Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 50 - The Awakened White River Valley

Chapter 50 - The Awakened White River Valley

Isang umaga, sa isang masukal na kagubatan sa tabi ng palasyo.

Isang nilalang ang nagpapabalik-balik sa kagubatan.

"Whooosh!"

Mabilis na nagliparana mula sa kamay ni Marvin ang ilang mga anino!

"Tuff!"

Tumatama ang mga anino sa mga bilog na nasa malalaking puno sa masukal na gubat.

At kahit na sakto ang karamihan sa mga ito, ang iba'y sa gilid lang tumatama.

Tumigil si Marvin matapos magbato ng ilang dart, saka tinginan ang battle logs.

'Kahit na ang dart ang pinakamadaling hidden weapon na aralin, mababa pa rin ang accuracy ko.'

'Konektado ang Accuracy sa strength. Kahit na mataas na ang aking dexterity, bihira lang akong gumamit ng mga long range na sandata. Lahat ng hidden weapon at kakailanganin ng mahabang pagsasanay para magamit ng maayos.'

'Pero aabot naman siguro ako ng 30 SP kung ipagpapatuloy ko ito.'

Tahimik na tiningnan ni Marvin ang [Hidden Weapons – Dart (24)] sa kanyang skill list at natameme.

Ang pinakamahalagang bagay na nakuha niya mula sa scarlet monastery ay ang Dragon Strength na potion. Pero maganda rin itong -Introduction to hidden weapons-. Natuto si Marvin ng tatlong hidden weapon skill dahil dito.

Ang tatlong 'yon ay:

[Hidden Weapons – Dart (24)]

[Hidden Weapons – Throwing Knife (5)]

[Hidden Weapons – Flying needle (5)]

Bukod sa darts, mababawasan ang accuracy ni Marvin sa iba pa niyang hidden weapon kapag ginamit niya ang mga ito.

Resulta rin ito ng paggamit ng noble skill niya na [Quick Study]. Pangkaraniwan lang ang skill niya sa mga hidde weapon kung kaya ang pinakamadaling matututunan ang kanyang pinili.

Dahil ayaw niyang gamitin ang kanyang mga skill points para sa kanyang hidden weapon, hinasa na lang niya ang kanyang dart skill tuwing umaga.

Tatlompung set ng dalawampung darts araw-araw. Dalawampung set sa umaga, sampu naman sa gabi.

Mabilis umangat ang dart skill ni Marvin dahil sa tindi at haba ng oras na iginugugol niya rito. Kung sabagay, mayroon na siyang magandang dexterity.

Pero mga long range na sandata pa rin ang mga hidden weapon at wala pa ring usad ang kanyang accuracy.

Para sa mga katulad ni Marvin na mahilig sa "Isang patay, kada isang atake," hindi pa rin siya kuntento.

Bukod sa pagsasanay sa darts, umangat din ang strength ni Marvin dahil sa dami ng gnoll na napatay niya sa kanilang misyon.

Noong digmaan para mabawi ang White River Valley, nakakuha si Marvin ng 2194 na battle exp. Kasama na dito ang mga nakuha niya sa mga earth spirit.

Naabot na niya ang level 5 at naabot na niya ang mga kailangan para umabante. Pero para maabot ang level 6 ranger, kakailanganin niya ng 4800 na exp.

Malinaw naman na hindi naibigay ng mga gnoll ang pangangailangan niya para umusad.

Kaya pinag-isipan na muna niya ito at napagdesisyunang ilagay ang 1000 na battle exp sa [Shadow Steps].

Ganoon din sa [Cutthroat]: dahil lagi naman niya itong ginagamit sa laban, pwede niya rin itong gamitan ng battle experience para gawin itong personal skill.

Binubuo ng Shadow Steps at Cutthroat ang signature combo ng mga phantom assassin. Pumapangalawa lang ang Desperate Strike.

Pagkatapos gamitin ni Marvin ang 1000 exp, may panibagong skill ang lumabas sa kanyang skill list.

[Shadow Steps (300]

Normal lang na hindi kasing taas ng Cutthroat ang Shadow Steps. Kahit na sinanay ni Marvin ang ganitong skill habang naglalaro, hindi ito kasi eksakto ng cutthroat, kaya imposibleng ito magaya. Pero ang 30 na puntos sa shadow steps ay sapat na para magamit ito.

Ngayon pwedeng-pwede ng magamit ni Marvin ang [Stealth] o [Hide] + [Shadow Steps] + [Cutthroat], mga malalakas na skill ng mga assassin.

Dahil dito halos kapantay na ng kanyang abilidad bilang assassin ang assassin path ng mga Thief. Mas malakas rin ang kanyang melee ability kumpara sa mga pangkaraniwang ranger. Samahan pa ng kanyang mga karanasan, may kumpiyansa si Marvin na kalabanin ang kahit sino mang 2nd rank expert, kahit walang tulong ng dragon strength potion.

