Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 300 - Miracle

Chapter 300 - Miracle

Matagal na natahimik ang Prince sa selda.

Tumingin siya sa gwardya at bumulong, "Kailangan ko munang malaman kung sino ka, kung hindi, hindi kita pwedeng pagkatiwalaan."

"Ako ang pumatay sa Priest, at hinding-hindi ako kakampi sa Shrine. 'Yon lang ang kailangan mong malaman," mabilis na sagot ni Marvin.

"Ano bang pakay mo? Pabagsakin ang Shrine? Walang ganoong klaseng expert sa hukbo ng mga rebelde!"

Lalo pang nagduda si Aragon.

Ang taong nagtatago sa dilim ay bigla na lang lumabas mula sa kawalan. Ngayon lang siya nakakilala ng ganitong klase ng tao sa buong plane.

"Kung gusto mo talagang malaman, kailangan mong magtiwala," sabi ni Marvin. "Kung handa kang makipagtulungan sa akin, sasabihin ko sayo kung sino ako."

"Makipagtulungan?" Mapait na ngumiti si Aragon. "Sa tingin mo ba kaya mapabagsak ang Shadow Prince nang iilang mga expert lang?"

"Bakit hindi?" Tanong ni Marvin.

"Malakas ang kapit ng kapangyarihan ng Shrine. Binalak nang pabagsakin ng mga Nottingheim ang Shrine magmula pa noong panahon ng lolo ko. Sinubukan na rin ng ama ko."

Pagkatapos sabihin ito, tumagil na ito sa pagsasalita.

Biglang may naisip si Marvin, nauunawan na niya ang nangyari. "Ang mga rebelde."

Tumango si Aragon. "Sa totoo lang, sa ilang taong paghahanda, hindi naman imposible na itaya na ang lahat laban sa Shrine."

"Pero ang Shrine ay hindi lang basta ang Shrine."

"Mayroong god sa likod ng Shrine."

"Kahit pa matagal nang hindi nagmimilagro ang Shadow Prince, nandyan pa rin siya. Nakatadhana na ang kinabukasan ng plane na 'to. Mga tauhan kami ng God, at hindi naming siya pwedeng suwayin."

Tiningnan saglit ni Marvin ang Prince na si Aragon.

Kahit na higit sa 30 anyos na ang Prince na ito, mukha pa rin itong bata at gwapo.

Bilang isa sa mga pinakamalakas sa plane na ito, malinaw na mas pinag-isipan na niya ang bagay na ito kumpara sa pangkaraniwang tao."

"Mayroong sikretong aklatan sa Nottineheim Palace," sabi ni Aragon. "Pumunta ako doon noong bata pa ako."

"Kaya alam kong ang mundo ay hindi kasing liit ng sinasabi ng Shrine. Ang mundong 'to ay napakalaki, at ang Arborea ay isa lang bahagi ng walang hanggang mundo."

"Ang god na pinaniniwalaan naming ay mas malakas. Alam ko ito at nang marami pang iba, kaya nagrebelde kami."

"Pero sa oras na magmilagro ang Shadow Prince, hindi na naming siya mapipigilan."

"Wala na kaming pag-asa."

Malungkot na sabi ng Prince.

Pero muling nagsalita ang boses, at puno ng kumpiyansa. "Paano kung sabihin kong kaya kong patayin ang sinasabi mong God ng Mundon 'to?"

Sa Eastern Snow Mountaun, sa Shadow God Palace.

Kasalukuyang ginagawa pa rin nila ang pang araw-araw nilang dasal.

Mahinang binasa ni Capella ang doktrina ng kanilang God, pero para bang hindi pa rin ito mapakali.

Baka dahil sa naganap kahapon.

Isang Senior Priest ang napatay sa White Elephant City!

Alam niya kung gaano kalakas si Dina: Kung hindi ang Prince na si Aragon ang mismong kumilos, wala dapat makakapatay sa kanya.

Kahit na ang mga natitirang miyembro ng mga rebelde ay hindi kayang gawin ito.

Sinong gumawa nito?

Napuno ng pagdududa ang kanyang isipan.

Nang biglang may isang maitim na anino ang bumaba mula sa malamig na istatwa!

Nanlaki ang mga mata ni Capella sa gulat. Taimtim siyang tumingala at tinawag ang pangalan ng kanang God.

Sa isang iglap, lumitaw mula sa kawalan ang Shadow Holy Power at nabalot ang buong Eastern Snow Mountain.

