaayon sa kanyang inaasahan.
Nasa ilalim rin ng pamamahala ng Ashes Tower ang mga awtoridad ng Magore Academy.
Ang South Wizard Alliance.
"Woosh!"
Umilaw ang mga kakaibang ilaw at anino sa paligid ni Marvin. May gumagamit ng [Pathfinder Powder] para mag teleport!
Malaki ang kumpyansa ng mga taong huhuli kay Marvin. Mag-teteleport sila malapit kay Marvin.
Alam ni Marvin kung paano pigilan ang teleport pero hindi niya ito ginawa.
Sa loob ng sampung segundo, anim na 2nd rank wizard na seryoso ang mukha ang nakapalibot na kay Marvin.
Bawat isa sa kanila'y may magic staff na nakatutok kay Marvin.
Sa kalangitan, may kumislap na ilaw at isang witch, na may suot na patulis na sombrero at nakaupo sa isang magic carpet, ang nagsabing, "Patayin niyo siya!"
Kitang-kita niya ang mga nangyari, pero hindi niya inakalang magigign marahas si Marvin!
Ginusto man niya itong awatin, huli na siya at wala na siyang magawa kundi nakatulalang panuorin na lang ang pagpatay ni Marvin sa apprentice!
Walang problema sa kanila ang pagkamatay ng dalawang tauhan nito, pero ag apprentice wizard ay bahagi ng Magore Academy. At inatasan ang apprentice na ito na salubungin ang mga bisita ngayong araw!
Isa itong kalapastanganan at panghahamon sa karangalan ng Ashes Tower!
Kumislap ng iba't ibang kulay ang mga magic staff ng mga 2nd rank wizard.
Sa mga oras na ito, mahinahong inilabas ni Marvin ang isang medalya!
Itinabi niya ang mga curved dagger at itinaas ang medalya. At sinabing, "Gusto kong umapila sa arbitration!"
"Siniraan ako. Ang apprentice wizard na to'y binalak akong isabotahe. Lahat ng ginawa ko ay para lang ipagtanggol ang aking sarili."
"Ako si Baron Marvin ng White River Vallet. At ito ang aking Ninth Month Medal!"
…
Ninght Month Medal!
Nagulat ang lahat ng 2nd rank wizard nang ilabas ni Marvin ang medalya. Wala silang nagawa kundi itigil ang kanilang pag-cast!
Nagulat rin ang withc na nasa magic carpet.
Masyado nang magulo ang sitwasyon.
Hindi rin inakala ng mga tao na ang kawawang noble na ito ay nagmamay-ari ng isang Ninth Month Medal.
Mahigipit na pinapangalagaan ng South Wizard Alliance ang mga nagmamay-ari ng Ninth Month Medal.
Sa kabuoan, maaaring gamitin ito ni Marvin para humiling ng arbitration. Malayong-malayo ang epekto nito sa reputasyon nito. Kapag nasangkot ka sa gulo, hindi mo maaasahang South Wizard Alliance para makamit ang hustisya. Pero, magagamit mo ang medalyang ito kapag ikaw mismo ang gumawa ng gulo.
Ipinaman lang ng kanyang lolo ang medalya. Maaaring gamitin ng tatlong beses ang Ninth Month Medal, at pinahalagahan ng dating overlord ng White River Valley ang medalyang ito at halos bihirang ilabas.
Pero iba si Marvin. Alam niyang malapit nang mabuwag ang South Wizard Alliance. Mawawalan na ito ng silbi kung hindi pa niya ito gagamitin,
Isa pa, kailangan niyang palakihin ang sitwasyon para mas maraming tao ang makakita sa kanya.
Tamang-tama lang ang paggamit ng Ninth Month Medal sa sitwasyong ito.
…
Bumaba ang witch mula sa magic carpet, sa isang kumpas lang, pinatabi niya ang isa sa mga tagasunod niya.
Lumapit ito kay Marvin at agad na gumamit ng apprasing spell.
Tunay ang medalya.
Tunay rin ang katauhan ni Marvin.
May kumpyansang sinabi nito na, "May karapatan kang humiling ng arbitration. Subalit, kailangan mong manatili sa Magore Academy at hindi ka papayagang maka-alis sa panahong iyon."
Gustong-gusto na sana nitong gamitan ng spell si Marvin para patayin ito. Pero, bawat wizard at witch na nagnanais maging miyembro, ay kinakailangan manumpa ng kung ano-ano sa [Holly Tree Throne]. At isa na dito ang pagbabawal sa kanila na gamitin ang kanilang kapangyarihan para saktan ang isang taong nagmamay-ari ng Ninth Month Medal.
Ang paglabag sa kanyang sinumpaan ay para na ring pagtataksil sa South Wizard Alliance. Hindi niya ito magagawa.
"Handa akong manatili sa Magore Academy."
"Sa katunayan, kaya ako naparito ay dahil may nagtatangka sa buhay ng kapatid ko. Hindi ako aalis, hangga't hindi siya nagigising." Sagot ni Marvin.
"Pwede na ba akong pumasok?"
