Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 708 - Return!

Chapter 708 - Return!

Malaking bagay para kay Marvin ang Eternal Night Kingdom, pero ang pinakamahalaga ay isa itong Artifact na may kakayahan na iwasan ang scouting ability ng mga kalaban.

At paminsan-minsa, kapag naiipit si Marvin sa isang gulo, gagamitin ni Marvin ang Eternal Night Kingdom para makatakas mula sa mga humahabol sa kanya, kasama na dito ang mga God.

Ito ang kapangyarihan ng Eternal Night Paradise.

Kung ang Eternal Night Paradise ay isang Demi-Plane na iniwang ng Night Monarch, ang Eternal Night Kingdom naman ay isang mahalagang Artifact na iniwan ng Night Monarch para sa sangkatauhan!

Isa pa, sa nakaraan niyang buhay, ang Eternal Night Kingdom na natanggap niya ay depektibo, isang Half-Artifact lang ito.

Nang manahin niya ito kay O'Brien sa pagkakataon na ito, buo at kumpleto ang Eternal Night Kingdom.

Hindi alam ni Marvin kung dati ay kumpleto ito ngunit naging depektibo dahil sa Lord of Hell na nagnakaw nito, o dahil ba inayos ito ni O'Brien sa buhay na ito. Ang laam niya lang na hind niya pwedeng biguin si O'Brien na nagtiwala sa kanya.

Gusto niyang mabuhay.

Ito ay para mabuksan ang lahat ng misteryo at mabantayan ang mga minamahal niya.

Ito ang ninanais ni Marvin, simple at walang pasubali, tulad dati, hindi siya lilihis mula sa nais niyang makamit.

Tila napakabilis lumipas ng epekto ng Absolute Santuary.

Tila ba hindi namalayan ni Marvin na dumating na pala agad ang ika-pitong araw.

Matapos ang sampung oras, nawala na ang Absolute Sanctuary.

Gamit ang kanyang kapangyarihan bilang Lord ng Sanctuary, naramdaman niya kaagad na mayroong mga pwersang paparating.

Ang mga taong ito ay nasa Legend level lahat, pero hindi kayang tapatan ng mga ito si Marvin sa isang dwelo. Subalit, kung sama-sama silang aatake sa sanctuary, malaking problema ito para sa White River Valley.

Kapag nangyari iyon, kahit na patayin ni Marvin ang mga ito isa-isa gamit ang kanyang mga dagger, at takutin ang mga malapit sa kanya, hindi niya mapoprotektahan ang kanyang mga nasasakupan.

Isa pa, nararamdaman ni Marvin ang awra ng mga Divine Servant mula sa mga ito.

Ang mga tunay na powerhouse ay nakakubli lang sa dilim, hindi sila nagpapakita habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng White River Valley, naghahanda ng matinding pag-atake para kay Marvin.

Tulad na lang ng World Ending Twin Snakes o ni Valkyrie Eve!

Kinaumagahan, inihatid ng intelegence network ng White River Valley ang pinakabagong mga impormasyon. Parehong pinuno ng Rose Dukedome na sina Eve at Holy Paul ay umalis na mula sa Thre Northern Cities.

Nawala na sila sa paningin ng mga tao at malinaw naman ang nais nilang gawin.

Nag-aalala naman ang Rocky Mountain kay Marvin kaya tinanong nila kung kailangan ba nito ng tulong, pero hindi ito tinanggap ni Marvin. Pinaalalahan nito na tutukan nila ang kaligtasan ng sarili nilang teritoryo.

Kahit na ang buong Universe ay nakatuon ang pansin kay Marvin dahil sa Fate Tablet, Isa rin ang Rocky Mountain sa mga lugar na madalas punteryahin noong mga nakaraan panahon. Malaki ang inggit ng mga God sa Three Sisters kaya kailangan din nilang mag-ingat.

Tinanggihan rin ni Marvin ang tulong na inialok ng iba pa niyang ka-alyansa. Walang makakapigil sa kanya sa pagtahak ng kanyang landas nang mag-isa.

Pero sa prosesong ito, dalawang makayanig-mundong pangyayari ang nangyari sa Continent na ito.

Alas dos ng hapon noong ika-pitong araw, may ilang nakapansin na may mga kakaibang pagbabago mula sa tubig ng Jewel Bay.

At si Marvin, sa tulong ni Madeline, ay nakita ang pambihirang pangyayari sa pamamagitan ng Scouting Eye spell.

Isang napakalaking puno ang umahon mula sa gitna ng dagat.

Malalaking alon ang nakapalibot sa punong ito at dahan-dahan naman humampas ang mga ito sa pampang ng Jewel Bay.

Isang maliwanag na kulay luntiang ilaw ang kumikisap sa tuktok ng napakalaking puno.

Sadyang nakakamangha ang tanawin na ito.

