Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 232 - March! Underworld

Chapter 232 - March! Underworld

"Decaying Plateau?"

Maririnig ang pag-aalinlangan sa boses ng Shadow Prince.

"May nakuha akong impormasyon. 'Yung mga Legend na binabantayan natin… ang mga kaibigan natin na matagal nanahimik, ay kumilos daw."

"Hindi malinaw ang dahilan, lalo pa at may hamog na naghihiwalay sa God Realm at sa Feinan. Pero isa lang ang sigurado ko, pupunta silang Decaying Plateau para harapin si Diggles."

Tila nanunukso ang boses. "Imposibleng alam nila na mayroon akong lihim na lagusan patungong Decaying Plateau."

"Anong lihim na lagusan? Ang Decaying Plateau ay nasa Underworld. Avatar lang ang pwede kong ipadala doon. Kayang-kaya rin akong pigilan ni Inheim. Pagkatapos ng kahihiyan na ito, hindi ko na uulitin iyon. Kapag natapos na ang plano sa Universe Magic Pool, ako mismo ang haharap sa kanya."

"Wag kang kabahan. Sasamahan na kita sa pagkakataong ito."

Isang lalaking mukhang babae ang lumitaw sa harap ni Glynos.

"Magandang pagkakataon na ito para patayin ang Seer na si Hathaway. Siguradong tataas ang posisyon natin sa God Assembly."

Nanatiling tahimik si Glynos.

Sa loob ng isang lihim na yungib sa Shrieking Mountain Range.

Kumukulo ang isang mainit na sapa. Mahigpit na nakapikit si Bamboo habang ginagamot ng kapangyarihan mula sa void ang mga pinasala niya.

Hindi pa tuluyang gumagaling ang mga natamo niyang pinasala, pero nang mabalitaan niyang aatakihin ni Marvin nag Ogre Tribe, ayaw niyang palampasin ang pagkakataon na guluhin ito. Pero nakasalubong niya ang isang malakas na babae doon.

Kahit pa hindi niya kasing lakas si Daniela, halos pareho lang ang kanilang kakayahan sa magic. Isa pa, mabagsik ang istilo nito, napansin din nitong sugatan siya at mapangahas.

Sapilitan nitong pinigilan si Bamboo mag-isa.

Umabot ito sa puntong, matapos talunin ni Ivan ang Iron Ogre, wala na siyang nagawa kundi umatras at maghintay ng panibagong pagkakataon.

Ngayon, dumating na ang pagkakataong iyon. Kahit na atutulog pa ang Lady Azure, nang magising ito noon, nahanap nito si Marvin at gumawa ito ng mata at ibinigay ito kay Bamboo.

Regular na ibibigay nito ang lokasyon ni Marvin.

'Gustong namang pasuking ng lalaking 'yon ang mapanganib na lugar na 'to ngayon.'

Patuloy na tumaas ang temperature ng tubig at mas lalong namula ang mukha ni Bamboo.

Nararamdaman niyang pumapasok sa kanya ang kapangyarihan ng World Ending Twin Snakes!

Ngayon lang siya nakatanggap ng ganito kalakas na Divine Power!

'Magandang pagkakataon na 'to!'

'Masyadong mataas ang tingin nila sa sarili nila para hamunin ang Evil Spirit Overlord. Nagkaton naman na mapapatay ko na ang mga pumatay kay Lord Crimson.'

Isa-isang lumabas ang mga imahe sa kanyang mga mata: Marvin, Endless Ocean, Hathaway, Constantine, Shadow Thief Owl, at si Inheim.

Mamamatay… ang mga taong ito!

Krash!

Bgilang sumabog at tumilapon sa paligid ang tubig ng mainit na sapa.

Pagkatapos ay umahon ang nakahubad na si Bamboo.

Hindi mabilang ang mga maliliit na butas, na kasing laki ng patak ng tubig, sa pader ng kweba.

'Umabot ang lakas ko sa isang pseudo-Legend level. Kahit pa tatlong araw lang ito tatagal, sapat na siguro 'to.'

Makikita ang pagkakampante nito sa kanyang mga mata.

Ang Underworld ang pinakamalapit na plane sa Feinan, at ang Decaying Plateau ag unang outpost. Nang itatag ni Diggle sang Decaying Plateau, ang layunin nito ay ang guluhin ang Feinan. May isang pagkakataon na naglunsad ito ng hindi mabilang na pag-atake sa Feinan. At kahit na pumalya ang mga ito, nag-iwan pa rin ito nang maraming lagusan patungo sa DEcayong Plateau.

Natural lang na mapasakamay ng isang organisasyon, gaya ng Twin Snakes Cult, ang ilan sa mga ito lagusang ito para gamitin sa pagpunta sa Decaying Plateau.

