Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 66 - Slander

Chapter 66 - Slander

[Fang]

Quality: Uncommon

Attack: 7 – 13

Effect: Armor Break +4

...

Maganda ang pares ng curved daggers na ito.

Kahit papano'y maganda naman ang stats nito. Maituturing itong middle-grade dahil isa itong uncommon item. Malaking tulong ang armor break attribute nito.

Saka na niya makikita ang ibang tagong attribute nito. Kailangan ng mataas na appraisal level para makita ang mga ito. Pero base sa karanasan ni Marvin, sa tingin niya'y maganda ang materyales na ginamit para sa mga dagger na ito, mukha namang matatalas at matitibay.

Di nga lang nagamit ang mga ito ng mahabang panahon; ni hindi pa nalalangisan ang mga ito.

Matagal kasing hindi naalagaan ang mga ito. Pagkatanggap ni Marvin ng mga dagger, hinasa muna niya ito para lalong tumalim.

Binigyan din ng red scopper dragon ng isang pares ng scabbards si Marvin. Gawa sa isang di malamang material. Malambot ito at magandang paglagyan ng matalas na mga curved dagger.

Nagpahinga muna ng kaunti si Marvin sa teritoryo ng Professor bago tuluyang nagpaalam sa mabait na red copper dragon at ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay pa-hilaga.

Kalahating araw lang ang inabot ng kanyang paglalakbay mula sa bulubuduking 'yon patungo sa Moonlight Forest.

Bahagi ng Wood Elves' Kingdom ang Moonlight Forest. Mukhang nagkaroon ng kasunduan sa pagitang ng Elven Kingdom at ng mga wizard ngThree Ring Towers para gawing hangganan ang lugar na ito.

Katulad ito ng wood elven outpost sa daking timog, nagsisilbi rin itong pagitan ng mga elf at nga mga human.

Mayroong ilang half-elf na mga village ang nagkalat doon. Sa katunayan, hindi pinaunlakan nag mga half-elf ng mga elf. Tinataboy ang mga ito ng mga elf habang kakaiba naman ang pagtingin sa kanila ng mga human. Kaya naman, gumawa ang ilang nakatatandang half-elf ng sarili nilang bayan.

Ang mga elf sa Moonlight Forest ay mga merchant na inaatasang humarap sa mga pwersa ng mga human na nasa paligid. Para sa kanila maaring madaan sa usapan ang lahat.

Iba sila sa mga konserbatibong elf na naninirahan sa kaloob-looban ng elven kingdom. Hindi pa nila limot ang kagitingan at kadakilaan ng paghahari High Elven noong 2nd Era. Mababa ang tingin nila sa mga human, at tinuturing na kapantay lang ng mga gnoll at kobold.

May magandang relasyon ang Moonlight Forest at ang Three Ring Towers na nasa hilaga . Gamit ang dalawang hot air balloon, may byahe patungong Three Ring Towers linggo-linggo.

Ang mga hot air balloon ay teknolohiyang nagmula sa mga dwarf. Kinokopya at ginagawa ito ng mga wizard craftsmen ng Three Ring Towers. Araw-araw ginagamit ang mga ito sa Three Ring Towers. Parati kang may makikitang mga hot air balloon sa kalangitan.

Ito ang naiibang tanawin ng East Coast.

Medyo minalas nga lang si Marvin dahil naka-alis na ang hot air ballon ng relay station noong pagdating niya.

Wala siyang magagawa kundi intayin ang kasunod nito.

Nakabili na si Marvin ng ticket pagkatapos niyang ipakita ang baron emblem na ibinigay ng South Wizard Alliance. Wala namang naganap habang naghihintay siya.

Pagkalipas ng tatlong araw, nakasakay na si Marvin ng Hot Air Balloon patungong Three Ring Towers.

Nakarating naman siya ng Three Ring Towers paglipas ng isa't kalahating araw.

Isang Matulis na torre ang papalapit. Dahan-dahan itong lumapag sa isang malawak na lugar sa tulong ng pag mamaneho ng isang low level na wizard.

Sa wakas ay nakarating na siya sa Ashes Tower ng Three Ring Towers!

Napakalaki ng Ashes Tower, maliit na bahagi lang nito ang Magore Academy.

Sinundan ni Marvin ang mga karatula patungong MAgore Acedemy pagkababa niya ng hot air balloon.

Di nagtagal, nakarating na siya sa tapat ng Academy, ngunit kailangan pa rin niyang pumila para makapasok dito.

Mayroong status para makumpirma ang status ng bisita.

'Anong meron? Bakit napakaraming bumibisita sa Magore Academy?'

Nagulat si Marvin sa dami ng mga bisita.

Karamihan dito ay mukhang mayayaman. Maga noble siguro sila mula sa kalapit na East Coast.

Kasama ng mga ito ang kanilang buong pamilya. Bawat pamilyang nasa sampu ang miyembro ay paniguradong may kasamang bata.

'Malapit na pala ang apprentice recruitment.'

Biglang napagtanto ni Marvin. Kaya pala napakaraming tao ngayong araw. Wala siyang magagawa kundi maghintay.

Sa Magore Academy nagsisimula ang mga apprentice wizard ng Ashes Tower.

Tulad ng iba mga Academy, sila ang namamahala sa pagtanggap ng mga apprentice mula sa South Wizard Alliance na may talento sa magic. Sila rin ang naghahasa sa mga ito para maging isang ganap na wizard.

