Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 492 - Eisengel [Two in One]

Chapter 492 - Eisengel [Two in One]

Hindi nakampante ang lalaking nang makita ang reaksyon ni Marvin, sa halip, mas lalo itong naging alisto.

Sa pagkakaalaam niya, ang lahat ng mga baguhan ay alam na dapat ang mga patakaran bago pa man sila sumali sa Crimson Battlefield.

Malinaw na mayroong mali sa lalaking ito na bigla na lang lumitaw sa isang sensitibong lugar.

Lalo na sa sa panahon ng kaguluhan.

Nanginig ang braso ng lalaki, at tsa isang iglap ay tila naging isang ilusyon habang umaatake ito!

Sumimangot si Marvin.

Tunay na mapanganib ang Crimson Wasteland. Wala pa siyang ginagawa ay inatake na siya ng lalaki!

Pero hindi siya duwag. Aminado si Marvin na malakas ang lalaking nasa harapan niya, pero kampante pa rin siya.

Shadow Step!

Sa harap ng mabilis na pag-atake ng kanyang kalaban, walang kahirap-hirap na umiwas si Marvin.

Nagagawa pa rin niyang malamangan ang kanyang mga kalaban dajil sa kanyang Godly Dexterity.

Agad siyang gumamit ng reverse slash, pero narinig niya ang tunog ng pagsalag ng kanyang kalaban sa kanyang pag-atake.

'Mabilis ang reaksyon niya!' sabi ni Marvin na tila nabigla.

Napakabilis ng lalaki na ito, pero kapansin-pansin ang bilis ng reaksyon nito!

Gumamit siya ng iisang one-hand weapon, at wala itong ibang hawak sa kanyang kabilang kamay Sa ganoong paraan, umatake man siya o dumepensa, madali niyang maimamaniobra ang kanyang sandata.

Alam naman ng lahat na ang mga long weapon ay dehado sa mga malapitang melee battle.

Kakaunti lang ang mga taong mabilis ang reaksyon sa kanyang Shadow Step na agad sinundan ng kanyang reverse slash. Maaaring makailag ang isang expert pero malalamangan ni Marvin ang kanyang kalaban kapag ginawa niya iyon.

Subalit, nasalag ng kanyang kalaban ang kanyang pag-atake.

Ang bilis ng reaksyon nito at ang matinding kontrol nito sa kanyang katawan ay pambihira.

Hindi pa man umaabot sa Godly Dexterity ito, pero sigurado siyang hindi ito bababa ng 27.

Bibihira itong maabot ng mga pangkaraniwang tao lalo pa at wala silang Essence Absorption System gaya ni Marvin.

Pareho silang naka-atkae at pareho rin nilang nasalag ang mga ito.

Mas lamang ang mga twin dagger ni Marvin sa isang melee battle kaya naman nanatili lang siyang malapit sa kanyang kalaban.

Malinaw na nauunawaan din ng kanyang kalaban ang punto na ito Sinubukan nitong lakihan ang distansya sa pagitan nil ani Marvin, pero ang bilis at reaksyon ni Marvin ay nasasabayan ang bawat kilos nito.

Matagal din naglaban ang dalawa, wala sino man sa kanila ang nakalamang sa kanilang kalaban.

Hindi pa inilalabas ni Marvin ang kanyang tunay na lakas dahil hindi pa rin niya lubusang nauunawaan ang sitwasyon.

Habang ang kalaban naman niya ay tila nagpipigil din. 'Snusukat niya siguro ang lakas ko.'

Habang iniisip ito, biglang umatras si Marvin at siya na ang kusang dumistansya sa kanyang kalaban.

"Kararating ko lang sa Crimson Wasteland. Hindi malinaw sa akin ang tungkol sa mga faction," mabilis niyang sinabi.

Unti-unti naman huminahon ang mga naka-umbok na ugat sa braso ng kanyang kalaban.

Matagal at eryoso nitong tiningnan si Marvin bago biglang sinigaw, "Red Witch?!"

Bilang tugon, isang mapulang anino ang unti-unting lumiaw sa malawak na talahiban.

Nanginig si Marvin. Napakahusay ng hiding skill ng babaeng ito. Kahit na medyo malayo siya, nakakamangha pa rin na nakalusot ito sa perception ni Marvin.

Isang babaeng maganda ang hubog ng katawan at nakapulang damit ang lumitaw sa pagitan nina Marvin at ang lalaking may malaking peklat.

Makapal ang kolorete nito sa mukha at pulang-pula ang kanyang mga labi!

Tumingin ang Red Witch at sinabing, "Isang Impure Human na mayroong bloodline ng Devil…"

Iwinasiwas ng lalaki ang kanyang sandata at ngumisi, "Ibig sabihin isa siyang espiya galing sa [Devil Pond]?"

