Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 247 - The Monarch’s Return!

Chapter 247 - The Monarch’s Return!

Isang nakakatakot na ulap ang namumuo.

Seryosong tiningnan ni Marvin ang kalangitan.

'Pucha, Burning Firerain na naman…. Bakit ba hindi maka-isip ng iba ang mga Legend na 'to?'

'Bakit ba lagi na lang nilang pinipii ang Burning Firerain sa lahat ng mga malawakang Legend spell?'

Bukod sa Ashes Storm ni Hathaway. Lahat ng Legend Wizard na nakilala ni Marvin ay gumagamit ng Burning Firerain!

Itinaas ni Daniela ang kanyang mga kamay, isang makapal na nagyeyelong hamog ang lumabas mula sa kanyang katawan.

Ito ang kapangyarihan ng Ice Angel.

Ang Ice Mist ay mabilis na umangat sa kalangitan para ikalat ang itim na ulap.

Pero sa pagkakataong ito, mukhang determinado si Madeline na kalabanin si Daniela.

Nang nilabanan ni Daniela ang Burning Firerain ng Legend Ogre Mage, nagtagumpay siya dahil masyadong mabilis ang pag-cast ng kanyang kalaban, sa malayo ito kinokontrol, at binuhos nito ang lahat ng lakas para mapatagal ang spell.

Ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makalamang.

Pero ibang-iba kay Madeline.

Ang kanyang magic power ay mabagsik na lumabas mula sa itim na ulap at humalo sa apoy at lumusot lang ito sa Icy Mist na parang wala lang ito.

Hindi naglaon, nagsimulang matunaw ang yelo at naging maligamgam na ambon ito na dahan-dahang bumabagsak sa lahat.

Pero walang umatras.

Namumutla na ang mukha ni Daniela habang humuhugot ito ng lakas niya!

Pero mahina lang ang epekto nito. Namumuo pa rin ang matiim na ulap.

Lalong sumama ang tingin ni Madeline. "Gusto mong kumalaban ng Legend? Hintyain mo munang tuluyang magising ang bloodline mo!"

"Sa ngayon ay para ka lang langgam sa paningin ko!"

Si Marvin, na nagkakubli pa rin sa mga tao, ay huminga nang malalim at kikilos na sana….

Nang biglang may napansin siyang papalapit mula sa likuran nila.

Isang grupo ito ng mga taong tahimik na gumagalaw.

Nagulat si Wayne at ang lahat ng kasama nito nang lumingon ang mga ito, isa-isa nilang nakita ang mga pamilyar na taong naglalakad sa pangunahing kalsada.

Ito ang mga mamamayan ng White River Valley.

Dapat ay nailikas na sila dahil sa inituos na ito ni Wayn! Tulad noong nasa panganib ang White River Valley, dapat ay nagpunta na ang mga ito sa Green Village o sa iba pang lugar kung saan sila maaring tumuloy panandalian.

Sa pagkakataong ito ay hindi sila umalis.

Lumapit ang mga ito.

"

"Tita Shili… Ikaw…"

"Little Rota…"

"Tumakbo na kayo!" Makikita ang pag-aalala sa mukha ni Anna kasabay ng pagsigaw nito.

Kadalasan ay mababait ang mga ito at masunurin sa mg autos ni Anna.

Tahimik sila tumayo sa likod ni Wayne at ng iba pa.

Nasa pito hanggang walong daana ng mga ito.

"Pinapunta na naming ang mga bata at matanda sa Green Village."

Isang lalaki ang nagsabing, "Sa tuwing nasa panganib ang White River Valley, nagtatago kami at hinahayaan lang naming si Lord Marvin at Miss Anna na protektahan kami. Sa dami ng pagkakataon iyon, hindi kami nagsalita at sumunod lang."

"Pero nang marinig naming gusto tayong sapilitang sakupin ng River Shore City, bumalik kami para makita."

"Hindi rin naming alam kung ano ang dapat na gawin, pero naniniwala kaming buhay si Lord Marvin. Babalik siya."

Tumango silang lahat.

Sila ang mga pangkaraniwang mamamayan ng White River Valley. Payapa lang silang nagtanim at sinunodang mga utos ni Marvin.

Naniniwala silang dadalhin sila ni Marvin sa isang mapayapang kinabukasan.

Mahal din nila ang White River Valley.

Ito ang tahanan nila.

Parami nang parami ang mga taong dumadating sa pangunahing kalsada.

