Sa sobrang bilis lumitaw ni Marvin, ni hindi na nakapaghanda ang mga adventurer.
Sa katunayan, kahit na nasa maliit na espasyo sila na tinatamaan ng liwanag ng buwan, hindi pa rin maayos ang paningin ng mga ito.
Kahit na lamang sa level ang dalawang 2nd rank fighter, limitado ang nakikita nila.
Kaya naman hindi na nag-atubiling umatake si Marvin.
Nakikita niya ang lahat dahil sa Darksight. Kitang-kita ni Marvin ultimo ang mga balakubak ng mga 'to!
Ang gabi ay tunay na para sa mga Night Walker.
Napakabagsik ng biglaang pag-atake ni Marvin, pareho nakay Kate ang atensyon ng dalawa.
"Slash!"
Bumain na ang dagger! Walang habas na sinaksak ng Fang ang baywang ng lalaki!
Ang baywang ang bahagi ng katawan na hindi natatakpan ng armor. Kaya ito ang pinili ni Marvin dahil kung iba ang aasintahin niya, maaring maka-iwas pa ang kalaban!
Simple lang rin ang dahilan kung bakit hindi niya ginamit ang [Blazing Fury]. Kailangan niya pa ng panahon para masanay at humusay sa paggamit nito. Kahit na curved dagger rin ito, iba ang bigat at laki nito. Hindi nabigyan ni Sean ng pagkakataon si Marvin na mapalagay sa kanyang bagong sandata. Kung kaya, sa biglaang labang ito, Pinili niyang gamiting ang Dalawang Fang na binigay sa kanya ng red copper dragon!
Napasigaw sa sakit ang lalaki! Nang mahiwa ng Fang ang kanyang baywang, bigla itong umiwas pagilid!
Binitawan ni Marvin ang Fang sa kanang kamay niya at biglang yumuko, at walang awang sinaksak ang kaliwang Fang sa gilid ng tuhod ng lalaki!
Biglang itong namaluktot palikod ang adventurer, sabay sinipa ito ni Marvin, kaya naman bumagsak ito sa lupa.
Saka nito hinugot ang isa pang dagger!
Kinuha niya ang Kingfisher Jade Dagger sa kanyang baywang at walang awang sinaksak ang lalamunan ng lalaki!
Pinutol ni Marvin ang huling sigaw nito gamit ang dagger na sinaksak nito sa lalamunan ng lalaki. Bahagya pa itong pumiglas pero hindi na ito nakabangon.
Tatlong galaw lang at napatay na ni Marvin ang isang fighter na hindi bababa sa level 7!
Malaking tulong talaga ang darksight.
Bigla na lang lumitaw si Marvin na parang isang multo. Hindi nakita ng isa pang adventurer ang nangyari at kung anong itsura ni Marvin.
Hindi siya sigurado, pero pinagpalagay niyang isa itong expert na hindi bababa sa 2nd rank.
Sinubukan pa nitong umatras, at malakas na sumigaw, "Mister, baka nagkakamali kayo!"
Matapos itong sabihin, hinawakan nito ng mahigpit ang two handed greatsword at naghandang salagin ang ano manga take.
Mabilis na sinulyapan ni Marvin si Kate na nasa gilid. Nagsimula nang humupa ang mga apoy sa kanyang paligid. Pero mukhang nanghihina ito.
…
Nababahalang tiningnan nito si Marvin.
Hindi niya ito maintindihan. Paano siya nakilala ng lalaking ito na bigla na lang lumitaw. Ang sinabi nitong "Kontrolin mo ang kapangyarihan mo!" ay masasabi lang ng isang taong alam na siya'y isang Fate Sorcerer!
Lalo siyang nabahala. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Marvin!
May dahilan kung bakit mag-isa siyang pumunta ng Thousand Leaves Forest. Mag-isa itong naglakbay para hindi maging pabigat sa kanyang nakatatandang kapatid. Naloko siya ng mga adventurer na 'yon dahil kulang siya sa kaalaman at karanasan.
