Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 89 - Fate Sorcerer

Chapter 89 - Fate Sorcerer

Gayunpaman, napakahalaga ng fighting experience.

Tulad na lang ngayon, kahit na malayo si Marvin sa kanyang mga kalaban kaya niya pa ring makapagdesisyon ng mabilis kahit na hindi siya gumamit ng kahit anong reconnaissance type skill o spell.

Parehong 2nd rank class holder ang dalawang adventurer.

Matipuno ang mga ito at gumagamit sila ng mumurahing two handed greatsword. Ang isa dito ay kinakalawang.

Nangangahulugan lang na hindi nila inaalagaan ang kanilang mga sandata, o di kaya'y wala silang perang kayang ilaan dito.

'Wala silang kahit anong special sign, malamang 2nd rank fighter ang mga 'to. Mukhang mga level 7 o 8.'

Ang ikinatuwa lang ni Marvin ay tulad ni Wolf, siguradong walang advanced class ang mga ito.

Sa katunayan, malaki ang pinagkaiba ng mga 2nd rank class holder na nag-advance sa mga hindi.

Matapos ang pag-advance, papalakasin ng panibagong class ang katawan at magkakaroon ito ng maraming malalakas na skill. Parang pinanganak muli ang isang taong nakakaabot dito.

Magmula noong nag-transigrate ni Marvin, kahit na nakakapatay siya ng mga 2nd rank class holder, kinailangan pa rin niyang humanap ng mas matinding paraan para matalo ang mga nakapag-advance na.

Tulad na lang sa gang boss na si Diapheis, gumamit siya ng [Rainbow Jet]. Para naman sa dalawang barbarian na pumoprotekta kay Miller, umasa siya sa [Desperate Strike] ng dalawang tauhan niya. At para naman sa gnoll Sorcere, gumamit pa siya ng potion, muntikan pa siyang matalo.

Mahirap kalabanin ang lahat ng 2nd rank class holder.

Mas madaling harapin ang mga katulad ni Wolf.

Ang mga basic skill ng mga Fighter ay hindi katulad ng mga makapangyarihang advance class.

Pinigil ni Marvin ang kanyang hininga at lumapit.

Ano pa man ang tunay na sitwasyon, dahil inutos sa kanyan ni Sean ito, mayroon siyang rason para sa kanyang gagawin.

Kasalukuyan siyang apprentice ni Sean, kaya kailangan niyang sundin ito.

Isa pa, mukhang masasamang tao talaga ang dalawang adventurer na ito. Hindi siya mababagabag sa pagpatay ng dalawang adventurer na hindi tumupad sa usapan.

Stealth!

Bahagi ng kasukalan ang kagubatan. Walang penalty ang stealth ng isang ranger, bagkus ay may kaunting bonus ito!

Nanatili lang siya sa dilim, at dahan-dahang lumapit.

Kahit na isang 2nd rank class holder na hindi pa nag-advance ay hindi pa rin ito ganoon kadaling harapin, mayroon pa rin itong mga level, attribute point at skill point, kaya hindi siya pwedeng maging kampante.

Hindi pa naman ganoon kalala ang sitwasyon. Kaya nagtago lang ito sa likod ng isang puno at gumamit ng Listen.

Kailangan niya munang malamang kung ano ang nangyayari bago siya sumabak sa isang laban. Ito ang prinsipyo ni Marvin pagdating sa pakikipaglaban.

Nasa gitna ng dalawang adventurer ang babae, parehong tahimik ang magkabilang panig.

Paglipas ng ilang saglit, naapurang sinabi ng isang adventurer na, "Ayaw ka naman naming pahirapan Miss Kate."

"Ilang beses na naming nilibot ang Thousand Leaves Forest, at ilang beses na rin kaming muntik mapahamak. Alam mo namang sakit sa ulo ang mga elven iron guards."

"Kahit na hindi pa naming nahahanap ang pinapahanap niyo, nagawa na naming ang trabaho naming. Kung gusto mong ipagpatuloy naming ang paghahanap, kailangan mong dagdagan ang bayad!"

