Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 71 - Arbitration

Chapter 71 - Arbitration

Hindi nagbibiro si Marvin.

Para sa kanya, mababahiran ng dumi ang kanyang mga dagger kapag ginamit niya ito sa babaeng 'yon.

Paulit-ulit niyang sinasabing mahal niya si Wayne pero nagawa pa rin niya ang bagay na 'yon. Nagpigil na si Marvin ng lagay na 'yon, dahil kung hindi, pinahirapan niya muna ito bago patayin.

Napa-iling si Hanzer na bahagyang naawa sa sinapit ng babae. "Siguro dapat ay nilabag ko na ang batas ng Alliance at ginawa siyang lab specimen."

"…"

Akala ni Marvin masyadong na siyang malupit. Hindi niya inakalang mas malupit pa rin pala si Hanzer.

Pero ano't ano pa man, alagang-alaga ni Hanzer si Wayne. Kung sabagay, matinding karamdaman ang nakuha ng kanyang estudyante. Mas kagulat-gulat kung hindi ito nagalit dahil doon.

Noon pa man, wala nang sinusunod ang mga wizard. Wala silang sinasanto bukod sa South Wizard Alliance.

Ilanga raw rin sigurong nagpigili ng galit si Hanzer.

Kaya naman hindi nito pinigilan si Marvin noong papatayin na nito si Lulu, at sa halip ay pinahapyawan lang ito.

Wala naman kasing problema kay Marvin na gamitin ang pangalan niya. Pinatawad man ng Magore Academy si Lulu, pero bahagi pa rin si Wayne ng White River Valley. Kaya may karapatan si Marvin na parusahan rin si Lulu. Ayun nga lang, kailangan pa ring mauna at maka-angat ng Magore Academy sa sitwasyong ito. Kaya naman matapos na ipaubaya nito si Lulu, may karapatan na si Marvin na gawin ang sa tingin niya'y nararapat na kaparusahan.

Ito ang kagandahan ng pagiging isang noble. Kahit na nagmula ka lang sa maliit na teritoryo, mayroon pa rin makukugang benepisyo mula sa status na 'to.

Masisira rin naman kalaunan ang istruktura ng lipunan dahil sa Great Calamity, kasama na rito si Marvin.

Wala naman siyang magagawa para mapigilan ang sakunang paparating, tanging protektahan at pangalagaan lang ang kanyang mga nasasakupan ang maaari niyang gawin.

"Paano na ang curse ni Wayne?" Tanong ni Marvin.

"Akon a ang bahala," tugon ni Hanzer. "Umaasa akong makaka-abot pa siya sa qualifying round."

Mababanaag sa kanyang mukha ang pag-aalala. Malaking pinsala ang natamo ng katawan ni Wayne, kung umabot man ito, siguradong mahina pa ito.

Gayunpaman, ang prayoridad ngayon ay ang pag-aalis ng mga curse kay Wayne.

Paglabas ng presinto ay naghiwalay na ang dalawa. Bumalik na si Marvin sa dorm kung nasaan si Wayne.

Kinaumagahan, unti-unting pumasok ang sinag ng araw, na dahan-dahan ang pagsikat, mula sa bintana.

Sa bintana rin pumasok ang ihip ng hangin. Humupa na ang amoy ng magic medicine.

Unti-unting iminulat ni Wayne, na nakahiga pa rin sa kama, ang kanyang mga mata

Namumutla pa rin ito pero nagsisimula nang magkaroon ng malay.

Nakatayo pa rin ang matandang butler sa kanyang tabi.

"Master Wayne, sa wakas, gising na kayo!" Natutuwang sinabi ng matandang butler.

"Huh?" Nagulat si Wayne sa nakita, " Si kuya…"

"Nandito si Kuya."

Tiningnan ng butler si Wayne, "Paano mo nalaman…"

Hinanap ni Wayne si Marvin pero hindi niya ito makita, "Si kuya? Asan si kuya?"

"Nakita ko siyang dumating."

Ayun pala, hindi siya lubusang nawalan ng malay habang may sakit. Buhay pa rin pala ang diwa niya nang mga panahong ito. Tanda niya ang pagdating ni Marvin.

"Master Wayne, si Master Marvin ay…"

"Nasa kalagitnaan siya ng isang arbitration!" Sabi ng butler.

