Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 70 - Blue Morphine

Chapter 70 - Blue Morphine

"Hindi ito kagagawan ng twin snakes cult."

Tinuro ni Marvin ang payat na mukha ni Wayne at sinabing, "Kung kagagawan 'to ng twin snakes, hindi siya maghihirap ng ganito."

"Sa unang tingin mukha lang itong [Hibernation], isa sa mga kilalang curse ng twin snakes cult, na permanenteng koma ang tamaan nito. Pero hindi naman ito nakamamatay tulad nito."

"Napakabilis rin ng tibok ng kanyang puso, at hindi ito symtomas ng hibernation."

Makikita ang gulat sa mata ni Hanzer. Hindi niya mapigilang magtanong, "Paano mo nalaman?"

"Isang high level wizard ang lolo ko."

Alam ni Marvin na mangyayari ang usapang ito kaya naghanda na agad siya ng kanyang irarason."Nagbasa ako ng maraming libro sa aming aklatan, bago ako pumunta rito. Marami akong natutunan." 

"Mag kasing talino talaga kayo ni Wayne, sayang lang na walang kang talent sa ganito para maging isang wizard."

Tumango si Hanzer. "Tama, sa tingin ko rin may nanadyang gayahin ang taktika ng twin snakes cult."

"Pero paano mo nalamang si Lulu ang may kagagawan nito, lalo pa't kararating mo lang?

Ngumiti si Marvin, "May isa pang curse na nagkukubli bilang hibernation curse, ang humihigop ng sigla at lakas ni Wayne. Kailangan araw-araw na kasama ng gagamit ng curse ang biktima at ang tuloy-tuloy nitong pagbikas ng chant ng curse incantation sa loob ng isang linggo o higit pa.

"Hindi mahilig makihalubilo ang aking kapatid. Kaya bukod sa aming butler, sino pa ba ang madalas niyang makasama?"

Tanging nobya niya lang nakakasama niya araw-araw, hindi ba?

Mahusay na pangangatwiran.

Namangha si Hanzer, "Napakgaling mo sigurong overlord!"

"Tutal nandito ka na, gusto mo bang sumama sa pagbisita ko sa salarin?"

"Karapatan mo 'yan."

Sa kulungan ng Magore Academy.

Isang batang babae ang mag-isang nakaupo, kitang-kitang takot na takot ito.

Sa isang punong halos siyam na palapag ang taas, itinayo ang kulungan. Sa dulo ng bawat sanga nito'y nakabitin ang isang seldang gawa sa kahoy.

Tinitingnan nito ang napakalawak na itim na likidong dumadaloy sa ilalim.

Kapag nahulog siya'y matutunaw siya at ni buto'y walang matitira.

Hindi ganoon karami ang mga preso sa kulungang ito, dahil kadalasan, namamatay ang lahat ng nanggugulo sa Magore Academy.

Habang takot niyang pinagmamasdan ang kanyang paligid, biglang gumalaw ang mga selda!

Sa una'y natako siya, pero agad niya ring naisip na, 'May taong nagpapagalaw ng mga sanga!'

May dalawang aninong makikita sa isang platform sa di kalayuan.

May binigkas na incantation ang matangkad na anino at biglang gumalaw na rin ang sanga kung nasaan siya.

Di kalaunan, lumapag na sa platform ang selda.

Nakita niya ang dalawang taong nakatayo sa kanyang harapan nang buksa na ang selda.

"Halika, Miss Lulu," sabi ni Hanzer sa isang mababang boses.

Nahihiyang lumabas si Lulu mula sa kanyang selda.

"Hindi ko maintindihan, bakit ninyo ginagawa sa akin 'to?"

"Ano ba ang ginawa ko?"

Inosenteng-inosenteng tingnan si Lulu. Wala siyang ulirat sa nangyayari.

"Ang galing umarte…" Biglang sabi ni Hanzer bago pa man makapagsalita si Marvin.

"Bilib rin ako sa galing mong umarte."

Bilang isang 2nd rank wizard, hindi bumagay sa kanyang kasuotan ang pagpapatawa ni Hanzer.