"Oo, pwede na." sagot ng witch.
Pagkatapos noon ay naglagay ito ng magic mark sa likod ni Marvin para hindi ito maka-alis ng walang pahintulot. Saka naghandang umalis.
"Sandali," biglang sinabi ni Marvin.
"Ano pa bang gusto mo?" Napuno na ang witch.
"Kailang ng arbitration ng testigo. Kahit na maraming tao rito na pwedeng maging testigo, gusto ko ng isang taong mabuti at busilak ang kalooban, isang taong hindi magsisinungaling."
Nagsasalita si Marvin habang mabilis na naglalakad patungo sa isang batang babae.
Nginitan niya ang bata, "Tetestigo ka ba para sa akin?"
Nagulat ang batang babae. Hindi maipinta ang kanyang mukha.
Bakit siya ang pinili ni Marvin sa dami ng tao?
Hindi ordinaryo ang batang babaeng 'yon…
Gulat na gulat ang batang babae. Naka-tali ang buhok nito at may kalakihan ang mga mata. May suot itong kamiseta at tila inosente.
Nagdadalawang-isip pa ito bago tumango.
"Salamat." Pabulong na sinabi ni Marvin.
Iniwan na niya ito saka naglakad papasok ng Magore Academy.
Nabigla ang lahat at hindi nila maintindihan kung bakit ginawa 'yon ni Marvin. .
Pero naiwan pa ring nakatayo lang ang witch na tila nag-aatubili, parang gusto niyang lapitan ang batang babae pero hindi niya ito ginawa.
Imbis na ganito, ang batang babae na mismo ang lumapit at sinabing, "Akon a ang magiging testigo niya."
"Kayo na ang bahala sa tamang proseso."
Pagkasabi nito, tiningnan niya si Marvin at ngumiti ng kakaiba, "kawili-wiling tao."
…
Ang hindi alam ng batang babae, napangiti rin si Marvin at binulong sa sarili habang naglalakad papasok ng Magore Academy:
'Di ko inakalang makikita ko siya dito.'
'Mabuti na lang at napandin kong bigla siyang dumating pagkatapos ng mga pangyayari, at wala rin nag-iba sa magic power.'
'Ngayong testigo ko na ang Master ng Ashes Tower, sigurado na ko sa kalalabasan ng arbitration.'
Nakilala ni Marvin ang batang babae bilang ang Master ng Ashes Tower na si Hathaway!
Isang Great Witch na nasa rurok na ng 4th rank, isang Half-Legend!
Gumagamit ng isang di pangkaraniwang shape-shifting skill si Hathaway para mabago ang kanyang edad sa 6 na taong gulang, 16 taong gulang, at 26 taong gulang.
Inasam-asam rin ng ibang manlalaro ang spell na ito… Maraming usap-usapang sa pagitang ng mga lalaking naglalaro patungkol sa Legend ng Ashes Tower; sa madalin salita, para kang nag-asawa ng dalawang babae kapag pinakasalan mo si Hathaway.
Para naman sa ikatlong pagbabago, iilang taong may kakaibang interes lang ang matutuwa.
Samakatuwid, ang legendary witch na ito na lulubog-lilitaw ay biglang dumating sa sitawasyon ito, kaya mas napadali ang plano ni Marvin.
Totoo namang sinisiraan ng apprentice wizard si Marci, at dahil alam din ito ni Hathaway, hindi siya magkakamali ng desisyon.
Sakto lang ang paggamit niya ng Ninth Month Medal!
…
Sinundan niya lang ang daang naaalala niya, at di nagtagal nakarating na si Marvin sa pinakamalaking lugar at sa apprentice dorm.
Binisita ni Marvin dati ang kapatid na si Wayne kaya kahit paano'y naaalala pa rin niya ito.
Nasa tabi ng burol ang apprentice dorm. Mayroong anim na maliliit na daan. Bawat daan ay patungo sa lagusan papasok.
Basta't magpakita ka ng pagkakakilanlan, may isang goblin na maghahatid sa iyo sa kwartong hinahanap mo.
Di nagtagal, nakarating na si Marvin sa pinto ni Wayne matapos siyang ihatid ng isang batang goblon.
Kumatok siya sa pinto na binuksan naman ng butler.
"Master Marvin!"
Nagulat ang matandang butler.
Hindi niya inaasahang makakarating agad si Marvin!
"Mag-isa lang ho kayo?" Tanong ng butler na napansing walang kasama si Marvin.
"Oo, ako lang."
Pumasok si Marvin at sinabing, "Gusto kong makita si Wayne."
"Sandali lang ho!"
Pinigilan siya na matandang butler at malungkot na sinabing, "Malala ho ang kalagayan ni Master Wayne."
"Wag kayong mabibigla."
Tumango si Marvin.
"Nasa loob siya ng kwarto," Itinuro ng matandang butler ang kurtina sa gilid.
Na-aamoy ni Marvin ang amoy ng gamit na nanggaling sa likod ng kurtina.
Hindi na siya nag-atubili at agad na pumasok.