Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 208 - This Round is on Me

Chapter 208 - This Round is on Me

Nag-cast ng tatlong Dissociation ang isang Legend!

Wala man lang galos!

Hindi mapigilang manlaki ang mga mata ni Marvin, pinagmasdan niyang mabuti ang lalaking nasa harapan niya.

Hindi man gaanong matipuno ang hubog ng katawan nito, perpekto pa rin ito. Itim ang lahat ng suot nito. Simple lang ang damit nito at walang kahit anong presensya ng Legend o Magic item.

Kulay tsokolate ang mga mata nito at tila ba mukhang mahiyain ito.

Para bang isang maraming babae ang maaakit sa lalaking ito.

Pero ang ganitong uri ng lalaki ay nagawang salubungin ang tatlong Dissociation spell. At kahit ang damit nito ay hindi man lang nabusatan o napunit.

Sadyang hindi ito kapani-paniwala.

Nang makita nito sa mukha ni Marvin ang pagkalito, tumawa ang lalaki. "Kamusta, Marvin."

"Ako si O'Brien. Wag kang mag-alala, walang epekto sa akin ang mga spell."

 .

Si O'Brien.

Natural lang na alam ni Marvin ang pangalan niya!

Ang pinuno ng henerasyong ito ng Night Walker, ang pinakamisteryosong at pinakamailap na Night Walker. Sabi sa mga kwento, buong taon daw siyang lumalaban sa masasamang nilalang sa norte. Bakit nga ba ngayon lang ito nagpunta sa White River Valley?

'Hindi kaya dahil napabangon ko na ang mga Dark Knight?' Hula ni Marvin.

Nakahinga naman ng maluwag si Constantine nang biglang lumitaw si O'Brien.

Napansin niyang may pag-aalinlangan pa si Constantine nang kaharap nito ang Ogre Mage.

Baka hindi niya kayang kalabanin ito.

Isang makapangyarihang nilalang ang isang Legend Ogre Mage, at ang pinakamagandang katangian ni Constantine, na umasa sa kanyang Night Walker at Battle Gunner class para mag-advance sa Legend, ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa lahat ng bagay, pero hindi pa rin ito sasapat. Bukod na lang kung tinutulungan si ni Endless Ocean, ay mahihirapan siyang kalabanin ang mga makapangyarihang caster. Ito ang dahilan kung bakit kinailangan niya ng tulong ng isang Great Druid nang tugisin niya ang Crimson Patriarch.

At tila ba bahagyang mas malakas ang burst power nitong Ogre Mage kumapara sa Crimson Patriarch.

Gayunpaman, matapos lumita ni O'Brien, mas naging panatag na ang loob ni Constantine.

Tiningnan nito si O'Brien at binate ito, "Matagal rin tayong hindi nagkita ah."

"Oo nga eh, matagal-tagal rin." Hindi ito naglakad palapit sa kanila, sa halip ay naglakad ito patungo sa Ogre Mountain!

"Ilang taon na rin ang lumpas mula noong huli tayong magkasamang lumaban."

"Tulungan mo naman ako. Gusto kong gawing alaga ang Legend Ogre."

Natulala lang si Marvin nang marinig ang usapan ng dalawa.

Napakabagsik ng pinuno ng mga Night Walker. Nagawa pa niyang sabihin ang mga bagay na iyon?

Sa lakas ng Legend Ogre, siguradong naririnig nito ang lahat ng sinasabi nito.

At tulad ng inaasahan, biglang nagalit ang Ogre Mage na nasa bundok.

Sa isang iglap, umulan ng mga spell.

Bawat spell ay si O'Brien ang pinupunterya.

Hindi naman nagbago ang reaksyon nito at paisa-isang hakbang na naglakad patungo sa mga Ogre.

"Legendary Spell Immunity?" Nahirapang alalahanin ni Marvin ang mga tamang salita.

Hindi naman mabagal ang pag-cast ng Ogre Mage. At kung tamaan si Marvin ng Spell, tapos na siya.

Pero hindi naman natinag si O'Brien sa dami ng sinasalo nitong mga spell nang walang kahirap-hirap!

Hindi na ito kapani-paniwala.

Isang Legend Caster iyon!

"Bata, wag ka masyadong mamangha."

"Simple lang mag-isip ang lalaking 'yan. Kung hindi pa malakas ang katawan niyan, paano pa siya magiging pinuno natin?" birong sabi ni Constantine.

Walang nasabi si Marvin.

Si O'Brien naman na naglalakad pa rin ay biglang lumingon. "Alam mo bang naririnig ko pa kayo?"

"Wag na, hindi na ko makikipagtalo sayo, hindi naman ako ganoon kahusay."

"Leader, pinupuri kita." Seryosong sabi ni Constantine.

Humarap siya kay Marvin at sinabing, "Kita mo na, isa rin yan sa mga lamang niya. Alam niya kung saan siya mahina."

