Ano?!
Essence Data Transformation system?
Tulirong napatitig si Marvin sa construct na ito na naka-dekwatro
Ang kanyang pinakamalaking sikreto ay alam ng isang cinstruct?
Anong nangyayari?
Napapa-isip na siya kung ang kanyang pagtransmigrate ay pinagplanuhan.
Anong nangyari kay God Lance?
Nang makita ang gulat na reaksyon sa mukha ni Marvin, biglang nagtanong si Mark 47, "Bakit naman kita dadalhin dito kung hindi?"
"Kung hindi, bakit naman magiging kwalipikado ang ginawa mo para sa ika-pitong palapag?!"
"Dahil pambihira ka!"
Bahagyang kumalma si Marvin. Isa siyan taong nakatanggap ng isang malakas na abilidad, at kung wala ito, nahirapan siyang pakibagayan ang mundong ito.
…
Unti-unting naunawaan ni Marvin ang lahat dahil sa paliwanag ni Mark 47.
Ang Essence Data Transformation ay isang uri ng sistema na maaaring gamitin sa isang Perfect construct.
Pero ang skill na ito ay hindi nakuha ng mga Dwarf ang skill na ito. Ayon kay Mark 47, siya lang siguro ang mayroong ganitong sistema sa buong Feinan.
Tulad ng sinasabi sa pangalan nito, lahat ng aspeto ng katawan ng isang tao ay ginagawang datos ng Essence Data Transformation at gumagana rin ito sa taong tinitingnan ng mayroon nito.
Pinapadali nito ang pagsiyasat ng sariling lakas at kakayahan ng sino mang gumagamit nito.
Kadalasan kasi, mas mahirap pang intindihin ang sarili kesa sa kalaban.
Nilulutas ng Essence Data Transformation ang problemang ito.
Ayon sa pagisisyasat ni Mark 47, ang sistema ni Marvin ay mayroong dalawang sub-module.
Ang una ay ng Essence Absorption Moduel, at ang isa pa ay ang Mission Essence Reservoir.
Ang una ay nagbibigay kakayahan kay Marvin na makakuha ng bahagi ng essence ng kanyang tinalong kalaban na naka-base sa isang patakaran.
[Battle Experience] ang tawag sa essenceg ito sa Data Transformation Module.
Ito ang dahilan kung bakit nakakakuha si Marvin ng battle exp sa tuwing pumapatay siya ng halimaw, at kung bakit maaari siyang mag-level up.
Dahil ang battle exp mismo ay essence, maiipon ito hanggang sa maging sarili niya itong lakas.
Bahagi ito ng patakaran ng mundong ito.
At ang Mission Essence Reservoir ay isa pang bahagi ng kanyang sistema.
Ang sistema na ito ay mag-iipon ng essence mula sa void para mapunan ang Essence Reservoir ni Marvin. Ngunit hindi niya ito basta-basta magagamit.
Tanging kapag natapos ni Marvin ang isang Module sa kanyang mga misyon, tsaka niya lang makukuha ang naipong essence sa loob nito.
Ito ang [General Experience].
Ang pinagkaiba ng Essence Data Transformation ni Marvin sa pangkaraniwang Essence Data Transformation ay ang dalawang module na ito. Ito ang nagpapa-angat kay Marvin kumpara sa nakararami.
Kung wala ito, kahit na walang sawa pa siyang magsanay pagkatapos niyang mag-transmigrate, walang nakaka-alam kung kalian pa siya makaka-abot sa Legend level.
Mayroong si Mark 47 ng Mission Essence Reservoir Module pero wala siyang Essence Absorption Module, kaya hindi siya maaaring mag-advance sa pamamagitan ng pagpatay. Maaari lang siyang tumapos ng mga misyon para makakuha ng kaunting essence.
Simple lang ang misyon niya ngayon, ang bantayan ang Pearl Tower at kolektahin ang History Calendat ng mga Scholar.
Sa tuwing nababagot siya, nagbabasa siya ng libro.
Sa Pearl Tower, ang ika-walong palapag pataas ay maraming nakatagong libro. Sinabi ni Mark 47 na hindi siya mahilig magbasa ng libro, pero nang baguhin ang utos sa kanya, wala na siyang nagawa kundi magpalipas oras sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro.
Matagal na siyang nasa Pearl Tower, naghihintay na may lumitaw na taong mayroong Essence Data Transformation.