Kapag dumating na ang oras, maghihintay siya ng tyansang kumilos.

Habang iniisip ito, hindi na makapaghintay si Bamboo.

'Hintayin mo ako… Marvin…'

Mag-isa si Marvin sa loob ng yungib, patuloy siya sa paglalakad.

Kumapra sa katimugan, mas tuyo ang yungib na ito, marahil dahil malapit na ang yungib na ito sa Millenium Mountain Range.

Ang Millenium Mountain Range ay ang naghahati ng Hilaga at Timig, kaya kung lakarin ito ni Marvin hanggang sa dulo, makakarating na siya sa Norte.

Ang walang pangalang yungib na ito ay ang lugar kung saan dating nagbukas ng Disaster Door si Diggles.

Iyon ang ikalawang Evil Spirit Invasion. Pagkatapos nito, lahat ng nilalang sa Feinan ay gumawa ng paraan para mapalayas ang mga Evil Spirit.

Ang yungib na ito ay selyado rin ng isang Saint at walang Evil Spirit ang may kakayahang lumabas mula dito magmula noon.

Ang hindi alam ng mga Evil Spirit ay gumagana lang ang selyong ito sa ga Evil Spirit.

Hindi winasak ang lagusan, at tangin mga Evil Spirit lang ang hindi kayang dumaan dito. Ang mga tao at iba pang mga race ay malaya pa ring magagamit ito.

Dahil sa mahusay na pamamaraan ng pagselyo na ginamit ng Saint, kahit si Diggles ay hindi napansin ito.

Sa paglipas ngmga taon ay nalimutan at napabayaan na ang lugar na ito.

At sa laro, aksidente lang itong nagamit ng isang manlalaro pagkatapos ng Great Calamity.

Pagkatapos noon ay isang malakihang pagpapalawak ang inilabas na tinawag na, [Planar Adventures: First Chapter – Underworld].

Pagkatapos rin ng pagpapalawak na ito nagsimulang maglakbay si Marvin sa Underworld.

Pagkatapos niyang baybayin ang kweba nang dalawang oras, umabot na siya sa dulo nito.

Mayroong isang malaking pinto na nasa dalawampung metro ang taas!

Nakasabit sa pinto ang isang kalawanging kandadong gawa sa tanso.

Bukod dito, maraming rune, spell, at seal ang nakalagay sa taas ng pinto. Kahit malayo pa si Marvin, nararamdaman niya na ang makapangyarihang enerhiya nito.

Kahit pa gustuhing buksan ng isang od ang pintong ito, kakailangan nito ng malakas na skill.

Malinaw na walang ganitong kakayahan si Marvin.

Tumingin siya sa gilid.

Sa isang pader na nakakubli sa kabundok na damo, nakahanap siya ng pintong kasing laki tao.

Ang maliit na pintong ito ang tunay na daan papasok.

Mayroon din kandado ang pintong ito, pero hindi ito tunay na nakakandado. Nakasabit lang ito doon.

Huminga nang malalim si Marvin at tinanggal ang kandado.

Ang tila pangkaraniwang kandado na mukhang kalawangin ay hindi dapat minamaliit; basta nakasabit ito doon, hindi ito mabubuksan ng mga halimaw ng Underworld!

Sa oras na tanggalin ito ni Marvin, maari nang pumasok at lumabas mula dito.

Mabuti na lang, karamihan ng mga Evil Spirit ay sinukuan na ang lugar na ito, dahil kung hindi hindi mangangahas si Marvin na gawin ito.

Ang dahilan kung bakit malakas ang kanyang loob ay dahil sa pitong Legend!

Pupukawin ng mga ito ang atensyon ni Diggles at ng buong Underworld. Saka lang magkakaroon ng pagkakataon si Marvin na palihim na pumasok at iligtas ang mga White Deer.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto.

Isang nakakapandiring nabubulok na amoy ang bumalot sa hangin.

Ito ang masamang enerhiyang nagmumula sa hangganan Underworld. Kapag mas malapit ka sa gitna nito ay mas malakas ang enerhiya.

Ang mga Evil Spirit ay ang pinaka marumi at pinanakakasulasok na mga nilalang sa lahat. Karamihan ng negatibong enerhiya sa mundo ay matitipon-tipon sa lugar na ito, na magbubunga pa ng mas marami pang mga kauri nito.

Ang mga kaluluwa ng mga nilalang na resulta nag paghahalo ng Order at Chaos. Ang mga Evil Spirit ay bunga ng negatibong enerhiya.

Poot, Galit, Selos, Pagpatay… Lahat ng masamang emosyon ay pinabibilis ang paglawak ng pundasyon ng Underworld, ang Evil Spirit Sea

Kaya naman, mabilis na lumalawak ang Evil Spirit Sea sa panahon ng digmaan, at nakagagawa ng panibagong Evil Spirit.

