Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 223 - White Deer Cave

Chapter 223 - White Deer Cave

Nanatiling walang imik si Marvin sa Desyerto.

Marahil iba ang pagkakaintindi ni Madeline sa sinabi niya.

Agad siyang nagsulat muli.

Ang asul na papel na ito ay isang alchemy item na ginawa ni Madeline. Ginagamit ito para makipag-usap sa maiikling distansya.

Kasalukuyang na sa dakong silangang bahagi ng Saint Desert si Marvin, hindi ito kalayuan mula sa River Shore City kay naman sinubukan niya ito.

Noong una ay hindi siya gaanong umaasa, pero hindi niya inaasahang mabilis na sasagot si Madeline.

'Ito baa ng pakiramdam ng pagiging sikat?' naramdaman ni Marvin ang kabaintunaan.

Sa Wizard tower. Isa na namang pangungusap ang lumitaw mula sa papel.

Bahagyang napasimangot si Madeline. Inakala niyang nagbibiro lang si Marvin. Nakatuon ang kanyang pansin sa pahina ng Book of Nalu at ayaw na muna niya sana itong pansinin.

Subalit, mukhang seryoso ang pangungusap na ito.

– Magbubukas na ang White Deer Cave. Hindi k aba interesado sa laman nito? –

Sa ibaba ng pangungusap ay isang larawan ni Marvin na naglalakbay. Nag-enchant si Madeline ng Image skill sa alchemy item na ito

Para sa kanya, mas pinasaya lang nito ang Alchemy item na ito.

'White Deer Cave?"

Ang lugar na bali-balitang puno ng kayamanan ay pumasok sa kanayng isipan.

Nag-alinlangan ito bago ito tulungang kinuyom ang ngipin at sinulat na :

– Pasensya na, wala akong oras para diyan. –

Ibig sabihin lang nito na interesado siya pero masyado siyang abala para rito. Gustong-gusto na niyang mag-advance sa Legend level. Sa paraang ito lang matatanggal ang command contract sa kanya ni Marvin!

Maraming kayamanan sa loob ng White Deer Cave na pagnanasaan ng mga tao, pero protektado ito ng White Deer Holy Spirit, kaya naman walang nakakakuha ng mga ito.

Hindi tanga si Madeline.

Di nagtagal, sumagot na muli si Marvin.

– Aalis ang White Deer Holy Spirit sa White Deer Cave. Ipinadala ni Diggle sang kanang kamay niyang si Deceiver para nakawin ang Rainbow Stone sa kweba. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin nito? –

Napatayo si Madeline nang mabasa ang sinabi ni Marvin.

Bilang Half-Demon, mas malawak ang nauunawaan niya patungkol sa Feinan at iba pang mga plane kumpara sa ibang Wizard.

Natural na pamilyar din siya sa pangalang Diggles. Noong isinasagaw nila ang kanilang misyon sa Scarlet Monastery, ilang beses siyang ginambala ng Eil Spirit Overlord na ito.

Nakabawi na si Madeline mula sa kanya pero hindi niya inakalang mas matyaga pala si Diggles kesa sa inaasahan niya.

Paparating pa lang ang muling pagbawi nito.

'Sandali… Rainbow Stone?'

Biglang kumislap ang mata ni Madeline.

'Hindi ba iyon ang kailangan para buksan ang Disaster Door?'

– Saan mo nalaman 'to? – Hindi niya mapigilang tanong.

– Hanapin mo ko at sasabihin ko sayo ang lahat. – sagot ni Marvin.

– Dahil sinabi mo na sa akin ang tungkol dito, pwedeng dumeretso na ko mismo sa White Deer Caver, bakit pa kita hahanapn? – Mariing sagot ni Madeline.

Pero nagngalit sa galit ang ngipin ng Half-Demon sa mahinahong sagot ni Marvin.

Ang sagot nito:

– Alam mo nga ba kung nasaan ang White Deer Cave? –

….

Paglipas ng dalawang oras, walang ano-ano nang naka-upo ni Marvn sa magic carpet at sinimulang ipaliwanag kay Madeline ang sitwasyon.

Sa katunayan, ang rason kung bakit niyang piniling hagilapin si Madeline ay dahil sa kakayahan nitong lumipad.

Ito ang lamang ng mga Wizard.

Marami ang naghahanap ng mga Magic Carpet. Dahil maaaring gumamit ng mga magic carpet ang mga 2nd rank na wizard. Kahit pa malaking kapangyarihan ang kailangan para dito, ang paglipad ay isang bagay na hindi kayang gawin ng ibang mga class.

Sapat na kakayanang manipulahin ang Chaotic Magic lang ang kailangan para magawang paliparin ng isang wizard ang Magic Carpet.

