Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 224 - Magic Mirror Maze

Chapter 224 - Magic Mirror Maze

Mukhang hindi inasahan ng babaeng nakaputi na may iba pang nagtatago sa paligid ng White Deer Cave!

Agad na naglabas ng nakakamanghang epekto ang Greater Mage Hand. Tumalsik ang babae nang nasa dalawampu hanggang tatlumpung metro ang layo dahil sa spell ni Madeline.

Sa sunod na sandal, isang Teleportation Door ang biglang lumitaw sa pinagliparan nito.

Walang awa si Madeline, pinadala pa niya ito sa loob ng isang Teleortation Door.

Mahusay si Madeline sa ganitong uri ng spell. Sa isang iglap, nasa walumpung metro na ang layo ng Deceiver.

Samantala, dahan-dahan nang sumasara ang pinto ng White Deer Cave

Walang alinlangan namang sumugod papasok si Marvin, sinundan naman siya ni Madeline.

Pagpasok nila sa White Deer Cave, isang makapangyarihang pwersa ang bumalot sa kanila at pinaghiwalay silang dalawa.

Umitkot-ikot ang kapaligiran ni Marvin kaya naman nahilo ito!

Sa labas ng kweba, nawala na ang Deceiver.

Habang patuloy na sumasara ang pinto, isang squirrel ang tumalon mula sa itaas at mahinahon na pumasok sa loob.

'Mabuti na lang at hindi ako nagpadalos-dalos Hindi ko inaasahang may iba pa palang mananamantala sa pagbukas ng White Deer Cave para mag-loot,' Galit na isip ni Deceiver.

Kung hindi dahil sa paggamit niya ng Doppleganger para makuha ang atensyon ni Madeline, marahil pumalya na siya sa kanyang misyon.

Makukuha ng iba ang kayamanan matapos niyang magpakahirap na piliting palabasin mula sa kweba ang White Deer Holy Spirit?

,

Kailangan mamatay ng babae at lalaking iyon!

Hinila rin ng kakaibang pwersa ang squirrel, hindi nito maigalaw ang kanyang katawan habang bumabagsak ito papasok ng kweba.

"Shhhh."

Dahan-dahan namang sumara ang batong pinto gn White Deer Cave.

Ngunit nang magsasara na ito, isang aninong tila kasing gaan ng isang balahibo ang biglang lumitaw. Bahagya itong nag-alinlangan hanggang sa tuluyan na itong pumasok.

'Ang bilis tumakbo ng batang 'to ah. Halos hindi ko na siya maabutan… Mayroon pa siyang kasamang 4th rank na Wizard.'

'Kung wala lang akong utang na loob sa taong 'yon ng Unicorn clan noong mga panahon na 'yon, hindi na ko mangingielam dito.'

Pero kahit pa may nag-aalinlangan ito, dahil tinanggap na niya ang misyon, kailangan na niyang tapusin ito.

Kahit pa para lang ito sa reputasyon ng Shadow Spider Order, kailangan niyang patayin ang taong nagngangalang Marvin.

Nang matapos umikot ang kanyang paligid, mag-isang nakatayo si Marvin sa harap ng isang bintana, malalim na nag-iisip.

Ito ang kaibuturan ng White Deer Cave, ang Magic Mirror Maze.

Kahit pa inaasahan na ito ni Marvin, noong nasa harap na siya ng maraming Magic Mirror, natigilan pa rin siya.

Lalo pa at nakakapagsalita rin ang mga Magic Mirror na ito!

"Sa kaliwa o sa kanan? Dapat pag-isipang mabuti."

"Sa tingin mo may daan palabas sa kaliwa?"

"Pero posible rin sa kanan."

Bawat Magic Mirror ay bumubulong, pero hindi pinansin ni Marvin ang sinasabi ng mga ito.

Alam naman na niya na ang lahat ng pumapasok sa White Deer Cave ay dinadala sa Magic Mirror Maze.

May mga daan sa kanyang paligid, at bawat isa rito ay maaaring patungo sa dulo ng Maze, pero maaari rin siyang dalhin nito sa isang daang walang patutunguhan.

Sa dulo ng daan walang patutunguhan, kadalasan ay may nakamamatay na patibong.

Ang Magic Mirror Maze ay isang artifact na dinala ng White Deer Hply Spirit kasama nito noong bumaba siya mula sa kalangitan. Mahihirapan ang isang pangkaraniwang tao na makalabas ng Maze.

