Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 531 - Flames

Chapter 531 - Flames

Sa dilim ng Shadow Plane, isang anino ang nakatayo sa harap ni Marvin.

Ang biglaang paglitaw nito ang dahilan kung bakit hindi natulungan ni Marvin ang Paladin .

Nakatayo lang siya sa Shadow Plane, mahigpit na nakakuyom ang kamao, at walang magawang pinapanuod na mamatay ang Paladin dahil sa Negative Energy Ray ng Lich.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Tiningnan niya ang aninong nasa harapan niya.

Mayroong gulat sa kanyang mukha. Kahit na handa siya para sa ano mang kaganapan, nakakairitang makita siya sa lugar na ito.

Si Hathaway

Tila mas may gulang na si Hathaway kumpara noong huli silang nagkita.

Mas matangkad na rin ito. Makikita iba ang daloy ng oras sa kanya.

"Gusto mo bang magpakamatay?"

Hindi pa rin nagpapatinag si Hathaway. Matapos ang kanyang muling pagsilang, malaki ang pinagbago ng kanyang pagkatao.

Kahit na mayroong mas malakas na kapangyarihan sa kanyang katawan, at kahit na ginagawa nito ang lahat para itago ito, nararamdaman pa rin ito ni Marvin.

Para bang sasabog siya ano mang oras.

"Hindi ako pwedeng manatili dito at walang gawin!"

Nagpumiglas si Marvin, pero hindi niya matanggal ang binding effect.

Sa katunayan, nagawa niyang makapasok sa Shadow Plane at palabas na itong muli nang biglang lumitaw si Hathaway at pinigilan siya.

Hindi siya nagulat na nakakapasok ito sa Shadow Plane, dahil madali lang naman makapasok dito para sa isang Anzed Witch. Pero nagulat siyang kaya nitong gamitin ang kanyang Witchcraft sa Shadow Plane

Dahil sa pambihirang kalagayan ng Shadow Plane, karamihan ng mga skill at spell ay hindi nagagamit dito.

Marahil nakatataas ang Witchdraft kesa sa mga Shadow Plane Law, kaya naman talagang nagulat si Marvin.

"May mas mahalagang bagay na kailangan gawin."

Tiningnan siya ni Hathaway, at tiningnan ang Lich sa templo bago mabagl na sinabing, "Sinabi mo dati, na tutulungan mo ko kapag kailangan kita."

Natigilan si Marvin.

Nagpatuloy si Hathaway,"Kung mamamatay ka ngayon, hindi mo ko mababayaran."

"Kaya kita pinigilan."

"Isa pa, hindi mo kakayanin ang lakas ng kapangyarihan ng Wilderness God. Mukhang gusto mong iligtas ang batang babae at ang Paladin, pero ako na ang nagsasabi sayo, sa ilalim ng kapangyarihan ng Wilderness God, imposible mong magawa 'yon."

Wilderness God?

Natuliro si Marvin, nakabangon na ba talaga siya?

Tiningnan niya si Hathaway at tinanong, "Anong nalalaman mo? Bakit ka biglang lumitaw ngayon?

Hindi sumagot si Hathaway, at sa halip mahinahon lang na pinanuod ang nangyayari.

Sumimangot ito na tila mayroong iniisip.

Hindi naman mapakali si Marvin.

Hindi niya gusto ang pakiramdam na wala siyang magawa. Kahit na alam niyang walang masamang intensyon si Hathaway, hindi niya rin matiis na panuorin lang mamatay si Griffin at ang batang babae. Isa pa, naroon pa si Isabelle. May usapan sila na sabay silang aatake, pero bigla siyang nawala, kaya baka kung ano na lang ang gawin ni Isabelle!

Sa Templo, sa harap ng lahat, mabagsik na sinagpang ng Bone Dragon ang walang kalaban-laban na si Molly at nilunok ito nang buong-buo.

Grambol!

Tumingala ang Two-Headed Dragon at dumighay nang malakas.

Isang itim na hamog ang lumabas at ang kaawa-awang bata ay nawala na sa paningin ng lahat.

"Mahusay, Puppy."

Tumawa ang Loch, "Mauna na kayo, ako nang bahala dito."

Sa utos ng Lich, ang Two-Headed Dragon at ang Jade Banshee ay nawala sa dilim.

Habang nangyayari ito, si Isabelle na nagtatago sa gilid ay pinigil ang kanyang paghinga.

