Sa dakong kanlurang bahagi ng Thousadn Leveas Forest ay may isang malawak na lawa.
Mayroong lang isang bundok na naghihiwalay rito at sa lugar kung saan ipinatapos si Ivan.
Pero kahit ang mga malalakas na Stone Giant ay hindi nangahas na galawin ang lawa.
Sa katunayan, may sumpa ang lugar na ito.
Ayon sa mga usap-usapan ng mga adventurer, walang nakakabalik nang buhay mula sa lawa. Tila ba nababalot ng isang uri ng sumpa ang lawa na ito. Lalamunin nito ang lahat ng nilalang na lumalapit dito.
Kapag tumama ang sinag ng buwan sa lawa, mababalot ito ng kulay rosas na hamog.
Magdudulot ng iba't ibang guni-guni ito at dahilan kung bakit nalilimutan ng mga tao kung sino sila.
Ang lawa ay tinatawag na [Eye of Soro]. Sabi nila, nang mamatay nag masamang god na si Soro noong unang panahon, nahulog ang kanyang kaliwang mata sa Feinan, kaya naman binago nito ang lawang ito at ang mga halimaw na naninirahanrito.
…
Tatlong daang metro sa taas ng lawa ay may tumigil na malaking magic carpet.
Kalmadong naka-upo si Marvin at Hathaway sa magic carpet.
Kanina pa umalis ang iba pa.
"Mapangahas ka talaga," biglang sabi ni Hathaway.
Tumango si Marvin.
Alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Hathaway. Ang Decaying Plateau ay isang pangalang ginagalang kahit ng mga malalakas na Legend.
Si Diggles ay halos kapantay na ng mga god.
Pero ang plano talaga ni Marvin ay wasakin ang Decaying Plateau!
Kahit pa kinamumhian ng lahat ang mga ginagawa ni Diggles, ikinagulat pa rin nila ang mapangahas na plano ni Marvin.
Bukod kay Ivan, lahat sila ay nagdadalawang-isip.
Pero sa huli, nakumbinsi pa rin ni Marvin ang mga ito sa tulong ni Hathaway.
"Bakit mas marami kang nakikita kesa sa akin?"
Tinitigan niya si Marvin. "Ang nakita ko lang ay ang pagkawasak, pero mas marami kang nakikita."
Nagkibit-balikat si Marvin. Ano nga bang dapat niyang isagot dito?
Pilit na lang itong tumawa. "Aba malay ko, lagi namang may kakaibang bagay na tumatakbo sa isipan ko."
Natahimik si Hathaway.
Ngayon niya lang nakitang ganito kabalisa si Hathaway.
Kahit na noong panahon na inaabangan nila ni Inheim ang Shadow Prince ay hindi siya ganito kabalisa.
"Maniwala ka sa akin. Makukuha nila agad ang Golden Scissors. Iyon ang magpapatunay na totoo lahat ng nakikita ko."
Malumanay na hinawakan ni Marvin ang kamay ni Hathaway. "Maniniwala sila sa akin. Kapag sinunod natin ang plano ko, maililigtas natin ang mga anak ni Sir Lorant at masisira natin ang buong Decaying Plateau. Iyon na ang magiging babala sa Underwolrd."
Nanigas ang katawan ni Hathaway, pero mas naging kalmado ang kanyang reaksyon. "Hindi naman ako sa plano nag-aalala."
"Sayo ako nag-aalala."
"Gusto mo talagang sumama sa amin?"
Tumingin si Marvin sa mata nito. "Maniwala ka sa akin, wala nang palihim na makakapasok sa Decaying Plateau nang hindi napapansin, kundi ako."
"Masyadong malakas ang awra ng mga Legend. Kahit pa itago mo ito, malalaman agad ni Diggles sa oras na umapak kayo sa Plane."
"Ako na ang pinakabagay na magligtas sa mga White Deer."
Umiling si Hathaway. "Masama ang kutob ko. Mas gugustuhin ko pang hindi nila mahanap ang Golden Scissors."
Natigilan si Marvin, nagulat ito.
Noong mga oras na iyon, lumakas ang alon ng mapayapang Eye of Soro!
Isang mahaba at matinik na galamay ang lumabas mula sa lawa, kasunod nito ay isang malaking anino!
"Isang Octopus Monster!"
