Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 479 - Fairy

Chapter 479 - Fairy

Mabilis ang pagbagsak ng bulalakaw at agad rin itong nawala sa kanilang paningin.

Nakatanga namang tiningnan ng tatlong Dragon ito.

Hindi mapigilang sumimangot ni Ell.

Ito nga kaya ang lokasyon ng Rainbow Spring?

Talaga bang ganoon ka eksakto ang iniwang propesiya ng Dragon God bago siya namatay?

May pagdududa naman si Ell, at hindi na ito mapakali.

Pero hindi ganito ang tingin ng dalawang Dragon.

Tinuturing nilang mga matinding kayamanan ang mga relika ng Dragon God. At sa paglitaw ng bulalakaw, malamang ay lumitaw na ang Rainbow Spring.

Agad nilang sinamantala ang pagkapukaw ng atensyon ni Ell at agad na nagtungo sa lambak.

Nakita ng Red Dragon ang padalo-dalos nilang ginawa at ngumisi sa kanyang isipan bago sumunod sa mga ito.

Ang lambak na ito ay hindi ganoon kalawa, lalo na para sa malalaking Dragon.

Kung hindi lang dahil sa kanilang advanced Shapechange skill, mahihirapan silang makapasok dito.

Hindi rin ganoon kalalim ang lambak na ito.

Mayroong malinaw na bukal sa dulo nito.

May malakas na kapangyarihang nagmumula s abatis na ito, naramdaman naman ito ng mga tatlong Dragon at nilayuan ito.

isa pa, nararamdaman nila na ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng batis ay kapareho sa kanila.

Ganitong-ganito ang nasa alamat.

"Ang Rainbow Spring!"

"Ang tunay na Rainbow Spring!"

Tuwang-tiwa ang White dragon at Blue Dragon, tanging si Ell lang ang nag-aalinlangan.

Tila nagmumula sa ilalim ng lupa ang tubig sa batis, at tila mayabong ito.

Sinasabi na kailangan lang nilang uminom ng isang punong bibig ng tubig nito para manumbalik ang kanilang dating lakas.

Mukhang sapat na ang Rainbow Spring na ito para mabawi ng lahat ng mga Chromatic Dragon ang kanilang kapangyarihan.

"Mukhang hindi natin kailangan magpatayan para dito." Nasasabik na sabi ng White Dragon, "Nag-iwan ng sapat na pamana si Dragon God Hatrson."

"Tama." Sumang-ayon naman ang Blue Dragon. NAgkatinginan ang dalawa at agad na lumapit, hindi na sila makatiis.

Makikita ang kasakiman sa kanilang mga mata.

Pero biglang seryosong sinabi ni Ell, "Paano kung may lason ang batis?"

Suminghal lang ang dalawa at binalewala ang sinabi ni Ell, "Lason? Tigilan mo nga ang paghihinala mo Ell."

"Balak mo bang gumamit ng [Detect Poison]?"

"Hindi pa ko nakakarinig ng lason na nakapatay sa isang Dragon sa Feinan…"

Hindi pa rin nagpatinag si Ell kahit na tinutuya siya ng dalawang Dragon.

Sa halip, umatras pa ito nang dalawang hakbang.

Bilang pinakamalakas na Chrimatic Dragon, nalalapit na ang kanyang lakas sa level ng mga Plane Guardian.

Siya ay malupit, mabangis, at mayroong malakas na instinct.

Nagagawa niyang maramdaman ang panganib kaya naman matagal na siyang nabubuhay.

Nang atakihin niya ang East Coast, ang kanyang instinct ang tumulong sa kanya para maiwasan ang Dragon Killer Sword pati na ang kasunod na pag-atake ng Wizard Alliance.

Magmula noon, naging mas maingat na siya.

At ngayon naman, may kutob siya na mayroon din mali dito.

Samantala, nagsimula nang uminom ng tubig mula s abatis ang dalawang Dragon.

Sa ikatlong palapag ng underground temple, dalawang anino ang lumitaw sa harap ng Teleportation Gate.

"Huli na tayo." Nanlumo ang mukha ni Kangen,

Nasa tabi niya si Copper Dragon Professor, pero tila hindi rin maipinta ang mukha nito.

"Mayroon akong nagawang hindi dapat."

"Hindi ko inasahan na mabigat ang paghihiganti ng taong iyon…"

Pilit na ngumiti si Professor, "Hindi ko rin inasahan na ang Rainboe Spring na gusto nating piglang Makuha ng mga Chromatic Dragon ay …"

Tumigil siya sa pagsasalita at bumuntong hininga.

