Ang Nameless Alchemist!
Ang mga taong naroon ay mula sa White River Valley, kaya hindi pa rin nakampante ang mga tao sa paglitaw nito.
Si Anna lang na pamilyar sa kanya ang humarang sa kanyang daan. "Anong balak mong gawin? Umalis ka na! Wala kang kakayahan sa pakikipaglaban, mapanganib na ditto!"
Tumawa ang Alchemist at biglang nilabas ang isang bagay.
"Gusto nilang gamitin ang high tide para atakihin ang pantalan. Hindi naman siguro masama na pigilan ang pagtaas nito."
Pagkatapos niyang sabihin ito, itinapon niya ang maliit na bagay sa dagat.
Natigilan ang lahat sa kanyang ginawa. Matagal nang naninirahan sa White River Valley ang taong ito na hindi maaasahan.
Kahit na madalas niyang sabihin na siya ang Greatest Alchemist, wala naman silang nakikitang maayos na resulta sa mga ginagawa nito.
Ano namang magagawa ng maliit na bagay na iyon?
Karamihan ng mga tao ay iniisip na nagpapapansin lang ito kaya nakatuon pa rin ang kanilang atensyon sa laban.
Dahil sa kautusan ni Marvin, walang mga Wizard sa White River Valley.
Pero sa era na ito malaki ang epekto ng mga Wizard sa kalalabasan ng laban!
Sa buong White River Valley, ang tanging caster lang ay ang Sorceress na si Daniela at ang Proxy Overlord Wayne.
Nakabalaik na ang mga Wizard sa Three Ring Towers at River Shore City. Walang sariling pwersa ng mga Wizard ang White River Valley.
Maraming tao ang hindi naiintindihan ito.
Pero paulit-ulit na sinabi ni Marvin na wag kukuha ng mga Wizard, kaya wala silang magagawa kundi sumunod.
Hindi maganda ang sitwasyon nila ngayon.
Kahit na pambihira sina Wayne at Daniela na nahihigitan na nila ang mga pangkaraniwang tao, talo pa rin sila sa dami ng kanilang mga kalaban. Mahihirapan silang makalabas sa pagpapalibot ng mga ito.
At siguradong hindi lang ito ang dami ng Wizard na kasama ng mga lulusob sa kanila.
At nang makita nga ng Pirate King Pietrus na hindi agad matatapos ang laban, naiinip niyang itinaasn ang isang bandera.
Muling lumabas ang mga sinag ng liwanag at lumabas ang ma magic carpet.
Hindi sa bababa sa sampung Wizard pa uli ang ipinalabas para palibutan sina Wayne at Daniela!
"Hindi maganda 'to, nasa panganib tayo!"
Nabahala si Roberts. "Wala tayong ballista o mga Wizard, at kahit ang mga archer ay kakaunti lang. Paano natin dedepensahan ang siyudad?!"
Kahit na ayaw nilang tanggapin ang pag-analisa ni Roberts sa sitwasyon, napilitang aminin ng iba na tama siya!
Kailan lang nabuo ang Sword Harbor, kaya wala silang oras na ihanda ang mga bagay na iyon.
Hindi naman nila inaasahan na bigla silang aatakihin ng Alliance.
Isa itong matinding sakuna!
"Master Wayne, bumalik na kayo dito!" nag-aalalang sigaw ni Anna.
Pero noong mga oras na iyon, isang makayanig mundong tunog ang maririnig mula sa ilalim ng karagatan!
Hindi umalon ang tubig pagkatapos ng tunog. Sa halip, nagsumila itong tumigas nang mabilis!
Ang katubigan sa paligid ng Sword Harbor ay naging yelo!
Kahit na sa ibabaw lang ito.
Mararamadaman ang malamig na simoy ng hangin. Gulat ng tiningnan ng lahat ang Alchemist.
Natuwa naman ito at sinabing, "Ngayon hindi na nila magagamit ang high tide para pumunta rito. Naging yelo na ang dagat!"
"Isa pa, hindi rin ganoon kalalim ang yelo na ito, kaya kung susubukan nilang maglakad… Haha, mababasag 'to ano mang oras at lulubog na sa ilalim ng karagatan ang bangkay nila!"
Tiningnan ng mga dumedepensa sa Sword Harbor ang bagay na nasa kamay niya at nagulat ang mga ito, pero may halong tuwa.
Sa kritikal na oras, hindi nila inasahan na ang hindi maaasahang Alchemist ay may malaking bagay na magagawa para sa kanila!
