Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 246 - Insane

Chapter 246 - Insane

Tuwang-tuwa si Madeline sa kanyang sarili.

Ilang taong siyang nagsanay nang matindi at sa wakas ay naabot na niya ang Legend Realm! Kahit na angmga Legend specialty at ability na nakuha niya ay hindi maikukumpra sa mga nakuha ng ibang Legend Wizard.

Gayunpaman, isa na siyang Legend!

Ilan nga na ang mga Legend Wizard sa buong katimugan?

Ang mga Legend Wizard kwalipikadong maki-isa sa asembliya ng South Wizard Alliance/

Sa panahon ngayon walang nangnaghas kumalaban sa isang Wizard. At lahat ay nangangarap na maging isang Legend Wizard.

Hindi tulad ng ibang Legend class ang pagiging isang Legend Wizard ay nanganghulugan ng pananaig sa iba.

Lalo pa at ito ang era ng mga Wizard!

Nang maghiwalay sila ni Marvin, bumalik siya sa kanyag Wizard Tower, at determinadong maging isang Legend.

Agad siyang nagpursigi para mahanap ang sikreto ng pahina ng Book of Nalu.

At sa loob lang ng dalawang linggo, himalang nakapag-advance siya.

Kahit na hindi pa siya nakakabuo ng sarili niyang Demi-Plane at nagsisimula pa lang siyang magsaliksik ng kanyang personal na Legend Spell, kating-kati na siyang makabawi!

….

Pero namatay si Marvin!

May kaunting pag-sisisi pa ring naramdaman si Madeline nang mabalitaan ito.

Ang tusong lalaki na iyon na sapilitan siyang pinapirma ng command contract ay namatay bago pa man siya makapaghiganti rito.

Nayamot si Madeline.

Pero masaya pa rin siya dahil may sapat na rason na siya para bawiin ang lahat ng bagay na napilitan siyang ibigay ng kay Marvin.

Noong una ay puno siya ng ambisyon at hindi na siya ma-ba-blackmail ni Marvin.

Gamit ang pahina ng Book of Nalu kapalit ang River Shore City ay panandaliang kasunduan lang. Usapang hangin lang ito sa pagitan ng magkabilang panig habang saksi si Hahaway. Pero ang kasalukuyang Madeine ay hindi natatakot kay Hathaway!

Pareho na silang Legend Wizard, bakit siya matatakot?

Nabalitaan din ni MAdelina na ang mga kaibigang Legend ni Marvin ay abala sa paghihiganti sa Twin Snakes Cult.

Kaya naman nanatili siyang maingat.

Kahit pa namatay na si Marvin, marami pa rin itong mga kaibigan. Hindi siya dapat masyadong mapangahas sa pagkuha ng White River Valley.

Kaya naman ginamit niya ang koneksyon niya sa Alliance para ipalabas nila ang death certificate ni Marvin kaagad, para malaman ng lahat na walang Overlord ang White River Valley.

Sinabi ng South Wizard Alliance na ang tagapagmana nito ay dapat 13 taong gulang na para manahin ang kalupaan.

Nang mamatay ang ama ni Marvin na si Jean, 13 taong gulang na siya noon. Kaya naman, minana nito ang posisyon ng pagiging Overlord ng White River Valley.

Pero si Wayne ay 9 na taong gulang pa lang. Sa hinaharap pa siya magiging tagapagmana.

Wala na rin ibang kwalipikado para manahin ang posisyon ng Overlord ng White River Valley.

Noong mga panahong iyon, may nahanap na lumang patakaran si Madeline.

,

Kapa gang Overlord ng katabing teritoryo ay hindi pormal na maipana ang kanyang teritoryo, isang high lvevl noble ang may karapatang sakupin ang teritoryo, pamamahalaan niya ito bilang kinatawan.

Sa madaling salita, maaari niyang gawing taga-sunod si Wayne.

At ang resulta nito ay magiging isa na lang ang White River Valley at River Shore City.

Walang prolema sa mga patakaran ng Alliance. Hindi tumutol ang mga Legend dito.

Namatay naman talaga si Marvin. At wala rin naman silang koneksyon dito para pangalagaan nag White River Valley para sa kanya.

Sa mga mata ni Madeline, tanging si Hathaway lang at ang Three ring Tower ang maaaring humadlang.