Pero syempre, ibang-iba ito para kay Marvin.

May alam siyang paraan para makalabas ng Magic Mirror Maze: Kapag tinitingnan mo ang sarili mo sa isang Magic Mirror, may ibubulong ito.

Kung ang nakikita mo sa salamin ay mas matangkad sa iyo, nagsisisnungaling ito.

Kung ang nakikita mo ay mas maliit sa iyo, nagsasabi ito ng totoo.

Kung ang nakikita mo naman ay eksakto sa tunay mong itsura, ito ang tunay na daan palabas.

Hindi ito sinabi ni Marvin kay Madeline. Balak niyang sabihin lang ito sa kanya kapag humingi na ito sa kanya ng tulong.

Hawak naman nila ang [Azure Letter], kaya maaari pa rin silang makapag-usap sa loob ng Magic Mirror Maze.

Tiningnan ni Marvin ang lahat ng salamin, at gamit ang kanyang plano, nakuha niya nang mabilis ang impormasyon sa mga ito,

Nagsimula na siyang kumilos.

Sa loob ng tatlong minute, nahanap na niya ang Magic Mirror na may eksaktong itsura niya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang salamin, sinusubukan niyang dumaan sa salamin na ito.

Nagtagumpay siya.

Sa likod ng salamin ay may isang maliit na silid.

Walang katao-tao sa kwartong ito, mayroon lang isang lamesa na may isang item na nakapatong.

Isang kahon. At sa loob ng kahon ay isang napakalaking Night Pearl!

Isa itong item na galing sa Heaven, at walang kasing halaga ito.

Sa kasamaang palad, wala itong pakinabang.

'Malas.'

Mayroong patakaran ang Magic Mirror Maze. Makakalabas ka lang ng Maze kapag tatlong beses mong nahanao ang tamang salamin. At sa tuwing magagawa mo ito, may makukuha kang gantimpala.

'Hindi ko inaasahang makakakuha ako ng Pearl ngayon.'

Itinabi na ni Marvin ang Night Pearl at lumabas ng kwarto.

At muli siyang bumalik sa Magic Mirror Maze.

Nang tingnan niya muli ang salamin, nagbago na ito at bahagyang tumangkad kumpara kay Marvin.

Ang ibig sabihin lang nito ay nagsisinungaling ang Magic Mirror.

"Sa kaliwa, nandoon ang daan palabras," sabi nito.

Hindi na ito pinansin ni Marvin at sinimulan na ni Marvin ang ikalawang pagsubok.

Sa pagkakataong ito, wala pang sampung minute ay nahanap na niya ang tunay na daan palabas.

Pumasok siya sa kwarto.

Mas malaki ang kwartong ito kumpara sa nauna. Halos wala rin itong laman, mayroon lang isang aparador. Ang unang tatlong kahon nito ay walang laman.

Tanging ang huli ang mayroong laman, isang pares ng sapatos.

Isang pares ito ng sandals

Hindi alam ni Marvin kung dapat ba siyang matawa o umiyak.

Minamalas talaga siya!

Napakaraming magagandang bagay sa loob ng White Deer Cave, pero noong una ay isang Night Pearl ang kanyang nakuha, at ngayon naman ay ang pares ng sandals na ito.

Kahit pa isa itong kakaibang item, mayroon itong isang matinding limitasyon sa paggamit.

Isa itong straw sandals na tanging mga Monk ang maaaring magsuot!

At mayroon lang itong isang epekto: Hindi ito maaring masira.

'Nakakalito ang mga item na galing sa Heaven… Wala kong nakuhang mapapakinabangan ko.'

Nayamot si Marvin. Hindi naman ganoon kasama ang epekto ng sandals.

Kakaunting item lang ang ginagamit ng mga Monk dahil sa kanilang relihiyon. Pero mayroong dalang mga reserbang pares ng sandals ang mga Monk.

Dahil mabagsik makipaglaban ang mga ito. Kaya naman kailangan nilang palitan ang kanilang mga sandals sa bawat laban.

Sa laro, sa panahon ng pahirapan ang paglevel-up, halos lahat ng Monk na manlalaro ay kailangan matuto ng [Craft Straw Sandals], ang kaawa-awang skill na iyon. Sa oras na makahanap sila ng halaman sa kalsada na maaaring gamitin, gagawa na sila ng kanilang sariling pares ng straw sandals para lang mayroon silang maiusot.

At maraming Monk ang makikita sa tabi ng kalsada na gumagawa ng straw sandals. Isa ito sa mga tinuturing na magagandang tanawin sa Feinan.

