Dahan-dahan tumalikod si Marvin.
Nakatitig sa kanya ang High Priestess, kumikisap-kisap sa kanyang kamay ang liwanag ng Divine Spell, handa nang ibato kay Marvin ano mang oras!
"Ang bilis mong nakabalik." Tiningnan ni Marvin ang tusong mukha ni Capella. "Sigurado ka bang mapipigilan mo ko?"
Tiningnan mabuti ni Capella si Marvin.
Maingat si Capella. Paulit-ulit siyang binalaan ng Father God na ang mga taong ito na nagmula sa ibang plane ay malakas at masama!
Ang binatang ito na nasa kanyang harapan ay nasa 15 o 16 taong gulang pa lamang, pero nagawa na nitong pumuslit papasok ng ika-anim na palapag ng Divine Spell Prison.
Kahit na gumawa ng dibersyon sila Aragon at Nana, mahirap pa rin itong gawin!
Pero nagawa niya ito nang walang kahirap-hirap.
Hindi ito kapani-paniwala.
"Ikaw ang pumatay kay Dina," mahinang sabi nito. "Level 18 Assassin?"
Matinding panganib ang dala ni Marvin sa kanya kaya hindi siya basta-basta aatake.
Alam niyang matagal-tagal bago bumukas ang Hell's Gate. Lalo pa at ilang taon na rin itong selyado. At basta naroon siya, walang magagawa ang binatang ito.
Kahit na makapangyarihan si Aragon, hindi naman niya siguro kakayanin nang mag-isa ang apat na Great Priest.
Siguradong matatalo siya ng mga ito.
Kapag dumating na para tumulong ang mga Great Priest, kasama ng mga Paladin, siguradong hindi na makakatakas ang Assassin na ito!
Ngumisi si Marvin, "Alam mo pala ang salitang [Assassin]?"
"Sabi na nga ba, mas marami kang nalalaman kumpara sa iba dahil Apostle ka ng isang God."
"Walang ganitong class sa Arborea, hindi ba?"
"Sinigurado 'yan ni Glynos, tama? Hindi siya pumayag na magkaroon ng Assassin o iba pang mga rogue class ang Secindary Plane niya. Napakakitid talaga ng utak niya."
May dahilan ang pangungutya ni Marvin.
Dahil ang Shadow Prince ang God of Shadows, maaari siyang makakuha ng napakaraming Shadow Sorcerer at Assassin bilang tagasuno niya.
Kung sapat ang paniniwala ng mga class-holder na ito, mas marami siyang Faith na makukuha kesa sa mga pangkaraniwang Cleric at Paladin.
Dahil mas mayabong ang essence ng mga class-holder na ito. Hindi lang nila basta-basta tatanggapin ang binibigay ng God nila. Sa halip, hahasain nila ang sarili nila at dahil doon, mas lalakas ang paniniwala nila.
Pero makitid ang utak ni Glynos. Para mapigilan ang iba na mahigitan siya, hindi siya pumayag na magkaroon ng mga Assassin sa kanyang mga realm.
Wala namang masabi dito si Marvin.
Hindi lalagpas sa isang daang tao ang nakakaalam ng salitang [Assassin] sa plane ni Glynos.
Kasama na dito ang mga nakatataas na miyembro ng Shrine at ilang miyembro ng Royal Family. Kakaunti lang din ang mag Thief sa mga tao dahil binabantayang mabuti ng Shrine ang mga ito.
Binibitay sa pamamagitan ng apoy ang mga Thief.
Kaya maganda naman ang seguridad ng publiko.
…
"Ang lakas ng loob mong insultuhin ang Father God…."
Makikita ang galit sa mga mat ani Capella. Limang beses na tumuro ang kanyang mga daliri sa sumunod na sandali, at limang Shadow Beast ang lumabas mula sa Shadow Realm!
Kakaiba ang itsura ng mga ito, magkakaiba ang bawat isa sa mga ito, pero lahat sila ay agresibo!
"Roar!"
Umatungal ang mga ito at dinambahan si Marvin. Pero biglang nawala sa kanyang kinatatayuan si Marvin!
Shadow Escape!
Walang kapantay ang bilis ng mga Night Walker. Gamit lang ang isang simpleng escape skill, nakawala siya mula sa atake ng mga Shadow Beast.
Bago pa man makagamit si Capella ng isa pang Divine Spell, kumapit si Marvin sa napakalaking gate na gawa sa tanso na parang butiki!
Biglang nagbago ang mukha ni Capella.
Biglang ngumiti nang kakaiba si Marvin. "Shhh! Makinig ka."
