Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 493 - Demon Wizard

Chapter 493 - Demon Wizard

Ang malamig na hanging umiihip sa malawak na talahiban ay nakakatakot.

Makulimlim ang kalangitan, at kung titingin ang isang tao sa lupa, ang makikita nila ay ang nakakatakot na pulang kulay.

Ito ang Crimson Wasteland.

Mabilis na umaalis si Marvin sa dulo ng talahiban, mag-isa.

Ngayon ay mayroon na siyang simpleng mapa sa kanyang isipan. Kasama sa mapang ito ang topograpiya ng Eisengel at ang lugar sa dakong hilagang-silangan.

Sa Eisengel, ang lahat ng bagay ay kailangan pagbayaran. Kung gusto ni Marvin ng kumpletong mapa, dahil baguhan siya, hindi niya ito magagawa.

Kailangan niyang makakumpleto ng misyon.

Saglit siyang nag-isip at nagdesisyon na para hindi masayang ang kanyang oras, kukuha siya ng mahirap na misyon.

Ang rason kung bakit tinuturing na mahirap ang misyon na ito ay dahil kahit dalawang linggo na itong nakapaskil sa pisara, wala pa rin nakakatapos nito.

Isa pa, kakaunting tao lang ang interesado sa misyon na ito kahit na ang kapalit nito ay umaabot sa 30 Blood Essence Stone.

Matapos makipag-usap ni Marvin sa namamahala sa mga misyon, nagawa niyang makipagnegosasyon at makakuha ng beginner toolbag ng Eisengel bilang bonus.

Kadalasan, ang mga bagihan ay magkakaroon ng mga benepisyo kapag natapos nila ang kanilang unang gawain para makatulong sa kanila.

Kailangan lang tapusin ni Marvin ang isang beginner patrol mission para makakuha ng kumpletong beginner toolbag.

May tatlong bagay na nilalaman ang toolbag: Dalawang mapa, isang mapa ng Crimson Wasteland at isang mapa ng kapaligiran ng Eisengel. Isang instant teleportation scroll na maaaring gamitin para makabalik sa Eisengel kung nasa isang kilometro na lang ang layo nila dito. At panghuli, isang maliit na balabal na nakakapagtago ng awra ng gumagamit nito.

Simple lang namang ang pagpapatrol ng mga baguhan. Kailangan lang nilang magpatrol sa long ng Eisengel, pero matagal ito, kadalasan ay umaabot ito ng dalawang linggo.

Balak lang ni Marvin manatili sa Crimson Wastelang nang hindi hihigit sa labing dalawang linggo kaya bakit siya mag-aaksaya ng oras sa isang pagpapatrol?

Kaya naman, pinili niya ang mas mabilis na paraan.

Kahit na ang misyon na ito ay medyo mahirap.

Isang masukal na kabundukan ang nasa hilagang bahagi ng talahiban ng Eisengel.

Ang mabagsik na lugar na ito ay puno ng napakaraming spatial crack at void whirlpool. Kung mayroong lilipad sa bulubunduking iyon, siguradong mahuhulog ito isang spatial crack o sa isang void whirlpool, at mapupunta ito sa isang hindi tiyak na lugar sa Universe.

Kaya naman, gumawa ng daan ang mga tao sa Crimson Wasteland.

Tinatawag na [Withered Leaf Promenade] ang lugar na ito.

Base sa nakita niya sa mapa, kinokonekta ng Withered Leaf Promenade ang Eisengel at ang Black Hill Swan sa daong hilaga, at isa itong mahalagang daan ng komunikasyon.

Pero kamakailan lang ay mayroong mga halimaw na lumitaw doon.

Ang mga halimaw na ito ay mula talaga sa Crimson Wasteland.

Ang mga tao dito ay pamilyar sa mga halimaw dito. Kabilang na dito ang mga Shriveled Zombie, mga Blood Puppet, mga Troll, at iba pang mga katulad na nilalang.

Pero sa pagkakataong ito, ilang Abomination at Trapper ang lumitaw sa grupo ng mga halimaw na iyon.

Unang nadiskubre ng isang patrol ang abnormalidad na ito at tinala ito saka ibinalita sa kampo.

Pagkatapos, isang misyon ang inilabas para sa masusing pag-iimbestiga dito..

Pinadala ng kampo ang dalawa sa pinakamalakas nilang scout para imbestigan ang mga Abomination at Trapper na nasa likod nito.

At hindi nagtagal ay nakuha nila ang kasagutan.

Mayroong isang maliin na kanyon sa Withered Leaf Promenade.