"Pwede rin namang ibang bagay na lang ang ibayad mo sa amin," ika ng isa pang lalaki.

"Karangalan naming ang matulungan ang isang napakaganda at mabait na dalagang katulad mo."

Masama ang ngiti nito, habang tinititigan ang katawan ng babae.

Biglang napatingin si Marvin sa babae.

Nagulat si Marvin nang masulyapan ito!

May suot itong maikling palda, ang mukha nito'y tila isang mamahaling porselana, na mayroong kulay ubeng mga mata. Mukhang itong mahinhin.

Ang pinakang nakakatawag pansin ay ang mahaba at kulay ube nitong buhok.

Miss Kate…

Huminga ng malalim si Marvin.

Hindi ordinaryong dalaga ang taong ito.

Kilala niya ito.

'Anong bang pinagsasasabi ng matandang 'yon? Isang bayaning magliligtas ng isang magandang dilag?'

'Kailangan lang isipin ng babae na mamamatay ang dalawang 'to, at mangyayari na ang gusto niya sa loob lang ng ilang minuto.'

'Pero… Mas maganda siya sa tunay na buhay kesa sa laro. Sa itsura niya, maaari siyang tawaging isang femme fatale.'

Biglang tumalon ang puso ni Marvin.

Hindi naman ito ang unang beses niyang makakita ng isang magandang babae, pero bahagya siya natuliro dahil sa ganda nito. Kakaunti lang ang ganito sa buong Feinan.

Siyan a ata ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Walang kapintasan ito mula ulo hanggang paa, bukod na lang siguro sa pagiging medyo maliit nito. Maganda ang hubog ng kanyang katawan at makinis ang kanyang balat.

Dahil rin sa kanyang kagandahan kaya naman lapitin siya, at ng kanyang headquarters sa Rocky Mountain, ng kapahamakan.

Matapos ang Great Calamity, maraming god ang naiinggit sa ganda niya at ng kanyang mga kapatid. Nagsabwatan ang mga ito at ginamit ang isang digmaan para wasakin ang Rocky Mountain.

Ito ang pinakaunang nakamamanghang kilusang military. Higit sa isandaang libong high level player ang nakilahok sa pangayayaring ito, ang [Rocky Mountain Defensive Battle]. Kahit na natalo pa rin ang Rocky Mountain at nanalo ang mga god, nag-iwan ng marka sa puso ng mga manlalaro ang ipinamalas na lakas ng tatlong magkakapatid!

[Three Fate Sisters] ang tawag sa kanila. Silang tatlo ang unang nagtatag ng malakihang human territory pagkatapos ng calamity. Ang Rocky Mountain. Ang pag-angat ng Rocky Mountain ay ang pag-angat rin ng mga Sorcerer dahil binasbasan ang tatlo ng Fate bilang mga [Fate Sorcerers]!

Pare-parehong Legend ang tatlong magkakapatid na ito!

Isa sa tatlong Fate Sisters ang babaeng nakatayo sa harap ni Marvin. Ang ikalawa sa magkakapatid, na tinatawag nilang Kate. Walang nakaka-alam ng tunay nitong pangalan.

Nakakatakot ang lakas ng isang Fate Sorcerer. Grupo sila ng mga taong may basbas ng tadhana Malakas ang kanilang natural na karisma. Pwede silang umidlip pagkakain at bigla na lang nilang mauunawan ang isang napakalakas na legendary spell pagkagising.

Maituturing na mala-diyos na estudyante sa mga caster ang Fate Sorcerers. Lalo na kung ikukumpara sa mga ordinaryong wizard na ang mga kinakailangan pang magpakahirap para lang matuto at kailangan pa nilang aralin ang kanilang casting ability.

Ni hindi na nila kailanagn mag-aral. Kusa na lang nilang matutuunan ang mga malalakas na spell. Kahit na walang katiyakan kung kailan nila matututunan ang isang spell, maituturing pa rin silang makapangyarihang mga nilalang.