"Blag! Blag!"
"Blag! Blag!"
Mayroong tumatama sa pinto!
Nagulat si Capella!
"Paano nangyari 'to?!"
"Maayos pa ang kundisyon ng selyo ng Hell's Gate, kaya paano nangyari ito?!"
Bigla naman may tatlong lalaki ang lumipad pababa ng hagdanan!
Tatlo sa apat na Great Priest!
"High Priestess! Nakatakas si Aragon!"
"Nagsama na si Sir Novak ng isang daang paladin para habulin siya!"
"Ito ba ang pagano?"
Agad namang tumango si Capella nang tanungin ng Great Priest.
Hindi ito nagsalita habang ang mga Shadow Beast naman ay pilit na nagtatago, tila ba takot na takot ang mga ito!
Mas malaks ang instinct ng mga ito kumpara sa mga tao.
Natatakot sila sa kung ano man ang nasa likod ng gate na iyon!
…
"Blag! Blag! Blag!"
Mas lalong tumindi ang tunog.
Hindi makapaniwala ang isa sa mga Great Priest. "Imposible! Kakatingin ko lang sa selyo niyang noong isang araw! Walang kahit anong lamat o sira 'yon!"
"Kakarating niya lang. Paano niya nagawang tanggalin agad-agad ang selyo?"
"Basurang pagano, talaga ngang nakipagsabwatan si Aragon sa kanila!"
Nanlumo ang mukha ni Capella. "Ipatawag ang mga Zealot Warrior!"
"Gyera na 'to."
Nakadikit pa rin si Marvin sa gate na para bang butiki, isang maliwanag na ilaw ang kumikisap sa pulseras na nasa kanyang kamay na para bang may tinatawag ito!
[Ancestor's Mystery]!
Ang lihim na sandatang ginagamit ng mga Numen para manipulahin ang ulo ng Archdevil.
Bukod sa pagmanipula ng ulo ng Archdevil, may iba pang gamit ang mga pulseras na ito. Kaya nitong makipag-usap sa mga nilalang ng Hell, at sirain ang mga selyo sa mga lagusang patungo sa Hell.
Nagliliwanag lang ang bracelet sa isang lugar kung saan mayroong Hell's Gate.
Ginagamit naman ni Marvin ang isa pang kakayahan ng pulseras para magtawag ng mga halimaw sa kabilang panig ng pinto.
Kung aatakihin ang selyo nito mula sa magkabilang panig, mas mabilis itong matatanggal!
Habang nagdadalawang isip ang mga ito, pinahina na ng [Ancestor's Mystery] ang malaking bahagi ng selyo.
Mahinang tumawa si Marvin. "Pasensya na kayo."
"Wala naman akong intensyon na atakihin kayo."
"Mayroong lang akong sama ng loob… Kay Glynos."
Pagkatapos magsalita ni Marvin, isang nakakatakot na atungal ang narinig nila mula sa gate!
Nanlaki ang kanilang mga mata!
"Bang!"
Sapilitang nabuksan na ang gate. Kasabay nito, gumamit si Marvin ng Night Boundary para muling magtago.
Isang malaking ulo na naglalaway ang lumutaw mula sa loob ng gate!
Tumulo ang laway sa sahig, at nag-iwan ito ng malalaking butas!
Makikita ang takot sa mukha ni Capella. "Hellhound…"
"Roar!"
Isang atungal ang umalingawngaw.
Pilit na lumabas ang napakalaking katawan ng Hellhound sa siwang ng Hell's Gate.
Isa itong Three-Headed Hellhound!
Pero mayroon lang itong dalwang ulo. Ang isa pa ay mas maliit at may diperensya, nasa pagitan ito ng dalawa pang ulo.
Pinagpapawisan na si Capella, at nanginginig naman ang mga Priest sa likuran niya.
Ang isang Hellhound na may isa ulo pa lang ay malaki nang panganib!
Limitado lang ang kapangyarihan ng mga Divine Spell, lalo na ang mga Divine Spell na nanggagaling sa Shadow Prince. Dehado sila sa mga nilalang ng Hell.
Kung mas marami pa sa mga ito ang dumating…
Ayaw na itong isipan pa ni Capella.
Pero, nang tuluyang makalusot ang Hellhound, malakas na sumara ang gate!
Tumayo si Marvin sa harap ng gate. Dahan-dahang lumingon sa kanya ang dalawang ulo ng mga Hellhound.
Tumutulo ang mala-asidong laway nito.
Nanganganib na mawasak ang buong ika-anim na palapag ng Divine Spell Prison.