Umaangat na ang tubig, pero hindi nila inaasahan na mapipigilan ito ng Alchemist gamit ang isang magic trick.
Nagdiwang ang mga tao sa city wall.
…
Ang dalawa na lumalaban sa ere ay nakita ito at napanatag. Agad silang gumamit ng escape skill para makaalis, sinamantala nila ang pagkakataon na hindi pa sila lubusang napapalibutan ng mga sumunod na Wizard na pinadala, at agad silang bumalik sa city wall..
Namumutla sina Wayne at Daniela.
Lalo na si Daniela. Kahit na ginamit niya ang kanyang Ice Angel Shape, nakakapagod pa rin ang lumabang nang 1 laban sa anim.
At kahit na pinatigas na ng Alchemist ang karagatan, maipagpapaliban lang nito ang laban ng ilang oras.
Hindi magtatagal, darating na ang susunod nap ag-atake.
"Wag kayong makampante!
"Manatili kayong handa para sa laban!" Mahigpit na sigaw ni Anna.
…
Sa karagatan, tumingin si Pietrus at makikita ang pagkamangha sa kanyang mukha.
Hindi niya alam kung anong spell ang makakapagpatifas sa malaking bahagi ng tubig, pero siguradong isa itong Legendary Spell.
Kahit na si Daniela ay isang peak 4th rank Ice Angel at talentado sa Ice magic, hindi niya ito magagawa.
.
Dahil hindi siya isang Legend.
Isa ito sa mga limitasyon ng Plane Law.
'May tinatago kayang Legend Wizard ang White River Valley?'
Nag-aalangan siya.
.
Malaki ang epekto ng isang Legend Wizard sa labanan.
Pero pinag-isipan niya itong Mabuti. Kadalasan, ang mga Legend Wizard ay nakarehistri sa Alliance, at malayong may isang Legend na biglang lumabas sa White River Valley.
Isa pa, ayon sa ulat ng mga Wizard, mukhang hindi magic ang ginamit para patigasin ang dagat.
Bilang isang tauhan ng Dark Phoenix, kahit na fighting class ang mayroon si Pietrus, matalas pa rin ang kanyang perception.
Agad niyang itinaas ang malaking kamay niya at sinabing, "I-summon ang Logenath!"
Sa pirate ship, anim na matipunong pirata ang naglabas ng isang malaking tambuli.
Ang Pirate King mismo ang umihip sa tambuli!
Isang malaking puyo sa tubig ang lumitaw sa dagat!
Ang isang pag-ihip nito ay umabot hanggang sa ilalim ng dagat at ang anim na Sea Dragon ay hindi mapigilang umatras!
Napakalayo ng tambuli pero tila napakalapit nito, kasabay ng isang pag-atungal na nagmumula sa malayo.
Isang nakakatakot na Sea Monster ang unti-unting umahon. Puno ng ugat ang kanyang ulo, at bilugan ang kanyang katawan na parang bola.
Mayroon itong isang sungay sa kanyang ulo at napakatalas nito!
"Ang Sea Monster ng Emeral Sea, ang Logenath!"
"Bakit naman niya susundin ang pagtawag ng Pirate King?"
May alam si Roberts dito at agad na napansin ang katawan ng Logenath.
Namutla sila.
Ang Legendary Sea Monster na ito ay nakikinig sa utos ng Dark Phoenix na tulungan si Pietrus na pagharian ang karagatan..
Ang sungay nito ay kayang bumutas ng mga bulkan sa ilalim ng dagat, kaya kayang-kaya nito ang manipis na yelo!
"Basagin mo ang yelo para sa akin!" sigaw ng Pirate King.
Habang umaabante ang Logenath, nagkaroon ng bitak sa dulo ng yelo.
Kahit na hindi gaanong malaki ang katawan ng Sea Monster, kaya pa rin nitong basagin ang yelo!
Labis na nabahala ang mga taga White River Valley.
Sa ganoong sitwasyon, tiningnan nila muli ang Alchemist at umasa.
Kinuyom ng Alchemist ang kanyang ngipin at naglabas ng dalawang bagay sa kanyang mga bulsa.
Ilang sandali lang, dismayado niyang tiningnan ang mga ito "Hmmmm… Walang silbi ang mga item na 'to. Tatlong beses kada araw ko lang pwedeng buksan ang mga bulsa na 'to..."
Natigilan ang lahat, hindi nila alam ang ibig sabihin ng sinabi ng Alchemist.
Noong oras na iyon, isang anino ang biglang lumitaw sa ibabaw ng yelo!