At dahil sa biglang paglitaw ni Marvin ay mas lalo itong nag-alala.
Pero alam niya rin sa kanyang sarili na kapag hindi niya na-kontrol ang kanyang kapangyarihan, maaaring ika-galit ito ng Great Elven King!
Dahil sa galit ng Great Elven King sa mga Sorcerer, magiging malaking problema ito para sa kanyang nakatatandang kapatid.
'Di bale na! Kailangan kong ma-kontrol ang kapangyarihan ko bago ituloy ang paghahanap sa Amethyst Rock!
Huminga ng malalim si Kate, hindi niya na inisip ang mga lalaki, bagkus ay itinuon ang atensyon sa pag-kontrol ng kanyang sarili na biglang sumabog palabas ang kapangyarihan.
…
Nakahinga na ng maluwag si Marvin nang makitang nagiging maayos na ang kalagayan nito.
Hindi maganda ang kalalabasan kapag napansin sila ng Great Elven King.
Tila nakikipaglaro ang dalawang adventurer kay kamatayan!
Kung biglang dumating ang Great Elven King, madadamay rin si Marvin dahil malapit siya sa mga ito.
Kaya naman tiningnan niya ang natitirang lalaki at ipinakitang papatayin niya na ito.
"Nagkakamali? Hindi naman isang pagkakamali ang hindi pagsunod sa kontrata bilang isang adventurer, hindi ba?" Ika ni Marvin, habang hinuhugot niya ang Fang mula sa bangkay na nasa lupa.
Nanatiling mahinahon ang lalaki. Nagawa pa rin niyang maging kalmado matapos na makita ang napakabilis na pagpatay ni Marvin sa kanyang kasama. Nagawa pa nitong makiusap.
"Mister, hindi ko alam kung alam niyo na ito ang Thousand Leaves Forest."
"Hindi tayo pwedeng mag-ingay kung hindi, mabilis na pupunta rito ang mga elven iron guard. Alam mo naman siguro 'yon."
"Ang mga punong ito ang mata at tenga ng mga elven guard."
"Mas mabuti pa siguro kung pareho na lang tayong aalis. Kung gusto mong protektahan ang babae, walang problema sa akin 'yon. Aalis na lang ako. Ayos ba?"
Tuso ang lalaking ito. Nang makita nitong pinatay ni Marvin ang kanyang kasamahan, alam niyang kahit patayin siya ni Marvin, magdudulot pa rin ito ng problema.
Hindi mangmang ang mga adventurer. Nagpaplano muna ang mga ito bago kumilos. Ginantso ng mga ito si Kate para sap era. Pero matapos magpaikot-ikot ng ilang araw sa gubat, hindi pa man nila ito ginagalaw, may plano na ang mga ito kung paano siya pagsasamatalahan at didispatyahin.
Hindi naman nila inakalang minalas sila dahil nakita sila ni Sean kahit na 5 kilometro pa ang layo nila.
Nawala ang ano mang libog na nasa katawan nito dahil sa pagkamatay ng kanyang kasama.
Nakuha naman na nito ang pera ng babae. Sapat na ito para makakuha ng bayarang babae sa Oak Town
Kaya naman gusto na niyang umalis.
Pero walang balak si Marvin na paalisin ito.
Dahil malinaw na sinabi sa kanya ni Sean na dispatyahin ang dalawang adventurer na ito.
Kahit na naglipana ang mga tulad nito, hindi niya mapapatay lahat, iilan lang sa mga ito ang kaya niyang tapusin.
Ganito ang pananaw ni Marvin.
Pero nagpanggap pa rin itong may-awa.
"Totoo ba 'yan? Pinapangako mong aalis ka na at hindi na magbabalak pang galawin ang babaeng ito?"
Humakbang ito pagilid, natatakpan ng anino ng isang malaking puno ang kalahati ng kanyang katawan.
Medyo malamlam ang liwanag ng buwan at hindi gaanong nabigay na liwanag ang apoy na nanggaling sa katawan ni Kate. Hindi makita ng adventurer ng malinaw si Marvin.
