Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 401 - Sword Harbor’s Crisis!

Chapter 401 - Sword Harbor’s Crisis!

Malapit nang mamatay ang mga matandang ito.

Sa katunayan, kung may kaunti pa silang lakas na natitira, hindi sila mananatili sa bayan na ito.

Lahat ng tao ay lumipat na sa Sword Harbor, bukod sa mga Dark Knight na nagbabantay sa Blood Cross para hindi makalusot sa White River Valley ang isang malaking pwersa ng mga sundalo mula Jewel Bay, halos wala na talaga naiwan sa White River Valley.

Talagang tama ang naging desisyon ng mga mga Black Hand Thieves.

Nagkatinginan ang mga matandan, walang emosyon ang kanyang mga mukha.

Mamamatay na rin naman sila, kaya hindi na sila natakot.

Nagsalita ang isa sa kanila na nanginginig ang boses, "Wala kaming pera."

"Mga totoy, ginawa niyo ang lahat pero wala kayong makukuha, Hintayin niyong bumalik si Sir Marvin at pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo."

Kahit na malumanay ang tono ng matanda, seryoso ang nais nitong sabihin.

"Marvin?"

Tumawa ng malakas ang mabagsik na lalaki. "Naniniwala talaga kayo sa hindi maaasahang Overlord na 'yon?"

"Sasabihin ko na sa inyo ang totoo!"

"Si Marvin na sinasabi niyo ay matagal nang namatay. May ginalit siya sa mga nakatataas ng South Wizard Alliance. Kaya kahit ang tinatawag niyong Hero ay siguradong mamamatay rin."

Hini nagpatinag ang mga matanda.

Matagal na silang naninirahan sa White River Valley.

Naranasan na nila ang Gnoll Disaster, nasaksihan na rin nilang lumulutang si Marvin sa mga golden bull, nabalitaan ang tungkol sa pag-atake ng Crimson Patriarch, at nakitang nahulog si Marvin mula sa World Tree, pero nagbalik pa rin ito bilang isang hari.

Maaaring para sa iba, palayaw lang ang [Magical Marvin].

Pero para sa mga mamamayan ng White river Valley, ang kanilang Overlord na si Marvin ay tunay na nakakagawa ng mga himala.

Kahit gaano pa katindi ang delubyo, naniniwala silang magagawa ni Marvin na pamunuan sila para malampasan ito.

"Babalik siya."

Pagmamatigas na sabi ng isang matandang lalaki, "Sa oras ng pangangailang, laging ganito."

"Babalik siya."

"Putangina mo!" Nagalit ang mabagsik na lalaki at sinipa ang mapagmatigas na matanda sa sikmura,

Napaungol ang matanda at halos himatayin.

Makikita ang lungkot sa mukha ng ibang matanda. Galit man sila ay wala silang lakas para lumaban, ni wala silang lakas para tumayo.

Isang lalaking mukhang tuso ang humila sa thief at pinigilan ito sa kanyang ginagawa. "Hayaan mo na, wag mo nang pansinin ang mga matandang 'yan. Bilang na mga araw niyan."

"Mas Mabuti pa kung bilisan na natin ang pagnanakaw."

Tumango ang iba pa.

Mga Thief sila, hindi Bandit, kaya kahit sa sitwasyon na ito, hindi pa rin sila nangahas na pumunta sa palasyo ni Marvin.

Dahil siguradong mayroon pa ring mga expert na nagbabantay sa palasyo. Tanging ang depensa sa paanan ng bundok ang maituturing na mahina.

Kailangan nilang samantalahin ang pagkakataon para makuha ang lahat ng maaari nilang makuha.

Noong oras na iyon, ang matanda na sinipa ng isa sa mga Thief ay gumapang patayo at galit na itinuro ang mga Thief. "Mga demonyo! Mapupunta kayo sa Hell!"

"Hindi ko alam kung mapupunta nga ako sa Hell, pero sigurado akong mas mauuna kang mamatay kesa sa akin!" Naubos na ang pasensya ng mabagsik na Thief, naglabas ito ng kutsilyo at lumapit.

Tinitigan siya ng ibang matanda, nababahala sila sa kalupitang magaganap.

Nang biglang kumulog mula sa malayo!

Ang dumadagundong na tunog na ito, kahit na malakas ito, hindi naapektuhan ang mga matandang lalaki.

Sa kabaliktaran, nanigas ang mga Thief, nagdugo ang kanilang mga ilong at napaluhod sa lupa.