Sa Royal Capital na nasa ilalim ng Snow Mountain, natigilan ang lahat nang makita nila ang eksenang ito.

Sa wakas, may nagsalita at sinabing, "Milagro!"

Lumuhod ang lahat at sumamba.

Ang iba ay naiyak sa pagkasabik.

Ang ilan ay natigilan, hindi makapaniwala.

Pero karamihan ay basta na lang lumuhod at nagdasal ng biyaya.

Sa Imperial Palace, ang matandang hari ay tinulungan ng isang mahinhing babae, paisa-isang hakbang silang lumabas.

Tiningnan niya ang anino sa Shadow Mountain at naluha.

Lahat ng nasa tabi niya ay lumuhod. Tanging ang hari at ang babae ang hindi lumuhod.

"Nana, may masama akong nagawa sa kapatid mo," mangiyak-ngiyak na sabi ng King.

Nanatili lang tahimik ang babae.

Matagal na nanatili ang anino hanggang sa unti-unti itong nawala.

Umulan ng kadiliman mula sa langit, at nadama ng lahat ng nasa paligid ng hari ang namumuong malakas na kapangyarihan!

Sa iskwateran, isang matandang may malubhang sakit ang tinamaan ng ulan ng kadiliman at biglang gumaling at nakabawi ng lakas.

Dahil sa madilim na pag-ulan, ang sino mang tamaan nito ay bahagyang bubuti ang pag-iisip at katawan.

Sa Shadow God Palace, isang sigaw ang umalingawngaw sa kaluluwa ng lahat:

"Father God!"

"Father God!" sigaw ng karamihan sa Royal Capital.

Sa Imperial Palace, ang matandang King ay natumba habang naiwang nakatayo ang babae.

Tinitigan nito ang kalangitan at sinabing, "Kung tunay nga ama siya, bakit niya nagagawa ito sa mga anak niya?"

Hindi sa kanya mismo nanggaling ang pangungusap na ito.

Sa halip, noong bata pa siya, nabasa niya ito sa isang libro. At ang libro na iyon ay isang lihim na kayamanan ng Royal Family na ninakaw ng kanyang kapatid para ipakita sa kanya.

Ang librong ito ay hindi bababa sa isang siglo ang tanda at ang pangalan ng manunulat at titolo nito ay kakaiba.

Sariwa pa rin ito sa kanyang alaala.

Plane Traveller, Bacon.

Nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa buong Nottingheim Kingdom ang milagro na nangyari sa Royal City.

Unti-unting naniwala ang mga tao at mas tumibay ito.

Ayon naman sa High Priestess ng Shadow God Palace na natanggap niya ang Oracle ng Father God!

Ang oracle na ito mabilsi na kumalat sa buong kaharian. Sa pamamagitan ng mga Priest nakarating rin ito sa mga tao.

Ang sabi dito ay: Mayroong mga paganong mula sa ibang plane ang dumating sa Arborea.

Balak sirain ng mga paganong ito ang mundong ito.

Matatagpuan ang mga ito sa White Elephant City!

Kailangan mahuli ng Shrine ang mga ito at patayin!

Muli na namang napunta sa White Elephant City ang atensyon.

Bukod sa dalawang Senior Priest na nauna nang pinadala, nagpadala pa ang High Priestess na si Capella ng limang daang 3rd rank paladin at karagdagang dalawang Senior Priest sa White Elephant City.

….

Samantala, dumating na rin sa parehong araw ang magdala kay Aragon sa Royal City.

May balitang kumalat na ang bukod sa koneksyon ng Crown Prince sa mga rebelde, nakikipagsabwatan din ito sa mga paganong galing sa ibang mundo.

Dahil sa milagro noong nakaraan, kahit ang mga taong naawa at humanga kay Aragon ay hindi na siya pinagkakatiwalaan.

Nanuod lang ang mga ito mula sa tabi.

Nagsisimula na ang kaganapan sa Royal City.

Nang makalagpas sa gate ang transportasyong nagdadala kay Aragon, nagtipon-tipon na ang mga tao para panuorin ito.

Malamig ang mga titig ng mga ito at tila ba isang tunay na makasalanang tao ang kanilang tinitingnan.

Ang huli niyang pagpunta sa Royal City ay noong nabawi niya ang White Elephant City mula sa mga rebelde na umukopa dito nang tatlong taon. Pumunta siya doon para tanggapin ang parangal mula sa Shrine at sa kaharian!