Mukhang handa na ito umatake habang sinasabi ang mga salitang ito.

Pero pinigilan siya ng Red Witch. "Sandali lang, Ronan!"

"Sinundan ko ang bakas ng Teleportation Gate na ginamit niya. Isa na namang hindi nanggaling sa Crimson Wasteland."

Sumimangot si Ronan at ipinilit, "Hindi kaya gumagamit ang mga Devil ng isa pang plane bilang lagusan? Nangyari na to sa [Eisengel] dati."

Umiling ang Red Witch, "Mukhang malabo ang sinasabi mo. Di ako naniniwalang magagawang daanan ng mga Devil ang plane na iyon."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ronan.

"Ang ibig kong sabihin, nanggaling siya sa prime material plane, sa Feinan." Seryosong sabi ng Red Witch.

Nanlaki ang mga mat ani Ronan.

Nagkibit-balikat lang si Marvin. "Mukhang hindi man lang tumagal ang pagiging spy ko at agad na natanggal ang pagdududa niyo."

Nag-isip sandal si Ronan bago niya ibinaba ang hawak niyang sandata at sinabi kay Marvin, "Normal lang na hindi agad mapakibagayan ng mga baguhan ang ganitong bagay."

"Masasanay ka rin kapag nangyari na 'to sayo nang ilang beses."

"Lalo pa't [Crimson Wasteland] ang tawag sa lugar na 'to."

Naglakad ang dalawang lalaki sa talahiban.

Nanatiling nakatago ang Red Witch. Ayon kay Ronan, ang babaeng ito ay hindi basta-basta ipapakita ang kanyang sarili.

Si Ronan at ang Red Witch ay mag-partner. At syempre, hindi naman nila kusang pinili ang isa't isa. Tinalaga sila ng kampo para magtulungan.

Ang kampong pinag-uusapan nila ay tinatawag na [Eisengel] at ito ang punong himpilan ng mga Human sa Crimson Wastelang.

Ang Crimson Wasteland ay isang nakakatakot ng kalupaan na puro patayan. Maraming iba't ibang uri ng nilalang doon, mula sa mga Angel at mga Demon, mga Evil Spirit at mga Beast, at syempre, ang mga Human ang pinakamarami.

Ang mga Human ay mga powerhouse na nagmula pa sa bawat sulok ng Universe. Bibihirang makakita ang sino mang mas mababa sa Legend rank sa lugar na ito dahil siguradong mamamatay ito kaagad.

At kahit na ganoon, ang estado ng mga tao sa Crimson Wasteland ay pabago-bago. Kailangan nilang magtulungan at protektahan ang isa't isa.

Ang Eisengel ang pinakamalaking kolonya ng mga tao sa lugar na iyon.

Ang Eisengel at ang ilang mga grupong nakapaligid dito, ang Devil Pond, Mushroom City, at ang Dark Abyss, ay magkaka-away.

Kung magkaharap ang dalawang panig sa kasukalan, siguradong maglalaban sila hanggang kamatayan.

Ang pakikipaglaban ang tema ng Crimson Wasteland.

At ang pagkakaroon ng mga kampo ang nagbibigay sa mga powerhouse ng lugar para magpahinga sa pagitan ng mga labanan.

Ang Eisengel ay nagmula sa pangalan ng nagtatag ng lugar na ito, ang Legend Wizard na si Eisengel. Ang malawak na bukid ng dayami ay umaabot sa higit anim na daang libong square kilometer ang laki at naitatago nito ang daan papasok sa kampo.

Sina Ronan at Red Witch ang isa sa mga patrol ng Eisegnel. Nang makilala nila si Marvin, nasa huling araw na sila ng kanilang pagpapatrol.

Pagkatapos ng araw na ito, babalik na sila sa Eisengel para iulat ang mga natuklasan nila.

Binibigyan ng kampo ang mga miyembro nito ng proteksyon at ng mga impormasyon kailangan ng mga ito, pati na rin isang plataporma ng komunikasyon. Pero sino mang sasali sa isang faction ay kailangan magserbisyo at magkaroon ng kontribusyon dito.

Halimbawa na lang nito ay ang pagpapatrol o ang pagkumpleto ng mga misyon ng inilalabas ng camp.

Kahit na nakakabagot ang pagpapatrol at napakatagal nito, mas ligtas naman ito.

Ang mga misyon na nilalabas ng kampo ay mapapanganib. Kahit ang mga Legend powerhouse ay sineseryoso ang mga ito at hindi minamaliit.

Lalo pa at kakaunti lang ang mga Legend sa madugong lupain na ito.

