Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 302 - Marvin’s Plan

Chapter 302 - Marvin’s Plan

Level 18 Storm Swordsman!

Ang pinakamakapangyarihan sa Arborea.

Kung hindi kusang nagpakulong si Aragon, kakunti lang ang may kakayahang pigilan siya, kasama na dito ang High Priestess!

At imposible rin itong magawa ng anim na Paladin na ito, lalo pa't natanggal na ang Divine Spell Prison Shackle!

Sa isang iglap, isang matinding bagyo ang lumitaw. Parang isang ipo-ipo si Aragon, sa isang iglap ay natalo na niya ang anim na Paladin!

Umalingawngaw ang mga sigaw at naalerto ang buong Divine Spell Prison!

Buhay na buhay ang pagdiriwang.

Dumating ang karwahe ng High Priestess sa harap ng Imperial Palace at sinalubong naman siya ng Princess.

Malaki ang ngiti ni Nana. "Lady High Priestess, isang malaking karangalan sa akin ang pagpunta niyo."

"Umaasa akong pagpapalain ng Father God ang mga Nottingheim," walang emosyong sabi ng High Priestess kay Nana.

Tiningnan niya ang mukha ni Nana at may sasabihin pa sana, nang biglang nagbago ang reaksyon nito!

"Anong nangyari? Lady?" Mahinahong tanong ni Nana.

Napasigaw sa galit ang High Priestess, "Babalik na ako sa Shrine!"

"Sinusubukang tumakas ni Aragon!"

"Nottingheim, hindi ito madaling patawarin!"

Sa lakas ng kanyang boses, narinig siya ng lahat ng tao sa Royal City!

Hindi nagtagal, nawalan ng buhay ang selebrasyon!

Makikita ang takot sa mukha ng mga Noble habang pinapanuod ang papalayong karwahe ng High Priestess.

Alam nilang galit na galit na ang High Priestess sa pagkakataong ito.

Noong una ay may pag-asa pang maisalba ng Nottingheim Royal Family ang kanilang bloodline, pero ngayon, wala na.

Bakit ganito katanga si Aragon?

Bago pa man sila magkaulirat sa nangyayari, isang hukbong mga naka-itim na armor ang pumalibot sa Imperial Palace.

"Princess Nana!"

"Kamahalan!"

Napasigaw ang mga Noble at opisyal.

Dahan-dahang tumalikod ang dalaga, sumasayaw sa hangin ang damit nito kasabay ng pagngiti nito. "Hindi pa tapos ang kasiyahan…"

"Mapapahiya ako kung aalis kayo ng ganito kaaga."

Natahimik silang lahat.

Gaano na ba katagal naghihintay ang hukbong naka-itim na armor?

Ni hindi nila napansin ito!

"Ang Royal Iron Gurad…" Nangangatal ang boses ng Finance Minister. "Hindi kaya…"

"Ibinigay na sa akin ni ama ang Royal Iron Guard, tatlong taon na ang nakakalipas. Mayroong pa bang may katanungan?" Mahinahong sagot ni Nana.

"Eh ang City Defense Army?" Tinitigan ng Military Minister ang Princess. "Sa tingin mo ba hindi pupunta rito ang City Defense Army para tumulong kapag sumigaw ako?"

"Mga ginoo, masyado kayong nag-iisip," nakangiting sabi ni Nana. "Sinabi na ng Lady high Priestess na may mga paganong nagpunta sa mundo natin. Pinadala na niya ang kalahati sa mga Paladin niya, at ang City Defense Army naman ay siguradong makikipagtulungan sa Shrine."

"Ngayong gabi, pinadala sila para hulihin ang mga pagano. Tatlong araw pa bago sila makabalik ng Royal City."

"Pineke mo ang utos ng Shrine? Sinong nagbigay sayo ng permiso?" Sigaw ng Military Minister.

"Sir, huminahon ka. Marami akong kaibigan." Sagot ni Nana.

Natahimik ang lahat.

Sa harap ng mga Royal Iron Guard, walang nagawa ang mga Noble ng Royal City.

Paglipas ng ilang saglit, isang malakas na ingay ang maririnig mula sa direksyon ng Shadow God Palace. Tila alulong ito ng isang hayop!

"Gusto ko lang malaman Princess, balak mo ba talagang kalabanin ang Shrine?" Tanong ng isang matandang Noble

"Kung ganoon, bakit kailangan mo pang ibunyag ang sarili mo? Mas mabuti na sanang hinayaan mo na lang si Prince Aragon ang kumilos. Nang sa ganoon, kung pumalya man ito, mapapanatili niyo pa rin ang bloodline ng Nottingheim."