"Isa kang apprentice alchemist, hindi ba? Paano mo nagawa 'to? Halos kalahating taong kayong magkasama ni Wayne, bakit mo ginawa sa kanya 'to? Sa tingin mo ba hindi naming mapapansin?"

Natahimik si Lulu.

Pinaghandaan na ni Lulu ang pagkakataong ito. Pero nang dumating na mismo, walang ano mang salita ang lumabas mula sa kanyang mga labi.

Alam niyang may sapat na ebidensiya na si Hanzer kaya siya ikinulong.

Wala na ring silbi ang ano mang sabihin niya.

"Mahal ko si Wayne. 'Yon ang totoo."

Bigla itong naiyak. " Pero wala akong magawa."

"Masakit para sa aking araw-araw siyang makitang ganoon. Para akong sinasaksak sa dibdib ng paulit-ulit."

"Pinilit lang nila ako. Papatayin raw nila ako kapag hindi.."

"Natakot lang ako. Kaya sinunod ko ang inutos niya. Hindi ko naman alam na ganito pala kalala ang mangyayari."

"Alam kong mali ang ginawa ko. Pero hindi ko naman ginustong gawin talaga 'to."

Lalo pang humagulgol ang batang babae. Hindi mapigilan ng mga taong makaramdam ng awa para sa kanya.

Pero halos masuka si Marvin sa kanyang mga nadinig.

Nagpapaawa pa para makuha ang simpatya ng mga tao. Nagmamalinis pa matapos gumawa ng krimen…

Nakayang gawin ito ng isang 11 taong gulang na batang babae?

Maaaga talagang namumulat sa karahasan ang mga bata sa mundong ito.

"Manahimik ka!" Ika ni Hanzer kay Lulu.

"Dalawang bagay lang ang kailangan ko mula sayo. Una, sabihin mo sa amin kung sino ang nag-utos na gawin mo 'to."

"At ang pangalawa, tanggalin mo ang curse kay Wayne."

"Kapag ginawa mo ang mga bagay na 'yon, sa ngalan ng Magore Academy, patatawarin kita sa iyong nagawa!"

Agad na sumagot si Lulu matapos magsalit ni Hanzer.

Tumigil ito sap ag iyak at makikita ang pag-asa sa kanyang mga mata, "Talaga?"

Tahimik na tiningnan ni Hanzer si Marvin.

"Oo, tama ang narinig mo," sagot ni Hanzer.

Tanging ang paggaling ng kanyang estudyante ang gusto niya sa ngayon. 'Hindi ko kakalimutan ang ginawa nilang 'to."

Agad na sinabi inalala ni Lulu ang mga pangyayari. "Hindi ko alam kung sino ang may pakana. Maniwala kayo sa akin, hindi ko talaga alam. Pero nalulong ako sa pagsusugal ilang buwan na ang nakalipas. Pinagkaisahan nila ako at natalo ng malaking halaga ng pera. Nang malaman ito ni Wayne, ang sabi niya gagawa daw siya ng paraan."

"Napakabuti niya sa akin. Pero paano naman siya gagawan ng paraan? Siya nga mismo, hirap sa pambayad ng matricula. Alam kong wala siyang magagawa para matulungan akong bayaran ang utang ko."

"Nakakatakot na nilalang ang mga taong pinagkaka-utangan ko. Hawak nila ang buong Magore Academy. Sa tingin ko'y alam n ani Sir Hanzer kung sino ang tinutukoy ko."

"Wala akong magawa at lalo pa akong iniipit ng mga taong 'to. Hanggang sa may isa sa kanilang nag-alok sa akin ng paraan para mabayaran ko ang utang ko."

Huminga siya ng malalim.

"At yun ay lagyan ng curse si Wayne?" Tanong ni Marvin.

Bahagyang tumango ito.

Aminin man sa hindi, nakabibighani talaga si Lulu, nagagawa niyang makuha ang simpatya ng mga tao dahil sa nakaka-awa nitong itsura.