Natuliro naman ang mga matanda habang pinagmamasadan sila.

Sa malayo, isang anino ang mabilis na papalapit!

Nagawang tumingala ng ilang Thief, napansin nila ang malamig at walang emosyong mukha na nakatingin sa kanila.

Marvin!

Lahat ng miyembro ng Black Hand Thieves ay namutla sa takot!

Sinabi ng Alliance na patay na raw si Marvin!

Paano siya lumitaw dito?

Pero biglang napansin nila ang isang mas nakakatakot na nilalang na lumitaw sa kalangitan.

Nagpaikot-ikot ito sa kalangitan at hindi bumaba.

Pero kahit pa ganito, hindi makahinga ang mga Thief dahil sa makapangyarihang presensya nito!

Isang Black Dragon!

"Diyos ko…"

Isa isang sabi ng mga Thief.

Hindi lang bumalik si Marvin… Nagsama pa ito ng isang Black Dragon!

Isang delubyo ang tumamasa kanila.

Ang ilan sa mga matanda ay naluluha sa tuwa at napasigaw, "Overlord!"

"Lord Marvin!"

Kumaway si Marvin, senyales na ayos lang na maupo ang mga ito.

Lumingon siya at tinitigan ang mga Thief.

Nakonsensya ang mga Thief. Sinubukang magsalita ng isang matalino sa kanila. "Gusto lang naming…"

"Woosh!"

Isang patalim ang lumabas mula sa isang anino.

Hindi pa ito nakakapagsalita nang biglang naputol na ang mga ulo nito!

"Pasensya na, wala na akong oras para sa katarantaduhan niyo."

Kahit na mahinahon ang reaksyon ni Marvin, umabot na sa sukdulan ang kanyang galit.

Ilanga raw pag-alis niya sa kanyang teritoryo, pinunterya na agad ito.

Isa pa, sa lagay ng White River Valley, mukhang nasa matinding kalagayan ang Sword Harbor.

Kung hindi, hindi titipunin ni Daniela ang lahat ng pwersa nila sa Sword Harbor.

Tama ang istratehiya niya. Hindi nila maaaring hayaang dumaong ang mga tauhan ng Alliance.

Kahit na nagsisilbing barikada pa rin ang Ogre Mountain at naglagay sila ng sentry checkpoint doon, mahirap pa ring depensahan ang lugar na iyon.

Napasabog na ni Constantine ang malaking bahagi ng bundok nito noon kaya hindi na ito kasing tarik gaya dati.

Isama pa ang patuloy na operasyon sa pagmimina, sadyang hindi akma ang lugar na iyon para sa pagdepensa.

Kailangan nilang depensahan ang Sword Harbor at wag hayaang makalapit ang mga ito sa bunganga ng White River.

Nagpadala na si Marvin ng mga tao para tingnan ang ibang mga lugar at walang problema kung sa mga lugar na iyon silang dumaong.

Kung may sapat silang lakas ng loob at inikutan nila ang kasukalan, walang makakapagsabi kung ilang halimaw ang kanilang makakasalubong.

Kaya naman, ang Sword Harbor ang sasalo ng pag-atake ng pwersang pangdagat ng Alliance!

Pagkatapos malinawan sa puntong ito, nagmadali si Marvin at nagtungo pa-silangan!

Ang kaawa-awang Black Dragon Izaka ay pinatawag para subukan ang lakas ni Marvin, pero ngayon ay napilitan itong maging pansamantalang transportasyon ni Marvin!

Kaya "pansamantala" lang dahil para kay Marvin hindi nababagay na transportasyon para sa kanya ang Black Dragon.

Nang marinig ito, halos maiyak ang Black Dragon.

Pero hawak ni Marvin ang Dragon Slaying Spear. Kasama ng nakakatakot na lakas nito bilang Ruler of the Night, kayang-kaya syang patayin nito sa isang iglap.

Wala na siyang magagawa sa kanyang sitwasyon.

Para manatiling buhay ang race ng Black Dragon, walang magagawa si Izaka kundi sumang-ayon sa mga hindi makatarungang kasunduan nila ni Marvin.

Umaasa lang siya na tulad ng sabi ni Marvin, wala siyang interes sa puksa ng Black Dragon race at napilitan lang na labanan ang mga ito noon dahil sa sitwasyon.

Nabalot ng itim na ulap ang kalangitan malapit sa karagatan.

Kanina pa madilim at tanging dalawang parola lang na nasa magkabilang panig ng Sword Harbor ang nagbibigay ng liwanag.

