Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 301 - Ball

Chapter 301 - Ball

Kinagabihan, maliwanag na maliwanag ang Royal City.

Si Princess Nana ay magdadaos ng isang pagdiriwang ngayong gabi. Marami ang nagtaka tungkol sa ganitong kaganapan sa panahon ng kaguluhan.

Ang piging ay para sa ika labing anim na kaarawan ng Princess.

Nagkaroon ng isang piging sampung araw na ang nakakalipas, pero dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Princess Nana noong mga panahong iyon, hindi sila nagdaos ng selebrasyon.

Kaya naman ngayon ito gaganapin.

Pero maraming sikat na tao sa Royal City ang nakakaalam na hindi lang ito pangkaraniwang pagdiriwang.

Halos lahat ng matutunog na pangalan ay imbitado.

Bukod sa hari, na malamang ay hindi dadalo dahil sa masama ang pakiramdam nito noong mga nakaraang araw, lahat ng kilalang tao ay imbitado.

Kasama na dito ang High Priestess ng Shrine.

"Isang Pagdiriwang?"

Sa Shadow God Palace, umismid si Capella habang tinitingnan ang imbitasyong hawak niya. "Nahaharap sa parusa ang kapatid niya pero may gana pa rin siyang magdiwang?"

"Marami po ang nakakaalam ng tungkol sa Royal Family. Malapit si Prince Aragon at Princess Nana. Pero sa kasalukuyang pamilya ng Nottingheim, hindi dapat kalimutan ang posibilidad ng pagkakaroon ng kauna-unahang reyna." Magalang na paliwanag ng isang serbidor sa tabi, "Sa tingin ko po, sinadya niyang imbitahin kayo dahil gusto niyang mapanatili ang bloodline ng Nottingheim Royal Family."

"O baka may binabalak silang masama?" Sagot ni Capella.

Umiling ang serbidor. "Hindi na 'yon kakayanin ng matandang hari, at kahit ano pang gawin ni Princess Nana, hindi naman siya makakagawa ng malaking pagkilos."

"Kusang sumama si Aragon para maging bilanggo, at ngayon ay nakakulong na siya sa isang kulungan sa tubig sa tulong ng isang Divine Spell. Kahit pa gustuhin niyang makatakas, maaalarma nito ang apat na Great Priest."

"Kung magtutulong-tulong ang apat na Great Priest, siguradong hindi siya makakatakas."

"Pero Lady Capella, kung ayaw niyo naman pumunta, hindi niyo naman po kailangan bigyan pa ng oras 'yon."

"Sabihin mo na lang na masama ang pakiramdam ko," mahinahong desisyon ni Capella.

Dahan-dahang tumango ang serbidor. Yuyuko na sana ito at ipaparating ang mensahe sa taong naghihintay sa pinto, pero biglang nagbago ang isip ng High Priestess, "Sandali!"

"Pupunta na ako."

"Hindi ganoon ka-simple ang Nana na 'yon. Hindi man siya kasing lakas ng kanyang nakatatandang kapatid, may sarili pa rin itong pwersa at kakayahan."

"Noong mga nakaraang taon, sinadya siyang bigyan ng kapangyarihan ng matandang hari. Siguro ay nahulaan na niyang mangyayari ito."

"Siguradong hindi sila mangangahas na kalabanin ang Shrine, pero ginalit ng Aragon na 'yon ang Shrine. Kung gusto talaga niyang mapanatili ang bloodline ang mga Nottingheim, titingnan ko kung paano niya pagagandahin sa paningin ng Shrine ang pamilya nila. Kung hindi naman, maganda pa ring pagkakataon ang gabing ito."

"Ilang taon na ring pinamumunuan ng mga Nottingheim an Arborea, kaya hindi na rin masama kung matatapos ang lahat ng iyon ngayong gabi."

Pagkatapos niyang sabihin ito, tumayo ito at tiningnan ang kanyang mga damit.

"Magpapalit lang ako."

"… Kelan ba ako huling sumayaw?"

Sa labas ng Shadow God Palace, naghihintay na sa loob ng karwahe ng High Priestess habang mabagal ang pag-usad nito sa Royal City.

Ang pangunahing kalsada, na diretsong binuo mula Eastern Snow Mountain, ay maayos at ligtas.

Labing limang minuto lang ang aabutin para makarating sa Imperial Palace.

Pero ang labing limang minuto na ito ay sapat na para gumawa ng hakbang si Marvin.

Sa dilim ng gabi, tahimik na kumilos ang Night Walker.

Hindi man masabi ang mga galaw nito, basta ang pakay niya ay ang Shadow Shrine!