Marami siyang pagkakataon na mailigtas ang batang babae, pero pinigilan siya ng Winter Assassin.

Mahinahon rin siyang tao at alam niyang posibleng hindi rin siya magtagumpay sa mga tyansang iyon kaya pinili niyang ikuyom ang ngipin at manahimik.

'Si Sir Marvin? Saan siya nagpunta?'

Nagkaroon ng matinding tanong sa dibdib ni Isabelle.

Dahil natunton siya kanina ng Life-Severing Ivy kanina, ginamit niya ang pinakamalakas na hiding skill ng Winter Assassin, ang [Assimilation].

Umikot ang kanyang katawan sa poste at nagmukhang isa ring baging ng syan ivy.

Kahit ang kanyang awra ay naging katulad ng sa ivy!

Malinaw na sinabi sa kanya ni Marvin na siya ang unang kikilos.

Hindi man ito nakikinig sa ibang tao, pero siguradong makikinignito kay Marvin!

Dahil siya ang Masked Twin Blades.

"Pakawalan mo na kami," marahas na sabi ng Dream Shrine Cleric.

Hindi maganda ang naramdaman niya.

Ang iba pang nasa templo ay nahuli na ng Life-Severing Ivy o namatay na.

Matapos mamatay ang isa pang paladin, tatlo na lang silang natira.

Lumingon ang Lich at tumawa habang tinitingnan ang tatlo. "Sige, palalayain ko na kayo."

Pagkatapos ay may apoy na nagliyab sa dilim.

Isang mabagsik na awra ang nanggaling sa kanilang likuran!

"Rawr!"

Isang nakakatakot at napakalakas na pag-atungal ang umalingawngaw sa likod ng tatlong taga-sunod ng Dream God.

Masama ang kutob ng Cleric at agad na inilabas ang kanyang scepter, naghanda ito para gumamit ng mga Divine Spell pang depensa.

Hinanda ng dalawang Paladin ang kanilang mga espada.

Pero sa sumunod na sandali, isang matinding init ang naramdaman nila sa kanilang mga katawan.

Ang mga Legend na nakagapos sa kisame ay kitang-kita ang pag-atake ng maliliit na apoy sa tatlo.

Lumipad palaba ang mga apoy na ito mula sa mga apoy. Mayroong taglay na malakas na enerhiya at nagtalunan sa katawan ng tatlong taga-sunod.

Sa isang iglap, nawalang ng bisa ang kanilang mga Divine Spell.

Sinunog ng nakakatakot na apoy ang kanilang mga balat, saka ito nagpatuloy sa pagsunod ng kanilang laman at buto, kalaunan ay naging abo na lang ang mga ito.

Ilang segundo lang ang itinagal nito.

Nanlamig ang mga nakakita nito at pinagpawisan.

"Woosh! Woosh! Woosh!"

Tumili sa pagsunog ang apoy pero hindi pa rin ito nawala.

Sa kaibuturan ng templo, patuloy na gumalaw ang mga ivy na para bang nag-aatubili ang mga ito.

Lumapit ang Lich at nakangiting sinabi, "Wag kang mag-alala, kagalang-galang na Teacher, ibabalik kita mula sa walang hanggang kadiliman."

"Maniwala kayo sa akin."

Sinong kausap nito?

Ang Wilderness God nga ba talaga?

Hindi nagtagal, nakuha na nila ang sagot, nagpatuly sa paggalaw ang mga cyan ivy hanggang sa isang makapal na baging ang lumitaw.

Sa dulo ng baging ay isang malaking bulaklak, ang mga talutot nito ay tila gawa sa apoy.

Sa gitna ng bulaklak ay may mukha ng isang lalaki na gawa sa apoy!

Tila ito ang itsura kapag nagsama-sama ang lahat ng kasamaan sa mundong ito.

Baluktot ang reaksyon nito. Umatungal ito na tila may nais sabihin.

Hindi maintindihan ng mga naroon ang lenggwaheng ito.

Pero kinilabutan ang mga tao sa bawat salita nito.

Hindi ito dahil sa paraan ng pananalita nito, kundi dahil sa lenggwahe!

Ang Ancient God Language.

"Diyosko, tunay ngang babangon muli ang Wilderness God!"

"Pucha, bakit ba naniwala ako sa mga balita?"

"Pinlano lahat 'to ng Lich. Patay na tayo, kung mabuhay nga uli ang Wilderness God, baka maging pagkain nito ang buong Crimson Wasteland!"

