Isang misteryosong at malumanay na anino ang lumabas mula sa kadiliman, at bigla siyang nagulat!
Ang babae ay ang Dark Elf na nakita niya sa bukal.
Kahit na hindi alam ni Marvin kung paano nito napalitan ang kulay ng kanyang balat at itsura para magmukhang Half-elf, parehong-pareho naman ang mukha nito.
Sumama ang kutob ni Marvin. Ang kausap ni Hera ay isang tunay na Dark Elf!
Para makumpira ni Marvin ang katauhan ng kalaban, dahan-dahan niyang inilabas ang dagger na nakuha niya at gumamit ng Night Tracking.
At nakumpirma nga ng skill na ito na ang maputing Half-Elf na ito ay ang babaeng inapakan niya sa tubig!
Bakit naman lalabas ang mga Dark Elf sa lupa?
Gusto nitong bumili ng… impormasyon?
Napaisip si Marvin.
Nang biglang may pumasok sa kanyang isipan.
May naalala siya!
'Ang Underdark Winter!'
'Nalimutan ko ang pangyayaring 'yon.'
Huminga nang malalim si Marvin habang mahigpit na hawak ang kanyang curved dagger at pinanood na lumapit ang Dark Elf.
Mukhang hindi lang pala ganoon kasimple ang transaksyon ngayong gabi.
…
Ang Underdark Winter.
Ito ang pagbabago ng klima sa isang malawak na lugar, bbibihira itong mangayari sa buong kasaysayan.
Ilang buwan bago ang Great Calamity, sa kanlurang bahagi ng Underdark, ang Eternal Frozen Spring na nasa hangganan ng mga malalaking bundok ay biglang nagsimulang maging Extreme Cold Water.
Extreme Cold Water ay isang ekskulisbong kayamanan ng Elemental Plane, kahit kaunti lang nito ay maganda nang gamitin para sa paggawa ng mga Magic Item.
Sa East Coast, ang kaunting Extreme Cold Water ay maaaring maibanta ng malaking halaga!
Pero ang dami ng Extreme Cold Water na binuga ng Eternal Frozen Spring ay nakakatakot.
Ang buong silangang bahagi ng Underdark ay nagkaroon ng labis Extreme Cold Air na nagsimula nang lumamig.
Pangit man ang kapaligiran doon, ang malaking pagbabagong ito sa klima ay nagdulot ng pagkamatay ng mga halamang umilaw.
Naging pahirap na nang pahirap ang bawat araw na lumilipas.
Dahil dito, ang Black Dragon na naninirahan sa Underdark, na si Clarke, ay nagising mula sa kanyang pagtulog.
Tinipon nito ang ilang mga Dark Elf at iba pang mga Dark Race para magsagawa ng isang surpresang pag-atake sa lupa para magnakaw ng pagkain.
Tuloy-tuloy ang pagpapadala ni Clarke ng Dark Elf sa lupa at nakahanap na nga ito ng bagong daan paakyat dito.
At ang daan na ito ay direktang patungo sa Rocky Mountain!
Ang malaking digmaang ito ay naganap tatlong buwan bago ang Great Calamity/
Noong wala pang manlalarong dumadating sa Feinan, pinalabas ang istroyang ito sa isang trailer. Pinanuod ito ni Marvin pero hindi ito gaanong tumatak sa kanya.
At ngayong iniisip niya ito, naroon na siya sa oras na iyon.
Ito rin ang panahon kung saan ang Source of Fire's Order ay bumagsak sa Rocky Mountain.
Isa itong panahon ng kaguluhan para sa Rocky Mountain.
Sa laro, naging matagumpay ang lihim nap ag-atake ng Underdark. Ang mga Ankhegs ay biglang naglabasan mula sa ilalim ng lupa at umatake sa paligid ng Rocy Mountain.
Sa loob lang ng kalahating araw, nawasak na ng mga ito ang 1/3 ng mga nakapaligid na maliliit na bayan!
At kasama na dito ang Lion Town, na hindi inasahan ang mga pangyayari.
Paglipas ng tatlong araw, nakarating na ang mga ito sa Hope City.
Noong una ay tila lalamumin nila ang buong Rocky Mountain.
Ito na rin ang panahon kung saan si unang beses ipinamalas ni Jessica, ng Three Sisters ang kanyang kapangyarihan.
Sa harap ng Black Dragon na si Clarke, ginamit ng Fate Sorceress ang pinakabrutal na paraan para patayin ang isang Dragon.
Gamit ang [Strength of Fate], pinara-piraso niya ang Black Dragon sa harap ng mga nilalang ng Underdark at lahat ng tao!