Pero tila nangangain ng pera ng mga magic carpet. Dahil kapag mas mabilis ang takbo nito, mas malaking halaga ng pera ang kakailanganin para tustusan ito.

Sa paunang bahagi ng laro, madalas makita ni Marvin ang mga manlalarong Wizard na tinitingnan lang ang mga magic carpet. Hindi mahalagang magmukhang magara. Kahit pa nakakamangha itong tingnan, umaasa lana gn mga ito sa mga potion at kung ano-ano pa.

Kaya naman lagging kailangan ng mga Wizard class ng pera.

Maaari pa ngang matalo ng isang mayamang Wizard, na may mas mababang level, ang isang mahirap na Wizard na may mas mataas na level.

Basta mayroon lang pera, pwede kang gumamit ng mga chaotic na pamamaraan para talunin ang kalaban mo gamit ang mga magic scroll.

"Mayroon pala talagang ganoong bagay."

Matapos makinig kay Marvin, biglang nanlumo ang itsura ni Madeline.

Malinaw na pinupunterya ni Diggles silang dalawan ni Collins. Kung hahayaan nilang makuha ng Deceiver ang Rainbow Stone, siguradong makakapagbukas ito ng Disaster Door.

Saan pa ng aba niya ito bubuksan?

Kung bubuksan niya ito sa East Coast, siguradong mawawasak ito agad-agad!

Imposible! Kahit ang Ancien Red Dragon Ell ay hindi masyadong nakapanggulo dahil napa-atras na ito ng isang maliit na kupunan ng mga Legend.

Siguradong hindi mangangahas ang isang grupo ng mga Evil Spirit na gawin iyon.

Kung gusto talaga niyang ipakita ang kanyang kapangyarihan at maghiganti, maaaring buksan ni Diggles ang Disaster Door sa dakong hilaga ng River Shore City!

At kapag lumabas na ang bugso ng mga Evil Spirit, kahit pa agapan ito ng South Wizard Alliance, baka naabo na ang River Shore City kapag nangyari 'yon.

Higit pa sa inaakala ng pangkaraniwang tao ang lakas ng isang Evil Spirit. Kung may alam silang paraan para mapigilan ang mga ito, gaya ni Marvin, baka may pag-asa nga silang talunin ang mga ito.

Pero ang tanong ay ilan nga ba ang mga adventurer at mga sundalo ang may karanasan sa pakikipaglaban sa mga Evil Spirit?

Kung biglang pumutok ang isang digmaan, malalagay sa panganib ang River Shore City.

"Hindi, hindi ito isang bagay na kaya nating pigilan," desididong sabi ni Madeline, "Kailangan kong ipaalam ito sa Alliance at humingi ng tulong."

"Sinabi ko lang sayo ang hinuha ko. Sa tingin mob a makukumbinsi moa ng Alliance?" Panunuyang sabi ni Marvin.

"Kasalukuyang kulang sa tauhan ang silangan. Kahit pa sagutin ng Alliance ang paghingi mo ng tulong, sa tingin mo ilan ang ipapadala nila?"

"Para sa kanila, maliit na bagay lang ang walang katuturang sinasabi ng isang baguhang Viscount tungkol sa mga pinapatay na White Deer sa Saint Desert."

Natahimik si Madeline.

Tama ang sinabi ni Marvin. Hindi sila agad painiwalaan ng Alliance.

Walang pruweba si Marvin.

Kung gagamitin nila ang ilang bangkay ng Braing Eaing Monster bilang patunay, baka sakaling magpadala ng ilang hukbo ang Alliance.

Pero para lang ito sa paglilinis ng mga kaganapan.

"Ang dapat nating gawin ay piilan si Deceiver na makuha ang Rainbow Stone at ang pagtingin kung mayroon pang kayamanan sa loob ng kweba."

Tinuro ni Marvin ang kanyang daliri pahilaga. "Doon."

Tumango si Madeline at minaniobra ang magic carpet para tumungo sa direksyon ng Deathly Silent Hills.

.

Kahit pa maraming tao ang nakakaalam na nakataogo sa isang sulok ng Deathly Silent Hills ang White Deer Cave, kakaunti lang ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon nito.

At isa na rito si Marvin.

Nagkaroon na siya ng tatlong pagkakataon para pasukin dati ang White Deer Cave. At kahit pa hindi siya nakakuha ng kahit anong espesyal na bagay, nakakuha pa rin siya ng mga kapaki-pakinabang na bagay.

Tandang-tanda niya ang tungkol sa tagong kwebang ito.

"Sa harap," bulong ni Marvin. "Wag mong kalimutang gamitin ang [Greater Invisibility], nasa paligid lang siguro si Deceiver."

