Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 294 - Three Sisters

Chapter 294 - Three Sisters

Tahimik lang na nakatayo si Marvin sa city wall ng Hope City.

Narinig niya na tatlong laban na ang natapos, anim na Legends pa ang natitira at hindi pa lumalaban.

Samadaling salita, tatlo na ang mag-isang tinalo ni Jessica.

Ang lalaking nakita niyang sinipa pabagsak sa lupa, pagpasok niya ng Teleportation Gate, ay isang taong kahanga-hanga.

Ang taong iyon ay ang Aurora Sword Saint ng Pampo Sea.Dalawangpung taon na ang nakakalipas magmula nang mag-advance ito sa Legend dahil sa galing nito sa paggamit ng espada.

Pero hindi patas ang Providence. Hindi kayang tapatan ng mga ordinaryong class ang Fate Sorceress.

Isa pa, naramdaman ni Marvin na naabot n ani Jessica ang 6th layer, mas gamay na niya ang kanyang kapangyarihan.

Walang nakakaalam kung dahil ba ito sa paglawak ng kanyang Fate Power, o dahil sa mas mahusay niyang paggamit dito.

Sa madaling salita, kahit na pagkatapos ng tatlong magkakasunod na laban, tila hindi pa rin ito pagod at para bang wala lang nangyari!

Nakatayo naman sina Kate at Lorie sa tabi nito.

Sa tabi nila ay may tatlong sisidlan ng apoy na nagliliyab, bawat isa sa mga ito ay naglalabas ng malamlam na liwanag na naglalabas ng init.

Ang mga Source od Fire's Order.

Nakakagulat na nakalagay ang mga ito sa city wall ng Hope City.

'Kaya naman palang maraming Legend ang naparito.'

'Isa na itong arena…'

Nagtanong-tanong si Marvin at naunawaan na niya ang nagaganap.

Matapos lumitaw sa kalangitan ang mga kaganapan sa Rocky Mountain, ilang mga Legend na mula sa iba't ibang bahagi ng Katimugan ang mabilis na nagtungo sa Rocky Mountain para makakuha ng Source of Fire's Order.

Magmula nang magpunta siya sa City of Knowledge, tumanggap na an ghigit sa 10 Legend ang Rocky Mountain!

Kalahati sa mga ito ay nagmula sa Pampo Seashore habang ang iba pa ay nagmula sa iba't ibang rehiyon sa Katimugan.

Simple lang ang sistema ng Three Sister.

Gusto mo ng Source of Fire? Sige, handa ka bang lumaban para dito?

Kaya naman, isang pambihiran turneyo ang naganap.

Dwelo ng mga Legend.

Malaki ang tiwala ng mga Legend sa kanilang mga sarili. Isa pa, dahil malayo ang Rocky Mountain, hindi pa gaanong kumakalat ang pangalan ni Jessica. Mas natatakot pa sila sa Legend "Robin" na mano-manong pinira-piraso ang Dragon na si Clarke. Pero lahat sila ay naguguluhan dahil hindi nagpapakita si Robin.

Dahil ito ang ginustong mangyari ng Three Sisters, walang nagawa ang mga Legend dahil hindi maiiwasan ang pangungutya sa kanila kapag hindi nila ito ginawa.

Kahit pa mahaga ang Source of Fire's Order, mas mahalaga pa rin ang kanilang reputasyon.

Kaya naman, karamihan sa kanila ay pumayag na idaan ito sa dwelo. Ang sino mang Manalo laban kina Jessica ay makakakuha ng Source of Fire's Order.

Ang mga matatalo ay mangangakong walang masamang gagawin sa Hope City.

Mukha namang patas ang sistemang ito, pero malinaw naman ang intension ng grupo ng mga Legend. Tatlo lang ang Legend ng Hope City. Kasama na dito ang napadaan lang na si Robin. Kung umalis na ang Robin na iyon pagkatapos kalabanin ang Dragon, tanging si Jessica at Kate na lang ang matitira. Kahit pa nakakamangha ang lakas ni Jessica, kaka-advance lang ni Kate sa Legend level.

Siyam ang Legend na [umayag na makipaglaban, 9 laban sa 2. Kahit na eliminasyon ang proseso, siguradong mananalo sila.

Pero nagkamali sila.

Pambihira ang Fate Power, dahil dito, matapang at mabagsik si Jessica. Ang unang kalahok ay isang Legend Wizard na kampanteng-kampante sa kanyang lakas, pero hindi nagtagal bago siya walang habas na sinapak ni Jessica.

Bago siya sapakin ni Jessica, gumamit ito ng Legendary Binsing at Illusory Spell… Pero wala itong epekto!

Ang Resistance ng Fate Power sa magic ay napakataas. Sa isang iglap, natalo na ang Legend Wizard.

Ang ikalawang humamon naman ay isang Legend Barbarian na nagmula rin sa Pampo Sea. Ang taong ito ay ang pinakatumagal sa tatlong nauna.