May dahilan kung bakit nahuli ang dalawa.

Nagkaroon sila ng hindi mabilang na pagkakataon sa underground temple at naisiwalat ang isang nakakagulat na lihim.

Ang Sikretong ito ay hindi lang tungkol kay Dragon God HArtson, kundi pati na kay Tidomas at ang mismong Nightmare Boundary!

Isa itong malaking sabwatan!

Ang sa prosesong ito, napigilan at nabugbog si Professor ng isang makapangyarihang nilalang na masama ang timpla.

Ni hindi nakalaban ang Copper Dragon.

Matagal nang hindi nararanasan ng Copper Dragon ang pakiramdam na wala siyang magawa kundi magtimpi.

Nang makarating sila ditto, nabuksan na ang Nightmare Boundary.

Mukhang imposible na nilang mapigilan ang planong ito.

"Sana lang walang magnyaring masama kina Louise at Marvin." Walang emosyong sabi ni Kangen, "Dapat siguro sabihan mo na rin ang mga kapwa mo Dragon."

Tumango si Professor, "Ipinadala ko na sa kanila ang nalaman ko, maghihintay sila ng pagkakataon para kumilos."

"Sa ngayon, kailangan pa rin natin pumasok."

"Lalo pa at hindi ko pwedeng hayaang harapin nina Marvin at Louise ang isang nakakatakot na nilalang."

"Isa pa, kapag nagtagumpay ang plano ng taong iyon, ang Nightmare Boundary ang magsisilbing simula niya."

"Malalagay sa malaking panganib ang Feinan…"

Nagtinginan ang dalawang lalaki, at pumasok na nga sila sa Teleportation Gate.

….

Sa labas ng Universe Magic Pool.

Sa ilalim ng pamumuno ng tatlong Great God, patuloy nilang inaatake ang layer ng Universe Magic Pool.

Kahit na mayroong pilit na humahadlang sa kanila, at nadispatya na nila ang mga hadlang na ito.

Si Eric, ang binatang sumanib sa katawan ng Astral Beast, ay namatay na.

Matapos magpabagsak ng ilang mga God, ang Great Elven King ay namatay na rin.

Ang North Guardian, ang hindi kilalang matandang lalaki na laging may dalang garapon ng alak at laging nagpupuslit ng pagkain mula sa tribo ng mga Barbarian, ay namatay na rin sa dami ng pinsalan tinamo nito.

Ang ikatlong layer ng Universe Magic Pool ay nasira na.

Malapit nang magtagumpay ang plano ng mga God.

Tila ba nakikita na nila ang 4th Fate Tablet.

Tanging ang West Guardian, ang Cloud Monk, na lang ang natitirang buhay.

Ang CloudMonk ay mayroong Longevity at Nirvana Rebirth.

Kahit na ilang beses na siyang napatay ng mga High God, patuloy pa rin siyang lumalaban at nabubuhay muli.

Ang resurrection ability na ito ay naiiba sa Divine Source ng mga God, isa itong milagro ng katawan ng isang tao.

Walang nasabi ang mga God sa lakas ng Cloud Monk.

Kahit na magkalaban sila, hindi mapigilang mamangha ng maraming God sa Cloud Monk. Pero nararadaman din nila na ang awra ng Longevity ng Cloud Monk ay pahina na nang pahina.

Ilang beses na lang siguro ito muling mabubuhay. Umaabot na rin ito sa kanyang limitasyon.

At kapag dumating ang oras na iyon, wala nang makakapigil sa mga God.

Noong mga oras na iyon, si Anuba, ang God of Dawn and Protection ay biglang tumigil sap ag-atake.

Tiningnan niya ang dalawa pang Great God at sinabing, "Kailangan ko munang umalis."

Hindi na nagulat ang dalawa, "Ang bagay na 'yon?"

"Oo, ang grupo ng mga tangang Dragon na iyon ay hindi malutas ang Problema. Atin ang Feinan, hindi kanya."

"At… Mukhang may sama pa kayo ng loob sa isa't isa. Mas mabuting tapusin na 'to bago pa tayo pumasok sa Feinan."

Tumango si Anuba Grant at Nawala.

Nagkakagulo ang mga God.

Noong mga oras na iyon, ano pa bang mas mahalaga kesa sa pag-atake sa Universe Magic Pool? Anong dahilan kung bakit mismo ang Gread God of Dawn and Protection ang umalis?

Sa ilalim ng Ancient Well, patungo sa iba't ibang lugar ang mga lagusan.