Pero basta magawa niya ito nang maayos, at gawin niya ito sa harap ng publiko, kahit si Hathaway ay hindi na makaka-alma rito!

Ito ang plano ni Madeline.

Pero ang ikinagalit at ikinayamot ni Madeline ay ang asal ng White River Valley.

Mapagmatigas.

Maging si Wayne man o ang mga mamamayan nito, kahit pa hindi mapakali ang mga ito, walang umaamin sa mga ito na patay na si Marvin. Kumbinsido sila na muling gagawa ng himala si "Magical Marvin". Isa pa, ayaw nilang maging bahagi ng River Shore City.

At ang paglitaw ni Daniela ay hindi inaasahan ni Madeline.

Ang dalagang ito ay ang prinsesa ng Lavis Dukedom sa Norte. Kahit pa mag-isa lang ito ngayon, walang nakaka-alam kung kailan darating ang mga Knight ng Norte para protektahan ang kalupaang ito. Idagdag pa rito ang mga Wizard ng White Towerr na kayang tapatan ang South Wizard Alliance.

Kailangan niyang tapusin ito nang mabilisan.

Lahat ng ito ay nasa isip niya.

Kaya naman, hindi niya papatayin si Daniela, pero hindi rin siya magiging mabait. Kailangan niyang gawan ng paraan na wala na itong magagawa.

Bilang isang Legend Wizard, madali na lang ito.

Kahit pa malakas si Daniela, isa lang siyang 4th rank na may Ice Angel Shape.

4th rank at 5th rank, mortal at Legend. Malaki ang agwat ng dalawang ito!

Hindi gaanong tumalab ang mga ice spell ni Daniela kay Madeline dahil mayroon itong specialty na nagbibigay sa kanya ng mataas na panlaban sa mga elemental na atake!

At ang Demon Bloodline ni Madeline ang nagbibigay sa kanya ng mga spell na mapapadali ang pagtalo niya kay Daniela!

Ang Flaming Whip sa kamay nito ay patuloy na nabibitak sa tuwing tumatama ito kay Daniela, sa tuwing patatamain niya ito sa kanya, hinihigop nito ang kaunting kapangyarihan ng Ice Angel.

Hindi nagtagal, napuno na ng latay ang katawan ng Ice Angel.

Nagasgasan pati ang mukha nito.

Nagngalit ang ngipin ni Daniela pero hindi pa rin ito nagpapatinag. Mapagmatigas ito at lagi niya lang ginagawa kung ano ang gusto niyang gawin.

Gusto niya ang White River Valley, at nangako siya kay Wayne. Hindi siya aatras!

Ito ang mga prinsipyo niya.

Isang nakakatakot na awra na yelo ang lumabas mula sa kanyang katawan.

Nagulat si Madeline.

"Anong gagawin mo?!" nabigla ito at dumistansya mula kay Daniela.

"Hahaha… Madeline." Bahagyang ikiniling nito ang kanyang ulo, tumulo ang dugo mula sa kayang leeg, pero hindi niya ito naramdaman. "Hanggang pangarap mo lang ang pagkuha mo sa White River Valley."

"Mas pipiliin ko pang wasakin ito kesa makuha mo!"

Sumimangot si Madeline.

Nakapag-ipon na ng malakas na kapangyarihan ang spell ni Daniela, sapat na nga ito para wasakin ang White River Valley sa isang iglap!

Ang mainit na kalupaang ito ay magiging isang malamig alaala na lang ng kahapon.

Malaki ang nakataya sa istratehiyang ito!

Tinitigan ni Daniela si Madeline.

Ito na ang kanyang huling alas.

Sa tingin niya ay hindi na mangangahas na lumaban pa si Madeline.

Dahil wala na siyang makukuha dito.

Hindi niya inasaahang bigla itong magsasalita na tila nanunuya, "Lahat o wala?"

"Tinanong mo baa ng opinyon nila?"

"Nila?"

Natigilan si Daniela.

Napansin niya ang isang grupo ng taong galing sa pangunahing kalsada.

Kasama ng mga Dark Knight, ay sina Sean ang matandang Blacksmith, Anna, Wayne, Andre at ang iba pang mga gwardya, Necromaner Fidel, pati na ang Alchemist na walang pangalan!

Nakatayo ang mga ito sa harap ng hukbo ng River Shore City, sa likod ni Daniela.

