Bumagal si Raven dahil saglit na tumigil pa ito sa isang lugar bago ito tumuloy itong dumaan sa Lion Town nang palihim.
'Tinitingnan niya kung tama ang impormasyon,' isip ni Marvin.
Talagang mahusay ang Dark Elven Scout na ito, sinisigurado niya ang mga bagay-bagay.
Likas na mas malakas ang mga Dark Race kumpara sa mga race sa lupa. Kung hindi nanghihina ang mga ito dahil sa sikat ng araw, marahil nasakop ng nga mga Underdark Race ang Feinan.
Pero hindi sila nababawasan ng lakas sa gabi.
Sa ilang paraan, may pagkakapareho ang mga Night Walker at Dark Race.
Sadyang mas malakas lang ang isang Night Walker sa isang pangkaraniwang Dark Race sa gabi dahil sa blessing ng Night Monarch!
Hinabol ito ni Marvin.
Kailangan niyang mabawi ang mapa ng depensa ng Lion Town!
Kahit na mga kriminal ang mga ito at mga sakim na adventurer, bahagi pa rin sila ng sangkatauhan.
At kahit na hindi niya mismong pipigilan ang pag-atake sa Lion Town, meron pa rin siyang maaring magawa.
…
Makikita ang anino ni Raven sa isang kagubatan sa dakong timog ng Lion Town.
'Mayroon nga dalawang nakatagong Sentry dito. Mukhang maingat ang Golden Lion. Malapit lang ang lugar na ito sa Underdark."
Natutuwa namang sinara ni Raven ang hawak niyang scroll.
Kapaki-pakinabang ang ibinigay sa kanya ni Hera.
Nang biglang may isang malakas at mabilis na atake ang nanggaling mula sa loob ng kagubatan!
Mayroong umaatake nang palihim!
Suminghal lang si Raven, hindi siya natatakot!
Mukhang mas malamig ang kanyang mga dagger dahil sa liwanag ng buwan.
Inilagay niya ang kanyang dalawang dagger sa likod at gumait ng isang malakas na skill, walang kahira-hirap niyang nasalag ang lihim na pag-atake.
"Alam kong ikaw yan, Maggie."
Tinitigan ni Raven ang babaeng nasa harapan niya. Ang babaeng ito ay isa ring Dark Elf na bahagi ng kaparehong clan. Magpinsan sila.
Si Raven at Maggie ang malamang na magmamana ng pwesto ni Lady Tess bilang Matriarch.
Sabi ay kapagnaging matagumpay ang pag-atakeng ito, bibigyan ng Leader Clarke si Lady Tess ng isang gantimpalang gagawin siyang isang mas mataas na uri ng nilalang.
Ibibigay na sa kanya ang mas mahahalagang misyon.
At ang Matriarch na posisyon sa tribo ng mga Dark Elf ay maiiwang bakante. Galit nag alit si Maggie kay Raven dahil lagi siyang nalalamangan nito magmula pa noong bata sila.
Kaya malinaw na mas gusto ni Lady Tess si Raven.
Kaya naman nagalit siya dito.
Walang pagmamalasakit sa mundo ng mga Dark Elf, puno lang ito ng mga pagpatay at mga sabwatan. Mula sa kanyang perspektibo, masyadong mabait si Raven. At ang isang mabait na pinuno ay dadalhin lang ang mga Dark Elf sa kamatayan nila.
Pero higit pa sa pangkaraniwan ang intuwisyon at instinct ni Raven.
Sa pananaw ni Lady Tess, kung makapag-advance sa 4th rank si Raven, malaki ang tyansang makuha nito ang [6th Sense] na specialty.
Isa itong pambihrang specialty na mayroon ang mga Monk. Ang mga pambihirang henyo lang sa mga Dark Elf ang nakakakuha ng ganito.
Kaya naman, malaking pagpapahalaga ni Lady Tess, kay Raven.
Pero sa mga mata ni Maggie, kapag si Raven ang naging Matriarch, ipapahamak niya lang ang kanilang tribo dahil sa sobrang kabaitan nito.
Sa Underdark, ang kabutihan ay nangangahulugang kamatayan.
Kung hindi mo kakainin ang iba, sila ang kakain sa iyo. Ang una nilang prayoridad ay ang mabuhay.
Malinaw na hindi nababagay si Raven sa Mundong iyon, at mas hindi siya nararapat na mamuno ng isang clan.
…
"Ibigay mo sa akin ang mapa." Seryosong sabi ni Maggie.
"Nakuha ko 'to nang mag-isa." Hindi nagbago ang reaksyon ni Raven. "Siguro gusto mong maantala ang plano ni Leader Clarke?"
"May ilang oras pa bago ang bukang liwayway. Kalahatin oras lang ang kailangan ni Lady Tess para makapagpadala ng pwersa," sagot ni Maggie. "Marami pang oras."
