Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 65 - [Fang]

Chapter 65 - [Fang]

Kasabay ng paghina ng boses ng professor, isang anino ang lumitaw mula sa hamog.

Pareho ang aninong ito sa naunang lumitaw kanina.

Pero naramdaman ni Marvin ang isang malakas na kagustuhan nitong pumatay!

Hindi man lang ito gumamit ng Stealth o Hide, sa halip sumugod agad-agad!

Sa pagkakataon ito, tila naramdaman muli ni Marvin ang naramdaman niya noong kaharap niya si Black Jack!

'Siguradong kontrolado siya ng red copper dragon!'

"Ting!" At nagsagupaan na ang dalawa, agad naramdaman ni Marvin na may kakaiba sa kalaban niya ngayon.

Bukod sa taglay ng mirror image 2 na ito ang 120% ng mga abilidad ni Marvin, isa rin itong [Expert] level rin ang dagger mastery nito!

Idagdag pa na kontrolado ito ng isang dragon.

Kahit na alam naman ni Marvin na hindi naman ibubuhos ng red copper gradon ang kanyang lakas dito, at halos 10 porsyento lang ng lahat nito ang kanyang ginagamit, sapat na ito para mahirapan at matalo si Marvin.

Matalino at mabangis ang ikalawang mirror image 2.

Naiintindihan niyang malaki ang agwat nilang dalawa. Ni hindi na nito kailangan pang mag-stealth at umaatake lang agad.

Nahihirapan si Marvin dahil dito!

Kailangan niyang iwasan nang iwasan ang mabagsik na pag-atake nito.

Parehong-pareho sa laban nil ani Black Jack sa basement.

Pero sa pagkakataong ito, nakakabawi pa rin siya kahit paano. Hindi katulad noon na wala siyang magawa kundi umiwas.

Mas mabilis ang dagger ng kanyang kalaban kesa sa kanya.

Pinanghinaan ng loob si Marvin dahil dito,

Isang expert na umabot na sa sukdulan ang dexterity, ito ang kinakatakutan ni Marvin. Hindi ang isang taong matibay ang depensa, dahil kung mga Shieldbearer ito na may hindi mapapantayang depensa, kaya pa rin niyang makatakas ng walang kahirap-hirap. Pero kung isang taong may mas mataas na dexterity…

Sa tuwing papatay si Marvin, umaasa siya sa kanyang bilis. Kaya malaking problema kung mas mabilis sa kanya ang kanyang kalaban.

Dahil mawawala sa kanya ang lamang niya sa kanyang mga kalaban. At sa halip, magiging kalamangan na sa kanya ng kanyang kalaban.

"Ting! Ting!"

Tuloy-tuloy ang pagsasalubong ng curved dagger ng dalawang magkatunggali. Gumagamit na rin si Marvin ng lahat ng uri ng skill para subukang tanggalin ang mga dagger sa kamat ng kanyang kalaban. Ngunit palagi itong nakakaiwas.

Ang lahat ng ito'y dahil sa suppression.

At isa pa, ito ay maliit na prosyento lang ng battle consciousness ng dragon. Kahit hindi kapantay ito ng kay Marvin, dahil pareho silang limitado ng katawang may mababang level, mas nananaig pa rin ang kanyang kalaban!

'Ang hirap naman!'

Nagpagulong-gulong si Marvin para lumaki ang distansya nilang dalawa.

Matapos ang ilang palitan ng atake, kahit papano'y naiinitindihan na niya ang

Medyo mahirap kalaban ito.

Ang battle consciousness ng red copper dragon ang pinakang dahilan nito. Dahil kung hindi, kahit na may attribute suppression, maraming paraan si Marvin para talunin 'to.

Sa laro, sa tuwing makikipaglaban ang mga manlalaro sa mirror world, laging magic intelligence lang ang ginagamit. Pinaka malala na ang magic intelligence. Pero kailan pa nagsimula ang dragon na siya mismo ang magmanipula dito?

Hayop na 'yon!

Noong una ay plano ni Marving maabot ang master na level ng dagger mastery sa mirror world ng isag bagsakan.

Binalak pa nga niyang malampasan ang tatlong level!

Pero mukhang hindi na ito posible sa ngayon.

Sa mirror image 3 pa sana niya balak gamitin ang pinakamalakas niyang skill, pero mukhang kailangan na niyang gamitin ito ngayon pa lang.

Kung hindi, hindi niya matatalo ang mirror image 2.

Kapag ginamit niya ito, malamang ay makikita ito ng red copper dragon. At dahil dito, magkakaroon na rin ang mirror image 3 ng skill na ito…

Wala na siyang magagawa kapag nangyari 'yon.

Siya mismo ang magiging dahilan ng kanyang pagkatalo.

"Dalawang lang, dalawang palapag lang. Hindi ko inasahan 'to."

Hindi na nagdalawang-isip pa si Marvin at mabilis na nagdesisyon.

Ayaw siyang pakawalan ng mirror image 2 kaya naman agad itong sumugod muli.

Huminga ng malalim si Marvin dahil malaking bahagi na ng stamina niya ang kanyang nagamit. Kitang-kitang siya ang dehado sa laban.

'Oras na!'

Biglang nagpaikot-ikot ang mga curved dagger sa kamay ni Marvin. Hindi ito pinansin ng mirror image 2. Isang malakas nap ag-atake ang patungo sa direksyon ni Marvin.

[Shadow Step]!

Gamit ang skill na ito, pwersahang iginalaw ni Marvin ang kanyang katawan pakanan.

Ngumisi ang mirror image 2 na papalapit na!

