Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 491 - Crimson Wasteland

Chapter 491 - Crimson Wasteland

Matagal nang gustong magkaroon ni Marvin ng Advanced Shapechange skill, at ngayon ay mayroon na siya dahil sa Origin Leaf na ito.

Habang ang dalawa pang Origin Leaf ay hawak pa ng Migratory Bird Council. Hindi pa nila ito binigay kay Marvin pero itinaya ni Old Ent ang kanyang reputasyon para siguruhing makukuha niya ito, kaya naman tla katumbas na rin ito ng isa pang Origin Leaf.

At dahil doon, hindi na ito inisip pa ni Marvin.

Kumpara sa mga mahahalagang kayamanan na ito, ang mga salita ni Old Ent ay ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit siya pumayag.

"Kung ikaw mismo, Mister Marvin, ay nagdadalawang-isip na magpunta sa Crimson Wasteland dahil nakakatakot ito, sa tingin mo, ilang tao sa Feinan ang gugustuhing pumunta ditto?"

"Ang sinasabi ko lang naman, oo, isang nakakatakot na lugar ang Crimson Wasteland, pero para lang sa mga mahihina, nagkakamali baa ko?"

Malinaw na isa itong papuri kay Marvin mula kay Old Ent.

Pero napagtanto rin ni Marvin na: Kaya siya natatakot sa Crimson Wasteland dahil sa mga bali-balita tungkol dito.

Hindi pa nabubuksan noon ang Crimson Wasteland sa laro, at kakaunti lang ang impormasyon dito bukod sa mga balitang nanggagaling sa mga tao.

Napakaraming mga Legend dito, at puno rin ng mga Liches. Nagbago na ang lahat para kay Marvin .

Muntik na niyang malumutan kung gaano na siya kalakas ngayon.

Kahit na isa lang siyang Level 1 Ruler o the Night, sapat na ito para harapin ang karamihan sa mga Divine Servan. Bukod pa rito ang hindi mabilang na mga ability at item niya, pati na ang kanyang karanasan sa pakikipaglaban at kamalayan ay walang makakapantay. Kahit ang mga powerhouse na naroon sa Crimson Wasteland ay hindi naman tunay na mas malakas kesa kay Marvin.

Isa pa, hindi naman magpupunta si Marvin sa Crimson Wasteland para lumaban.

Pinadala siya ng Migratory Bird Council para hanapin ang isang tao.

Ang tao na iyon ay inapo ng Ancient Nature God. Sinasabi na ang naging resulta ng pagsasama ng Ancient Nature God at isang mortal na babae ay isang tunay na Half-God.

Minsk ang pangalan niya.

Matapos mawala ang Ancient Nature God, naniniwala ang Migratory Bird Council, na kung mayroong makakahanap sa Ancient Nature God, si Minsk at ang nakakatandang kapatid na babae lang nito ang makakagawa noon.

Tungkol naman sa babaeng minahal ng Ancient Nature God, nasa Green Sea Paradise ito. Pinadala na ng Migratory Bird Council si Endless Ocean at isa pang Druid.

Sa kasalukuyan, tanging ang lokasyon kung nasaan si Minsk ang hindi alam ng Migratory Bird Council, at dahil kulang sila sa tao, kinailangan nila ang tulong ni Marvin.

Tila hindi makatwiran ang trabaho na ito. Lalo pa at ang Crimson Wasteland ay sinasabing napakalawak at mapanganib. Hindi magiging madali ang paghahanap ng isang tao, kahit pa isa itong Half-God.

Subalit, binigyan ni Old Ent si Marvin ng isang detalyadong libro bilang gabay at ilang pamamaraan para matulungan ito na mahanap si Minsk. Naniniwala si Old Ent na kung buhay pa si Minsk, madali lang itong mahahanap.

Habang ang pagkumbinsi naman dito na bumalik sa Feinan ay hindi na trabaho ni Marvin.

Kailangan lang ibigay ni Marvin ang isang liham na isinulat ni Old Ent at maituturing nang tagumpay ang kanyang misyon.

Syempre, hindi naman maaaring ubusin lang ni Marvin ang oras niya sa paggawa ng misyon ng mga Druid, kaya nagkasundo sila na kung hindi mahahanap ni Marvin si Minsk sa loob ng dalawang linggo, may karapatan na siyang bitawan ang misyon at bumalik sa Feinan. 

Binigyan ng Migratory Bird Council si Marvin ng mga kagamitan na naglalaman ng materyales para makagawa ng matatag na Teleportation Gate at libro na magiging gabay sa pagbuo nito.

Gamit ito, maaaring makabalik si Marvin sa Feinan ano mang oras.

Matapos mapagusapan ang mga detalye, iniabot ni Marvin ang Familiar na nahuli niya sa dulo ng gubat sa Migratory Bird Council.

