Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 532 - Thief

Chapter 532 - Thief

Nang makita ang napakaraming Life-Severing Ivy, nawalan na ng pag-asa ang mga Legend.

Humigpit ang pagkakapulupot ng mga cyan ivy sa kanilang mga katawan, kaya mas bumilis angpaghigop ng lakas ng mga ito. Pahina na nang pahina ang mga Legend.

Pero bigla na lang may isang malakas na boses ang umalingawngaw, "Mga kasama! Bumalik na ang mga Legend Law!"

Natigilan sa pagkagulat ang mga Legend at tiningnan kung saan nagmula ang boses.

.

Isang itong malinis na lalaking mapungay ang mga mata. Mayroong ilang baging ng ivy sa kanyang katawan pero hindi nagtagal ay nakakawala siya mula dito.

"Minsk!"

"Si Minsk nga! Nakakita ako ng larawan niya dati! Hindi siya namatay!"

Bahagya silang natuliro bago mulin natauhan. Dahil nakalaya na si Minsk mula sa mga ivy, ibig sabihin magagawa na rin nila ito!

Lalo pa at kahit na malakas si Minsk, nakulong din ito sa Wilderness Hall sa loob ng ilang taon. Kaya dapat ay malaki na ang ibinaba ng kanyang lakas

Kung tama siya tungkol sa pagbabalik ng mga Legend Law, kampante na ang mga ito na makakakawala sila mula sa mga Life0Severing Ivy.

Iba't ibang uri ng liwanag ang lumiwanag sa kisame. Ang mga nabihag na Legend ay mayroong kanya-kanyang pamamaraan para pakawalan ang kanilang mga sarili.

Matapos itong subukan, nalaman ng lahat na tunay nga ang sinasabi si Minsk, nabalik na nga talaga ang mga Legend Law!

Pero biglang nagbago ang kanilang mga mukha.

Sa gitna ng napakaraming ivy, lumapit ang bulaklak na mayroong naglalagablab na talutot.

Kahit na wala na ang mukha ng lalaki dito, mayroon pa ring nakakatakot an kapangyarihan ang bulaklak.

Mabilis itong lumapit mula sa gilid, ang mga talutot nito ay umiikot na parang scythe ng Grim Reaper at dinambahan ang isang Legend na sinusubukang pakawalan ang sarili.

Hindi na nakaiwas ang Legend at nilamon siya ng bulaklak!

Patuloy na naglagablab ang apoy kasabay ng paghiyaw ng Legend mula sa loob ng bulaklak. Pero mabilis na tinapos ng bulaklak ang pagtunaw dito at pinunterya na ang susunod na bibiktimahin.

Nagpatuloy rin ang mga ivy na dambahan ang mga Legend gamit ang kanilang madudugong bunganga.

Sinusubukan hilahin ng mga ito ang mga Legend patungo sa bulaklak!

Pero mas humirap na ito ngayon. Noong wala ang mga Legend Law, madali lang sigurong matatalo ang mga Legend, pero ngayon na nagbalik na ang mga ito, mahirap na silang kalabanin.

Mayroong Barbarian na pwersahang pinira-piraso ang dalawang Life-sSevering Ivy na kumakagat sa kanya habang gumawa siya ng daan palabas.

Dahil sa pagbalik ng kanyang kapangyarihan, nagawa niyang patigasin ang kanyang katawan para labanan ang mga pag-atake.

"Haaaa!" Sigaw ng Barbarian habang binubunot ang mga ivy na nasa kanyang paligid.

"Wooosh!"

Maliksi naman itong bumaba muli sa sahig.

Makikita ang galit sa kanyang mukha habang patuloy siyang nagmumura. "Ang putanginang Bandel na 'yon, papatayin ko siya…."

Pero bago pa man siya matapos magsalita, may apoy na tumama sa kanyang likuran!

"Pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo."

"Pagkain ko kayo!"

Dinambahan ito ng bulaklak, at agad naman na nalugmok sa kalituhan ang Barbarian!

Kahit na bumalik na ang Legend Law, hindi pa rin niya ito nalabanan!

Ang bulaklak na iyon ang pinakahamahalagang bahagi ng avatar ng Wilderness God!

Mayroong matatalim na ngipin sa dulo ng mga talutot nito at sa tulong ng apoy, umiikot ang mga ito na para bang chainsaw, at nahati sa dalawa ang Barbarian.

"Glug."

Mala-impyerno ang eksenang nagaganap dahil sa malakas na tunog ng paglunok nito, ang nag-aapoy na mga talutot, at ang mga matinik na ivy. Ang pag-asang nabuhayan sa puso ng mga Legend ay agad rin nawala.

Kahit na karamihan sa kanila ay nakalaya na sa pagkakagapos, wala pa rin silang paraan para makalabas sa templo!

