Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 260 - Azmyths

Chapter 260 - Azmyths

Mga Ankhegs.

Isang uri ng malaking halimaw na naninirahan sa Underdark!

Ang mga nilalang na ito ay napakalaki at tila ba parang mga pugita, pero mukhang mga insekto ng mga ito.

Mayroong labing-anim na galamay ang mga Ankhegs

Pero ang mga galamay na ito ay ibang-iba sa mga nasa pugita.

Ang galamay ng mga Ankheg ay matigas, paikot at matalas naman ang dulo ng mga ito. Mahusay maghukay ng mga butas ang mga ito sa mga bundok.

Kaunti lang ang mga ito ayaw nilang masyadong gumalaw.

Ayon sa mga iskolar ng Pearl Tower, higit sa 60% ng mga kweba ay hindi natural nan a buo, sa halip ay resulta ng paggalaw ng mga Ankhegs.

Matalas ang kamalayan ng mga Ankhegs. Ang kanilang mga kweba ay bibihirang gumuho dahil pinipili nila ang mga lugar na metatag ang lupa para gumawa ng daan.

'Hindi ko inasahang mapapasunod ng ng Black Dragon Clarke ang mga Ankhegs!'

'Ang mga Drow at iba pang mas maliliit na race ay hindi naman kailangan ng mga Ankheg para gumawa ng malalaking mga lagusan, baka marami-rami silang mga Kuo-toas sa hukbo nila!'

'Kung may kasama pang mga lumilipad na halimaw mula sa Underdark,… mahihirapan ang Lion Town na panatilihin ang kanilang depensa.'

hindi maipinta ang mukha ni Marvin.

Tiningnan niya ang bundok na patuloy ang pagyanig mula sa malayo. Ang Lion Town ay nagising mula sa isang mahimbing na pagtulog at walang tigil ang paggising dito.

Kahit pa binalaan niya ang Golden Lion ilang oras bagon mangyari ito, malinaw na hindi siya pinaniwalaan ng taong iyon.

Kung hindi, hindi magiging ganito ang sitwasyon ngayon.

Sa dakong silangan, hindi pa gaanong nakaka-angat ang araw mula sa disyerto.

Noong mga oras na iyon, tinakpan ng mga Dark Race ang lahat habang paparating sila mula sa mga lagusang ginawa ng mga Ankheg!

Mga Dark Elf, Quaggoth, Duegar, at Kuotoas!

Habang ang mga Kobold, Goblin, at mga Gnoll at mas marami!

Siguradong mababaliw sa takot ang mga adventurer ng Lion Town sa oras na makita nila ang nakakatakot na eksenang ito.

Hindi lang ang Lion Town, kundi pati ang mga magsasaka sa paligid ay mahirapan ding makatakas.

"Tara na!" Nagmamadaling sigaw ni Marvin.

Kahit na nakakatakot ang pangyayaring ito, hindi siya isang santo.

Alam niyang hindi niya kayang iligtas ang lahat.

Nagawa na niya ang makakaya niya para sa mga ito.

Ang maaari na lang nilang gawin ay hayaang mangyari ang mangyayari.

Makikita ang takot sa mukha ni Hera habang pinapanuod ang kaganapan.

Naisip nito na kung mas maagang nagana pag-atake ng mga Dark Race, siguradong isa siya sa mga taong kasama sa mga mamamatay sa Lion Town!

Ang tulad niyang walang kahit anong kakayahan sa pakikipaglaban ay siguradong mamamatay agad sa simula pa lang.

Agad naman silang nagmadali dahil sa pangungult ni Marvin!

Sa dakong katimugan ng bundok ng Lion Town, isang babae ang malakas na bumibigkas.

Kasunod ng pagbigkas nito ay namuo ang mga itim na ulap sa paligid.

Patuloy na nagniningning ang mgapulang mata ng mga halimaw sa kanyang tabi.

Sabik na sabik ang mga ito!

Ang masamang kapaligiran ng Underdark ay nagdulot sa kanila ng matinding pagdurusa. Gutom sila, may nararamdamang sakit, at uhaw sa pagpatay!

Hindi na kailangang hikayatin pa ang mga ito. Ang mga halimaw ay nagtipon dahil sa sarili nilang kagustuhan!

Dahil alam nila ang depensa ng kanilang kalaban, si Lady Tess, na siyang namumuno sa hukbong ito, ay hindi kailangan mag-utos nang mag-utos.

Gayunapaman, ang nakaraang pag-mamanman ay nakitang hindi kayang tapatan ng mga Adventurer at hukbo ng Lion Town ang kanilang hukbo.

Ang pwersa ng Underdark ay para lang isang malakas na alon na humampas sa isang mahinang dike.