Nang marinig ni Marvin ang mga sinabi ni Ronan tungkol sa kampo, biglang napaisip si Marvin.

Mas kumplikado pa pala kesa sa kanyang inaakala ang istruktura ng Crimson Wasteland.

Walang ibinigay na impormasyon ang mg Druid sa kanya tungkol sa kampo na ito. Pero hindi naman niya masisisi ang mga ito.

Dahil ang hawak na impormasyon ng Migratory Bird Council ay nasa 300-400 a daang taong gulang na ang tanda.

At ang proporsyon ng pagdaloy ng oras sa Crimson Wasteland ay 1:6. Ang dalawang linggong ipinangako ni Marvin sa Feinan ay nasa labing dalawang linggo dito. Halos tatlong buwan.

Noong una ay naisip niya na marami siyang oras at pwede pa siyang tumugis ng ilang Divine Servant para lumakas ang kanyang kapangyarihan. Pero tila hindi ito kasing simple ng inakala niya.

Kailangan niya munang makita ang Eisengel.

Matapos kausapin ni Ronan si Marvin tungkol sa mga simpleng bagay, nanahimik na lang ang dalawa.

Ang impormasyon ay tinuturing na mahalaga sa loob ng kampo. Dahil baguhan lang si Marvin, kailangan sabihin sa kanya ng mga dati nang miyembro ang ilang mga patakaran habang ang iba pang impormasyon ay kailangan na niyang bilhin

Ang Blood Essence Stone ang ginagamit na pera sa Eisengel. Ang ganitong uri ng bato ay espsesyal na produktong ginagawa ng Crimson Wasteland at naglalaman ito ng pinakapuro na uri ng enerhiya na maikukumpara sa Divine Source.

Sadayang ang nilalaman na enerhiya ng Blood Essence Stone ay mas kaunti kumpara Divine Source ng mga God.

Sinasabi ng ilang Legend na kaya gumagawa ng Blood Essence Stone ay dahil ang digmaang nagaganap noon ay naging dahilan ng pagbagsak ng napakaraming mga God.

Matapos mamtay ng mga God, humalo ang kanilang dugo at Divine Source sa lupa, kaya nabuo ang mga Blood Essence Stone.

Sa madaling salita, mahirap na si Marvin sa isang hindi pamilyar na lugar.

Kaya naman bahagya siyang naging hindi komportable, pero nakaramdam din siya ng pagkasabik.

Marahil, sa kaibuturan ng kanyang pagkatao, muling nabuhay ang pagkahilig ni Marvin sa pakikipagsapalaran.

Ang daan papasok ng Eisengel ay malalim ang pagkakatago sa malawak na talahiban. Ang bawat miyembro ng kampo ay alam ang password.

Matapos tanggalin ang isang scarecrow, isang weasel ang tatalon palabas.

May itatanong ang weasel, at kapag narinig niya ang tamang sagot, saka niya lang bubuksan ng daan papasok ng Eisengel.

Oo, ang Eisengel ay nakatago sa underground, at napapalibutan ito ng napakaraming mga spell. Kaya naman hindi rin nakakapagdulot ng matinding pinsala ang mga kalaban sa mga nanghihinang Human.

Sa tuwing babaguhin ng Eisengel ang kanilang password tanging mga tunay na member lang ang makakaalam ng tungkol dito.

Sinasabi dawn a noon ay may makapasok na espiya sa Eisengel na nagdulot ng matinding kaguluhan. Muntik na itong masakop ng mga Demon ng Abyss. Kaya naman ang Eisengel ay naging mahigpit sa pagbabantay ng mga taga-labas.

Pumasok si Marvin sa pangunguna nina Ronan at ng Red Witch.

Matapos silang maglakad ng sampung minuto sa napakahabng lagusan, dinala si Marvin sa isang kwarto kung saan kinukwestion ang mga tao.

Doon, maraming tinanong ang isang matandang lalaki na nakasuot ng magarang salamin kay Marvin na umabot ng tatlumpung minuto.

Habang nangyayari ang pagtatanong, mayroong Wizard na eksperto sa Divination ang nakatalaga para alamin kung nagsisinungaling si Marvin.

Natural naman na hindi makapagbigay ng sagot si Marvin sa ilang mga katanungan. Lalo pa at lahat ng tao ay mayroong kanya-kanyang sikreto. Sa kabuoan mahusay ang ginawa ng Eisengel sa bagay na ito.

Matapos masigurong hindi banta si Marvin sa kampo at tunay nga na kakampi siya ng mga Human, binigyan nila ito ng maliit na medalyon.

Ang medalyon na ito ay mayroong pangalan ni Marvin at sinisimbolo nito na si Marvin ay isang bagong miyembro ng Eisengel.