Makikita ang kawalan ng pag-asa sa ukha ng mga Legend.

Sa ngayon ay para lang silang mga ordinaryong mortal dahil wala ang kanilang mga Legend Power nila kaya hindi sila makakawala sa mga Life-Severing Ivy.

Isa pa, naramdaman din nila na dahil sa paglitaw ng nagliliyab na mukhang ito, mas nasabik ang mga Life-Severing Ivy.

Mas bumilis ang paghigop ng lakas ng mga ito!

Noong mga oras na iyon, isang taong nakasabit at hindi gumagalaw ang nagmulat ng kanyang mata!

"Gusto ko ang mga talutot na 'yon."

Sa Shadow Plane, itinuro ni Hathaway ang mga tumitibok na talutot sa gilid, makikita ang pagkasabi sa mukha nito.

"Ito ang avatar ng Wilderness God. Kahit na wala pa 'tong kamalayan ng pangunahing katawan nito, makapangyarihan pa rin ito. Pero wag kang mag-alala, aalis din iyan."

"Hindi madali para kay Bandel ang buhayin muli ang Wilderness God. Ilang taon nang nasa bingit ng kamatayan ang Wilderness God, at iniingatan nito ang isang baga para muling sindihan ang kanyang Divine Fire. Pagkatapos nito ay kakailanganin nito ng malaking halaga ng kapangyarihan para suportahan ang sarili nito. Iyon ang dahilan kung bakit maraming Legend powerhouse ang ipinasok niya rito. Hindi pa tapos ang Sacrificial Ground."

"Nakikita mo ba ang mga taong 'yon pati na ang mga low level Divine Servant sa kisame? Hindi sila pinatay ng Wilderness God dahil alam niyang magbabalik siya balang araw."

Sumimangot si Marvin habang nakikinig, "Iyon ang gagawin niyang pagkain."

Tumango si Marvin habang nakaturo kay Marvin. "Kasama ka na doon."

Nagkibit-balikat si Marvin. Naiiba siya sa mga ito, mayroon pa siyang tinatagon alas. Wala naman problema sa kanya ang pagtawag sa lolo niyang Archdevil sa oras ng pangangailangan. Mapanganig man ang Wilderness God, pero ang isang nilalang na namamahala sa Nine Hell ay halos ka-level ng mga pinakamalalakas na nilalang sa Universe.

At kahit na ayaw ni Marvin na magkaroon ng masyadong koneksyon dito, habang mahina pa siya, kung tama ang magiging desisyon niya, walang problema sa kanya na subukan ito.

Gayunpaman, ang Crimson Wasteland ay hindi Feinan, kaya hindi malalagay sa panganib ang mga tao sa Feinan kapag nag-summon siya ng Archdevil dito

Pero hindi niya ito sinabi, at mahinahon lang na sinabi kay Hathaway, "Anong kailangan kong gawin?"

Walang kibo naman na inabot ni Hathaway ang isang garapon kay Marvin.

Sa templo, nagsimula nang makipag-usap ang nagliliyab na mukha at ang Lich.

Kalaunan ay nakabuo na ng kasunduan ang nagliliyab na mukha at ang Lich. Tumalon ito mula sa mga talutot at naging isang napakaliit na apoy bago tumalon papasok sa isang maliit na lampara na hawak ng Lich.

Mukhang simple at ordinary lang ang lampara na ito, pero isang treasure item lang ang makakapaglaman ng nakapa-init na apoy.

"Iiwanan ko ito dito para sayo."

Masayang nagsalita sa kadiliman ang Lich, "Umaasa ako na kapag nagbalik ka na, magiging mas makapangyarihan ka pa at bigyan si Teacher ng perpektong katawan."

Sa sumunod na sandali, mayroon itong inabot mula sa void.

"Woosh!"

Si Isabelle na nagtatago sa gilid ng pillar, ay muli na naman natunton at direkta nang nahuli ng Lich.

"Isa pang talentadong batang babae."

Malumanay na nagsalita ang Lich, "Maganda ang timpla ko ngayon, kaya hahayaan kitang bumalik sa pagiging manonood."

Kasunod ng pagtawa nito, nawala na ang dalawa sa templo, at nagsimulang yumanig ang buong templo.

Hindi mabilang na mga Life-Severing Ivy ang bumukas, makikita ang madugong mga bunganga nito, at walang habas na dumamba sa kanilang "pagkain" na nasa kisame!