Kailangan niya ang tulong ni Marvin para gawin ang isang bagay.
…
"Magmula nang magising ako, isang panibagong utos ang nakapasok sa utak ko, hindi ako pwedeng umalis dito."
"Pero pagkatapos kong tingnan ito, napagalaman kong may problema sa Memory Module ko. May kumuha ng Memory Chip ko. Gusto ko sanang ipaubaya sayo ang paghahanap ng Memory Chip ko."
Pagkatapos ay inilarawan ni Mark 47 ang kanyang Memory Chip.
Bahagyang napasimangot si Marvin.
Hindi pa niya nakikita ang Memory Chip na iyon sa Feinan Continent.
"Baka nasa isang Outer Plane, baka wala sa Feinan."
"Sa madaling salita, mahalaga ang misyon na ito. Gusto kong maibalik ang mga alaala ko."
"Kung balang araw ay mahanap mo, pwede mong ibalik sa akin 'yon at marami kang makukuha bilang kapalit."
Sinabi ito ng construct habang hawak ang likod ng kamay ni Marvin.
Sa sumundo na sandal, isang panibagong quest ang lumabas sa quest menu ni Marvin!
[Hanapin ang Memory Chip (Mark 47)]
[Deskripsyon: Nawala ang Memory Chip ng Perfect Construct Mark 47 at umaasa siyang matutulungan mo siyang hanapin ito. Mukha mang mahirap itong gawin, pero may magagandang supresang naghihintay sayo.]
[Reward: 100 000 general exp]
….
100 000 general exp!
Nanlaki ang mga mat ani Marvin.
Napakalaki ng pwede niyang makuha sa misyon na ito!
"Ang essence na ito, o tinatawag mong general experience, ay ilang taon nang kinokolekta ng Essence Pool."
"Basta makumpleto mo ang misyong ito, makukuha mo ito."
"Siguradong mapapalakas mo ang sarili mo gamit ito," sabi ni Mark 47.
Tumango si Marvin. Siguradong gagawin niya ang quest na ito. Mas mapapabilis ang kanyang pag-angat sa Legend level dahil sa 100 00 general exp na ito.
Pero ang isang bagay na tulad ng Memory Chip… Wala talaga siyang maalala tungkol dito. Mukhang oras na para maghanap ng impormasyon tungkol dito.
…
Pagkatapos nilang mag-usap, nagdamit na si Marvin. May nalalaman na siya ngayon tungkol sa Pearl Tower at kay Mark 47.
Tulad ng kanyang hinala, ang construct na ito ay ang tagapagbantay ng Pearl Tower. Kontrolado niya ito.
Pero nang magtanong si Marvin ng impormasyon tungkol kay Lance o sa Essence Data Transformation System, sinabi sa kanya nito na kahit gustuhin man niyang sagutin ang kanyang tanong, hindi niya ito masasabi kay Marvin.
Ito ay dahil mayroong kumuha ng kanyang Memory Chip.
Ang impormasyong naka-imbak sa kanyang utak ay pira-piraso, at karamihan sa mga ito ay napuno na ng impormasyon tungkol sa mga librong binasa niya.
Malinaw na ang pagkalap ng impormasyon kay Mark 47 tungkol sa mundong ito, kay Lance, o sa kanyang pag-transmigrate ay imposible na
Bago umalis, hindi niya nalimutan ang dahilan ng kanyang pagpunta sa City of Knowledge.
Sinubukan niyang tanungin si Mark 47 tungkol sa Fate Tablet.
Pero dahil sa estado ng kanyang alaala, hindi inasahan ni Marvin na alam niya ito!
Saglit na nag-isip ang construct at tiningnan ang Fate Tablet na hawak ni Marvin bago sahan-dahang sinabi na, "May kaunti akong naaalala tungkol sa bagay na 'to."
"Isang misteryo ang Fate Tablet… Mali, bahagi ito ng batas ng mundong 'to. Nahahati sa dalawa ang batas ng mundong ito, Order at Chaos."
"Ang Fate Tablet ang kristalisasyon ng Order. At ang pirason ito ay nawalan na ng lahat ng kapangyarihan ng Order, pero malaya pa rin itong nakakasagap ng malayang kapangyarihan ng Order mula langit at lupa. Isa itong napakabagal na proses, at maaaring abutin ng ilang daang taon."
Sumimangot si Marvin. "Ibig mong sabihin, baka magising ulit siya paglipas ng ilang daang taon?"