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Wayne.

"Mayroon siyang pinatay sa gate ng Magore Academy. Pero mabuti na lang at ginamit niya ang Ninth Month Medal, kaya mukhang wala namang magiging problema," sabi ng butler.

"Ninth Month Medal? Walang silbi 'yon!" malinaw na muli ang pag-iisip ni Wayne.

Kahit na 9 na taong gulang pa lang siya, dahil sa malupit nitong kapaligiran, naging matalas na ang isipan nito.

"Masyadong malawak ang kapangyarihan ng pamilya ni White, malamang binayaran na nila ang lahat ng arbitration staff!"

"Wala siyang pag-asang manalo!"

"Asan siya? Pupuntahan ko siya!"

Pilit itong bumabangon habang sinasabi ito.

"Pero mahina pa po kayo…"

Nagulat ang butler sa mga sinabi ni Wayne. Hindi kasi nito naiintindihan ang mga ganitong bagay.

"Magaling na ako! Maayos na pakiramdam ko."

"Dalhin moa ko roon!" Utos ni Wayne.

Matagal na ring hindi nagagamit ang Arbitration Hall ng Ashes Tower.

Pero ngayon, napuno ito ng mga wizard na nagmula sa buong Three Ring Towers. Pumunta sila para saksihan ito.

Mayroong pumatay sa isang apprentice ng Magore Academy. Hindi pangkaraniwan ang sitwasyong ito.

Wala na dapat pag-asang mabuhay ang tong gumawa nito.

Ngunit walang nag-akalang nagmamay-ari ng Ninth Month Medal ang noble na si Marvin.

Isang Ninth Month Medal!

Isa itong karangalang ibinibigay ng South Wizard Alliance. Tanging ang mga miyembrong may makabuluhang naiambag ang nakakatanggap nito!

Kakaunti lang ang mga noble sa katimugan ang mayroon nito. At kaya ito tinawag na Ninth Month Medal dahil nabuo ang South Wizard Allience sa ika-siyam na buwan ng taon.

Mga kilalang tao ang mga nagmamay-ari ng Ninth Month Medal.

At mayroon ring mga noble na hindi gaanong kilala. Tulad na lang ng dadaan sa arbitration ngayong araw, si Baron Marvin.

Marami ring mga noble sa mga manunuod, hindi lang mga wizard.

Sila ang mga taong natunghayan ang pagpatay, na dapat ay ipapasok lang nila ang kanilang mga anak sa eskwelahan. Kaya syempre pupunta ang mga ito.

Nais nilang malaman kung ano ang katapusan ng kwentong ito.

Wala kasing nakaka-alam kung ano ang maaring kahantungan nito.

Mag-isang nakatayo si Marvin sa isang sulok ng isang mataas na platform. Tila nakahiwalay siya sa mundo.

Tapos na ang proseso ng arbitration. Hinihintay na lang ang resulta ng usapan ng mga arbiter na pinadala ng South Wizard Alliance.

"Wala naman sigurong magiging problema," bulong ni Marvin sa kanyang sarili.

Nang naghanap sila ng testigo, kusang loob namang pumayag ang batang babae para ilarawan ang lahat ng nakita niya.

Binanggit din nito na bago ang nangyaring patayan, siniraan at inakusahan ng apprentice si Marvin.

Sa sitwasyong tulad nito, madali na lang dapat para sa mga arbiter na hatulan ang naganap.

Pero parang may mali. Kanina pa nagdedebate at nag-aaway ang tatlong arbiter.

'Bakit sila ganito?' ika ni Marvin.

Paglipas ng sampung minute, mukhang nagkasundo na ang mga ito.

Tumayo ang isa at malakas na sinabing, "Iaanunsyo ko na ang napagdesisyunan ng arbitration."

"Harapang pumatay si Baron Marvin dito sa Magore Academy. Isang apprentice wizard ang kanyang pintay. Ito ang pinakamalaking kasalanan."

"Sa tingin naming, hindi dapat kaming mga arbiter ang humatol dito kundi ang hukuman."

"Kaya naman ang desisyon ng arbitration ay sundin ang sunod na proseso, isang paglilitis para sa krimeng ginawa ni Baron Marvin!"

Isang paglilitis!