"Kaya naman kahit na hindi ko maintindihan kung bakit siya ang pinili ng lahat para mamuno, hindi ko pa rin siya tinira ng Brilliant Purple."

Naubo na lang si Marvin pero ayaw pa rin nutong magsalita.

"Paatrasin mo ng tatlong kilometro ang mga tauhan mo." Seryosong suhestyon ni Constantine.

Tumango naman si Marvin.

Agad naman niyang inutos na umatras ang lahat ng tatlong kilometro.

Walang kumwestyon sa utos ni Marvin. Naiba na lahat ng nalalaman nila sa mundo dahil sa lahat ng nasaksihan nila ngayon araw ang.

Mayroong Legend sa tribo ng mga Ogre? At hindi lang ito isa? Isang Iron Ogre at isang Ogre Mage? Pwede pa ring magbukas ng panibagong teritoryo ang mga tao?

Kaibigan ni Lord Marvin ang Elven War Saint? At ang tila anghel na babaeng iyon, sino sya?

Hindi na kailangan pang mag-isip ng malalim ng mga adventurer para malamang ang dalawang taong may nakakatakot na presensya sa tabi ni Marvin ay mga Legend.

Hindi ba dapat ay isa lang itong pangkaraniwang wilderness clearing military campaign? Bakit bigla na lang itong naging isang digmaan ng mga Legend?

Tahimik lang na umatras ang mga ito, at kahit ang mga hindi imbitadong mga adventurer na nasa gilid-gilid lang ay umatras na rin.

Hindi sila mga tanga. Napansin nilang balal ibuhos ng makakapangyarihang taong iyon ang lahat ng kanilang lakas sa laban.

Pumunta sila rito para may makuha, hindi para maipit sa laban.

"Anong plano mo?" Tanong ni Marvin.

"Tutulungan kang patagin ang bundok." Biglang nanglisik ang mga mata ni Constantine.

Natakot rin siya sa tatlong Disscociation spell. Kung hindi dahil kay O'Brien, baka wala na siyang nagawa kundi ipangharang ang Brilliant Purple!

Labis niyang ikinagalit ito.

Pinosisyon niyang muli ang Brilliant Purple at mabilis na iniba ang angulo nito. Nakatutok na ito sa tuktok ng bundok!

"Maraming salamat." Inilagay ni Marvin nag kanyang kamay sa kanyang dibdib. "Sagot ko na 'to."

Dahil nawasak na ang anim na trebuchet, tanging ang Brilliant Purple na lang ni Constantine ang makakapagpababa sa mga Ogre.

Magmula nang maging Night Walker siya, hindi pa niya natutulungan ang organisasyon at lagi na lang siya ang tinutulungan. Bahagyang nahihiya na siya rito.

Ang dragon tooth artillery na ito ay malinaw naman na isasama na sa utang niya.

"Talaga ba?" Tanong ni Constantine na kita ang pagkalito.

"Oo naman." Tiningnan ni Marvin si O'Brien na sinasalubong pa rin ang sunod-sunod na mga spell at napaisip kung anong class at mga specialty ang mayroong ang lalaking iyon, o hindi kaya isang magical ability ang dahilan nito. Gusto niya talagang malaman.

Tumawa naman si Constantine, "Talagang karapat-dapat lang sa isang Lord Marvin, mayaman at dominante. Balak ko sanang kalimutan na lang ang utang mo."

"Lalo pa at, isang [Dawn of Light] ay mas mahal kaysa sa isang [Dragon Tooth]/

'Sandali!'

'[Dawn Light]?'

Agad na nagbago ang mukha ni Marvin at tinitigan nito si onstantine. "Anong sinabi mo? Hindi ka gagamit ng Dragon Tooth?"

"Syempre." Seryosong sagot ni Constantine, "Malakas man ang mga Dragon Tooth, pero isang direksyon lang ito tumatama, tsaka limitado lang ang pinsala nito."

"Kakasabi ko lang na papatagin ko ang bundok."

"At ang [Dawn Light] ang pinakamagandang gamitin para doon."

Napalunok si Marvin. Masama ang kutob niya. "Sandali, wag kang magpadalos-dalos. Gusto ko lang malaman, gaano kamahal ang isang Dawn Light?"

"Mas mahal nang kaunti kesa sa Dragon Tooth."

Nilabas ni Constantine ang isang putting-putting artillery shell mula sa kanyang storage item at ipinasok ito sa Brilliant Purple.

Hinanda na niya ang baras habang inaasinta niya ang tuktok ng bundok.

"Magkano nga?!" Malakas na tanong ni Marvin.

"Snap!"

Hindi na nag-atubili si Constantine at tumira na ito gamit ang Brilliant Purple.

Sa sumunod na sandal, isang malakas na dagundong ang nangibabaw at niyanig rin ang tenga ni Marvin. Isang putting bulalakaw ang lumabas mula sa kanyon.