"Tuff!"" Tuff!""Tuff!" Tuloy-tuloy ang paglipad ng mga dart.

Mabilis lumipas ang oras, hanggang sa maibato na niya ang lahat ng kanyang darts.

Karamihan dito ay tumama sa bilog na nakadikit sa mga mamalaking puno.

Ito na ang huling ensayo niya para sa araw na 'yon.

Kinuha ni Marvin ang lahat ng darts saka tumakbo pabalik sa palasyo at pumasok sa isang pinto sa gilid.

Apat na araw na ang lumipas mula nang mabawi nila ang White River Valley.

Tulad ng inaasahan ni Marvin, hindi na bumalik ang tatlong knight na pinaalis niya para manggulo uli. Nagulat ang lahat ng sino mang may masamang balak, sa tapang ni Marvin. Walang ano mang kaganapan sa ngayon.

Alam ni Marvin na kung may plano man ang mga ito, patago lang nila ito pwedeng gawin.

Eto ang panahon bago ang Great Calamaity, ang kapanahunan ng wizard alliance. Bukod sa paniniguradong ligtas siya sa kung sino mang magtatangkang pumatay sa kanya, wala na siyang ibang dapat alalahanin pa.

At matapos masugpo ang mga gnoll, unti-unting nakabangon ang White River Valley. Unti-unting nanumbalik ang dati nitong sigla.

Pinamunuan ni Anna ang kalahati sa mga miyembr ong garrison para puntahan isa-isa ang mga bahay sa Green Village, Fog Village, Coiling Water Lake, at iba pang mga lugar. Inanyayahan nilang bumalik ang mga taong lumikas nang sumugod ang mga gnoll.

Di naglaon bumalik ang mga tao sa bayan na nasa paanan ng palasyo. Naging malinis at maayos na muli ang mga bahay, at bumalik na rin mismo ang mga magsasaka.

Ang mga manggagawa at trabahador ay dinala na muli ang kanilang mga anak sa castle town.

Walang pinagkaiba ang White River Valley sa ibang mga teritoryo. Pinamumunuan ito ng overlord kasama ng mga tauhan nito.

Sa kaibuturan ng palasyo nakatira si Marvin at Anna kasama ng ilang miyembro ng garrison na nagbabantay sa kanila.

Iba't ibant uri ng manggagawa at trabahador ang naninirahan sa labas ng palasayo, sa bayan. Tinuturuan ng mga ito ang kanilang anak para manahin ng mga ito ang kanilang trabaho. Maari silang maging mga sastre o mga mason.

Nasa labas din ng mga pader ng palasyo ang mga magsasaka. Maraming ring naglalako rito pero kadalasan mga thief ang mga ito.

Kung titingnan mula sa itaas, napapalibutan ng bangin ang castle town ni Marvin na mayroong grove sa gilid.

May nagiisang tulay na baton a mayroong kanal sa ilalim. Kumukuha ang kanal na ito ng tubig mula sa White River. May kalaliman ang tubig nito at may nakalagay na mga sibat sa ilalim nito.

Hindi maganda ang kalalabasan ng sino mang malaglag dito.

May mga kubo sa paanan ng castle town. Magkakalayo ang mga ito. Mahirap nga naman kasing magtanim ng pananim sa hindi matabang lupa bukod na lang sa trigo at okra.

Kung titingnan sa malayo, para lang isang malaking sinturon ang White River na bumabalot sa buong White River Valley. Ang malawak at baog na kalupaan.

Makikita pa rin ang minahan sa dakong hilaga mula sa tuktok ng mga pader ng castle town.

Nakapalibot ang White River Valley sa kanlurang bahagi ng minahan, mayroon rin itong isang abandonadong pantalan.

Eto ang White River Valley.

Isang probinsyang baog ang lupa.

Pero kahit ganoon, kailangan pa rin protektahan ni Marvin ito hanggang sa makakaya niya,

Dahan-dahan sumikat ang araw at nagsimula nang magtrabaho ang mga tao.

Mabuti na lang at napalayas n ani Marvin ang mga gnoll kung hindi, mahuhuli ang paglilinang nila ngayong tag-init. Kung nangyari 'yon, mas lalala ang sitwasyon ng kanilang pagkain.

"Oras na para magtrabaho."

Pagkakain ng almusal, nagbihis na si Marvin at bumalik sa kanyang aklatan.

Hinihintay na siya doon ni Anna.

Matapos nilang matagumpay na mabawi ang White River Valley, natupad na niya ang huling kahilingan ng kaluluwa ng bata kaya naman ang natitirang presensya nito ay tuluyan nang natahimik.

Pero hindi pa rin nabago ang pangako niya sa bata.

Pangangalagaan niya ang lugar na ito. Malaki ang tiwala niya sa kanyang kakayanan na kakayanin niya ito!