Malaki naman ang pinagkaiba ngayon. Kahit na naghanda na ang Prince para dito, makikita pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Ang karitela ng kanyang kulungan ay dumaan sa pangunahing kalsada ng Royal City, dumaan ito sa Imperial Palace at saka mabilis na dumeretso ito sa Eastern Snow Mountain.

Doon, gaganapin ang huling paglilitis sa Prince!

Ang High Priestess na si Capella mismo ang mamamahala sa paglilitis. Bilang Apostle ng Father God, walang pagano ang makakalampas sa kanyang paghuhukom!

Nagpatuloy ang transportasyon ni Aragon patungo sa Eastern Snow Mountain.

Tahimik na nanuod ang mga tao at sinundan ng tingin ang Prince na dati nilang minahal at nirespeto.

Sa baba ng hagdan na gawa sa putting marmol, naghihintay ang High Priestess na si Capella.

Malamig ang pagtitig nito kasabay ng pagmamasid niya sa karitela ng Prince.

Makikita ang matinding kalungkutan kay Aragon.

"Dalhin niyo na siya sa korte," utos ng naka-itim na High Priestess.

Agad na tinanggal ng dalawang Paladin ang posas ng walang kabuhay-buhay na Prince at dinala na ito.

Halos hindi naman maatim panuorin ito ng mga tao.

Yumuko ang mga ito.

Nasa panig niya ang lahat ng mga noble sa kanilang kaharian, pero walang sino mang miyembro ng Nottingheim ang dumating.

Masaya naman si Capella.

Sa wakas, ang mundong ito ay pag-aari na ng kanilang God.

Mayabang itong tumingala at ininsulto ang tulirong Prince, "Sa kabila ng lahat, kahit na malaking langgam ay langgam pa rin."

Sa isang maliit na patyo sa Imperial Palace.

Isang babae ang nakaupong mag-isa sa duyan, tahimik na pinapakinggan ang binabalita sa kanya ng kanilang katulong.

"Princess, nagsimula na ang paglilitis ni Prince Aragon."

"Si Lady Capella mismo ang naghatol sa kanya."

Doon na tumigil ang katulong, tila hindi na nito kinaya ang mga sumunod na pangyayari.

"Ituloy mo." Mahinahong sabi ng Princess.

"Koneksyon sa mga rebelde, pakikipagsabwatan sa mga pagano, pagsuway sa mga kagustuhan ng God," mahinang sabi ng katulong. "Ang 3rd grade crime ay ibinaba sa 1st-grade dahil sa ilang taong pagsisilbi ng Prince.

"Noong una, ang parusa ay pitong araw ng pag-inda ng God's Fire… Pero tatlo na lang ngayon."

"Sisimulan ito sa loob ng tatlong araw."

"Bang!"

Napatid ang isa sa mga tali ng duyan, at walang galos namang tumayo ang Princess.

"Sige, makakaalis ka na."

Tiningnan ng Maid ang Princess, tila hindi ito maintindihan, kalaunan ay umalis pa rin ito.

Tanging ang babae na lang ang naiwan sa patyo.

"Lumabas ka dyan."

"Hindi mapapatid ang duyan nang walang dahilan," sabi ng Princess.

"Sinabi ng kuya mo na matalino ka raw." Biglang lumitaw si Marvin mula sa anino ng swing.

"Pero hindi ko naman inakala na mabilis ang magiging reaksyon mo."

"Rebelde? Pagano?" sabi nito.

"Mahalaga pa ba 'yon?" Tanong pabalik ni Marvin.

"Hindi." Mahinahong nagtanong si Princess Nana, "Anong pakay mo?"

Walang sinabi si Marvin, naglabas lang ito ng singsing at iniabot ito.

Bahagyang nagbago ang reaksyo ng babae.

"Pinagkakatiwalaan ka ni kuya? Bakit ngayon lang kita nakita?" Mausisang tanong nito.

"May mga taong nakatadhanang manatili lang na nakakubi." Hindi na nagpaliwanag si Marvin. "Kapag namatay si Prince Aragon, malalagay sa malaking krisis ang Nottingheim Royal Family. Balak niyang lumaban sa abot nang makakaya niya. Anong masasabi mo?"

Emosyonal na tiningnan ng babae ang singsing. "Kung saan si kuya, doon ako."

Pumalakpak si Marvin. "Mabuti naman."

"Magpadala ka na ng imbitasyon. Kailangan mong magsagawa ng isang piging o selebrasyon bukas sa Imperial Palace. Mag-imbita ka ng mga tao…"

"At syempre, hindi lang 'yon ang kailangan mong gawin."

Related Books

Popular novel hashtag