Maririnig ang tawa ni Ivan mula sa ilalim.
Sa sunod na sandal, nanigas na ang buong lawa.
Matapos i-cast ang kanyang spel, tumayo si Endless Ocean sa tabi ng lawa at tiningnan ang nagpupumiglas na Octopus Monster at sinabi kay Ivan na, "May pangalan siya, [Lumu]."
"Dating 'yang alaga ng Ancient God, at konektado din iyan kay Sir Lorant."
Ang White Deer Holy Spirit na si Lorant ay nanatiling nakatayo sa dalampasigan, tinitingnan ang galit na lumu. Makikita sa mukha nitong tila wala itong magawa.
Pareho sila ng nilalang na ito. Dati niya ring pinagsilbihan ang Ancient Nature God. Pero ang pagdating nito ay iba mula sa kanya. Matagal nang bumaba si Lumu, nauna pa ito sa pagtulog ng Nature God.
Mabangis ang Lumu, at nagtago ito sa Eye of Soro para hindi makita ng Nature God. Pero hindi naman inakala ni Lorant na madaling mahahanap ito ni Marvin.
Isang pares ng Golden Scissors ang nakatago sa sikmura nito. Ito ang pinakamahalagang bagay para makapasok sila sa Underworld.
"Pesteng usa, humanap ka pa talaga ng katulon…Ah!"
Bago pa man matapos nito ang kanyang sinasabi, nakaramdam ito ng sakit sa kanyang sikmura.
Isang bulalakaw mula sa ilalim ang bumaon sa kanyang katawan, nag-iwan ito ng isang madugong butas!
Pagkatapos nito ay napunta naman si Inheim sa ulo ng Lumu. Kumawag-kawag ang mga galamay nito sa paligid, pero hindi siya makagalaw.
"Ibigay mo sa amin ang Golden Scissors," mahinahong sabi ni Inheim.
"Ayoko!" Sigaw ni Lumu.
Nang bigla itong umatungal sa sakit!
Isang anino ang hinawakan ang galamay nito at hinila nang malakas!
Nagawang bunutin ni Ivan ang galamay nito gamit ang kanyang lakas!
Dumanak ang dugo kasabay ng pagsigaw nito sa sakit!
…
"Kahit gaano kalakas ka pa sumigaw, walang tutulong sayo."
"Naglagay na ng tatlong patong ng barikada para walang ingay na makalabas sa Eye of Soro, ang babaeng katabi ko." Panunuyang sabi ni Marvin.
"Hindi ka makakatakas. Yelo na ang lawa."
"Selyado na rin ang kalangitan, subukan mong tumingin sa paligid mo."
"Ibigay mo na ang Golden Scissors. Wag mong ubusin ang pasensya namin."
…
Halos mapira-piraso si Lumu!
Ngayon lang siya nakaranas ng ganito sa buong buhay niya!
Bilang isa sa mga nanilbihan sa Ancient Nature God, pambihira ito noong mga panahong nasa Heaven pa ito.
Nang dumating ito sa mundo ng mga tao, walang kayang tumapat sa kanyang lakas.
Kung hindi lang siya takot sa expert na nasa Thousand Leaves Forest, marahil sinubukan na niyang palawakin ang kanyng impluwensya.
Hindi niya inakala ang pananatili niya rito at ang paminsan-minsang pagkain ng tao ay magdudulot ng kapahamakan!
At tulad ng sinabi ni Marvin, selyado na ni Endless Ocean ang lawa, at kahit ang ilalim ng lawa ay unti-unti na ring tumitigas.
Isang malaking agila naman ang dahan-dahang umiikot sa kalangitan.
Nakilala niya ang agilang ito. Sky Fury! Isang Great Druid na mula sa norte, na mas malakas pa kay Endless Ocean!
At ang Monk sa kanyang ulo ay mas mabangis pa rito. Ang katawan nito ay tila diyamante!
Ang elf naman sa dalampasigan ay isang uri ng elf na bibihirang makita. Hindi man ito kasing tikas ng Monk, nakakatakot pa rin ang lakas nito.
Idagdag pa ang Wizard na hindi pa kumikilos at ang kaibigan nito, ang White Deer Holy Spirit na si Lorant.
Napapalibutan na siya ng mga makapangyarihang tao. Kailan nila ito pinlano?