Pagtapos niyang tanggapin ang 1000 general exp, nawalan na ng laman ang kanyang quest menu.

Ikinagulat ito ni Marvin. Pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon.

"Kakulangan sa pagkain? Hindi ko masosolusyunan ang problemang 'yan," Sabi ni Marvin sa nag-aalalang si Anna.

Pinapaliwanag niya ang sitwasyon ng kanilang teritoryo kay Anna habang sinusulat nito sa ang isang kautusan.

Masyadong marami ang mga dokumento na kailangan gawin para sa pagsasaayos ng White River Valley.

Pero ginagawan na ito ng paraan ni Marvin. Kahit na wala siyang karanasan sa ganitong mga bagay sa dati niyang buhay, matalino naman siya. Kailangan pa rin nilang atupagin ang mga kawatan at mga masasamang dumadayo rito.

Limang kautusan ng overlord ang inilabas niya sa isang bagsak.

1st kautusan. Pangangalap ng mga bagong miyembro ng White River Valley garrison. Ang sino mang lalaki, kahit anong gulang, mula sa kahit saang bayan ng White River Valley ay maaring maging miyembro ng garrison. Si Andre ang mamamahala dito.

Layon ni Marvin na palakihin ang kaniyang garrison; masyadong kaunti na ang 20 na tao. Dahil nasa dalawang-libo ang mamamayan ng White River Valley, kailangan nasa hindi bababa sa 50 ang bilang ng mga miyembro ng garrison.

Hindi naman salat sa kayaman si Marvin. Sapat naman na ang nakuha niyang kayamanan sa loob ng scarlet monastery para masustentuhan ang garrison sa mga susunod na taon.

2nd kautusan. Hinihikayat ang lahat na mag-alaga ng mga baboy, manok, at baka. Natuklasan ni Marvin na akma ang pastulan ng White River Valley para magpalaki ng mga hayop. Hindi ito masyadong napangalagaan noon dahil sa peligrong dala ng mga gnoll at mababangis na hayop. Ngayon dahil palalakihin na ni Marvin ang bilang ng garrison, maari na itong mabantayan. Magkakaroon ng karampatang rasyon ang mga pamilyang magpapalaki ng mga hayop.

3rd kautusan. Ang pangangalap ng mga manggagawa, trabahador, at mangangalakal. Bibigyang buhay nito ang kanilang teritoryo.

4th na kautusan. Isa pang kautusan hinggil sa pangangalap ng tao. Pero ito naman ay para sa mga class holder, lalong-lalo na ang may karanasan sa pagiging military. Kailangan ni Marvin ng mga taong may leadership experience o adventure experience para pamunuan ang mga bagong miyembro ng garrison. Malaki ang pabuya para sa dito kaya naman naging interesado sina Gru at ang iba pa.

5th kautusan. Isang kautusan para hinggil sa pagpapaayos. Umaasa si Marvin sa mga magsasaka at ilang manggagawa para magpadala ng mga taong maaring ayusin ang abandonadong pantalan ng White River Valley.

Mahabang panahon ang kailangn gugulin dito. Isa itong napakalaking proyekto. Tingin ni Anna ay hindi ito praktikal.

Pero may dahilan si Marvin sa pag-utos nito. Sa kanyang pagpupumilit, inilabas ang limang kautusan na ito.

Nabigla ang buong White River Valley. Matagal na panahon na noong huling beses na nagpatupad ito ng ganito karaming kautusan.

Marami ang nabuhayan ng loob dahil dito.

Nararamdaman n ani Marvin ang pagbabago.

Noong sumunod na araw, tumayo siya sa tuktok ng palasyo at pinanuod ang mga mukha ng mga taong dumarating at umaalis. Kahit papaano'y nararamdaman niya ang sigla ng mga ito.

Nakaramdam siya ng saya dahil dito. Ibang klase ang ganitong klaseng tagumpay kumpara sa pagpatay.

May maririnig na huni ng plauta mula sa di kalayuan.

Pinakinggan mabuti ito ni Marvin. Nanggagaling ito sa lumang windmill na nagsisilbing panaderya ng castle town.

Pamilyar ang tunog na ito sa kanya, inaalala niya kung saang niya ito narinig.

-White River Valley Awakening.-

Isang masarap na amoy ang nanggagaling mula sa panaderya, sa malayo'y makikita ang malinaw at malinis na ilog.

Huminga ng malalim si Marvin.

Kay ganda.

Nang biglang, may nagmamadali yabag siyang naring mula sa kanyang likuran.

Sumunod ang nag-aalalang boses ni Anna:

"Master Marvin! May masamang nangyari!"

"May nagsumpa kay Master Wayne sa Magore Academy! Nakaratay lang siya ngayon at walang malay.

Napatalikod si Marvin at kinuyom ang kanyang mga kamao.

_________

Related Books

Popular novel hashtag