Maririnig ang paninindigan sa boses ng Princess. "Pagkatapos ng gabing ito, mawawala na ang Shrine…"

Mas mabilis kesa sa inaasahan ni Marvin na natapos ang laban sa ika-apat na palapag.

Nagdadalawang-isip pa rin siya kung dapat ba niyang tulungan si Aragon sa paglaban sa anim na Paladin!

Higit na malakas pa si Aragon kesa sa inaasahan ni Marvin.

'Sa ganitong talento, kung nasa Feinan siya, walang kahirap-hirap sa kanya ang pag-abot ng Legend!' Sabi ni Marvin sa kanya sarili.

Level 18 ang limitasyon ng plane na ito, kaya umabot na si Aragon sa punto na hindi na siya maaaring mag-advance.

Nalilimitahan ng batas ng plane ang kanyang lakas. Isa ito sa mga negatibong katangian ng mga Secondary Plane.

Kung nasa Feinan siya, siguradong isa na siyang Legend.

Pagkatapos talunin ang anim na Paladin, tumango si Aragon at Marvin sa isa't isa at muling naglaho sa dilim si Marvin!

Isang pagpapanggap lang ang pagdiriwang ng Princess.

Bakit hindi nila subukan itakas si Aragon?

MAgkakaugnay ang plano ni Marvin, hindi pwede ang pagkakamali.

Hindi nagtagal, nagmadaling pumunta si Aragon sa ika-limang palapag!

Tatlong napakasamang kriminal ang nakakulong doon. Pero dahil sa pagpapahirap ng Shrine, hindi na silang mukhang tao.

"Aragon!"

"Ang lakas ng loob mong tumakas!" Isang dumadagundong na boses ang kanyang narinig.

Sa isang iglap, namatay lahat ng kandila. Biglang kumislap ang hawak na espada ni Aragon.

Mayroong apat na anino.

Ang apat na Great Priest ng Shadow God Palace.

Bawat sa kanila ay makapangyarihang level 18 Cleric.

Silang apat ang huling alas ng Shadow God Palace. Kahit na may katandaan na ang mga ito, marami pa ring karanasan ang mga ito pagdating sa mga Divine Spell!

Sa isang iglap, bumuo ng selda ang apat na anino!

Divine Spell – Shadow Prison!

Kinailangan magtulungan ng apat na Cleric para makagamit ng isang Divine Spell, at kahit ang mabagsik na si Aragon ay nakulong sa loob nito.

"Tanggapin mo ang parusa ng Father God!" Walang emosyong sabi ng isa sa mga ito.

Sa pangunahing kalsada, nagmamadaling bumalik ang karwahe ni Capella.

Ilang imahe ang lumabas sa kanyang harapan. Putol-putol ang mga ito, pero binubuo nito ang isang anino!

Ang pagano!

Nagngalit ang ngipin ni Capella sa galit.

Pinanuod niya ang apat na Great Priest na kalabanin si Aragon, at bahagyang namutla siya!

'Ito pala ang binabalak mo…'

'Pero paano mo nalaman na mayroong mapanganib na bagay na nakatago sa ilalim ng Shrine?'

Puno ng pagdududa ang mat ani Capella.

Sa sumundo na sandali, mabilis siyang muling pumasok sa Shrine!

Sa ika-anim na palapag ng Divine Spell Prison.

Sa tabi ng anim na malalaking kandila, walang kalaman-laman ang lugar na ito.

Lumakad paharap si Marvin.

Isang malaking pader na bato ang nakaharang sa kanyang daan!

Umatras siya nang dalawang hakbang at kinuha ang SunSphere bago ito walang habas na hinampas sa pader!

"Grrll."

Sa isang iglap, nadurog ang pader at lumabas ang isang lihim na lagusan na mayroong rune.

'Nahanap din kita…'

'Hehehe. Hell's Door.'

Isang kuntentong ngiti ang makikita sa mukha ni Marvin. 'Gutom na gutom ka na siguro.'

Pero sa sumunod na sandali, isang malamig na boses ang umalingawngaw sa kanyang likod.

"Hanggang dyan ka na lang."

"Pesteng pagano, ang lakas ng loob mong subukang buksan ang Hell's Door.."

"Itatapon kita sa God's Fire at hahayaan kita masunog nang isang daang araw. Mapupunta ang kaluluwa mo sa Father God at hindi ka na muling isisilang!"