"Sino? Pangalan ang kailangan ko" Matigas na sabi ni Hanzer.

"Ang [Blue Morphine]… Earl ang pangalan niya." Sabi ni Lulu.

"Earl? Anong klaseng pangalan 'yon? Palayaw lang 'yon eh," Bwisit na sinabi ni Hanzer.

"Sinabi ko na sa inyo ang lahat ng nalalaman ko," Sabi ni Lulu. "Madali lang din mapawi ang curse kay Wayne, kailangan lang sunugin yung kahon sa ilalim ng kama ko."

Nagkatinginan si Marvin at Hanzer.

"Anong Blue Morphine?" Tanong ni Marvin.

"Isang organisasyon dito sa Three Ring Towers. Mga anak sila ng mga tanyag at kilalang pamilya ng mga Wizard." Sagot ni Hanzer.

Hindi na umimik si Marvin at tumango na lang. Pero itinanim niya sa isip niya ang pangalang Earl.

Hindi siguro magsisinungaling si Lulu. Natural lang na itago ng mga taong nasa likod nito ang kanilang pagkatao kung gagawa sila ng krimen tulad nito.

Handa nilang gawin ang krimeng ito. Kung sabagay, teritoryo ito ng mga wizard at paniguradong iimbestigahan si Lulu.

"Sir Hanzer…" Tiningnan ni Lulu si Hanzer.

"Mahal ko po si Wayne! Wala lang akong magawa. Kung hindi nila ako inipit ng sobra-sobra, hindi ko naman gagawin 'to."

Galit na galit pa rin si Hanzer, pero kailangan pa rin niyang panindigan ang kanyang sinabi, "Sa ngalan ng Magore Academy, sa ngayon ay pinapaawad ko ang iyong pagkakasala. Pero kung may malaman kami sa imbestigasyon na hindi mo kaagad sinabi sa amin, paparusahan ka pa rin namin!"

"Salamat, Sir!" Masayang tugon ni Lulu.

Biglang lumapit si Marvin sa kanya.

Nabahala si Hanzer at tila gustong pigilan si Marvin, pero sa huli ay wala itong ginawa at nanatiling nakatayo lang.

"Pinatawad ka man ng Magore Academy, pero hindi ang White River Valley."

"Si Wayne ang tagapagmana ng White River Valley. Ako ang kanyang nakatatandang kapatid, at hindi pa kita napapatawad."

Mahinahon man ang boses ni Marvin, natakot pa rin si Lulu sa kanyang mga narinig!

"Sir Marvin! Hindi ko po talaga ginusto ang nangyari."

"Mahal ko talaga si Wayne! Nasasaktan din akong makita siyang ganoon. Totoo ang sinasabi ko! Susunugin ko na rin naman sana ang kahon, gusto lang naman nilang hindi makalahok sa kompetisyon si Wayne."

"Mahal niya rin ako!"

Nautal-utal siya habang nakikitang papalapit ng papalapit si Marvin sa kanya. May magic seal na inilagay sa kanya kaya wala siyang magagawa.

"Mahal ka niya?" Lumapit si Marvin at binulong na, "Sa tingin ko, hindi kayo bagay sa isa't isa."

Sa mga sumunod na sandal, biglang naramdaman ni Lulu ang sakit sa kanyang tiyan!

Walang awang sinipa ni Marvin ang batang babae at nahulog ito mula sa platform!

Nagsisisigaw ito hanggang sa bumagsak siya sa itim na likido. Agad na nalusaw ang kanyang katawan, pati ang kanyang mga buto. Walang natira kundi ang itim na likido.

Nakakatakot panuorin ang mga kaganapang 'to!

Ni hindi kumurap si Marvin.

"Mamamatay ang sino mang manakit sa kapatid ko," Ika ni Marvin sa isang mababang boses, bago tumalikod.

Tinitigan siya ni Hanzer at tinanong, "Bakit hindi mo ginamit ang iyong dagger?"

Nilagpasan siya ni Marvin at tumigil, "Madumi."

Related Books

Popular novel hashtag