Kakasya sa karamihan ng mga Monk ang pares ng sandals na ito, para hindi na mahirapan pa ang mga ito.

Pero para kay Marvin, walang pakinabang ito!

'Bahala na nga… itatago ko na lang.'

Bumuntong hininga siya. Baka sakaling magamit niya ito para kaibiganin ang isang mahusay na Monk na nangangailangan ng straw sandalas,

Si Inheim naman, suot na niya ang Void Boots kaya naman hindi na niya ito kailangan.

Muli na siyang bumalik sa Magic Mirror Maze. Magpapatuloy na sana si Marvin na sundan ang mga repleksy on.

Nang biglang isang mainit na pakiramdam ang nagmula sa kanyang baywang.

Ang [Azure Letter].

Bahagyang ngumiti si Marvin at inilabas ito.

At tulad ng inaasahang, si Madeline.

– Paano makalabas sa lugar na 'to? Alam mo naman siguro, hindi ba? Muntik na akong mamatay dahil sa Dissociation spell na nagmula sa kisame! –

Natawa ng kaunti si Marvin at saka mabilis na sumagot:

– Syempre alam ko kung paano lumabas ng Magic Mirror Maze, at pwede mo ring malaman. Pero sa isang kondisyon. –

Bumulong-bulong si Madeline habang tinitingnan ang sagot ni Marvin.

'Mukhang may alam nga ang taong 'to!'

'Isa lang siyang hamak na Ranger, paano siya naging ganito kabagsik sa loob ng maikling panahon.'

'Bahala na nga, pagkakatiwalaan ko na muna siya sa ngayon.'

Mabilis namang nagkasundo ang dalawa. At dahil sa command contract, hindi nag-aalala si Marvin na babawiin ni Madeline ang pangako niya.

Sinabi na ni Marvin kay Madeline ang paraan para maka-usad.

Sa pagkakataong ito, mas mahabang oras ang ginugol niya sa paghahanap ng daan palabras kumpara sa dalawang beses na nauna.

Dumaan na siya sa repleksyon ng Magic Mirror at nakarating sa mas malaking kwarto.

Sa pagkakataon ito, mayroong pang isa pang pintuan sa kabilang dulo ng kwarto.

Kapag pumasok si Marvin sa pintong iyon, makaka-alis na siya sa Magic Mirror Maze at makakarating na sa tunay na kaibuturan ng White Deer Cave.

Mayroong hindi mabilang na kayamanan sa lugar na iyon.

Pero hindi lang basta-basta pwedeng makuha ang mga kayamanan na ito. Kapag higit pa sa tatlo ang kinuha, mapapansin ito ng White Deer Holy Spirit.

Masusundan nito ang kanilang presensya at mahahanap ang nagnakaw. Naramdaman naman ni Marvin na hindi kakayanin ni Constantine at Daniela ang Heavenly Beast na ito.

Ang silid na pinasukan niya ay mayroon lang eskaparate ng mga sandata.

Sa eskaparate ay may spear na pangkaraniwan ang itsura.

Si Marvin, na nauna nang nawalan ng pag-asa dahil sa minamalas siya, ay biglang nanlaki ang mata!

Lumabas ang spear¹!

Lumabas talaga ito bilang isa sa mga gantimpala ng Magic Mirror Maze!

Nagmamadali namang nilapitan ito ni Marvin, pinipigilan niya ang kanyang pagkasabik para tiyaking ito nga ang bagay na iniisip niya.

Hindi naman niya inaasahang may isang aninong lalapit, iika-ika, mula sa isang sulok ng silid!

Ang matandang lalaking naka-itim!

Nabigla si Marvin. May iba pang nakapasok sa White Deer Cave bukod sa kanya at kay Madeline?

Deceiver? Hindi!

Nabigla rin nag lalaking nakatingin kay Marvin.

Hindi nagtagal ay ngumiti ito. "Sa wakas, may ibang tao na rin akong nakita."

"Ang tagal ko nang nasa lugar na ito, pwede mo bang sabihin kung nasaan ako?"

Dahan-dahan itong lumalapit habang kinakausap si Marvin.

Walang bahid ng masamang intension ang ngiti nito at wala rin itong hawak na sandata.

Hindi siya mukhang kalaban.

Pero hawak na ni Marvin ang dalawang pistol niya.

Nang biglang may naramdamang sakit si Marvin sa kanyang likod!