Teritoryo nila ito, kaya mas mabuting sabihin sa kanila ang tungkol sa paglitaw ng mga Devil.

Nang makita ang Familiar, biglang nanlumo ang mukha ng mga Great Druid.

Naramdaman na nila ang awra ng mga Devil noong mga nakaraan araw, at isa itong malaking banta sa kanila lalo na sa mapanganib na panahon na ito.

Kailangan nilang maghanda para lumaban.

Napakaraming kailangan gawin ng mga Druid.

Walang magawa si Marvin kundi maki-simpatya.

Tinutulungan na niya ang mga ito sa pagligtas ng World Tree, kaya hindi na niya matutulungan ang mga ito sa pagdepensa laban sa nagbabadyang pag-atake ng Hell.

Nanatili si Marvin sa Jadeite City buong tanghali.

Nagsulat siya ng ilang liham, isa kay Madeline, isa kay Anna, at isa kay Lola, pinapaalam niya kung saan siya pupunta at binibilin na bantayan ang White River Valley at balitaan siya tungkol dito.

Kahit na ang paglalakbay ni Marvin sa Crimson Wasteland ay isang interplanar trip, umabot na siya sa punto na kaya na niyang magamit ang Thousand Paper Crane kahit papaano, pero limitado pa rin ang gamit nito, kaya kailangan niya itong tipirin.

Matapos siyang makakuha ng mga kailangan niya, umapak na si Marvin sa daan patungko sa Crimson Wasteland sa tulong ni Old Ent.

Ang Crimson Wasteland ay isang misteryosong plane. Kakaunti lang ang daan papunta rito sa Feinan.

Ang Migratory Bird Council, na noon pa man ay may hawak nang mga lihim na kapangyarihan sa Feinan, ay kontrolado ang ilan sa mga daan na ito.

Mayroon silang Teleportation Gate na patungo sa Crimson Wasteland sa isang kweba na tatlong daan metro ang layo sa ilalim ng Jadeite City.

Buong taong nakaselyo ang lugar na ito, at mabubuksan lang ito kapag tulong-tulong na bubuksan ito ng tatlong Great Druid.

Naghanda na si Marvin at nagpaalam na sa mga Great Druid bago siya pumasok sa Teleprotation Gate.

Ang bawat pagpasok ni Marvin sa Teleportation Gate ay may iba't ibang pakiramdam para kay Marvin.

Sa pagkakataon na ito, ang spatial unbalance ay nagbigay sa kanya ng kalungkutan. Paminsan-minsan ay nakakakita ng masasamang ilusyon.

Paminsan-minsan naman ay nakakaramdam siya ngmatinding pagkalito.

Malabo ang mga pakiramdam na ito, pero malinaw na naroon sila, at tanging mga sensitibong tao ang makakaramdam dito.

Gayunpaman, matapos pumasok ni Marvin sa Teleportation Gate, nakaramdam siya ng awra ng malagim na presensya.

Binuksan niya ang kanyang mga mata at napakaraming dayami ang sumasayaw sa mapanglaw na kalupaan na nasa kanyang harapan.

Ang mga dayami na ito ay tuyo't na at kulay dilaw, pero napakahaba ng mga ito, mas matangkad pa kesa kay Marvin!

Sumasayaw ito sa hangin. Isang madilim na mukha ang bahagyang lumitaw sa kaibuturan ng talahiban:

"Baguhan?"

Isang malupit na boses ang umalingawngaw sa likod ni Marvin.

Alisto namang na tumalikod si Marvin.

Sa likod niya ay mayroong tatlong malaalking tent.

Isang lalaking mayroong dayami sa kanyang bibig ang nakatayo sa daan papasok. Mayroon siyan mahabang paklat sa kanyang mukha at may hawak itong manipis na patalim.

Ang patalim na ito ay iba sa mga curved dagger ni Marvin. Ngayon lang nakakita si Marvin ng ganoong klase ng sandata.

Mas manipis ito kumpara sa mga pangkaraniwang kutsilyom pero mukhang mas matatalas ang mga ito.

Ang ikinatuwa lang ni Marvin ay gumagamit ng Common na lenggwahe ang taong ito. Kahit na kakaiba ang pagbigkas nito, nauunawaan pa rin siya ni Marvin.

"Sabihin mo kung saang Faction ka nabibilang. Kung hindi, walang problema sa akin ang dispatyahin ang posibleng banta."

Dinura ng lalaki ang kanyang dayami, biglang pinaikot nito ang mga patalim na hawak kasabay ng pagkinang ng liwanag dito.

Sa isang iglap, isang makapangyarihang pwersa ang pumalibot kay Marvin!

'Hindi bababa sa level 3 Legend!'

Agad na-estima ni Marvin ang lakas ng kalaban.

Pero hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. "Faction? Anong ibig mong sabihin?"

Related Books

Popular novel hashtag