Kaya hindi rin nito napansin na tahimik na ibinaba ng kanang kamay ni Marvin sa lupa ang wishful rope.
…
"Pangako!" Sigaw nito.
"Basta pakawalan mo ko, aalis na ko!" Napa-atras ito ng kaunti habang mahigpit na hawa ang two handed greatsword.
"Sandali!" Sigaw ni Marvin.
"Ano pa bang gusto mo?" Biglang kinabahan ang lalaki.
Nakatuon ang atensyon nito sa bahagi ng mukha ni Marvin na nasa liwanag.
Kahit na madilim, makikitang medyo bata pa ito.
Biglang nagbago ang isip ng adventurer.
"Thief siguro ang taong 'to."
'Nagamit na niya ang stealth. At bata pa siya. Kaya siguradong mababa pa ang level nito. Masyado ba kong naging maingat?' Nagbago ang isip nito at nagsimulang magtanong muli.
"Paalis na sana ako pero ano pa bang gusto mo? Sa tingin mo ba kaya mo akong talunin?"
Tinitigan siya ni Marvin at sinabin, "Ang pera."
"Ibalik mo ang pera ng babaeng 'to."
Natigilan ang lalaki, at bigla itong napahalakhak, "Ibabalik ko ang pera?"
"Punyetang bata, mukha ka rin pera, ano? Akala mo matatakot mo ko?"
"Sa katunayan, may naisip akong mas madaling paraan. At dahil masyado kang mayabang, wag mo kong sisisihin sa pagiging marahas!"
Pagkatapos niyang sabihin ito, bigla niyang itinaas ang kanyang greatsword at sumugod patungo kay Marvin!
Nakita niya kasing mukhang 14 o 15 anyos lang si marvin na payat at mahina!
Siguradong thief ito. Nagawa lang nitong patayin ang kanyang kasama dahil nabigla niya ito.
Siguradong matatalo niya ito sa isang laban!
…
Sa likod ni Marvin, makikitang tuluyan nang nawala ang mga apoy sa katawan ni Kate.
Nanghina ito ng todo. Pinipili ng Fate ang mga Fate Sorcerer, kaya naman pinanganak ito ng mayroong perkpektong paningin, na malinaw na nakikita ang lahat gabi man o araw.
Nang tingnan nito si Marvin nakita niya ang payat nitong likod.
Malaki ang pinagkaiba nito sa matipunong katawan ng lalaki.
'Masama 'to!'
'Hindi ko inaasahang mas bata pala sa akin ang taong 'yon… Baka hindi niya kayanin ang adventurer na 'to!'
'Kailangan ko nang gamitin ang binigay sa akin ni ate…'
May hinanap ito at biglang may inilabas mula sa kanyang dibdib.
Pero sa mga oras na 'yon, nagulat siya sa mga nangyari.
Nakita niyang bigla itong tumakbo ng ilang hakbang pa-kanan saka ito mabilis na tumalon sa sanga ng puno!
Hindi mapigilan ng adventurer na tumingala at lumingon dahil sa ginawa ni Marvin.
Bigla itong natalisod!
Hindi niya alam kung kailang pumulupot sa kanyang paa ang isang lubid na mala-ahas. Dahil sa pagmamanipula ni Marvin, natalisod siya dahil sa lubid!
Agad na nawalan ng balanse ang adventurer, at kinailangan pa niyang gamitin ang two handed greatsword bilang tungkod para hindi tumumba.
Biglang ngumisi si Marvin. 'Masyadong madali 'to.' Kahit na isang uncommon item lang ang wishful rope, ito na ang pinakamalakas na magic item na mayroon si Marvin.
Ilang beses na niyang ginamit ang taktikang ito mula nang mag-transmigrate siya, at lagi itong gumagana!
Pati na sa pagkakataong ito.
Bigla siyang tumalon papunta sa adventurer mula sa sanga!
Isa lang ang kahihinatnan nito.