Mula noong mabuo ang Feinan, hindi lalagpas sa dalawampu ang mga naging Fate Sorcerer. At noong Great Calamity, tatlo ang umusbong!

At 'yon ang tatlong magkakapatid!

Ang mas nakakamangha pa, lahat ng dalawampung Fate Sorcerer ay babae lahat. Lubusang ikinalungkot ito ng mga lalaking apprentice, kinaiinggitan na lang nila ang mga babaeng ito na isinugo ng tadhana.

'Siguro may ginawa siya para itago ang kanyang karisma.'

'Kung hindi, baka hindi na napigilan ng dalawang adventurer na 'tong pagsamantalahan siya. Baka sa tingin nila, isa lang itong magandang babae.'

Tiningnan ni Marvin ang kanyang mga log at walang lumabas na kahit anong uri ng check. Dito na napatunayan ni Marvin na tama ang hinala niya.

Medyo nalilito siya. Ano kayang iniisip ng matandang 'yon?

'Hindi niya baa lam kung gaano kalakas ang babaeng 'to?'

Gusto niyang magpakabayani siya at iligtas ang magandang dilag?

Pero sa sandaling 'yon, biglang sinabi ni Kate na, "Wala na kong pera."

"Binayaran ko na kayo pagpasok natin sa gubat at pinangako niyong tutulungan niyo kong hanapin ang [Amethyst Rock].

"Pero pinaikot-ikot niyo ang ako dito sa gubat noong mga nakaraang araw. Niloko niyo ko. Hindi kayo tumupad sa usapan."

Nagkatinginan ang dalawang adventurer at hindi napigilan ng mga ito ang ngumiti. Kitang-kita sa mukha ang kamanyakan ng mga ito.

"Hindi ko inakalang mabibisto mo kami."

"Anong Amethyst Rock? Wala kaming alam tungkol doon!"

"Mukhang mapapasaya ako ng isang babaeng katulad mo…"

Nakangiting lumapit ang isa sa mga lalaki, "Gusto na sana naming gawin ito pagpasok pa lang ng gubat, pero gusto lang naming makita kung magkano pa ang meron ka. Hindi kasi naming mabubuksan ang storage mo."

"Mag-isa kang naglalakbay kahit na mayroong kang isang high grade na storage item, siguradong isa kang noble na lumayas pagkatapos makipagtalo sa magulang."

"Naalala ko tuloy yung isa pang noble bago ka… Hehe…"

Hindi alam ni Kate ang gagawin.

Bahagyang lumakas ang boses ni Kate, "Wag kayong lalapit!"

"Papatayin ko kayo!"

Biglang lumutang ang buhok niya, makikita ang hinanakit sa kanyang mukha!

Dama ni Marvin ang mapanirang presensyang nanggagaling sa katawan nito!

'Teka lang…'

'Lagot na! Hindi pa kayang i-kontrol ng maayos ni Kate ang kapangyarihan niya. Hindi pa lubusang na-activate ang Fate Sorcerer ability niya!'

Agad na kumilos si Marvin!

Ang kasalukuyang Kate ay nasa transitional period pa. Nabuhayan na ang kanyang fate power pero hindi pa niya ito kayang i-kontrol.

Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya. At kung alam man niya, hindi niya mapipigilan ang epekto ng mga Heaven Destroying spell.

Teritoryo ito ng elven king! Kung may Fate Sorcerer na umaasta ng ganito, siguradong didispatyahin niya ito!

Naiintindihan na ni Marvin kung bakit gusto ni Sean na siya ang humarap sa mga adventurer!

Padalo-dalos pa rin ang dalawang adventurer. Inatake ng isa sa mga ito si Kate!

"Wag kang lalapit!" Kita ang galit ni Kate sa kanyang mukha!

May malalaking apoy ang lumabas kanyang paligid!

Napa-atras ang adventurer!

Nang biglang may aninong biglang umatake, hiniwa ng curved dagger nito ang baywang ng adventurer!

"Kontrolin mo ang kapangyarihan mo!" Sigaw ni Marvin.

"Ako nang bahala sa dalawang 'to!"

Related Books

Popular novel hashtag