Mayroon itong ibang paraan ng pagbaril kumpara sa Dragon Tooth. Pakurba ang tira ng Dawn Light lumipad ito patungo sa tuktok ng bundok.

Hindi ito gaanong mabilis!

….

"Ano 'yon!"

"Nakakatakot na tunog."

"Iyon ba ang lihim na sandata ni Lord Marvin?"

Tatlong kilometro ang layo, nakatingin ang lahat sa nagaganap, hindi nila maunawaan ang nangyayari. Ngayon lang ata sila nakakita ng ganitong pangyayari sa buong buhay nila.

Mabilis na lumipad ang Dawn Light bago ito nahati sa napakaraming maliliit na pirasong tumama sa tuktok ng bundok.

Ang mga Ogre naman na nasa taas ng bundok, ay may naramdamang mali. Itinaas niya ang kanyang magid staf at sinubukang pigilan ang mga balang may dalang nakakatakot na pwers.

Pero huli na ang lahat.

Biglang sumigaw si O'Brien at napigilan ang spell ng Ogre Mage!

Counterspell!

Nakatayo lang si Marvin sa tabi ni Constantine at hindi gumagalaw. Halos mabingi siya dahil sa kanyon, at natuliro naman siya sa pagsigaw ni O'Brien.

"Ano bang class ng taong 'yon? Lion Roar? Nagawa niyang pigilan ang pag-cast ng kalaban mula sa malayo?"

Manghang-manghang tiningnan ni Marvin si O'Brien.

Sa lahat ng mga makapangyarihang taong nakilala niya, ang lalaking lang ito ang sa tingin niya'y makakatapat kay Nicholas.

At kumpara sa taong ito, baka mas malakas pa ito kaysa kay Inheim!

Hindi na nagawang pigilan ng Ogre Mage ang Dawn Light. Sa sumunod na sandal, ang mga pabagsak na mga bala ay sumabok at kumalat ang maliwanag na sinag ng liwanag!

"Bang!"

Bawat bala ay malalim na bumaon sa bundok bago tuluyang sumabog!

Sumabog ang buong bundok. Hindi mabilang ang mga batong lumipad at gumulo kasabay ng pagyanig ng buong bundok!

Nabalot ng alikabok ang hangin. Tiningnan mabui ni Marvin kung ano ang nangyayari. Nakita niyang malaking bahagi ng bundok ay nawala na!

Isang nakakatakot na kapangyarihan!

Napakaraming bato ang gumulong pababa, tumama ang mga ito sa mga Ogre na nagpapatalon-talon.

Sa wakas, tumakbo na pababa ang mga ito dahil sa utos ng Ogre Mage!

Wala na silang mapupuntahan. Kung magtatago pa rin sila sa bundok, sa oras na gumamit muli ng Dawn Light si Constantine, siguradong maililibing sila nang buhay!

Sa wakas ay nangyari rin ang binbalak ni Marvin. Huminga siya nang malalim at tumango, "Sagot ko na 'to."

Lumingon si O'Brien. "Tara na, Constantine. Hindi ko siya mahuhuli nang buhay mag-isa."

Mabilis na itinabi ni Constantine ang Brilliant Purple at naglabas ng isang Shotgun at isinabit ito sa kanyang likuran. Naglagay ito ng mga pistol sa magkabilang gilid niya at saka mabilis na sumunod kay O'Brien.

Nawala ang dalawa sa gitna ng alikabok.

Nagdesisyon na si Marvin.

Kung ang dalawang Legend na ito na ang bahala sa Ogre Mage, siguro naman ay kakayanin na niya ang iba pang mga Ogre.

"Maghanda ang lahat na lumaban!"

Pinalakad ni Marvin ang kanyang kabayo at umikot pabalik. Nakatingin naman ang buong hukbo sa pangyayaring ito. Kahit na malawak ang bumalot na alikabok sa hangin, hindi pa rin makakapagtago ang malalaking katawan ng mga Ogre dito.

Muling nag-grupo ang mga ito at sinunod ang istratehiya ni Marvin.

"Lord Marvin, sumusugod na sila!"

Ang taong namumuno sa Silver Church ay ang pamilyar na si Gordian pa rin. Nasa 3rd rank na ang taong ito.

Seryoso nitong sinabi kay Marvin na, "Kung hindi pa tayo susugod, baka hindi natin kayanin! Pipira-pirasuhin nila ang depensa natin."

"Walang problema, sundan niyo lang kami. Ang mga natira, palibutan niyo sila! Wag niyo silang hahayang makatakas," mahinahong sabi ni Marvin.

Bigla itong tumalikod at bumaba sa kanyang kabayo. Kagulat-gulat na bigla itong sumugod patungo sa mga Ogre!

"Rawr!"

Kasabay ng malaking Asuran Bear na pasugod, sumunod naman ang labing-anim na Dark Knight, na tahimik na hawak ang kanilang ga greatsword, kay Marvin para patayin ang mga Ogre.

Ang pinakamatinding melee battle ay nagsimula na sa wakas.