Pero syempre, hindi naman ito nangangahulugan na nakagawa ito ng pinsala kay Jessica, ibig sabihin lang nito ay kinaya nitong saluhin ang mga pag-atake….

Ayon sa sinabi kay Marvin, tatlong minute lang silang naglaban.

Binugbog ni Jessica ang Barbarian nang dalawang minute at apatnapu't limang Segundo.

Kung hindi lang dahil sa nakakamangha nitong endurance specialty, mas maaga na siyang napatumba ni Jessica!

Pagkatapos ng tatlong minute, ang Barbarian na mismo ang sumuko. Nakayuko na lang ito sa isang gilid, nagpapahinga habang dumudura ng dugo.

Hindi imortal ang mga Legend. Mapanganib pa rin sa kanila ang makatanggap ng malubhang pinsala!

Bahagyang kinakabahan na ang mga kasunod na kalahok.

Kahit pagkatapos ng laban sa dalawang Legend, punong-puno pa rin ng enerhiya si Jessica, at tila gusto pa nitong maglabas ng init ng ulo.

At ang mga kaawa-awang mga Legend na ito ang sasalo nito.

Ang mga natitira pang Legend ay sandaling nag-usap hanggang sa nagdesisyon ang Aurora Sword Saint na gusto niya itong subukan.

At doon na nga dumating si Marvin.

Ang Aurora Sword Saint ay kumikibot-kibot na ito sa lupa. Sikat ito ngunit hindi niya inaasahang matatalo siya ng ganito!

Ito ang kapangyarihan ng Fate Power!

"Suko na kami."

Sumuko na ang mga natitirang Legend.

Mayroon pa naman sigurong mga Source s Norte, at ang ilan sa mga ito ay inisip na may pangatlo pang pagbagsak ng mga ito. Hindi nila kailangan ibuwis ang kanilang buhay sa pagkalaban sa baliw na babaeng ito.

Sila ay mga kapita-pitagang mga pinuno sa kanya-kanya nilang teritoryo, pero nagawa silang talunin ni Jessica ng Rocky Mountain!

'Hindi pangkaraniwan ang babaeng ito.'

Ito ang nasa isip ng lahat ng Legend.

Syempre, may isa pang dahilan kung bakit sila sumuko. Nagbalik na ang Dragon Slayer na si Robin!

Mukha itong matangkad at payat, at mukhang mayroon lang lakas ng isang 4th rank.

Pero naramdaman nilang higit pa ang kakayahan nito. Paano niya naman mapipira-piraso ang isang Dragon, gamit lang ang kanyan mga kamay, kung isa lang siyang 4th rank?

Siguradong pagbabalat-kayo lang ito. Nagpapanggap lang ang Robin na ito para hamunin nila at saka niya ilalabas ang kanyang tunay na lakas para durugin sila.

Ito ba ang plano ng Rocky Moutain?

Patagong kinakabahan na ang mga Legend.

Pero kahit na itinatago nila ito, makikita ang pagnanasa nila sa mga nagliliyab na apoy sa tabi nila Jessica.

Kahit pa hindi malinaw sa kanila kung para saan talaga ang Source of Fire's Order, isa itong pambihirang kayamanan.

Kahit paano ay ayaw sana nila itong sukuan.

Ang ilan sa kanila ay nagkatinginan na para bang nagdadalawang-isip… Paano kung bitawan na nila ang pagpapanggap at sabay-sabay na umatake?

Pero hindi nila inasahan ang aninong biglang lumabas mula sa Shadow Plane!

Legend Shadow Thief!

Isang kamay na mayroong suot na gwantes na gawa sa balat ng ahas ang biglang lumitaw sa ilalim ng sisidlan ng apoy at binuhat ito.

Kasuklam-suklam!

Sa isang iglap, nagalit ang lahat ng nanunuod.

Pinagsasamantalahan ng taong iyon ang pagiging abala ni Jessica para nakawin ang sisidlan ng apoy!

Pagkatapos nitong makuha ang sisidlan ng walang kahirap-hirap, hindi na ito naging mapangahas at agad itong humakbang pabalik sa Shadow Plane

Pero sa sumunod na sandal bigla itong natigilan.

Isang makapangyarihang pwersa ang lumabas mula sa sisidlan.

Isang nakakabulag na ilaw, na mayroong pitong kulay, ang nagliwanag mula dito. Kahindik-hindik na sumigaw ang Shadow Thief bago nito tuluyang binitawan ang sisidlan.

Bumalot ang liwanag na may pitong kulay sa sisidlan at binalik ito sa orihinal na posisyon nito.

Pagkatapos ng panandaliang kadiliman, isang maliit na dragon na piton ang kulay ang humabol sa Shadow Thief at kinagat ito!

Gumamit ang kaawa-awang Shadow Thief ng ilang escape skill para makatakas sa dragon at makabalik sa Shadow Plane!

Pinanuod lang ng lahat ang Legend na ito na magtatakbo sa city wall.