Sa di kalayuan sa karagatan, isang armada ang nananatili sa kanilang posisyon.

Tinatawagan nila ang isa't isa, tila may pinag-uusapan.

"Hinihintay nila ang pagtaas ng tubig," Nababahalang paliwanag ni Captain Roberts ng Sword Harbor 1.

Seryoso ang mukha ng lahat ng nasa city wall.

Kanina pa rin nakahanda ang mga sandata ng garrison. Mahigpit na ring hawak ng mga Sha ang kanilang mga sandata.

Hindi nila aabandinahin ang White River Valley hangga't hindi bumabalik si Constantine at inuutos ito.

Huminga nang malalim si Daniela. Malayo ang kanyang tingin. "Ang Pirate King na si Pietrus, labing dalawang Black Sail pirate ship sa kabuoan, at limang pribadong barkong militar ng White Elephant Chamber of Commerce."

"Baka mayroong mga kanyon ang barko nila. Hindi natin sila pwedeng palapitin!"

Nang makita ang kinikilos nito, agad siyang hinila ni Anna. "Hindi ka pwedeng pumunta doon!"

Umiling si Daniela, "Kailangan natin silang maitaboy bago ang high tide!"

"Ako mismo ang nagtatag sa Sword Harbor. Hindi ko hahayaang sirain 'to ng mga pirata na 'yon!" Makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata!

Matagal na niya itong alam.

Noong sinuot ni Marvin ang Ancestor's Mystery, nakatali na ang tadhana niya s aWhite River Valley.

Dahil ito sa propesiya ng kanilang clan na ang relasyon ng kanilang clan at ng Ancestor's Mystery ay hindi masisira, na umabot na sa puntong ang paraan para malampasan ang Legend Realm ay ang Ancestor's Mystery.

Sa madaling salita, nakatadhanang maging konektado siya kay Marvin.

Sa mga araw niya sa White River Valley, may dahilan kung bakit tinuturing niya ang sarili niya bilang mapapangasa ni Marvin.

Hindi niya pinansin ang pagtatangka ni Anna na pigilan siya at direktang ginamit ang Ice Angel Shape!

Ang makapangyarihang awra nito ay kumalat sa buong Sword Harbor kasabay ng pagpagaspas ng pakpak ng Ice Angel, lumipad ito sa karagatan.

Pero biglang may anim na sinag ng liwanag ang lumabas mula sa pirate ship.

Anim na Half-Legend Wizard ang sunod-sunod na lumabas sakay ng kanilang magic carpet.

Sa pinakamalaking barko, ngumisi ang isang matabang may isang mata, "Isang Ice Angel na mahuhulog sa sarili niyang patibong…"

"Kay tagal ko 'tong hinintay."

Pinalibutan ng anim na Half-Legend si Daniela at nagsimulang mag-cast ng kanilang mga spell.

Napigil ang paghinga ng mga tao sa City Wall.

"Tutulungan ko siya!" umalingawngaw ang isang batang boses.

"Woosh!" isang magic carpet na sinasakyan ni Wayne ang mabilis na lumipad na parang isang palaso!

Desidido siya. Kahit na 3rd rank lang siya, kampante siya na kaya niyang tapatan ang isang 4th rank Wizard!

Ito ang lakas ng mga Seer.

Hindi pa ito nakakalapit kay Daniela, dalawang itim na liwanag ang lumabas mula sa barko ng Whie Elephant!

Mayroong dalawang pang Half-Legend!

Nanlumo ang lahat habang nag-aalalang sigaw nila, "Master Wayne!"

Pero kahit gaano pa sila mag-alala, nasa panganib na sina Wayne at Daniela.

Sadyang hindi nila mapipigilan ang armada.

Sa utos ng Pirate King na si Pietrus, pumwesto na ang mga barko.

Sa tabi ng mga pinakamalalaking barko, mayroong anim na Sea Dragon ang biglang lumilitaw maya't maya at umaatungal!

Ito ang dahilan kung bakit malayang nakakagalaw sa karagatan ang Pirate King!

'Masyadong nag-aalala si Lady Dark Phoenix,' isip-isip ni Pietrus. 'Wala man lang mga Wizard ang teritoryong 'to. Bata pa ang pinadala nila para lumaban, hehe. Paano nila ako malalabanan?'

Nababahala ang lahat ng tao sa city wall.

Nang biglang isang lalaking nakadamit na parang isang paboreal ang lumitaw sa kanilang harapan.