Parehong gumamit ng [Shadow Step] ang dalawa!

Kapag parehong lang ang shadow step na skill ng dalawa, paniguradong nasa peligro ang mas naunang gumamit nito!

"Bata pa nga siya. Kawawang bata."

"Mukhang tapos na ang laban. Uwian na." Ika ng red copper dragon habang kausap ang kanyang sarili sa laban ng mirror world.

Pagkatapos gumamit ng shadow step ng mirror image 2, muntik nang masaksak ng dagger nito ang likod ng ulo ni Marvin.

Kahit na mabait ang red copper dragon at kadalasan ay hindi mananakit ng kahit anong nilalang, ibang usapan na kapag sila'y nasa loob ng mirror world.

Maiintindihan lang ng isang tao ang tunay na fighting skill sa bingit ng kamatayan.

Kaya ang sino mang humamon ay may posibilidad na mamatay.

Alam ito ng lahat ng nagsusubok pumasok.

Alam din ito ni Marvin. Nangahas siyang pumasok, at nangahas na maghamon. Kaya pinapatunayan lang nito na sigurado siya sa kanyang desisyon.

Dahil sa kabila ng lahat, hindi na ito laro; ito na ang kanyang realidad!

Wala nang bawian kapag ikaw ay namatay!

Sa isang iglap, umapak na ang kanyang paa sa lupa. Halos umikot ang kanyang paa!

Itinuon niya ang lahat ng lakas niya sa kanyang kanang paa at tumalon muli!

Ginaya niya ang shadow step!

Biglang nagbago ang posisyon ng dalawa. Napunta na si Marvin sa likuran ng mirror image 2.

Cutthroat!

Target eliminated!

"Bang! Bang!

Naging tipak ng lupa rin ang mirror image 2!

Kinilabutan ang red copper dragon na nasa labas ng mirror world!

"Paanong nangyari 'to? Anong skill ito?"

"Hmm, shadow step, napakahusay, kaya niyang gamitin ito sa magkabilang paa?"

"Nakakamangah! Haha, kailangan ko ring ilagay ito sa mirror image 3. Tingnan natin kung ilan pa ang tinatago mong alas!"

Ngunit, biglang sinabi ni Marvin mula sa mirror world, "Kagalang-galan na Red Copper Dragon, tinatapos ko na ho ang aking hamon."

"Hirap na hirap akong abutin ang ikalawang palapag, Naka-tsamba lang ako."

"At sa tingin ko, nasugatan ko ang sarili ko."

Itinuro niya ang kanyang kanang paa.

Nabugbog ang mga paa ni Marvin dahil sa sunod-sunod na paggamit ng shadow step na sinundan ng paggaya dito sa loob 24 oras.

Para siyang natapilok sa sakit ng kanyang mga paa.

Ito ang problema sa kanyang mababang constitution. Umaasa lang siya sa kanyang willpower para mailabas ang kanyang lakas. Isang malaking pasanin rin ito para sa kanya!

Hangang-hanga ang red copper dragon.

"Madiskarte ka. Mahilig ako sa mga taong madiskarte."

"Tamang desisyon lang ang hindi mo pagtuloy sa ikatlong palapag dahil paniguradong mamamatay ka."

Masaya siya ngayon kaya bigla na lang nitong ginamitan ng Treat Illness si Marvin.

Iba ang mga dragon spell sa mga common spell. May sistema silang ginagamit na hindi kailangan ng universe magic pool para makapag-cast ng mga spell. Kaya naman hindi sila naapektuhan ng pagkawasak ng universe magic pool.

Malakas ang epekto ng Treat Ilnnes. Nadama niyang bumalik ang higit pa sa kalahati ng kanyang stamina. Tila gumaling rin ang tapilok sa kanyang kanang paa.

"Salamat," buong pusong sabi ni Marvin.

Kakaunting legend lang ang madaling lapitan tulad nito.

Tunay na nag-iisa lang ang red copper dragon professor.

Sa laro, mahal na mahal ng mga manlalaro ang red copper dragong ito na may busilak na kalooban.

Nakakapanghinayang lang na noong nagkaroon ng sigalot ang professor at ang red dragon sa may bulkan, nakatanggap ng malaking pinsala ang dalawa at tinambangan pa sila ng isang god. Ang Shadow Prince. Lumilibot lang ito at lumalabas sa tuwing mayroong kaguluhan. Isa siya sa mga pinaka walang-hiyang god. Madalas niyang ginagamit ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang god para tambangan ang mga legend, pinapatay niya ang mga ito at kung hindi naman ay nagdudulot ng napakalaking pinsala. Mabibilang sa sampung daliri ang mga legend na kanyang inatake. Kasama na dito ang legend wizard ng east coast na si Anthony, ang legend wizard ng three ring towers na si Hathaway, at iba pa. Pagtapos noon, nawala na parang bula ang red copper dragon.

Hanggang sa noong nag-transmigrate si Marvin, wala siyang nababalitaan tungkol sa professor. Marahil namatay nga talaga ito sa pananambang ng shadow prince.

Nang matalo niya ang mirror image 2, matagumpay na tumaas ang kanyang dagger mastery level sa [Expert].

Kahit na hindi ito ang [Master] level na ginusto niya, masaya pa rin si Marvin sa kinalabasan ng kanyang laban.

Idagdag pa rito ang magandang premoyong ibinigay ng red copper dragon.

Isang pares ng curved daggers.

Tamang-tama dahil nangangailangan si si Marvin ng mga curved daggers.

[Fang] ang tawag sa mga curved dagger na ito.

[Fang]

Quality: Uncommon.

…..

Related Books

Popular novel hashtag