Bilang isa sa mga Three Sisters, noon pa may ay simple lang si Kate.

Ibang-iba siya sa mapagpasikat na si Jessica, at sa mapaglaro at matalinong si Lorie. Ayaw niya ng atensyon at iniiwasang mapansin ng mga tao.

Pero hindi ito nangangahulugan na hindi siya malakas.

Ang karanasan niya sa loob ng Ancient Temple ang dahilan kung bakit siya nag-advance. At kahit pa mayroon lang siyang tatlong layer ng Fate Power at malayong-malayo pa sa lakas ni Jessica, ang kanyang Fate Power ay Protection!

Ang dragon na may pitong kulay ay ang pagkakatawang-lupa ng kanyang Protection Fate Power.

Ang tatlong sisidlan ay nasa ilalim protektado ni Kate. Sa tingin ni Marvin, gumawa na ng hakbang ang Shadow Thief Owl, siguro naman ay pinag-isipan niya ito.

Lalo pa ang Shadow Thief na ito ay wala pa sa kalingkingan ng mga Fate Sisters.

"Mga ginoo. Ang tatlong Source of Fire's Order ay pag-aari ng Hope City, ng Rocky Mountain."

"Lumaban man kayo para dito, o subukan itong nakawin, ang Three Sisters ang makakaharap niyo."

"Kung gusto niyong lumaban para dito ng patas, lalaban ako pero hindi ako papatay. Pero sa mga balak magnakaw nito, pasensyahan na lang tayo."

Suminghal si Jessica at mabilis na tinulak ang kanyang kaliwang kamay sa hangin, at bumaluktot ang isang anino!

"Ah…!"

Isang sigaw ng paghihinagpis ang maririnig kasabay ng paghugot niya ng Shadow Thief mula sa Shadow Plane.

"Bang!"

Pagkatapos nito ay binalibag nito ang payat na katawan ng Shadow Thief sa lupa!

Bago pa man ito muling makagamit ng escape skill para tumakas, muling nahawakan ang katawan nito.

Itinaas ng matangkad na si Jessica ang Shadow Thief.

"Wag mo kong patayi…" Pero bago pa matapos sa pagsasalita ang Shadow Thief, sinuntok siya ng Fate Sorceress!

Natakot naman ang mga taong nanunuod dahil sa sigaw nito. Tumagos sa puso ng Shadow Thief ang kamao ni Jessica!

Natahimik ang lahat.

Tumalsik ang dugo ng Shadow Thief sa maputing mukha ni Jessica, ang reaksyon sa kanyang mukha ay tila isang Devil na uhaw sa dugo.

Pero para sa mga naninirahan sa Hope City, isa siyang War Goddess na pinoprotektahan siya!

Tahimik na umalis ang mga Legend.

Dismayadong nagkatinginan ang Aurora Sword Saint at ang Legend Barbarian, pinasalamatan nila si Jessica bago umalis.

Pinasalamatan nila ito dahil sa kabutihan at awa nito sa kanila.

Kung ginawa rin ni Jessica ang ginawa nito sa Shadow Thief, siguradong namatay sila agad!

Malaki ang agwat sa magkakaibang mga Legend.

Wala na silang dahilan para manatili sa Rocky Mountain.

Walang makakapagpabagsak sa Hope City basta naroon sina Jessica at Kate!

At kakalat ang reputasyon ng Three Sisters sa labas ng Rocky Mountain pagkatapos nito.

Sa loob ng tatlong buwan, await ng mga kantang tungkol sa kanila ang mga Bard sa buong Feinan!

..

"Kung ganoon, wala na kong ibang pwedeng hilingin sayo sa ngayon kundi alagaan siya."

Pagkatapos ng laban, nanatili si Marvin at nagdiwang kasama ng lahat ng tao sa Hope City. Pagkatapos niyang kausapin ang Three Sisters, naghanda na siya para umalis.

Niyakap ni Kate ang Fate Tablet ni Ding, nag-aatubli man siyang mawalay dito, inabot na rin niya ang Fate Tablet kay Marvin.

Tungkol naman sa City of Knowledge, binigyan lang sila ni Marvin ng simpleng paglalarawan sa nangyari, pero hindi niya binanggit ang tungkol sa lihim nito.

Kahit pa pinagkakatiwalaan niya ang Three Sisters, hndi niya pa rin pwedeng sabihin ang tungkol kay Mark 47.

Kaya naman, nagpaalam na siya sa lahat at ginamit ang Book of Nalu para kumonekta kay Madeline.

Sa sumunod na sandali, isang Teleportation Gate na pang malalayong distansya ang lumabas sa kanyang harap.

Nagpaalam na si Marvin sa lahat at pumasok dito.

Paglipas ng ilang sandali, nakabalik na siya sa dakong silangan ng Feinan!

"Master, nakabalik na kayo," mapagkumbabang sabi ni Madeline.

Kumibot ang mat ani Marvin.

"Bakit ka nakahuba?"

Related Books

Popular novel hashtag