At sa bawat panahon ng malaking kaguluhan, isang nasa level ng isang Evil Spirit Overlord ang maipapanganak mula rito!

Kasalukuyang mayroong labing-siyam na Evil Spirit Oerlord, ibig sabihin ay nakaranas na ng labing-siyam na panahon ng kaguluhan ang Feinan.

Hindi pa kasama rito ang kasunod na panahon ng kaguluhan.

Ang pagbagsak ng Universe Magic Pool ang dahilan nang pag-abot sa sukdulan ng mga negatibong enerhiya sa Feinan. Bilang isang Prime Material Plane, ang enerhiya ng mundo ay sampung beses na mas malakas, maging positibo o negatibong enerhiya man ito.

Dodoble ang laki ng Evil Spirit Sea. At sa pagkakataong ito, ang Evil Spirit Sovereign ay magsisimulang bumuo ng karagatan sa unang pagkakataon.

Sa katunayan, isang propesiya ang ikinalat sa Underworld matagal na panahon na ang lumipas:

[Sa tuwing lalabagin ng mga god ang sinumpaan nila, ang sovereign ay aahon mula sa karagatan at pamumunuan nito ang mga Evil Spirit patungo sa Feinan.]

Hindi alam ni Marvin kung totoo ba o hindi ang propesiyang ito, dahil noong nagtransmigrate siya, ang makapangyarihan Evil Spirit Sovereign ay nasa ilalim pa ng dagat. Abala pa ang mga god sa paghahati-hati ng teritoryo. Ang mga Dragon, Liches, Devils, at mga Demon ay pinupunterya ang Feinan.

At ang iilang taong natitira, ang mga mahihina, ay nagsimula nang sundin ang mga god. Ang mga makapangyarihang tao ay nagsimula nang hagilapin ang mga Fate Stone para subukang patayin o iselyo ang mga itong panahon ng matinding kaguluhan.

Sinubukan din manghimasok ng mga Evil Spirit.

Ayaw mangyari ito ni Marvin, at kahit na hindi niya mapipigilan ang pagbagsak ng Universe Magic Pool sa pagkawasak, may paraan pa rin siya para maantala ang paglusob ng Underworld.

At iyon ang was akin ang Decaying Plateau!

Habang iniisip ito ay mas determinado siyang naglakad.

Sa likod ng pinto ay isang makulimlim na kalangitan.

Ginamit niya ang Shapshift Sorcerer's Disguise. Ang Disguise na ito ay hindi lang ang itsura niya ang binabago kundi pati na rin ang kanyang awra.

Mataas ang epekto ng Disguise, kaya sapat na siguro ito para malinlang ang karamihan sa mga Evil Spirit.

Makikita sa malayo ang isang kontinenteng lumulutang sa kalangitan.

At sa harap niya ay isang tulay na gawa sa mga higanteng kabute.

Bawat kabute ay isang kilometro ang layo mula sa kasunod nito!

Ang Mushroom Bridge.

Huminga nang malalaim si Marvin at nagmadali, naabot na niya ang unang mushroom!

Kahit hindi siya gumamit ng lakas, lumubog ang katawan niya sa lasikong kabute bagi tuluyang lumipad ng mataas, sa taas ng lipad niya ay naabot niya ang kasunod na kabute, na isang kilometro ang layo, sa isang talon lang.

Kaya naman, nagpatalon-talon si Marvin, hanggang sa unti-unti niyang naabot ang lumilipad na kontinente!

Sa dakong timog ng Millenium Mountain Range, mabagal ang pagtakbo ng oras.

"Tatlong oras na ang lumipas."

Binantayan ni Hathaway ang oras.

Isa-isang tumayo ang mga Legend at tiningnan ang White Deer Holy Spirit.

Tumango siya at inilabas ang Rainbow Stone.

"Mga kaibigan….Heto na!"

Huminga siya nang malalim at binuhay ang Rainbow Stone.

Sa sumunod na sandal, isang lagusang kulay bahaghari ang lumitaw sa harap nila.

"Marami tayong pwedeng tumali kay Diggles, hindi mo na kailangan maging magalang." Tumawa si Ivan at naunang lumapit kay Lorant. "Sa katunayan, gusto ko na talagang wasakin ang Decaying Plateau, pero wala akong ano mang paraan noon."

Sunod na lumapit si Inheim. Hindi inaasahang tinapik ng Legend Monk na ito ang Balikat ng White Deer Holy Spirit, "Marami tayo. Wala kang dapat ipag-alala, si Diggles ang dapat matakot."

"Tara na! Siguradong hindi inaasahan ni Diggles na may malaking surpresang darating sa kanya ngayon!"