Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 709 - Ambush

Chapter 709 - Ambush

Sa loob lang ng pitong araw, nakakagulat na mga pagbabago na ang naganap sa Feinan.

Sapat na oras na rin ito para mapaghandaan ni Marvin ang kanyang pag-alis.

Tulog pa rin si Wayne sa Sky Tower.

Inilipat ni Marvin ang bahagi ng kanyang awtoridad bilang Sanctuary Lord kay Constantine. Ang Sha na ito ay nakuha na ang tiwala ni Marvin dahil sa dami ng laban na kanilang pinagsamahan.

Matapos umalis ni Marvin, Ang kaligtasan ng White River Valley ay ipagkakatiwala niya kina Constantine at iba pa. Sa kapangyarihan ng Sanctuary, at sa tulong ng mga Legend na kontrolado ni Marvin dahil sa Book of Nalu, basta walang maganap na malawakang pag-atake, mananatili namang ligtas ang White River Valley.

Tungkol naman sa bantang dala ng Three Northern Cities, tila hindi na ito ganoon kalaking poblema dahil sa paglitaw ng Green Harbor. 

Mayroong hindi nagpapatinag nap ag-uugali ang mga High Elf. Kadalasan ay hindi sila nangingielam sa problema ng iba pero hindi maaaring galawin ang kanilang teritoryo.

Binabantayan ng mga Wood Elf at ng mga High Elf ang isa't isa at iisa lang ang daan sa pagitan ng dalawang pwersa, kaya maliit lang ang espasyong maaaring magamit ni Eve.

Idagdag pa na maganda ang pagkakaibigan nina Marvin at n Ivan, at kahit na hindi malinaw ang relasyon niya kay Butterfly, hindi rin naman ito masama.

At dahil dito, hindi gaanong nag-aalala si Marvin na atakihin ang White River Valley habang wala siya.

Sinadya niyang wag itago ang balita tungkol sa kanyang pag-alis. At sa halip, inutos niya sa lahat na ikalat ang balitang umalis siya ng White River Valley.

Ito ang pinakamagandang paraan para pigilan ang mga Legend na atakihin ang White River Valley para lang hanapin si Marvin.

Noon pa man ay kay Marvin na nakatuon ang atensyon nila.

Sinadya niyang hindi itago pansamantala ang kanyang sarili pag-alis ng kanyang teritoryo saka ito biglang nawala!

Endless Path!

Noong si Marvin isa isa pa lang 1st Rank Ranger, tila napakalayo ng distansya mula River Shore City at Three Ring Towers.

Pero ngayon na naging isa na siyang Half-Plane Guardian powerhouse, tila napakaliit na lang ng mundo.

Dahil sa Endless Path, kaya niyang tawirin ang napakalaking distansya sa isang iglap gamit ang malaking halaga ng stamina o Fate Power.

Kailangan niya laging bantayan ang kanyang stamina datim pero dahil sa nakuha na niya ang 4th Fate Tablet, nakaramdam si Marvin ng pagbabago sa kanyang False Divine Vessel.

Maaari na siyang makakuha ng tuloy-tuloy na daloy ng Divine Power mula sa False Divine Vessel. Hindi niya nakikita ang eksaktong data, pero nararamdaman ni Marvin na malaking halaga ito.

Masasabing may kinalaman ang Divine Power na io dahil sa 4th Fate Tablet.

Sa suporta nito, mas makakalaban siya nang mas mahusay. Inasahan na niyang ang laban para sa Book of Nalu ay patibayan ng kakayahan.

Gustong makuha ng lahat ng powerhouse sa buong Universe ang Fate Tablet na nasa Divine Vessel ni Marvin.

Hindi naman natakot o nangamba si Marvin dahil dito, sa halip ay nasabik pa siya.

Naaalala pa niya noong anim na Half-God ang tumutugis sa kanya noong kakatapos niya lang sa ascension quest sa kanyang nakaraang buhay, muntik na siyang mapatay ng mga ito.

Naaalala niya rin noong walang hirap at paulit-ulit niyang pinasok ang kampo ng kalaban.