Kinailangan umalis ng White River Valley ng kapatid ni Marvin na si Wayne para mag-aral sa Magore Academy dahil sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagiging isang wizard.

Nang umuwi si Wayne pagkamatay ng kanilang ama, anim na buwan na ang nakakalipas, wala pang kakaibang napansin si Marvin noong mga panahong iyon.

Ang 9 na taong gulang niyang kapatid ay nagpamalas na agad ng talino at pag-iisip na higit pa sa inaasahang kakayanan ng mga batang ka-edad niya.

Hindi ito kailanman nagreklamo kay Marvin. Sa katunayan, sa tingin ni Marvin ay naging tampulan ng tukso si Wayne sa Magore Academy.

Maliit lang ang White River Valley, at halos hindi na nila mabayaran ang matricula ni Wayne. Lalo pa't napakamahal na class ang wizard.

'Matigas talaga ang ulo ng batang 'yan.'

Napapailing si Marvin sa tuwing naalala kung gaano na kalakas ang loob nito kahit napakabata pa.

Hindi niya inaasahan ang ganito.

Hindi ba naisip ng mga wizard na magmula pa sa lolo niya, tumanggi na ang White River Valley.

Kahit sino pa man ang may sala, sisiguraduhin ni Marvin na magsisisi siya!

Kitang-kita ang poot sa kanyang mga mata, hindi niya mapigilang hawakan ng madiin ang mga curved dagger sa kayang baywang.

Nang biglang may narinig siyang, "Yung kasunod po," mula sa checkpoint.

Ako na ba?

Agad na lumapit si Marvin.

Kaunti lang ang nagbabantay sa mga papasok na bisita. Isang apprentice wizard at dalawang fighter.

Mababa lang ang rank ng mga fighter na 'to. Mukhang level 1 lang ang mga ito at mga tauhan pa ng apprentice wizard.

Suot-suot ng apprentice wizard na 'to ang simbolo ng Magore Academy habang walang suot na simbolo ang dalawang fighter.

.

Simpleng identity inspection lang ang kailangan niyang gawin. Papapasukin niya ang mga tao basta't mapatunayan ng mga ito kung sino sila.

Malaki ang kumpiyansa ng Magore Academy. Walang sino man ang magtatangkang manggulo sa kanilang teritoryo.

"Baron Marvin ng White River Valley?"

Bahagyang napa-ngisi ang apprentice wizard.

"Oo, tama." Nanatiling mahinahon si Marvin.

Hawak ng apprentice wizard ang Baron embelem ni Marvin. na nanggaling sa South Wizard Alliance, na nagpapatunay ng kanyang pagkatao.

"Ngayon ko lang narinig ang lugar na 'yon," sabi ng apprentice wizard.

"Marami ka pang hindi alam na lugar." Sumimangot si Marvin. "Denyo, Sovaa, alam mo ba ang mga 'yon?"

Mga mapapanganib na lugar ang dalawang binanggit ni Marvin kaya natural lang na hindi alam ito ng apprentice wizard.

Hindi niya ikinatuwa ang asal na inasta ng apprentice.

"Parang kilala ako ng lalaking 'to…"

May masamang kutob si Marvin habang tinitingnan ang apprentice.

Maaaring masabing ang katauhan ng apprentice ay pareho lang sa isang resepsiyonista, kaya hindi na kailangan pang makipagtalo pa dito.

Masama talaga ang kutob niya.

Ngumingisi na ang apprentice na may hawak ng kanyang emblem.

Tama nga ang impormasyon ni Boss White. Pumunta agad ang nakatatandang kapatid nang mabalitaang may sakit ang kapatid niya.

Pero ayon kay Boss White, lagpas sa isang linggo ang aabutin ng paglalakbay papunta dito mula White River Valley. Hindi niya naisip na ganito kabilis.

'Ah basta, kailangan kong gawin ang inuutos ni Boss White.'

'Tumanggi na ang White River Valley. Patapon lang rin ang Marvin na 'to dahil hindi siya naging isang wizard. Kapag namatay ang kapatid niya, wala na siyang pag-asang umangat pa.'

'Wala namang sumusuporta sa kanya, kaya hindi ako dapat matakot. Isa pa, matutuwa sakin ang tagapagmana ng Unicorn clan. Wala na kong dahilan para magdalawang-isip pa.'

Biglang sumagi sa kanyang isip ito.

Bigla itong sumigaw ng napakalakas, "May problema ang katibayan niyo! Halatang peke ito!"

"Ang lakas ng loob mong magpanggap na isang noble?!"

"Kayong dalawa, arestuhin niyo siya!"

Nagulat ang mga tao.

Nagpanggap na noble? Hindi ba malaking paglabag 'yon sa batas? Mayroon ba talagang gagawa non?

Agad namang lumapit ang dalawa mula sa magkabilang panig.

"Hmm? May problema nga ba talaga? Ang lakas ng loob mong paratangan ako."

Naglagablab ang damdamin ni Marvin. "Tingin mo ba kaya mo akong apihin ng ganito?"

Wala na siyang sinabing iba at agad na binunot ang kanyang mga dagger!

Wala sa bokabularyo ni Marvin ang mga salitang "mapayapang pagsuko!" Maliit na bagay lang kay Marvin ang dalawang 1st rank na fighter!