Nakita ng lahat ng pwersa ng Feinan noong lumitaw ang anim na ugat at bumaon ang mga ito sa ruins ng Six Pearl Harbor.

Ang mga ugat na ito ay nagsimulang maglabas ng nakakatakot na Order Power nang makabaon ang mga ito.

Ang mga halimaw sa paligid, pati na ang mga natitirang Wizard Monster ay napuksa lahat.

Gumapang ang luntiang liwanag sa mga ugat ng puno at pumasok sa lupa, at nagbunga ito ng buhay.

Sa loob lang ng isang oras, ang napakalaking punong lumulutang sa dagat ay nabulok at lumubog na sa ilalim ng dagat. Nabalot naman ng luntiang kagubatan ang Jewel Bay.

Anim na Elven Town ang lumabas at humalo sa Six Pearl Harbr. Ang mga Elf na nanatili doon ay tinawag itong [Green Harbor]/

Mayroong napansin si Marvin na isang babaeng nakatayo sa tuktok ng puno, may hawak itong setro at korona, kagilas-gilas itong tingnan.

Ibang-iba na ito mula sa maliit at makulit na mensahero ng Thousand Leaves Forest.

Nagbalik na ang mga High Elf!

Isa itong malaking balita para sa Feinan!

Bilang sila ang naghrai sa 1st Era, ang mga High Elf, s autos ng Ancient Elven God, ay umalis para bantayan ang isang Sanctuary. Lumayo ang mga ito sa mga problema at kalaunan ay nakalimutan na.

Sa Wizard Era, ilang High Elven Item ang lumitaw na siyang nagpaalala sa mga tao tungkol sa kanila.

Tulad na lang noong gumagamit si Marvin ng High Elven Wishful Rope para makalamang sa kanyang mga laban.

Napakahusay ng race na ito sa pakikipaglaban. Ang kanilang Magic ay nagmula sa kanilang mga sarili, at mas malakas pa ang mga ito kesa sa mga Wood Elf.

Kahit na kakaunti lang ang mga ito, walang sino man ang nangahas na maliit ang nagbabalik na pwersang ito.

Sa unang araw ng pagbabalik ng mga High Elves, ang Elven Queen na si Butterfly ay nag-anunsyo na ang kanyang Green Harbor ay ka-alyado ng Thousand Leaves Forest.

At dahil ditto nagkaroon na naman ng panibagong depensa ang White River Valley.

Ang nasa pagitan ng Thousand Leaves Forest at ng Jewel Bay ay ang magulong Three Ring Towers. Kung gustong makapasok ng Northern Three Cities sa White River Valleu, kakailanganin nilang dumaan doon. Kapag ginawa nila iyon, kailangan nilang humingi ng pahintulot mula sa mga Elf. Dahil kung hindi mahihirapan silang magtungo sa katimugan.

Kumalat sa buong Feinan ang nakakagulat na balitang ito.

Pero kalalabas pa lang ng balitang ito, isa na namang race ang lumabas mula sa pahina ng kasaysayan at muling nagbalik.

Isang oras matapos ang pagtatatag ng Green Harbor, isang lumulutang na siyudad na ang lumitaw mula sa kaibuturan ng First Mountain Range, sa lugar kung saan naunang matatangpuan ang Sky Tower.

Ang lumulutang na siyudad ay tila isang maliit na bundok. Gamit ang siyensya at teknilohiya ng mga Ancient Gnome, naglakbay ito sa pagitan ng mga plane.

Ngayong nasira na ang Universe Magic Pool, hindi na ligtas ang tinatahak nilang ruta.

Kaya pinili nilang magbalik sa Feinan. Ang mga Ancient Gnome ay muling nagbalik sa Feinan.

Nanatili ang lumulutang na siyudad sa First Mountain Range, at hindi mabila na lipon ng mga makinarya ang minamaneho ng mga Ancient Gnome.

Gamit ang kanilang lumulutang na siyudad bilang sentro, nagsimula nang muling bumuo ng emperyo ang Ancient Gnome Empire!

Muli nagbalik ang dalawang Great Races na ito, na pumukaw ng atensyon ng marami. Kasama na dito si Marvin.

Pero hindi na siya gaanon nagulat ditto. Lalo pa at naramdaman na niyang babalik ang mga Ancient Gnome at mga High Elf dahil sa pag-alis ng magkapatid na Gnome at ni Butterfly.

Wala naman silang babalikan, at wala naman silang pupuntahan.

Pero mas naging komplikado ang sitwasyon sa Feinan dahil sa pagbabalik ng dalawang Great Races na ito, kaya mas lalo itong nakakalito.

Kasabay ng mga paparating na mga God, matindi ng tensyon na ang mayroon sa Feinan!

At nangyari ang lahat ng ito kung kailan nawala na ang Absolute Sanctuary spell sa White River Valley.

Isang mapag-isa at malungkot na tao ang umalis.