Sa tuwing nangyayari ito, kumukulo ang kanyang dugo.

Sa loob-loob niya, mahilig siyang makipagsapalaran.

Ang tensyon ng pagharap sa iba ay ang pinakamagandang hamon para kay Marvin!

Ang pagharap sa kanila isa-isa at pagwawagi; iyon para sa kanya ang kapanapanabik!

Ito ang buhay ni Marvin.

Para maprotektahan niya ang mga bagay na mahalaga sa kanya, kailangan niyang ipagpatuloy ang paglagpas sa ano mang hamon. Paulit-ulit ito at kailan man ay hindi ito matatapos!

Hanggang sa mamatay siya!

Nang mawala si Marvin, lahat ng pwersa sa buong Universe ay ipinakalat ang impormasyon na ito.

Nagsimulang gumamit ng Divine-level Divination ang mga God mula sa Astral Sea para hanapin ang eksaktong lokasyon ni Marvin.

Pero bago pa mangyari iyon, biglang lumitaw si Marvin sa Pearl Tower, dakong timog ng Rocky Mountain.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi direktang pumunta si Marvin sa tatlong lugar kung saan matatagpuan ang Bood of Nalu. Pag-alis ng White River Valley ay nagtungo muna siya sa Pearl Tower, isang sagradong lugar kung saan nakatago ang lahat ng uri ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng FEinan.

Nakausap niya si Mark 47 sa pamamagitan ng dati niyang ginagawa bago siya pumasok ng Pearl Tower.

Dati siyang nakatanggap ng misyon para kolektahin ang mga Memory Chip, pero sa kasamaang palad, wala na siyang ibang nakita pagkatapos noong una niyang nahanap. Pero ang pabuya noon na tila malaking bagay noon ay parang hindi na kanais-nais ngayon.

Hindi siya nagpunta rito para pag-usapan ang mga Memory Chip.

"Wormhole Pearl?"

Isang kakaibang tawa ang narinig sa construct nang banggitin ito. "Isa 'yong napakahalagang kayamanan, ano naman ang magiging kapalit?"

"Anong gusto mo?" Hindi rin gaanong umasa si Marvin na ibibigay ito basta-basta ni Mark 47.

Pero nang bisitahin siya ng Three Fate Sisters noong nakaraan, pinaalala sa kanya ni Ding ang tungkol sa pangakong kailangan niya pang tuparin.

Dahil sa naging masyado itong naging abala, nakalimutan na ni Marvin ang tungkol sa Eternal Time Dragon na nakakulong sa dulo ng Universe. Kalaunan ay naalala niya dahil sa mayroon silang Contract, pero masama pa rin kalimutan ang isang pangako.

Dahil sa nakokonsensya siya, hinanap niya si Mark 47 pag-alis niya ng White River Valley para makuha ang Wormhole Pearl.

Kung matagumpay niya itong makukuha, magiging isang magandang kagamitan ito para sa kanya.

Kung hindi naman, kailangan niyang malaman kung ano ang tatanggaping kapalit ni Mark 47 para dito. Dahil sa huli, isa lang mortal si Marvin kaya limitado lang ang kanyang magagawa.

Pero hindi inasahan ni Marvin ang sinabi ni Marvin 47, "Pwede kitang bigyan ng Wormhole Pearl."

"Pero may kapalit."

Natigilan si Marvin dahil sa gulat. "Ano 'yon?"

Biglang sinabi ng construct gamit ang kanyang pambihira at malaming na boses, "Ang Essence Absorption System sa katawan mo."

Sumimangot si Marvin!

Paglipas ng tatlumpung minuto, noong muling lumitaw si Marvin sa kalupaan na nasa dakong timog ng Rocky Mountain, bahagyang nagbago ang kanyang katawan.

Matapos mag-isip panandalian, nagdesisyon si Marvin na sumang-ayon sa hinihingi ng construct!

Ang Wormhole Pearl ang susi para makalabas si Tiramisu sa kanyang kulungan, at an Essence Absorption System sa katawan ni Marvin ang kapalit nito.