Isa itong malaking maze, na patungo sa iba't ibang direksyon.

Kahit na minamarkahan ni Marvin ang kanyang dinaraanan, sa tuwing may dadaanan siya, naligaw pa rin siya.

Ang lugar na ito ay tila mga kweba ng Dwarven Kingdom.

'Kelan nagsimulang maghukay ng mga lagusan ang mga Dragon?'

'Gawa kaya 'to ng Sandworm? Kahit na isang Lesser Dragon species 'yon, bibihira naman silang magkaroon ng koneksyon sa mga Chromatic Dragon, hahayaan ba silang makapasok ng Chromatic Dragon God sa Nightmare Boundary?'

'Hindi ba isa itong Ancient Well? Bakit napakaraming lagusan?'

Mas lalong lumaki ang pagdududa ni Marvin habang nagpapatuloy siya.

Nararamdaman niyang mayroong mali sa impormasyon na natanggap ng mga Metallic Dragon.

Marahil may mali rin sa mismong impormasyon ng mga Chromatic Dragon.

Kakaiba sa lahat ng aspeto ang Nightmare Boundary na ito.

Hindi mabuting tao ang Dragon God na si Hartson. Kahit na isa siyang Chromatic Dragon God at nanumpa siyang habang-buhay niyang poprotektahan ang kanyang mga kalahi, isa pa rin itong masamang God.

At nagmula pa siya sa ibang Universe.

Binugbog siya ng Wizard God na si Lance at kalaunan ay natahimik. Tulad ng Nightmare Boundary, misteryoso ang lahat.

Isa ring pala-isipan ang pagpili niya kay Tidomas para bantayan ang kanyang bangkay.

Matapos makaharap ang Dragon Soul, may duda na agad si Marvin sa katauhan ni Tidomas.

Talaga bang nandito sa lugar na ito ang Crystal Statue?

Para siyang naghahanap ng karayom sa dayami!

Hindi na alam ni Marvin ang kanyang gagawin. Hindi niya matukoy kung saan siya dapat dadaan kaya nagdesisyon siya na dumeretso na lang.

Mabilis siya at walang nakasalubong na mga halimaw sa daan. Hindi nagtagal, may kakaibang nangyari sa kanyang dinadaanan.

Tila lumabas na siya sa maze.

Isa itong malawak na espasyo sa ilalim ng lupa, at may isang nakakandadong pinto sa dulo nito.

Ang daan papasok ay mayroong hindi mabilang na rune at mga kandado, mukha ring napakatibay nito.

Pero ang daan mismo ay transparent.

Sa pintong itong, bahagyang natatanaw ni Marvin ang isang istatwa!

[Crystal Statue]!

Tuningnan mabuti ni Marvin.

Ito na ng aba ang relikang iniwan ni Dragon God Hartson?

Hindi naman niya inakala na noong lalapit na siya dito ay may liwanag na lumabas mula sa pader na bato.

Isang nilalang na mukhang fairy.

Mayroong itong maliit na pares ng pakpak at tila mukhang tao.

Pero ang boses nito ay matanda na at matapang, "Dyan ka lang bata!"

"Sino ka? Mapangahas ka para pasukin ang selyo ni Sir Lance?"

Natuliro si Marvin.

May koneksyon sa Wizard God na si Lance ang lugar na ito?

Nagdududang tiningnan ni Marvin ang Fairy. Tila kulang sa Magic Power ang nilalang nito at mukhang hindi naman ito mapanganib.

"Sino ka?"

"Hindi bai to ang Nightmare Boundary ng Dragon God na si Hartson? Paano nagkaroon ng koneksyon 'to kay Wizard God Lance?"

Mapagmataas naman na sumagot ang Fairy, "Dahil kilala mo ang pangalan ni Wizard God Lance, dapat ay sumunod ka na lang at lumayas sa lugar na 'to!"

"Nakipagsabwatan si Dragon God Hatrson sa Evil Spirit World para lusubin ang Feinan, at ang Nightmare Boundary ang ginawa niyang daan."

"Dito sinira ni Sir Lance ang plano ng Dragon God, ito rin ang nagsisilbing selyo sa lagusan sa pagitan ng Evil Spirit World at Nightmare Boundary. Hindi ito isang lugar na dapat pinupuntahan ng isang tao."

Nagulat si Marvin.

Pero bago pa niya lubos na maisip ang sinabi ng Fairy, isang berdeng anino ang lumitaw mula sa lagusan at lumapit!

"Ang Crystal Statue!"

"Akin 'yan!"

Green Dragon Modana!