"Hindi, hindi." Paliwanag ng Construct, "Paglipas ng ilang daang taon, maaaring mabuhay muli ang pirasong 'yan. Pero iba na ang kamalayan nito. Nararamdaman kong unti-unti nang naglalaho ang kasalukuyang kamalayan nito. Tuluyan nang mawawala ang dating kamalayan nito sa loob ng isang taon. Ang isisilang paglipas ng ilang daang taon ay ibang nilalang na."
"Sa madaling salita, pareho man ang katawan, iba na ang kaluluwa nito."
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
Tumango si Marvin at mabigat na tinanong, "Mayroon pa bang ibang paraan?"
Ito ang pinakagusto niyang malaman.
"Ang [Twin Fate Flower ay isang organismong naninirahan sa labas ng Universe Magic Pool, at napakahirap nitong bunutin."
Nagkibit-balikat ang construct na para bang isang tao. "Ito na lang siguro ang makakapagligtas sa Fate Tablet na 'yan."
Twin Fate Flower?
Isang kakaibang reaksyon ang makikita sa mukha ni Marvin.
Ang bagay na iyon!
Hindi man siguro alam ng iba kung saan ito makukuha, pero may alam na lugar si Marvin kung saan tumutubo ito!
Isa pa, ang lugar na iyon ang sunod na balak puntahan ni Marvin.
Masyado namang nagkataon ang lahat.
Ang lugar kung saan tumutubo ang Twin Fate Flower ay nasa lugar kung nasaan ang isa sa mga item na kailangan ni Marvin para mag-advance sa Ruler of the Night.
'Mukhang pagbalik ko kailangan kong dumaan sa Arborea.' Isip ni Marvin.
Ang Arborea ay isang Secondary Plane na hawak ng mga god. Ang naka-aangat na level dito ay 18 at napakaraming tao dito. Subalit, dahil malapit ito sa Abyss, madalas maganap ang mga labanan dito at magulo ang lugar na ito.
Pero, ang mahalaga, alam ni Marvin kung paano makakapasok sa Plane na ito.
…
Matapos pasalamatan ni Marvin si Mark 47, naghanda na siyang umalis ng Pearl Tower.
Hindi na nakakagulat na agad siyang pinalibutan ng mga scholar paglabas niya.
Sunod-sunod ang mga tanong ng mga ito tungkol sa nangyari sa loob ng Pearl Tower.
Lalo pa at hindi sila maaaring pumasok dito at maingat sila.
Nalimutan na rin tanungin ng mga ito ang tungkol sa misteryo.
Wala namang ibang sinabi ni Marvin kung hindi, "Wala akong masabi"… Dahil ito mismo ang sinabi ni Mark 47.
Binigyan nito si Marvin ng pass. Sa susunod, kapag malapit siya sa Wind Castle, maaari na siyang direktang pumasok sa Pearl Tower, at lagpasan ang City of Knowledge.
Dismayado naman ang lahat dahil nagmamadaling umalis si Marvin ng City of Knowledge.
Nang maabot niya ang hangganan sa labas ng Wind Castle, nakita niyang nawala na ang karwahe. At matagal na siyang hinihintay ng Fiend Sorceress na si Daisy.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Daisy.
Tumango lang si Marvin.
Sa sumunod na sandal, isang Teleportation Gate ang lumitaw.
Pumirma siya ng kontrata ng Great Void Demon at malakas siya sa Teleportation. Ang Hope City ay mayroong Teleportation Mark, kaya naman madali na lang ang makabalik.
Naglakad si Marvin sa gate at isang maliwanag na ilaw ang kumislap.
Pagkatapos ay naka-apak na uli siya sa lupa.
Pero isang dagundong ang kanyang narinig!
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang liwanag na may pitong kulay na bumabalot sa isang bagay na kulay asul, nahulog ito mula sa kalangitan at gumawa ng isang malaking butas sa labas ng Hope City!
Nagmadali siya at nakitang matikas na nakatayo si Jessica sa baba ng city wall.
Nakahiga sa lupa ay isang lalaking may hawak na long sword, nanginginig ito at may bula na lumalabas sa bibig nito.
"Sino pa?"
Winagayway ng Fate Sorceress ang kanyang kamao habang kumikinang ang anim na layer ng Fate Power.
Anim na makapangyarihang Legend ang tahimik na nakatayo sa labas ng Hope City.