Nabalit ang bayan ng mga sigawan at amoy ng dugo!

At sa kaguluhang ito, isang chant ang umaalingawnga, palakas ito nang palakas!

Isa itong babaeng nakabalabal!

Minulat nito ang kanyang mga mata at nagdasal sa langit, at tuloy-tuloy lang ang kanyang ginagawa.

At ang itim na ulap ay pakapal nang pakapal.

Sa lugar na kilalang hangganan ng sibilisasyon ng Feinan, ang unang liwanag na dala ng bukang-liwayway ay natakpan ng mga makapal at maitim na ulap/

Sa susunod na kalahating buwan, hindi matatamaan ng sikat ng araw ang lugar na ito!

Dahil isa itong Divine Spell na ipnagkaloob sa kanya ng Black Dragon, ang [Shroud the Sun].

'Sabi na nga ba, ang Shroud the Sun.'

Nararamdaman ni Marvin habang padilim na nang padilim ang kalangitan. Malinaw na umga na pero madilim pa sa gabi!

Isa itong pagnmalawakang Divine Spell. Sa sobrang lakas nito, marahil kaya nitong takpan hanggang sa matakpan nito ang buong Rocky Mountain.

Mayroong dahilan ang mga malakas ang loob ng mga race ng Underdark para sumugog.

Dahil sinusuportahan sila, hindi lang ng Black Dragon Clarke, kundi pati na ang Black Dragon God.

Naalala ni Marvin noong kasagsagan ng panghihimasok na ito, mayroong isang babaeng komander na nagpakita ng mga nakakamangha na kakayahan.

Ito ang Dark Elven Matriarch, na ang pangalan ay Tress.

At mayroon pa itong isa pang nakakatawag pansin na posisyon, ang Black Dragon Apostle!

Bibihira lang na maniniwala sa isang god, bukod sa Queen of Spiders, ang mga Dark Elf, dahil hindi-hindi ito pahihintulutan ng Queen of the Spider.

Pero ang clan na ito ay naiiba.

Kakaiba na ang Queen of Spider ay pumayag sa pangunguha ng Black Dragon God sa mga taga-sunod niya mula sa kanya.

At para naman kay Marvin, maging ang Black Dragon God man ito o ang Queen of Spiders, parehong sakit sa ulo ang mga ito.

Kahit na pangkaraniwan lang ang Divin Power ng mga ito, malaki ang interes ng mga ito sa Feinan.

Isa pa ay tuso ang mga ito.

Isa rin sila sa iilang Ancient God na pabor sa pag-atake sa Universe Magic Pool.

'Black Dragon God, Queen of Spides, Plague God… Sa pagkaka-alala ko, walang magandang idudulot na kahit ano ang mga ito.'

Paloob na nanuya si Marvin.

May mga senyales na hindi na nagiging magulo na si Raven sa kanyang likuran. Hindi gaanong mabait si Marvin sa mga babae, kaya naman agad niya uling hinampas ang leeg nito para makatulog ito.

Itinatakas niya si Hera kaya wala siyang oras para pangalagaan si Raven.

Dinala niya si Raven dahil magiging kapaki-pakinabang ito sa lugar ng mga Dark Elf.

Malalagay sila sa mga mahihirap at delikadong sitwasyon habang hinahanap ni la ang Surce of the Fire's order, kaya kailangan ni Marvin ng isang kwalipikadong katulong. Sa ngayon, kwalipikado si Raven.

Kung handa ba itong makipagtulungan kay Marvin o hindi, saka na ito poproblemahin ni Marvin.

Ang kanyang kasalukuyang misyon ay mabilis na madala si Hera at ang kanyang anak sa Hope City!

Hindi mapakali si Marvin dahil mas mabilis ang naging pag-atake ng mga Dark Race kesa sa inaakala niya.

Hindi pinadala ni Lady Tess ang lahat ng kanyang pwersa sa Lion Town para makipaglaban. Pinadala niya ang ibang sundalo sa mga kalapit na lugar at ang iba ay sa Hope City.

Ang mga halimaw na ito ay mapanganib para sa ilang sundalo at direkta itong papunta sa Hopy City.

Ang ilang mga halimaw ang pinalibutan ang Lion Town at niyurakan ang mga sakahan. At ang mga bahay na nadaanan ni Marvin ay winasak ng mga ito.

'Ang balak niya ay patayin ang lahat ng taong maaaring makapagkalat ng impormasyon!"

'Kasabay nito, puputulin niya ang ano mang komunikasyon sa pagitan ng Lion at Hop.'

'Hindi maganda ito, kung hindi natin bibilisan, baka mapalibutan tayo.'