Mukhang natutuwa si Maggie s akanyang sarili. "Isa pa, bakit naman ako maghahanap ng mapa ng depensa nila. Alam ko namang mahahanap mo 'yon, kailangan ko lang maghintay dito."
"Tingnan natin kung kaya mong kungin," Panunuya ni Raven habang itinago ito sa kanyang dibidib. Matapos ang ilang pag-alog ng kanyang dibdib, nawala na ito.
'Tsk, ang babaeng iyon… hindi ko talaga maintindihan.' Sabi ni Marvin.
Sa loob ng masukal na gubat, isang labanan sa pagitan ng dalawang Dark Elf ang nagaganap.
Nagpakitang-gilas ang magkabilang panig kasabay ng pagtalon nila kung saan-saan, paglipad ng mga dagger, at paggamit ng kung ano-anong pamamaraan.
Sapat na ang ilang palitan ng dalwa para malaman ni Marvin kung ano ang kinakaharap niya.
Sadyang nakakamangaha ang paraan ng pakikipaglaban ng mga Drow. Mahusay sila sa pagdudulot ng malaking pinsala sa kanilang kalaban.
Ipinagmalaki ni Marvin ng kanyang mahusay na lakas sa pakikipaglaban.
Pero kumpara sa natural na kakayahan ng mga Dark Elf, malaki ang pinagkaiba nila.
Ang isa sa mga simpleng halimbawa ay ang kanilang curved dagger. Ang mga Drow ay gumagamit ng curved dagger na mas maikli at mas diretso. Mabilis silang gumalaw na parang mga Assassin.
Kapag umaatake sila, ibang-iba ito kay Marvin. Hindi nila tinatangkang direktang patayin ang kanilang kalaban sa bawat atake pero sinisigurado nilang may epekto ang mga bawat isa dito.
Kahit pa nakatago sa mga sanga ng puno si Marvin. Kitang-kita ni Marvin balot ng kakaibang kulay lila ang kanilang mga dagger
Isa itong uri ng lason.
'Kahit sa magkaparehong race, wala pa rin silang awa.'
Bumuntong hininga si Marvin habang naghahandang kumilos ano mang oras.
Isa itong magandang lugar para kumilos ang isang Night Walker: Sa loob ng kagubatan, sa gabi.
Kahit pa mas malakas ang perception ng mga Drow, hindi nila mapapansin na nagtatago sa malapit si Marvin!
Pinagpatuloy lang nila ang kanilang mabagsik na laban, pero malinaw na mas malakas si Raven kesa kay Maggie.
Matapos pumalya ang lihim na pag-atake ni MAgie, unti-unti na siyang nalalamangan ni Raven.
Dahil nakikita na niyang natatalo na siyang biglang nag-iba ang tono ni Maggie. "Walang saysay ang patayin natin ang isa't isa.
"Hindi natin pwedeng paghintayin si Lady Tess! Mas mahalagang maibigay agad natin ang mapang iyan sa kanya."
"Mapapatawad mo naman ako, hindi ba, mahal kong pinsan?"
Umatras si Maggie at tila ba gustong makipagbati.
"Ngayon biglang alam mo na kung gaano kahalaga ang impormasyong ito?"
"Wala akong panahon ngayon para sayo."
Pagkatapos sabihin ito, itinabi na niya ang kanyang Curved dagger at hindi na pinansin si Maggie habang direktang nilampasan ito.
Isang kakaibang tingin ang makikita sa mata ni Maggie.
Paglagpas na paglagpas ni Maggie, umatake na naman ito muli!
Tinaas nito ang parehing dager at walang habas na pinunterya ang ulo ni Raven!
…
'Tanga…'
Malinaw na nakita ni Marvin ang lahat mula sa kanyang pwesto. Tunay na maypakatanga itong si Maggie.
At sa susunod na sandali, biglang kumilos si Raven na kasing bilis ng kidlat at isang pares ng straight dagger ang biglang lumitaw sa kanyang mga kamay.
Yumuko siya at iniwasan ang mga curved dagger at saka niya inatake ang dibdib ni Maggie.
Hindi inakala ni Maggie na ang inakala niyang mabait at busilak ang puso na si Raven ay magagawa ito.
Direktang tuama sa ang mga Straight dagger sa kanyang puso.
Pumiglas pa ito ng ilang sandali at kalaunan ay namatay.
'Sabi na, walang Dark Elf na hindi taksil.' Napa-iling si Marvin.
Sinamantala na niya ang pag-asikaso ni Raven sa bangkay ni Maggie at kumilos na siya!
…
Night Boundary!
Biglang nabaluktot ang paligid kasabay ng biglang paglitaw ni Marvin sa likuran ni Raven!
Mabilis naman ang naging reaksyon ng Dark Elf na agad umikot at sumipa!
Mabilis rin si Marvin kaya itinaas niya lang ang kanyang paa para salagin ang atake ni Raven.