Kalmado nilang tiningnan si Madeline, at mahinahong tiningnan ang hukbo ng River Shore City. Lahat sila ay nanatili lang tahimik.

Ngunit, sa bawat taong dumarating ay lalong dumadagdag sa galit ni Madeline!

Ang lakas ng loob ng mga langgam na ito na labanan siya!

Isa siyang Legend Wizard!

Ang mga walang binatbat na mga taong ito ay ayaw tanggapin ang proteksyon niya at naniniwala pa rin sila kay Marvin na patay na!

Bakit!?

"Walang makakapigil sa akin na makuha ang gusto ko."

"At dahil masyadong malaki ang tiwala niyo sa isang patay na tao, magsama-sama na kayo sa hukay!"

"Mamatay na kayong lahat!"

Malakas ang pag-atungal ni Madeline, "Mga Knight! Makinig kayo sa akin!"

"Patayin niyo silang lahat!"

Tinuro niya ang mga walang kalaban-laban na mga sibilyan.

Ang mga kakaibang rune ay mas nagliliwanag.

Tuluyan nang sinakop ng Book of Nalu nag kanyang pag-iisip!

Wala na siya sa kanyang sarili.

Hindi kumilos ang hukbo ng River Shore City!

Nanatiling tahimik ang mga Knight.

Ang ilang sa mga gwardya dito ay kasamang nakipaglaban ng White River Valley wala pang isang buwan ang lumilipas.

Tiningnan lang nila ang mga sibilyan, at walang nagpa-abante sa kanilang mga kabayo.

"Anong ginagawa niyo?!" Nililipad ng hangin ang buhok ni Madeline kasabay ng pagsigaw nito.

Malungkot na Yumuko ang Head Knight. "Madam City Lord, wala po silang kalaban-laban na mga sibilyan."

"Wala akong pakielam." Tinitigan siya ni Madeline, "Sinabi kong patayin niyo sila!"

"Swish!"

Binitawan ng Head Knight ang kanyang espada at yumuko. "Patawarin niyo ko, pero hindi ko kayo kayang sundin."

Hindi magawang atakihin ng Knight ang mga sibilyan dahil sa kaniyan konsensya!

Kahit na sumumpa ito ng katapatan kay Madeline, hindi kayang gawin ng Head Knight ang isang bagay na labag sa kanyang mga prinsipyo.

"Swish! Swish! Klang!"

Binitawan ng lahat ng Knight ang kanilang mga espada.

Isa-isa silang bumulong na, Patawarin niyo ko, pero hindi ko kayo kayang sundin."

Sa panig ng Silver Church, sumimangot si Collins, "May mali sa City Lord… Hindi ko maintindihan kung bakit niya itutos iyon."

Dahil sa ginawa ng mga Knight ng River Shore City, nilamon ng kabaliwan si Madeline!

"Tinraydor niyo ako!"

"Sige! Kung hindi kayo kikilos, ako na mismo ang papatay sa mga basurang ito!"

Sa isang iglap ay lumipad nang mataas ang katawan ni Madeline, nasa ilalim ng itim na ulap ang lahat ng naroon!

Pati na ang mga hukbo ng River Shore City at White River Valley!

Nagbago ang mukha ng mga ito. Kahit si Collins ay nagulat at agad na pinaatras ang pwersa ng Silver Church!

Wala ito sa usapan nila ni Madeline. Maaari sanang naayos ang lahat gamit ang patakaran ng Alliance at wala dapat masasaktan.

Hindi nila inakala na biglang magbabago si Madeline.

Nasaan na ang matalinong City Lord?

Naramdaman ni Collins na mayroong mali!

Nabuo na ang itim na ulap sa kalangitan.

Hindi nagtagal ay napawalng bias na ng itim na ulap ang Icy Mist ni Daniela!

Umatungal ito at dumura ng dugo bago tuluyang bumagsak sa lupa!

Unti-unting bumalik sa tunay na anyo si Daniela.

Ibig-sabihin nito ay naubos na ang kanyang lakas at mayroon itong matinding pinsala!

Agad namang lumapit si Anna at Wayne para tulungan ito.

Makikita ang lungkot sa mga mata ng lahat.

Walang makatalo kay Madeline.

Ang lahat ng kaibigang Legend ni Marvin ay nasa Norte at kinakalaban ang Tin Snakes Cult. Sabi pa nga nila ay naghahanda na ang mga ito para harapin ang Azure Matriarch!