Matapos umalis sa kwarto kung saan siya tinanong, dinala naman si Marvin sa isa pang kweba.

Doon, ang isang taong may kapansanan, na mahusay sa pagpapaliwanag ng mga patakaran sa mga baguhan, ang mabilis na sinabi kay Marvin ang mga patakaran na ito.

Paglipas ng dalawnag minute, malaya nang nakapaglakad si Marvin sa underground Eisengel.

Hindi man ang Eisengel ang pinakamalaking siyudad na Nakita ni Marvin, ito naman ang pinakaligtas.

Kahit saan man siya magpunta, nararamdaman niya ang mayabong na arcane energy.

Napakaraming spell array ang patuloy na ginagamit, at binabantayan naman ng Wizard's Eye ang bawat sulok ng lugar naito.

Marahil dahil isang Legend Wizard ang nagtatag ng Eisengel kaya marami-rami rin ang mga Wizard dito.

Ang mga Wizard ng Crimson Wasteland ay nagmula sa mga Secindary Plane. May kanya-kanya silang rason kung bakit sila nagpunta rito, at ang ilan na hindi pa Legend na nagpunta rito, kalaunan ay naabot na rin nila ang Legend Realm.

Masasabing ang mga taong ito ay mas malakas ang willpower at mas madiskarte kumpara sa mga powerhouse ng Feinan.

Nagikot-ikot si Marvin at mas naunawaan naman niya ang Eisengel.

Hindi malaki ang underground na siyudad, na mahihinuha na dahil tinatawag nila itong "kampo".

Sa madaling salita, isa itong mas maliit na bersyon ng isang bayan. Kahit na nagtitipon-tipon ang mga Legend sa iba't ibang sulok ng Universe sa Crimson Wasteland, kakaunti lang ang mga Legend at hindi lang naman ang Eisegnel ang tanging lugar kung saan nagtitipon ang mga Human.

Base sa sinabi ng taong may kapansanan, ang lugar na ito ay mayroong 300-350 na taong naninirahan dito buong taon.

Pero hindi dapat maliitin ang bilang na ito. Ang lahat ng narito ay mga Legend powerhouse. Bilang lang ang mga taong hindi pambihira ang lakas.

Tulad na lang ng matandang lalaking nagpaliwanag na mga patakaran kay Marvin. Dati siyang makapangyarihang nilalang, pero dahil sa espesyal na rason, retirado na siya at ngayon ay nagtatrabaho na alng siyang bilang depensa ng kampo.

Kailangan pa rin lumaban ng lahat.

Nahahati pa sa limang bahagi ang Eisengel:

[Commercial District]: Matatagpuan ito sa dakong hilagang silangang bahagi ng Eisengel. Hinihikayat nito ang malayang kalakalan at walang buwis dito. Karamihan ng transaksyon ay sa pamamagitan ng barter. Kahti na ang Blood Essence Stone ay maaaring gamtin para bumili ng ilang bagay, mahirap makakuha ng mgagandang item gamit ito.

[Resting District]: Ito ang ilang tirahan ng mga tao na matatagpuan sa dakong timog na bahagi ng underground na siyudad. Sapat na ang lugar na ito para makapagpahinga ang karamihan, pero hindi ganoon kaganda ang kondisyon nito.

[Announcement and Accounting District]: Ang lugar sa kampo kung saan naglalabasng mga misyon sa pagpapatrol at iba pa. Ito rin ang lugar para kunin ang pabuya sa pagtapos ng mga misyon.

[Warehouse]: Ang warehouse ng Eisengel ay nakatago, at tanging ang mga nakaataas lang ng lugar na ito ang makakapagbukas nito.

[Eisengel Square]: Isang malawak na lugar na mayroong mga pasilidad para sa pag-aaliw at mga kainan.

Bukod sa limang ito, hindi na gaanong kahalaga ang iba pang bahagi.

Napansin ni Marvin na ang lahat ng makasalubong niya ay alistong-alisto.

Kahit na sinasabing ligtas ang Eisengel, tila hindi ganito ang tingin ng mga tao dito.

Ang pangunahing prayoridad ni Marvin ay para mahanap ang sarili niyang lugar sa Crimson Wasteland.

Mayroong siyang hawak na mapa na magagamit niya sa paghahanap sa Half-God na si Minsk.

Pero may sira na ang mapa. Kakaunti na lang ang mga palatandaang natira dito, at hindi na ito sasapat.

Ibig sabihin kakailangan nin niyang makakuha ng panibagong mapa ng Crimson Wasteland.

Mabuti na lang, mayroong kaparehong mapa ang matatagpuan sa Eisengel.

Sa kasamaang palad, hindi ito libre.

Related Books

Popular novel hashtag