"Hindi mo ko kailangan paalalahanan. Invisible na tayo." Panunyang sagot ni Madeline.

Nagkibit-balikat lang si Marvin.

Dahan-dahang bumaba ang magic carpet.

Sa harap nila ay isang burol na may gubat. Sa ilalim ng burol ay mga pangkaraniwang bulaklak. Ilang sirang bato ang makikita sa gitna ng mga bulaklak.

Inilagay talaga ang mga batong ito sa partikular na lugar, may kinalaman rin nag mga ito sa mga makasaysayang rune.

"Ang mga rune ng Nature God," malungkot na sabi ni Marvin.

Ang White Deer Holy Spirit ay isang Heavenly creature, isang Legend Creature. Mas malakas pa ito kumapara sa isang pangkaraniwang Unicorn.

May kakayahan itong makakita ng pangitain ng kaguluhan ko kasiyahan. At kaunti lang ang mga taong kayang linlangin ito.

At lahat ng ito ay bago ito bumaba sa lupa

Noong mga panahong iyon, pinagsisilbihan nito ang Nature God. Paglipas ng panahon, nang humimlay na ang Nature God at ibinigay nito ang kakayahang magbigay ng Divine Spell sa Wolrd Tree, sinundan ng White Deer holy Spirit ito at bumaba sa mundo ng mga tao.

Matapos bumaba, nabahiran ng mga mundo ng mga tao ang isipiritwalidad nito, at nawala dito ang kanyang kakayahang makakita ng mga pangitain.

Kaya namang kaya na itong linlanging ng Deceiver.

ANg mga kayamanan sa White Deer Cave ay nakolekta nito sa paglipas ng panahon. Bawat kayamanan at may sariling halaga.

Gustong bumalik ng White Deer Holy Spirit sa Heaven, pero hindi ito pinapapasok ng tagapagbantay dahil sa presensya ng mortal na mundo sa kanyang katawan.

Bumaba ang White Deer sa mundo ng mga tao at nabahiran ito ng dumi ng mundong ito, marami itong natutunang masasamang bagay. Nangongolekta ito ng maraming kayamanan para suhulan ang tagapagbantay sa kanyang pagbabalik sa Heaven.

Natuliro naman si Marvin dahil sa kwentong ito.

Pero kung tutuusin, isang mabuting nilalang ang White Deer Holy Spirit.

Sa kasamaang palad, ginamit siya ng isang mabagsik na god at minanipula ang kanyang pag-iisip at ginawa itong isang halimaw na naghahasik ng lagim sa mundo ng mga tao.

Isang bagay na nangyari pagkatapos ng Great Calamity.

Ang kasalukuyang White Deer Holy Spirit ay busilak at malinis pa ang puso.

"Hindi ko nahanap ang [Deceiver] na sinasabi mo."

Nakatago ang dalawa sa isang lihim na pwesto sa labas ng kweba. TAhimik na gumamit ng detection spell si Madeline pero wala siyang nakita sa paligid bukod sa kanilang dalawa.

'Maraming paraan para malusutan ang detection spell mo, hindi pangkaraniwang tao si Deceiver." Pabulong na sabi ni Marvin.

"Dahil nangahas si Diggles na ipadala siya rito, marahil may dahilan."

Seryosong tiningnan ni Madeline ang White Deer Cave. "Ano mang mangyari, pipira-pirasuhin ko siya!"

Nanatiling tahimik si Marvin.

Pagkatapos ng tatlong oras, may kakaibang nangyari sa labas ng White Deer Cave.

Una, ang mga bulaklak ay biglang nagliyab, pagkatapos nito ay biglang nanginig ang mga graba at naging pulbos ang mga ito.

Sa susunod na sandal, isang nakakasilaw na ginintuang liwanag ang nagmula sa pintuang bato na lumalabas mula sa burol.

Dahan-dahang bumukas ang pintong bato na may mabigat na tunog!

Isang usa na may napakagandang mga sungay ang tumalon mula sa pinto.

Saglit itong naglakad sa labas ng kweba hanggang sa umatungal ito nang galit.

Bigla itong kumaripas ng takbo patungo sa dakong kanluran ng desyerto!

Napakabilis nito, sa isang iglap ay nawala ito mula sa Deathly Silent Hills!

At nagsimula na rin sumarado ang pintong bato nang dahan-dahan.

Nang biglang may isang nakaputing tao ang tahimik na lumitaw sa tabi ng pintuang bato.

"Nandyan na siya."

Hindi na kailangan pa ang paalala ni Marvin, nakahanda na ang spell ni Madeline!

Greater Mage Hand!