Noon ay walang laman ang kanyon, pero ngayon, mayroon nang altar na nakatayo dito.

Ang nagmamay-ari ng altar na ito ay tinatawag na Balkh. Hindi ito ang kanyang pangalan, bagkus ito ang kanyang apilyedo.

Kung hindi nagkakamali si Marvin, ang [Tyran Lord], na mayroong apilyedo na Balkh, ay isa sa mga pinakamakapangyarihang Lord ng Abyss.

Tungkol naman sa nagmamay-ari ng altar, na isang Balkh, hindi man niya ito anak, siguadong konektado pa rin ito sa Tyran Lord.

Kung hindi, hndi ito mangangahas na gamitin ang Balkh bilang apilyedo.

Nag-imbestiga ang mga scout at naunawaan na ang mga Abomination at mga Trapper na nagpapakalat-kalat sa Withered Leaf Promenade ay si Balkh ang nag-summon gamit ang altar.

Mukhang nag-eeksparimento ito tungkol sa misteryosong magic.

Bilang Demon Lord, mayroong makapangyarihang magic power si Balkh. Isa siyang caster na nagmula sa Abyss at higit siyang mas malakas kesa sa mga Legend Wizard.

Alam ng lahat na dahil sa kanilang constitution, kapag nag-aral ng magic ang mga Demon, magiging mas simple ito kumpara sa ibang mga nilalang.

Dahil nagmula ang Chaos Magic Power mula sa Abyss, konektado ang mga Demon at Magic Power.

Pareho itong may kaugnayan sa batas ng [Chaos and Madness]

Pero dahil ang mga Demon ay hindi ganoon katalinuhan, mas sanay ang mga ito na magdulot ng kaguluhan at gumamit ng kapangyarihan para lutasin ang kanilang mga problema.

Kya naman karamihan ng mga Demon ay umaasa na lang sa kanilang innate skill na mag-cast ng ilang mga spell.

Bihira ang mga Genuine Demon Wizards

At isa si Balkh sa kanila

'Nagpadala ng dalawang peak Assassin ang kampo para dispatyahin si Balkh, at nabalitaan ko na ang isa sa kanila ay isag level 4 Ace Assassin…'

'Pero hindi sila nagtagumpay. Ibig sabihin lang nito na handa si Balkh. Normal lang 'yon dahil kahit isang Demon Wizard ay hindi magpapakakampante sa Crimson Wasteland.

'Sabi rin sa impormasyon na ang Balkh na iyon ay nagpalaki ng isang Magic Dragon. Nanatiling invisible ang Magic Dragon na 'yon habang pinoprotektahan siya at kaya pa nitong higupin ang pinsala nito.'

'Pumalya ang dalawang Assassin dahil sa pagsagabal ng Magic Dragon ni Balkh. At nang masalag ng Wizard ang unang atake ng mga Assassin, nagawa na niyang magpaulan ng hindi mabilang na mga instant spell para bumawi.'

Nagpatuloy si Marvin sa paglalakad habang nag-iisip ng mga posible niyang gawin

Hindi madaling kalaban si Balkh. Malinaw na ito kay Marvin nang kunin pa lang niya ang misyon.

Pero gusto itong subukan ng mapangahas at mahusay na si Marvin.

Sa pagkakataong ito, pumili siya ng ibang pamamaraan

Pinili ng mga Assassin na tahimik na magtago at hindi pansinin ang ibang mga halimaw, at direktang pinunterya si Balkh.

Pero pinili ni Marvin na harapin ang lahat ng mga halimaw!

Ayaw niyang pakawalan ang mga halimaw sa Withered Leaf Promenade.

Isang gumagalaw na anino ang lumitaw sa kanyang harapan.

Nababalot ito ng itim na hamog, mayroong sirang kadena ito sa kanyang mga kamay at paa.

Mayroong makapangyarihang magic na nakapaloob sa mga kadena. Walang nakakaalam kung paano niya ito nawasak.

Isa itong Abomination.

Isa sa mga na-sumon na halimaw ni Balkh.

Huminga nang malalim si Marvin bago tahimik na gumamit ng Stealth.

Ginamit ni Marvin ang kanyang likso para mabilis na ikutan ito nang hindi napapansin ng Abomination ang presensya ni Marvin.

Pagkatapos ay tiningnan ni Marvin ang isang linya sa kanyang interface at agad na gumamit ng isang skill.

"Woosh!"

Kuminang ang liwanag mula sa kanyang mga dagger, kasabay ng tahimik nitong pag-atake…

Related Books

Popular novel hashtag