"Sang ayon kami."

Tinitigan ni Wayne si Madeline at kinuyom ang kanyang kamao. "Pinalikas ko na ang mga mamamayan ng White River Valley."

"Kung gagamitin moa ng pwersa mo para agawin ang kalupaan namin, hindi ka naming uurngan."

Namutla ang mukha ni Madeline.

Hindi niya inasahang magiging sakit sa ulo ang mga taong ito!

Malinaw naman na nagpunta siya rito para "protektahan" ang teirtoryo, at maituturing nang malumanay ang kanyang mga pamamaraan, pero hindi pa rin bumibigay ang mga ito!

Wala na si Marvin; kahit hindi niya ito sakupin, hindi ba't kalaunan ay sasakupin din naman sila ng ibang Overlord?!

Makikita ang kalungkutan sa mga mata ni Madeline.

Nang biglang, nagulat ang lahat na may mga rune na lumabas sa kanyang mga mata.

"Sige…. Masyado ba kong mabait?"

"Anong pumasok sa isip mo para isiping basta na lang susuko ang isang Legend Wizard?"

'Noong una ay gusto ko pa kayong tratuhin nang maayos at pangalagaan ang mga mamamayan ng White River Valley dahil kaibigan ko si Lord Marvin."

"Pero ginalit niyo ako!"

Napakaraming anino ang nagtipon sa likuran nito. Nakakatakot na kapangyarihan!

Kinuyom ni Wayne ang kanyang ngipin. Hinawakn niya nang mahigpit si Anna.

Huminga nang malalim si Daniela, ano mang oras ay sasabog ang spell sa kanyang mga kamay!

Noong mga oras na iyon, lumapit ang matandang blacksmith at malakas na sinabing, "Lady Madeline! Sapat na baa ng tapang mo para sundan ang yapak ng Twin Snakes Cult?"

Biglang hinangin ang buhok ni Madeline. Tila nabaliw ito habang nakatingala at tumatawa ito nang malakas.

"Sinong lalaban sa isang Legend Wizard para sa isang patay na tao?"

"Hindi ako ang pumatay kay Marvin. Ang lahat ng ginawa ko ay naaayon sa batas ng Alliance!"

"Hindi niyo alam kung anong nakabubuti para sa inyo. At dahil determinado kayong kalabanin ako, ipaparanas ko sa inyo ang bagsik ng isang Legend Wizard!"

'Baliw.'

Nang lumitaw ang mga rune sa mata ni Madeline, si Marvin, na nagkukunwaring isang gwardya, ay naunawaan na ang nangyayari.

Naghahanap lang si Madeline ng dahilan.

Kahit na lumabas siya, hindi ito susuko. Baka patayin pa siya nito at lahat ng naroon!

Dahil nasiraan na siya ng ulo!

Ang Book of Nalu.

Isa itong artifact na maaring magdulot ng pagkabaliw ng isang tao. Hindi nakapag-advance noon si Madeline dahil kulang ang kakayahan nito!

Nagmabuting loob na nga si Hathaway na ibigay dito ang ika-anim na pahina ng Book of Nalu at hindi ang ikatlo.

Kaya naman matagumpay itong nakapag-advance sa Legend. Pero nagawa pa ring sirain ng Book of Nalu si Madeline.

Nasiraan na siya ng bait.

Ang rune ang patunay dito.

Patuloy na sinisira ng kapangyarihan ng Book of Nalu ang kanyang pag-iisip.

'Puno ng ambisyon at pagnanasa ang babaeng ito, pero hindi sapat ang willpower niya.'

'Kahit pa mag-advance siya sa pagiging Legend, halata na ang mga senyales na kontrolado na siya ng Book of Nalu.'

'At dahil umabot na sa puntong ito, wala nang dahilan para mag-pigil.'

Matapos isipin ito, biglang nanlisik ang mga mata ni Marvin.

Legend Wizard?

Hindi naman ito ang unang beses niyang pumatay ng ganito!

Karamihan ng mga 4th rank at Legend ay may Fatal Injuries Immunity.

Pero wala nito ang Wizard Class!

May isang beses na matagumpay na napatay ni Marvin ang isang Legend Wizard noong siya ay isang 4th rank sa laro.

Sa mundong ito, hindi pwedeng magkamali si Marvin.