Dahil sa ebolusyon ng kanyang advanced False Divine Vessel, unti-unti nang nawalan ng saysay ang sistemang ito para sa kanya.

Naging mahalaga man ito para sa kanyang pag-usad noong umpisa, hindi na ganoon ang sitwasyon ngayon.

Kahit na malaki ang naitulong sa kanya ng sistemang ito, may kakulangan na ito pagdating sa pag-abot ng advancement sa Legend Realm, kung saan nangangailangan na ng Comprehension Points. Naging mabagal na ang pag-usad ng level ni Marvin sa pamamagitan ng Essence Absorption System.

Pero paano naman ang False Divine Vessel?

Ang kompletong bersyon ng advanced False Divine Vessel ay mayroong nakakamanghang kakayahan na humigop ng Divine Source.

Sa tuwing mayroong siyang nahihigop na halaga ng Divine Source, nadadagdagan ang lakas ni Marvin. Nakapagpataas na siya ng level niya gamit ito.

Naramdaman ni Marvin na ang False Divine Vessel na ito ay ang pinakamahalagang Treasure na nakuha niya magmula noong napunta siya sa Feinan!

Kaya naman naging maayos ang kanilang kasunduan.

Nakuha ni Marvin ang Wormhole Pearl at nakuha naman ni Mark 47 ang sistemang matagal na niyang gusto!

Dahil hindi kumpleto ang Sistema sa kanyang katawan, mayroong mga Law na pinupwersa siyang manatili lang sa Pearl Tower.

Ngayon, dahil sa Essence Absoprtion System ni Marvin, maari na siyang makalabas kung kailan niya gustuhin.

Bago umalis, pinanuod ni Marvin ang construct na lumabas ng Pearl Tower at magtungo ito sa kaibuturan ng Wilds.

Sa mundong ito, ang bawat nilalang ay may kanya-kanyang kwento. Hindi na siya maghahalungkat pa pero nararamdaman niyang ang construct na ito, na dating taga-sunod ng God of Creation ay may mas malaking lihim pang itinatago.

"Magkikita tayo muli."

Ito ang sinabi ng Construct kay Marvin bago ito umalis.

Hindi naman siguarado si Marvin sa bagay na ito. Malaking krisis ang kinakaharap niya at wala siyang ibang magagawa kundi magpatuloy sa pag-abante.

Paisa-isang hakbang.

Biglang nakaramdaam si Marvin ng matinding panganib!

"Woosh! Woosh! Woosh!"

Tatlong anino ang lumitaw sa paningin ni Marvin.

Ang anak ni Anuba Grant.

Si Eve.

At isang nakangiting matandang lalaki.

"Sa totoo lang, wala naman akong galit sayo noong una." Seryosong tinitigan ni Marvin si Eve at dahan-dahan hinawakan ang Sodom's Blades. "Kahit na noong laban kay Dark Phoenix ay mayroong ginawang katangahan ang taga-sunod mo, hindi kita sinisi."

Mahinahon naman na sumabat si Eve, "Alam ko kung anong gusto mong sabihin, pero sa kasamaang palad, magiging magkalaban talaga tayo sa huli."

Naiinis naman na sumagot si Marvin, "At tinatago mo ang dahilan."

Nakangiti naman na nagtanong si Holy Paul, "Nililibang mo ba kami? Hindi na kailangan, nagpadala na kami ng mga tao para harapin ang tatlong babaeng galing Rocky Mountain. Mister Marvin, wala ka nang pupuntahan. Sa totoo lang, gusto kita, pero gusto kang patayin ni Miss Eve. Sinasabi niyang ikaw ang Fate Destroyer. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoong bagay pero…. Ang pagpatay sa isang walang kwentang Human para makapangaral ako sa Three Northern Cities, pabor sa akin 'yon."

Binunot ni Eve ang kanyang Holy Sword at itinuro ito kay Marvin. "Pasensya na."

"Kailangan kong gawin 'to."

Sumabog ang liwanag mula sa Holy Sword at naging isang mahabang linyang nakatutok kay Marvin!