Kinagat ni Wayne ang kanyang labi at binulong, "Tinawagan ko si Hathaway bago ito, pero hind pa siya sumasagot."

Pilit na ngumiti si Anna at umiling, tiningnan niya ang unti-unting nabubuong Firerain sa kalangitan at pinilit na tumakbo na ang lahat!

Pero walang gumalaw.

Tahimik lang silang tumayo doon. At gamit ang sariling buhay nila, pinarating nila kay Madeline ang kanilang reklamo.

Mga mortal lang naman sila, mga hapit sa buhay at takot sa kamatayan, mga malilit na piraso sa isang malaking mekanismo.

Pero may mga bagay talaga na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao para ibuwis ang kanilang buhay.

May mga paniniwalang dapat ibuwis ang buhay para maipaglaban.

Hindi magigin bahagi ng River Shore City ang White River Valley. Tahanan nila ito, at ito ay teritoryo ni Lord Marvin, hindi ni Madeline.

Hindi sila makapaniwala.

Nagliliyab na ang apoy sa itim na ulap, sa loob ng sampung segundo ,magsisimula nang bumagsak ang nakaktakot na Firerain.

Sa katunayan, kung hindi dahil kay Daniela, mas kanina pa ito nangyari.

Ngumiti si Daniela, "Hindi ko inakalang ang babaeng ito ang papatay sa akin."

"Hindi ka mamamatay." Malalim na sabi ng kanyang katabi.

Gulat na tiningnan ni Daniela ang Dark Knight. Naalala niyang Zero ang pangalan nito.

"Tama, hindi tayo mamamatay." Sabi ng isa pang Knight.

Hindi mapigilang sabihin ng mga Dark Knight:

"Nagbalik na siya."

"Nagbalik na ang Monarch."

Gulat nilang tiningnan ang Dark Knight!

Ngayon lang nagsalita ang mga ito mula nang mamatay si Marvin, pero pinagpatuloy pa rin nilang gawin ang mga inutos ni Marvin.

Sinubukang tanungin ng matandang blacksmith ang mga ito kung nasaan si Marvin pero tila hindi alam ng mga ito.

Tila nawalan siya ng pag-asa nang marinig ito.

Nawala ang kandilang kumakatawan sa buhay ni Marvin nang matapos ni Marvin ang [Path of Darkness].

Base sa mga talaan, sa tingin ni Sean lumipat sa isang tagong lugar sa Eternal Night Kingdom ito, tulad ng sa Night Monarch.

Pero ngayon.

Muli na namang inulit ng mga Dark Knight:

"Nagbalik na ang Monarch."

Walang nakaintindi sa ibig nilang sabihin.

Sa gitna ng baliw na paghalakhak ni Madeline, nagsimula nang bumagsak ang Burning Firerain!

Nagyakapan ang mga kaawa-awang mga sibilyan at pumikit.

Nakatingin naman ang mga Dark Knight sa kalangitan at nag-aabang.

Papalapit na sa kanila ang Burning Firerain!

Nang biglang may nangyari.

Isang itim na tabing ang umangat mula sa mga tao, at sa isang iglap, bumuo ito ng isang pabilog na barikada sa itaas ng mga ito.

Bumagsak ang Burning Firerain sa itim na tabing at napigilan ito!

Tumingala ang lahat at nakita ang mga bituin!

Dumilim na ang kalangitan, na tila ba gabi na. Pero mas maliwanag ang mga bituin na nakikita nila.

Ang itim na ulap na naroon pa rin sa kalangitan at tuloy-tuloy pa rin ang Burning Firerain, pero walang nasaktan sa kanila kahit isa!

"Anong…. Anong nangyari?" Gulat na tiningnan ni Anna ang mga kaganapan, ngayon lang siya nakakita ng ganito.

Nang biglang isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kanyang tabi.

"Pasensya na pinag-alala ko kayo."

"Pero ayos na ang lahat."

"Nagbalik na ako."

Sa ilaim na liwanag ng bituin, at sa harap ng gulat na mukha ng lahat, naglakad ang isang gwardya mula sa mga tao.

Tinanggal ni Marvin ang Disguise.

Isang marka ang lumabas sa kanyang noo.

Ang Eternal Night Imprint.

At sa itim na tabing na nasa itaas nila, isang pares ng mata ang nagningning.

Lumuhod ang lahat ng Dark Knight.

Nagbalik na ang kanilang Monarch.