Ang Shadow Priestess ay Apostle ng Shadow Prince, at kahit pa hindi siya kasing lakas ng isang Legend, bawat sulok ng Shadow Shrine ay sakop ng kanyang Perception!

Lagi lang siyang nasa loob ng Shrine at bibihira itong lumabas.

At ang plano ni Marvin ay gawin ang lahat para lang mapalabas ang High Priestess.

Isa lang panakip ang selebrasyon na ito sa tunay na mangyayari.

Syempre, kung hindi umalis ang Shadow Priestess sa Shrine, may iba pang plano si Marvin.

'Walang naging problema sa unang hakbang. Talagang praning ang High Priestess na'to,' panunuya ni Marvin, habang nagmamadali niyang nilagpasan ang dalawang gwardya.

Walang napansin ang dalawang bantay.

Ito ang kapangyarihan ng 180 Stealth.

Dahil sa Eriksson's Brooch, kampante si Marvin na pasukin ang Shadow Shrine.

Kailangan niyang bilisan!

Hindi malilibang nang mahabang oras ng Princes ang Priestess!

Kailangan mabilis na libutin ni Marvin ang Shadow Shrine base sa kanyang alaala ng lugar na ito.

Hindi nagtagal, nalagpasan na rin niya ang isang grupo ng mga Priest na dumating sa kapilya.

Hindi mabilang na kandila ang nasa gitna kasama ng isang istatwa ng nakamaskarang lalaki, ang Shadow Prince.

Isang anino ang kumisap sa istatwa.

"Glynos…"

Tinitigan ni Marvin ang rebulto na mayroong taglay na Divinity. Pero walang napansin ang rebulto.

Kayang lusutan ng Eriksson's Brooch kahit ang Heavenly Observer, lalo na ang isang rebultong mayroong detection spell!

Hindi na nagtagal si Marvin, inikutan niya ang kapilya at nahanap ang daan papasok sa ibaba.

Naroon ang Divine Spell Prison.

Iba't ibang uri ng bilanggo ang narito. Karamihan sa mga ito ay mapapanganib.

At ang hagdan na ito ay protektado rin ng iba't ibang uri ng mga expert.

Sa pagkakaalam niya, ang pinakamalakas sa mga ito ay ang apat na matandang Great Priest.

Bago nilang bantayan ang huling palapag ng kulungang ito, ilang taon din nilang binantayan ang hagdanan na ito.

Mayroong anim na palapag ang Divine Spell Prison na ito.

Walang hirap namang nakapuslit papasok si Marvin sa kulungan.

Kailangan niyang maging alisto rito.

Kahit na hindi mahahanap si Marvin ng mga Detection Divine Spell, kapag naalarma niya ang mga ito, malaking problema ito.

'Wala na kong masyadong oras.'

Pinunasan niya ang kanyang pawis at direktang nilampasan ang unang tatlong palapag.

Ang criminal na tulad ni Aragon ay siguradong nasa ika-apat o ika-limang palapag ng tubig na kulungang ito.

At gaya ng inaasahan, natagpuan niya si Aragon sa ika-apat na palapag.

May mga latay sa kanyang katawan at ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay nakalubog sa kulay luntiang likido. Mahigpit naman nakagapos sa kanya ang isang pares ng posas.

Mayroong anim na nagbabantay sa palapag na ito.

Bawat isa sa mga gwardya ay isang level 15 Paladin.

Tahimik na lumapit si Marvin.

"Handa ka na?"

Mahina ang kanyang boses, at tanging si Aragon lang ang nakakarinig nito.

Biglang tumingala ang Prince.

Sabay-sabay naman na may napansin na kakaiba ang anim na Shrine Paladin. "Anong tinitingnan mo?" Tanong ng isa sa mga ito.

"Pesteng suwail! Kung hindi lang dahil sa utos ng High Priestess, gagamitin ko na sayo ang God's Fire!"

Tumingala si Aragon, tinitigan ang mga Shrine Paladin at sinabing, "Bigyan mo ako ng espada."

Natigilan ang mga Paladin bago tuluyang tumawa ang mga ito. "Nababaliw ka na ba? Bakit ka naman naming bibigyan ng espada?"

Pero noong mga oras na iyon, may liwanag na kumislap mula sa dilim.

"Klang!"

Maririnig ang pawasak ng Blazing Fury sa mga posas!

Habang gulat na nakatitig ang mga Paladin, kumuha si Aragon ng espada at naglakad palabas mula sa asido.

Mahinahon pa rin ang kanyang mukha.

"Wala nang Shrine pagkatapos ng gabing ito."

Related Books

Popular novel hashtag