Pagkatapos, gumalaw ang kamay niya na kasing bilis ng isang kidlat patungo sa leeg ni Raven!
Isang malakas na paghampas ni Marvin sa kanyang lee gang nagpatulog sa kanya.
Malakas ang mga katawan ng mga Dark Elf, pero wala siyang laban kay Marvin na isa nang $th rank.
Lalo na sa Dexterity, labis-labis ang lamang niya kay Raven.
Kahit pa may matalas na perception ang mga Dark Elf at mabilis ang reaksyon ng mga ito, masyadong mabili ang galaw ni Marvin!
Madali lang para kay Marvin na pabagsakin siya lalo na sa loob ng gubat sa gabi.
Pero kung nangyari ang laban na ito sa isang kweba sa Underdark, mahirap masabi ang kalalabasan. Lalo pa at mahalaga ang lugar kung saan nagaganap ang laban.
Wala nang pakielam si Marvin sa katawan ni Maggie.
Karamihan sa mga Dark Elf ay mahihirap, dahil ang lahat ay nasa kamay ng kanilang Matriarch. Hindi rin mas maganda ang mga daggers na gamit nila.
Pero mukhang mapapakinabangan niya ang ilang bote ng lason.
Kung hindi nagkakamali si Marvin, nakakapagdulot ng ilusyon ang mga lason na ito.
Sa kabuoan, laha ng pangunahing class na nasa 3rd rank ay may malakas na resistane sa mga nakamamatay na lason.
Kaya naman ang mga nakamamatay na poision ay hindi ganoon ka-epektibo. Para naman sa mga high-level na rogue, kung gusto nilang lagyan ng lason ang kanilang mga sandata, hindi nila pipiliin ang mga nakamamatay na lason.
Mas magaganda ang mga pamparalisa, pampamanhid, at pang-illusion. Mahina ang resistance ng mga Humaniod na nilalang sa ganito kaya mas epektibo ito.
Pagkatapos niyang sipain papunta sa isang halaman ang bangkay n Maggi, binuhat ni Marvin si Raven at agad na umalis sa kagubatan.
…
Paglipas ng sampung minute, isang uwak ang lumilipas sa labas ng pinakamataas na gusali sa Lion Town.
"Krash!"
Biglang pumasok ang uwak sa loob ng bintana.
Nagliwanag ang bato, at makikita ang isang lalaking may yakap na dalawang babae, isa sa kaliwa at isa sa kanan. Masama ang tingin nito sa uwak.
Pero biglang nagbago ang reaksyon nito.
Isang scroll at isang liham ang nakatali sa paa ng uwak.
Nakakgulat na isa itong mapa ng depensa ng Lion Town.
"Pucha!"
"Ang Underdark Winter? Ang lihim na pag-atake ng mga Dark Race? Totoo ba ito?"
Maririnig sa silid ang pagmumura ng lalaki.
..
Malapit sa kamalig, hindi mapakaling binabantayan ni Hera si Guy.
"Tara na"
Biglang lumitaw mula sa kawalan si Marvin.
Nabigla si Hera at tiningnan ang babaeng dala ni Marvin sa kanyang likuran.
"Si… Si Raven ba 'to?"
Tumango si Marvin. "Makakaalis na tayo."
"Teka… Naiintingihan ko ang pagbawi mo ng mapa."
"Pero bakit kinuha mo pati si Raven?"
Hindi maipinta ang mukha ni Hera habang tinitingnan si Marvin.
Sumimangot si Marvin. "May problema ba?"
"Baka kailanganin ko ng Dark Elf na katulong sa pupuntahan ko, kaya kumuha ako ng isa."
Walang nasabi si Hera.
Kasabay nito, mas nalinawan na siya kung gaano kalakas si Marvin.
Nakakatako ang Robin na ito!
'Kaya niyang hulihin ang isang 3rd rank Dark Elf na walang kahirap-hirap… Hindi ba Legend ang taong ito?" Hindi mapakali si Hera habang iniisip ito.
Gayunpaman, naglakbay pa rin ang grupo sa ilalim ng dilim ng gabi at umalis na sila sa Lion Town.
Hindi malakas ang katawan ni Hera, pero malakas ang kanyang willpower.
Binitbit niya ang bata at mabilis na naglakad.
Buong gabi silang naglakad at may pagkakataon pang nagising si Raven, pero agad naman na ginamitan ni Marvin ito ng pampamanhid para tumigil sa paggalaw.
Hindi man lang ito makapagsalita.
Pagputok ng araw, natatanaw na nila ang Hope City.
Pero noong mga oras na iyon, isang nakakatakot na kaguluhan ang maririnig sa kanilang likuran!
Pakiramdam nila ay bumubuka ang lupa.
Huminga ng malalim si Marvin at lumingon sa Lion City!
"Mga Ankhegs!"
Nagsimula na ang digmaan.