Mabagal rin ang pagbalik ng kanilang kapangyarihan.

Isa pa, ang ilan sa mga hindi pinalad ay pinira-piraso na ng mga ivy at dinala sa bulaklak. Nilamon ang mga ito at ginawang pagkain.

Ang mga ligtas naman na nakabalik sa ibaba ay nagtipon sa paligid ni Minsk.

Pero ang kapaligiran nila ay napuno namang ng mga Life-Severing Ivy!

At naroon pa ang mapanganib na bulaklak ng apoy!

Patuloy nilang naririnig ang bulong ng Wilderness God sa kanilang tenga:

"Wala na kayong magagawa! Magiging pagkain ko na kayo!"

Nanlumo ang mukha ni Minsk, at mukhang nanghihina ito. Kapag biglang sumugod ang mga ivy, siguradong mabubutasan ng mga ito ang kanilang depensa. Pero biglang mayroong mababang pag-chant na nagmula sa itaas.

Nagningning ang mga mat ani Minsk na tila mayroong naalala.

Kasunod ng chant, bumagal ang pagkilos ng cyan ivy, at naging mala-pagong nag mga ito.

Tiningnan ng lahat ang babaeng lumitaw, lahat sila ay nagulat.

Nakatakip ang mukha ni Hathaway. Mayroon itong suot na sumbrerong patulis at nakasuot ng kulay lila na balabal.

Malumanay at banayad ang boses nito, pero ang chant nito ay may kapangyarihang hindi malalabanan.

'Ancieng God Languag? Hindi…. Ito ay Anzed Language…'

'Witchcraft?'

Huminga nang malalim si Minsk.

Isang malamlam na liwanag ang lumabas sa mga mata nito habang iniisip na, 'Ang mga pangyayari noong taon na iyon ay tunay nga na may kinalaman sa mga Anzed Witch. Ang kasunduan sa pagitan nila at ng Moon Goddess… ito na ba ang takdang panahon?'

Malaki naman ang pasasalamat ng iba sa pagdating nito.

Malaki ang naitulong sa kanila ng pagdating ni Hathaway, pinigilan at pinahina nito ang karamihan ng mga Life-Severing Ivy.

Ang karamihan ng mga natitirang Legend ay maaaring isang napakalakas na powerhouse gaya ni Minsk na ilang taong sumailalim sa pagppahirap pero mayroon pa ring natitirang lakas, o ang mga powerhouse na kararating lang sa Wilderness Hall at wala pang gaanong lakas na nakukuha sa kanila. Kaya naman kaya pa nilang lumaban.

Basta mayroon silang pagkakataon, iipunin nila ang kanilang lakas at lalaban sila.

"Woosh!"

Kumislap ang mga espada, at nagpakawala ng mga spell.

Hindi nagtagal, nagtulong-tulong ang mga powerhouse para dispatyahin ang napakaraming cyan ivy.

Tila labis naman nagalit ang naglalagablab na bulaklak dahil sa paglaban ng kanyang mga pagkain.

Lalong lumakas ang mga apoy nito at halos masunog na ang lahat ng ivy sa paligid nito.

"Sino ka?! Paano mo napigilan ang kapangyarihan ko?" Atungal ng masamang bulaklak. "Ang lakas ng loob mong magnakaw ng kapangyarihan mula sa Wilderness God!"

"Magnaka?" Ngumisi si Hathaway, "Solog, matapos mong matulong nang napakaraming taon, nakalimutan mo na ba kung sino ang tunay na magnanaka?!"

"Matapos mong nakawin ang kapangyarihan ng mga Anzed, hindi mo ba naisip na balang araw ay iiwan ka ng kapangyarihang ito na hindi mo naman pag-aari?"

"Ito na ang araw ng paghihiganti!"

Pagkatapos sabihin ito, lalo pang lumakas ang kanyang pag-chant.

Isang ilusyon ang lumitaw sa kanyang katawan.

Sa ilusyon, hindi mabilang na mga babae na nakasuot ng damit ng Witch ang nakaluhod sa lupa, at matapat na sumasamba.

Ang mga Witch ay nakaharap sa isang madilim na lugar, at sa gitna nito, isang bulaklak ang lumitaw mula sa lupa at namukadkad!

Ang bawat talutot ng bulaklak ay magkakaiba ang kulay.

Umalingawngaw sa buong Wilderness Hall ang pag-chant ng mga ilusyong Witch.

Nararamdaman ng lahat na pinahihina nito ang mga cyan ivy.

"Hindi… Kapangyarihan ko 'to!" Sigaw ng Wilderness God.

Noong mga oras na iyon, isang anino ang lumitaw sa likod ng nag-aapy na bulaklak.

May hawak itong garapon, at banayad ang pagkilos nito.