Pinira-piraso niya ang Black Dragon!
Isang bagay ito na tanging malalakas na karakter sa isang nobel, ang nakakagawa.
Noong mga panahon na iyon, tinutyatuya ni Marvin ito.
Pero inamin din naman niya na may kakaibang presensya ang Three Sisters at mayroong espesyal na awra ang mga ito.
Lalo na si Jessica. May pagkatibo ito. Dahil rin sa katangian niyang ito kaya madali niyang naitatag ang Rocky Mountain at naging kasing sikat ng mga Valkyrie sa hinaharap.
…
Ang pinakamahalaga ngayon ay ang Dark Elf na ito. Anong kailangan nito kay Hera?
Naramdaman ni Marvin na may mali, pero hindi siya nangahas na lumapit.
Malakas ang perception ng mga Drow!
Kinakabahan si Marvin Siguradong may mangyayaring mali sa transsaksyong ito. Hindi sinabi ni Hera sa kanya ang mga detalye pero isa itong mahalagang bagay.
'Ano ba 'yon?'
Dumapo ang tingin ni AMrvin sa scroll na hawak ni Hera.
Sa susunod na sandal, mukhang napansin na ni Hera ang Dark Elf.
"Kamusta, Raven? Matagal din tayong hindi nagkita."
Mukhang kilalang-kilala niya ito.
Bahagyang ngumiti si Raven. "Oo nga, matagal na rin. Nagpunta ako sa Underdark at malaki-laki ang nakuha ko."
'Mahusay sa Common ang Dark Elf na ito...' Isip-isip ni Marvin.
Ang mga nilalang sa Underdark ay gumagami ng Undercommon dahil mas barbariko ito kumpara sa Common.
Ipinakita ni Hera ang scroll dito. "Tulad ng dati, nakuha ko na ang kailangan mo."
"Kailangan ko ng pera."
Ngumiti si Raven. "Walang problema sap era."
Pagkatapos nito ay naglabas ito ng mabigat na supot.
Bahagyahg binuksan niya ito at nakita ang isang nakakahilong ginintuang liwanag.
Purong ginto ito!
Kaya naman pala sabi ni Hera ay may malaking pera siyang makukuha dito at sapat na ito para mamuhay sila sa Hope City.
"Ang bagay na ito para sap era, "sabi ni Hera.
Tumango si Raven.
Dahan-dahang lumapit sa isa't isa ang dalawa, at hindi gaya ng inaasahan ni Marvin, naging mapyapa ang transaksyon ng dalawa.
Buong transaksyon ay walang pinakitang senyales ng panloloko ang Dark Elf.
Sa katunayan, nagulat si Marvin na hindi nito biglang piñatay si Hera pagkatapos nitong makuha ang gusto niya.
Pero ang mas hindi inasahan ni Marvin ay, nang maghihiwalay na sila, may sinabi pa si Raven. "Umalis ka na ng Lion Town mamayang umaga. Hindi na ligtas ang lugar na ito."
Tumango si Hera.
Kinuha na ng Dark Elf ang kanyang mga gamit at agad na nawala.
Agad namang lumabas si Marvin.
"Mapagkakatiwalaan si Raven." Masaya si Hera. "Akala ko dati mga mapanloko at walang awa ang mga Dark Elf pero hindi naman pala lahat."
Seryoso ang mukha ni Marvin. "Alam mong hindi siya tao? Anong binigay mo sa kanya?"
"Mapa ng depensa ng Lion," mahinahong sagot nito.
"Pero kahit wala sa kanila ang bagay na iyon, kaya pa rin naman nilang wasakin ang Lion Town, hindi ba?
"Wag mo akong tingnan nang ganan. Hindi moa lam ang pinagdaanan ko. Noong una akong napunta dito, muntik nang mamatay si Guy dahil sa kanila, at saka…"
"Puno ng kriminal dito, masama sila at dapat lang silang parusahan."
Tinitigan siya ni Marvin. "Hindi naitatama ng isang mali ang isapang pagkakamali."
"Sunduin mo na si Guy, at hintayin mo ako rito. Sa loob ng dalawang oras, sasamahan ko na kayo papuntang Hope City."
"Pero bago iyon, may kailangan lang akong asikasuhin."
Pagkatapos niyang sabihin ito, bigla siyang tumakbo sa dilim.
Night Tracking!
Isang pulang linya ang lumabas sa harap ni Marvin, at muhang malapit lang ang itinuturo nito.
Hindi pa nakakalayo si Raven!
Nasa Lion Town pa siya.