Matapos ang mabilis na pagpatay niya sa dalawang tao, ito ang unang beses na hindi agad tiningnan ni Marvin ang kanyang battle log. Sa halip, tiningnan niya ang kalagayan ni Kate.
Nanghihina pa rin ito pero maayos na ang kalagayan.
Kitang gulat na gulat ito habang tinitingnan si Marvin.
Hindi niya inaasahang ganito pala kalakas ang fighting strength ni Marvin, naitumba niya ang dalawang malaking lalaki na hindi man lang nasusugatan.
Tinitigan nito Marvin, bilogan ang mga mata, kaya naman bahagyang nahiya si Marvin.
"Salamat," sabi ng babae.
Mula pagkabata'y kakaunti lang ang nakakasalamuha niyang tao. Laging ang kanyang nakakatandang kapatid ang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay.
Lumingon si Marvin at nagkibit-balikat. "Wala 'yon."
Matapos 'to ay bigla silang natahimik pareho.
Hindi alam ni Kate kung ano ang dapat sabihin, at si Marvin naman, nang malamang maayos ang kalagayan ng babae ay agad na tiningnan ang kanyang battle log.
Tila napakadali lang ng laban niya ngayon. Isang pagpapatunay na mas naging mahusay ang kanyang fighting experience at skill.
Ito ang nilamang ni Marvin. Kahit mga base class holder na mas bahagyang mas mataas ang level sa kanya ay kayang patayin ni Marvin.
At walang makaka-angat sa kanya, lalo pa't nangyari ito ng gabi sa kagubatan.
Pero kung mga advanced class holder ang mga ito, iba ang magiging sitwasyon. Mayroong kung ano-anong uri ng kakabang skill ang mga advanced class. Kung masalag nila ang atake ni Marvin, mahirap masabi kung ano ang susunod na mangyayari.
Kaya naman medyo kinakabahan siya sap ag-advance. Iba-iba at malalakas ang mga skill ng mga Night Walker.
Siguradong maipapamalas niya ito sa susunod na Battle of the Holy Grail.
…
'Ha?'
Habang tinitingnan ang battle log mayroong siyang napansin.
[Dahil sa paulit-ulit mong paggamit ng lubid sa laban, at ang mga epekto nito, makakatanggap ka ng bagong titolo – Rope Master]
[Rope Master]: Mayroon kang adiksyon sa paggamit ng mga lubid at naging mahusay na sa paggamit nito. Kaya naman nararapat lang na makuha ang titolong Master.
Effert: Sa tuwing gagamitin mo ang titolong ito, maaari kang gumamit ng dalawang lubid!
Rope Master!
Sa wakas ay lumabas na ang titolong ito.
Masayang kinuyom ni Marvin ang kanyang kamao.
Nakuha na rin niya ang titolong ito dati. Sa kanya nagsimula ang paggamit ng wishful rope ng isang thief. Kalaunan ay ginaya na rin siya ng ibang mga player.
Kadalasan, isang lubid lang ang kayang gamitin ng mga tao.
Pero kapag ginamit ang [Rope Master] na titlo, maaaring gumamit ng dalawang lubid ang isang tao nang magkasabay.
Dahil dito'y mas lalawak ang mga pamamaraan ng pakikipaglaban ni Marvin.
Magiging bangungot sa isang kalaban kapag nagamit ng tama ang wishful rope.
Paano pa kung dalawa pa ito… Bukod sa mga Caster, wala nang class ang makakatapat dito. Syempre, mangyayari lang 'yon kung mayroong dispel magic ang caster.
Sa katunayan, ang isang pangkaraniwang ranger ay kulang sa control type skill pero marami naman silang ibang pwedeng gamitin para makabawi.
Marami nang nalampasang problema si Marvin dahil sa paggamit niya ng wishful rope at sa spell na Vine Metamorphosis.
Kahit na may kadayaan ang dalawang taktikang ito…
'Bakit ganito ang Rope Master description… Anong adiksyon?'
Nagtataka si Marvin.
…
Sa mga oras na ito, ang babaeng katabi niya ay hindi na kinaya ang katahimikan kaya bigla itong nagsalita.
"Ako ng apala si Kate. Mukhang alam mon a kung sino ako. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Marvin." Direkta niyang sinagot ang tanong.
"Wizard ang lolo ko kaya may kaunti akong nalalaman."
"Bago tuluyang maging isang Sorcerer, makakaranas talaga ng mahaba o maikling panahon na hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo. Medyo mahihirapan ka sa panahong 'yon."
"Hindi ka dapat naglalakbay mag-isa ng ganitong oras."
"Matapos itong sabihin, biglang may naalala si Marvin. 'Nasaan na nga pala ang matandang 'yon?'
'Pinaligtas niya sa akin si Kate. Ngayon tapos na, wala naman siya dito.'
Napansin ni Kate na lingon ng lingon si Marvin kaya hindi nito napigilang magtanong, "Sino hinahanap mo?"
Hindi na nakasagot si Marvin dahil napakaraming anino ang lumabas mula sa kagubatan!
Nakakatakot ang bilis ng pagsulpot ng mga ito. Tatlong segundo lang ang tinagal nang isa-isang pagdating ng mga ito.
Nanlamig ang pawis ni Marvin, pero pinrotektahan pa rin niya si Kate na nasa likuran niya.
Ilang pana ang nakatutok sa kanila.