Nagdulot ng ingay ang mga katagang ito!

Para na ring hinatulan nito si Marvin!

Kitang-kitang may mali sa tatlong arbiter.

Kahit sino pa ang tanungin, wizard man o noble, malinaw naman ang dapat kinalabasan ng arbitration. Kahit na napakalinaw na ng paglalarawan ng testigo, bakit ganito pa rin ang resulta?

Base sa arbitration custom, dapat ay magbabayad na lang si Marvin ng multa para sa kanyan nagawa.

Sa halip, sasailalim si Marvin sa isang paglilitis!

Nangangahulugan lang ito na napatunayan na ng South Wizard Alliance na may sala si Marvin.

"Hindi kaya malaking tao ang nabangga niya dahil sa pagpatay sa apprentice?"

"Balita ko sangkot daw ang Unicorn family dito."

"Akala siguro ng Marvin na 'yon pwede siyang manggulo dahil mayroon siyang Ninth Month Medal. Pumalpak ang plano niya."

"Siguradong lagot siya."

.

Ito ang usap-usapan ng madla.

...

Nanatili lang nakatayo si Marvin, hindi maipinta ang kanyang mukha.

May gustong dumispatya sa kanya.

Kaya naman ganoon na lang ang galit na nadama nito.

Pero hindi siya natatakot.

Paglilitis?

Ha!

Hindi niya maiwasang mapatingin sa batang babaeng naging testigo niya.

At tulad ng inaasahan, makikita rin ang galit sa mukha nito.

Kung wala ang bata, marahil kinabahan na siya dahil wala na siyang ibang paraan para mapawalang sala siya.

Pero dahil nandito ito, dapat sana'y walang naging ano mang aberya.

Humiling siya ng isang arbitration mula sa South Wizard Alliance. Malamang ay napalitan ang tatlong arbiter na ito.

Ang hukuman ng Ashes Tower ang pagdarausan ng paglilitis ni Marvin.

Hahatulan pa rin naman ang kasi at nasa puder niya ang Master ng Ashes Tower Kaya hindi natakot si Marvin.

Nang biglang may maririnig na sigaw mula sa di kalayuan, "Kuya!"

Nagulat si Marvin. Napansin niya ang isng taonga kay-akay ng kanilang butler.

"Nagising siya kaagad?"

Napangiti si Marvin.

Nagkagulo ang mga tao sa nakita.

Alam nila ang patungkol sa nangyari kay Wayne. Lalo pa't nagpunta ng Three Ring Towers si Marvin para sa kanyang kapatid. Dahil kung hindi, wala naman siyang ibang rason para umalis sa kanyang teritoryo.

Namumutla ang mukha ni Wayne, lalo ang kanyang mga labi.

Hindi ito makapaniwala hanggang sa makarating sa harap ni Marvin.

Napatayo rin si Hanzer nang makita nito si Wayne, at agad na lumitaw sa tabi ni Wayne. "Kailangan mo pang magpahinga. Kami na ang bahala sa kaso ni Baron Marvin."

"Gusto kong makita ang kapatid ko," Pagmamatigas na sinabi ni Wayne.

Walang nagawa si Hanzer kundi tumabi.

"Tol, napatay ko ang nobya mo. Hindi ka ba galit sa akin?"

Biro ni Marvin.

Biglang namula ang mga mata ni Wayne nang makitang mag-isang nakatayo sa platform si Marvin at naghihintay ng kanyang paglilitis.

"Wag kang umiyak, wag mo kong alalahanin." Matigas na sabi ni Marvin.

"Naiintindihan ko kuya," nagngalit ang mga ngipin ni Wayne.

Tumayo lang siya habang tinitingnan ang kanyang kapatid.

Nadala ang lahat sa kanilang nasaksihan. Mahirap ang sitwasyon ng magkapatid.

Tiningnan ni Marvin si Wayne at sinabing,"

"Maghanap ka ng mauupuan. Kailangan mo magpahinga."

"Ayos lang ako."

"Wag ka mag-alala, nandito na ko, wala nang makakapanakit sayo!"

'Nandito na ko, wala nang makakapanakit sayo.'

'Sinusumpa ko sa mga dagger ko.'

Isang sumpang nagmula sa kaibituran ng kanyang puso.

Related Books

Popular novel hashtag