Ginamit ni Marvin ang Night Crow at maingat na pinanuod ang mga halimaw na papalapit mula sa kadiliman. Malinaw na sinusubukan palibutan ng mga ito ang bayan.

Hindi ganoon kahigpit ang pagpalibot nila dito, pero sa oras na matapos ito, mabubuo na ang barikada sa pagitan ng Lion Town at ng kabuoan ng Rocky Mountain.

Ang mga tao sa lupa ay hindi makakalampas sa barikada ng mga kalaban at pumunta sa Hope City.

Pero malinaw na ang Apostle ng Black Dragon ay mahusay sa pamumuno!

Lalong binilisan ng Grupo.

Desididiong-Desisdido si Hera. Sa kabila ng hingal at pawis nito, sinusundan pa rin nito si Marvin.

Habang ang maliit na bata naman ay masunuring ginawa ang lahat ng sinsasabi nito at pagod na nakasakay sa likod nito

"Tara na."

"Ilang kilometro na lang makakarating na tayo," panghihikayat na sabi ni Marvin.

Nang biglang may bugso ng hangin ang nanggaling sa kanyang likuran!

Mula sa kalangitan isang grupo ng higanteng nilala na tila mga paniki ang bumaba!

Mabilis ang mga ito at nagmanman sa paligid sa isang iglap.

Dalawa sa mga ito, na tila hinahanap ang grupo ni Marvin, ang agad na lumapit

"Mga Azymyth!"

Biglang nagbago ang reaksyon ni Marvin.

"Maghanap kayo ng mapagtataguan, bilis!" malakas na sigaw niya kay Hera.

Sa di kalayuan, may isang abandonadong kamalig ang makikita at agad na itinuro ni Marvin ang direksyon nito para magtago muna sila doon!

Kakaiba ang mga panicking ito. Bawat isa sa kanila ay tila mga higanteng paniki na may ulo ng isang tao.

Ito ang mga Azymyth ng Underdark.

Hindi inakala ni Marvin na magpapakita ang mga ito, dahil wala sila sa trailer. Ang bigla nilang pagdatin ay marahil isang pagbabago sa kasaysayan!

Mukhang mas mabagsik ang Dark Army na ito kumpara sa laro!

Mahigpit na hinawakan ni Hera ang kanyang anak at mabilis na pumunta sa windmill.

Gusto sanang sumunod ni Marvin kaso bigla niyang naramdaman ang pag-atake sa kanyang likuran!

Isang paniki!

Humiwa patalikod si Marvin.

Walang habas na pinuotl ng Blazing Fury ang leeg ng Azymyth at agad na natanggal ang ulo nito.

Ang nilalang na ito ay hindi naman gaanong malakas, pero ang pinakamahalagang katangian nito ay kaya nitong lumipad.

Kadalasana, ang bawat Azymyth ay nasa 13 o 15, ang hindi lalagpas sa 3rd rank ang pinakamalakas sa mga ito.

Pero ang kakayahan nilang lumipad ang dahilan kung bakit mapanganib ang mga ito.

Matapos pugutan ni Marvin ng ulo ang isa, bigla niyang naramdaman na tila gumaang ang pakiramdam niya.

Literal.

Isang bugso ng hanging na namang ang umihip kasabay ng pagsubok ng isang Azymyth na kunin si Raven!

'Pucha!'

'Inaagawan mo ba ng babae ang Lord na ito…' nag-aapoy ang isipan ni Marvin.

'Masyadong arogante ang mga hayop na ito dahil lang kaya nilang lumipad, hindi pwede iyan.'

May pakinabang pa si Raven kay Marvin kaya hindi niya ito pwedeng sukuan.

Biglang gumalaw ang kanyang katawan na parang kidlat kasabay ng paggamit niya ng Demon Hunter Steps. Humakbang ito ng kaunti bago tumalon sa bubong ng isang bahay.

Ang isang Azymyth na lumilipad dala ang isang Dark Elf, ay siguradong baba ang lipad at mas babagal.

"Burst!"

Direktang tumalon ng mataas si Marvin mula sa bubong at pinunterya niya ang pakpak ng Azymyth!

Agad itong nawalan ng balanse at nagpumiglas habang bumabagsak.

Sadyang hindi na kinaya nito ang bigat!

Hinawakan ni Marvin ang leeg nito at binali habang nasa ere pa sila!

Ang tatlo ay pabagsak na sa lupa.

Mabuti na lang at hindi ganoon kataas ang pinagbagsakan nila. Kinuha ni Marvin si Raven at kinontrol nito ang sarili niyang katawan.

Pero hindi niy inaasahang makarinig ng pag-iyak sa kanyang likuran.

Boses iyon ni Hera!

Namutla si Marvin.

'Si Guy!"