"Wala akong alam tungkol sa Golden Scissors," hirap na sinabi ni Lumu.
"Magtanggal pa ng isang pang galamay? Sige." Seryosong sabi ni Marvin.
Nagkibit-balikat naman si Marvin habang hinawakan niya ang isa pang galamay nito at nagsimulang hilahin ito.
Natakot si Lumu dito kaya naman paulit-ulit itong sumigaw na tumigil na sila!
"Sandali! Sandali!"
Binitawan ni Ivan.
Ngumiti si Marvin. "Mister Lumu, wala naman kaming intensyong kalabanin ka. Alam kong noong palihim kang bumaba dito, nasa iyo ang Golden Scissors na ginagamit ng Nature God. Wala nang silbi sayo ang bagay na 'yan… Mas mahalaga pa bay an kesa sa buhay mo?"
Nanatiling tahimik si Lumu.
Matapos ang ilang sandali, hirap niya muling sinabing, "Kapag ibinigay ko sa inyo, pakakawalan niyo ko?"
Tiningnan ni Marvin nag iba pa. Makikitang handing sumunod ang lahat sa ano mang magiging desisyon nito.
Tumango naman ito agad.
Pumasok ang isang galamay ni Lumu sa kaibutran ng kanyang sikmura. Paglipas ng ilang sandal, isang maliwanag na ginintuang liwanag ang lumabas.
Isang maliit na gunting ang hawak ng kanyang galamay.
Ang Golden Scissors.
Bukod kay Hathaway, makikita ang tuwa sa kanilang lahat. Tama nga si Marvin!
…
Ang Golden Scissors ay artifact ng Nature God.
Nang makuha ito, pinakawalan na nila si Lumu at lumayo.
Ang Golden Scissors ay ibinigay kay Marvin dahil siya naman ang gagamit nito.
Nang mawala ang ginintuang liwanag dito, tila mukhang pangkaraniwang gunting na lang ito, pero iilan lang ang nakakaalam na kayang gumupit ng mga plane ang artifact na ito!
"Ngayong na sa atin na ang Golden Scissors, pwede na nating simulan ang operasyon."
Nagtungo ang grupo sa dakong hilaga ng Eye of Soro papunta sa isang lugar sa Millenium Mountain Range, na naghahati ng hilaga at kanluran.
Mayroong maliit na lihim na lagusan dito na patungo sa hangganan ng Decaying Plateau/
Ayon kay Marvin, sa pagdaan sa lagusang ito, mabilis nilang matatagpuan ang [Moss Prison], kung saan nakakulong ang mga White Deer, na kukumpleto sa unang bahagi ng kanyang plano.
"Sige, mauuna na ako. Paglipas ng tatlong oras, simulant niyo nang kumilos."
Malapit na sila sa isang maliit na yungib. Ngumiti si Marvin at kumaway sa lahat bagi walang alinlangan na pumasok .
Ang pitong Legend ay tahimik lang na nakatayo sa harap ng yungib, pinapanuod hanggang sa mawala si Marvin
Paglipas ng ilang sandal, yumuko si Endless Ocean at bumuntong hininga, "Sana maging maayos ang lahat."
Noong mga oras na iyon, isang kakaibang eksena ang pumasok sa isip ni Hathaway.
Nakita niya si Marvin na nahuhulog sa void, bumabagsak siya patungo sa walang hanggang Abyss!
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata, pero biglang nawala na ang ilusyon.
'Hindi totoo 'to.'
Hindi niya namalayan pawis na pawis na ang kanyang noo.
…
Sa isang sulok sa God Realm, isang anino ang nagmumura.
Nang biglang isang boses ang umalingawngaw mula sa malayo, at agad na nakuha nito ang atensyon ng anino sa sulok.
"Glynos, may nakita akong interesante."
"Mukhang ito na ang pagkakataon mong maghiganti."
Kinilabutan ang anino. "Putangina mo! Pinaghahanap na ako ng Moon Goddess. Mahirap na nga humanap ng pagtataguan eh. Wag mo na akong bigyan ng problema."
"Hindi, hindi." May bahid ng ligaya ang boses nang mapagusapan ang kamalasan ni Glynos. "Pwede kang pumunta sa isang lugar sa labas ng God Realm para magpalamig."
"Halimabawa, sa Decaying Plateau."