"Wag kayong gagalaw, kundi mamamatay kayo." Isang malumanay na boses ang nanggaling mula sa mga puno.
Kita ang pagkadismaya sa mukha ni Marvin habang itinataas nilang dalawa ang kanilang mga kamay.
Nagbago rin ang mukha ni Kate.
Masyadong mabilis ang pagdating ng mga ito. Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang dalawa!
"Isang mapanlinlang na Ranger."
"At isang Sorcerer na hindi kayang i-kontrol ang sarili."
"Kakaibang kombinasyon. Hindi kayo dapat pumasok sa Thousand Leaves Forest."
"Hulihin niyo na sila. Dalhin niyo sila sa [Akena] prison." Sabi ng malumanay na boses.
Ilanglalaki ang lumabas mula sa dilim.
Gwapo ang mga ito, pero makikita ang kabagsikan sa kanilang mga mata.
Mga Elven Iron Guard!
'Pucha, nahuli...'
Napabuntong-hininga si Marvin dahil wala siyang magawa.
Naging seryoso ang mukha ni Kate.
"Wag kang magpadalos-dalos" Nakita ni Marvin ang kakaibang hawak ni Kate, "Makinig ka sa akin, wag mong kakalabanin ang mga Elven Iron Guard sa loob ng Thousand Leaves Forest."
Nagdalawang-isip ito pero tinago pa rin niya ang item.
…
Isa ang Akena sa mga elven prison sa paligid ng Thousand Leaves Forest.
Magmula nang umangat sa kapangyarihan ang Great Elven King, nagsimula na itong magpatayo ng mga kulungan sa hangganan ng Thousand Leaves Forest para sa mga nanghihimasok dito.
Isa na doon ang Akena. Mahirap makatakas sa mga Elven prison.
Dinala si Marvin at Kate sa isa sa mga jail tree.
Ipinagbabawal ang pagpasok sa lugar na ito, iba-iba ang mga nakabilanggo sa mga jail tree. Nagbabanta ang mga ito pero hindi sila makapagingay.
Parang ginagamitan ka ng isang silence skill kapag nakulong ka rito.
Walang hanggan ang silence skill.
Kaya naman tahimik ang buong jail tree forest.
Kinapkapan sina Marvin at Kate ng mga kagamitan pati na mga storage items. Matapos ito ay magkasama silang ikinulong.
Hindi kinuha ng mga elf ang mga gamit nila dahil wala ito sa kanilang pagkatao.
May platform na gawa sa bato sa labang ng jail tree at doon nakalagay ang kanilang mga gamit.
Matapos masigurado ng elven iron guard na wala na silang kagamitan sa katawan, bumigkas ito ng incantation at ikinulong na sila ng jail tree.
Saka umalis ang mga ito.
Tanging si Marvin at Kate na lang ang naiwan.
Hindi sila nakakapagsalita at nakakapagtinginan lang ang mga ito
Kitang-kita ang inis sa mukha ni Kate. Tinitigan niya ito si Marvin na tila gustong malaman bakit niya hinayaang hulihin sila.
Pero mahinahon lang si Marvin. Sumenyas ito kay Kate na ibig sabihin ay huminahon ito at habaan ang pasensya.
Hindi ito naintindihan ni Kate kaya wala siyang magawa kundi panuorin lang si Marvin.
Kahit ano man ang reaksyon ng isang magandang babae, nagbibigay pa rin ito ng kakaibang pakiramdam.
Nasa 16 hanggang 17 anyos lang si Kate, bahagyang mas matanda kay Marvin. Nakakabighani ang mga mata nito. Nakakulong ang dalawa sa iisang jail tree at hindi mapakali si Marvin. Hindi naman ito dahil mahina sa babae si Marvin. Pero ang makakita siya ng isang magandang babae, natural lang na sumulyap-sulyap ito.
Kaya naman kalaunan, nagkatitigan na ang dalawa.
Nakaupo lang ang dalawa sa loob ng jail tree, at ang lapag ay gawa sa sandy oil. Unti-unti nang naubos ang pasensya ni Kate. Sa tingin ni Marvin, oras na at pumutol ito ng isang maliit na sanga.
Nagsulat siya sa buhangin gamit ang sanga:
[Wag ka nang magalit. May plano ako para makatakas.]
Hindi iniwasan ni Marvin ang pagpunta saThousadn Leaves Forest noon. Ilang beses din siyang nahuli ng mga elven iron guard noong mababa pa ang kanyang level. Paglipas ng panahon, may nadiskubre siyang paraan para makatakas.
Naaalala pa nga nito na nakatakas siya sa isang Elven jail ng mga tatlo o higit pang beses. At dahil dito nakuha niya ang titolong [Breakout Master] sa laro.
Pero walang masyadong nagagawa ang titolong ito kundi ang linalangin ang mga baguhan.
Natigilan si Kate nang makita ang isinulat ni Marvin. Ginaya niya ito at isinulat na:
[Anong paraan?]
Itinuro ni Marvin ang pangtaas ni Kate.
Biglang namula ang mukha nito at hindi makapaniwala!
Biglang napagtanto ni Marvin na masyado siyang naging direkta, at agad na nagsulat muli sa buhangin.
Pagkatapos basahin, tiningnan pa rin ng masama ni Kate si Marvin.
Matapos ang ilang saglit nagsulat siya, [Tumalikod ka. Wag kang titingin.]
Nagkibit-balikat si Marvin at tumalikod.
Nagsimula nang maghubad si Kate.