Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 209 - Heated Battle!

Chapter 209 - Heated Battle!

Ang magkabilang panig ay tila dalawang malakas na alon na magsasalubok sa gitna ng alikabok/

.

Kasing laki ng Asuran Bear ang mga Ogre. Pinangunahan na ni Marvin ang laban at dinambahan ang isang Ogre.

At dahil sa Burst, sapilitang naitumba ni Marvin ang Ogre.

"Bang! Bang!"

Mabangis na hinampas ni Marvin ang ulo ng Ogre, kaya nagkaroon ito ng kaunting pasa. Pero masyado talagang mataas ang Contitution ng mga ito. Kahit na nakadagan na ang Asuran Bear dito ay nagpupumiglas pa rin ito.

Ang makapal na pamalo nito ay nahulog na sa lupa. Sinubukan nitong kunin ito pero hindi na ito binigyan ni Marvin nang pagkakataon.

"Rawr!"

Marahas na ibinaon ng Asuran Bear ang mga kamay nito sa mga Mata ng Ogre at dinukot ang mga ito.

Umatungal naman sa sakit ang Ogre, at nawalan na ito ng lakas na lumaban pa!

Kahit na natural na mga 2nd rank na halimaw ang mga Ogre, at karamihan ng mga nakatatanda sa mga ito ay nasa 3rd rank, dahil lang ito sa malalaking katawan at lakas ng mga ito.

Ang pambihirang lakas ng mga Ogre, ang espesyal nilang Constitution, at ang mabilis nilang paggaling ay ang rason kung bakit napakadali nilang mag-advance sa 3rd rank o di kaya ay 4th rank. Ito rin ang dahilan kung bakit mayroon silang lakas ng isang Half-Legend.

Pero karamihan ng mga Ogre ay hanggang doon na lang, bibihira para sa mga Ogre na mag-advance sa Legend sa pamamagitan ng pag-asa lang sa kanilang fighting strength.

Masyado mang mataas ang kanilang strength, hindi pa rin matatapatan ng mga ito ang mga dragon at mga katulad nitong nilalang.

Ang Iron Ogre at iba pang mga uri nito lang ang naiiba. Kadalasan, mas makikita ito sa mga Ogre Mage. Ang mga ito ay mga buhay na mana pool, at kung mayroon lang silang sapat na pagkamalikhain at pang-unawa, maaaring makapag-advance ang mga ito sa Legend.

Kaya naman, hindi na ikinagulat ni Marvin na gbiglang paglitaw ng isang Legend Ogre, pero nasurpresa siya sa biglang paglabas ng isang Iron Ogre.

Pero hindi na ito mahalaga sa ngayon.

Si Ivan na ang humaharap sa Irong Ogre, nagkakatuwaan naman sina Daniela at Bamboo, at kung gusto mang tumakas ng Ogre Mage kina Constantine at O'Brien, kakailanganin niyang isang himala!

Ang mga natitirang Ogre Fighter ay ang hukbo na niya ang bahala!

Pinamunuan ni Marvin ang labing-anim na Dark Knight para unahan sap ag-atake ang hukbo ng mga Ogre.

Para silang isang matalim na punyal na tuloy-tuloy ang paga-take sa gitna ng mga Ogre.

Napansin ni Marvin na may partikular na pormasyong sinusundan ang mga Ogre na ito kahit na nagbabadya ang pagguho ng lupa.

Ibig-sabihin ay nahasa nang mabuti ang mga ito.

Pero napakabagsik ng Asuran Bear at walang makakapantay sa kabagsikan nito. Kayang talunin ng lakas niya ang mga ito!

At kahit na mga 2nd rank lang ang mga Dark Knight, hindi sila matatalo ng mga Ogre na ito pag dating sa kanilang Strength.

Mayroon silang Brave Souls Pressure sa kanilang mga katawan na malaki ang epekto sa fighting strength ng mga Ogre.

Pumasok ang labing-anim na sundalo sa hukbo ng mga Ogre at binutasan nila ang pormasyon ng mga ito.

"Tara na! Sundan natin ang plano ni Lor Marvin!"

Kasunod ng sigaw ni Gordian, higit sa apatnapung Silver Paladin ang nagsimulang sumugod!

At sa gilid naman, sumunod na rin nag mga River Shore City Knight.

Sinunod nila si Marvin at inatake nila ang butas sa pormasyon ng mga ito.

Ang unang hakbang ay ang piliting bumaba ng bundok ang mga Ogre.

Ang ikalawa ay paghiwa-hiwalayin sila!

Hindi nila pwedeng hayaang manatiling magkakasama ang mga Ogre!

Mga expert na ito kapag mag-isang lumalaban pero kapag sama-samang lumaban ang mga ito ay tila isang itong hukbong walang makakatalo. Isang malaking bangungot sa ung sino mang hukbo ang humarap sa mga Ogre na ito sa isang labanan.

At dito magaling ang mga Knight at Paladin, ang paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga kalaban.

Kahit na nasa dalawang metro ang taas ng mga Ogre na kalaban nila, kaya pakiramdam ng mga ito ay mahina sila, ang matapang na pag-atake sa laban lang ang pag-asang mabuhay ng mga Knight at Paladin.

Ang pagsugod na ito na pinamunuan ni Gordian at ng Head Knight ng River Shore City ay sinundan si Marvin at sinamantala ang butas na nilikha nito para hatiin sa dalawa ang hukbo ng mga Ogre.

Sa apatnapung Ogre, kalaban nina Marvin at ng mga Dark Knight ang iilang 4th rank na elite at isang dosenang 3rd rank Ogre.

Ang mga natitiran namang ay hinati ng mga Knight at Paladin sa dalawang grupo

Pinalibutan naman ng mga kinuhang adventurer ni Marvin ang lugar, at sinunod ng mga nakaraang pormation habang hawak ang mga espesyal na sandata at lumapit kasunod ng mga Knight.

Kumilos na rin ang mga 2nd rank Wizard coprs.

Bawat 2nd rank Wizard ay kayang sumakay sa isang magic carpet a at kayang lumutang nang mababa, na makakapagsigurado naman ng kanilang kaligtasan.

Sinimlan na nila ang pag-atakesa mga Ogre gamit ang mga spell na magaganda ang tyempo. Lahat ng ito ay ayon sa utos ni Marvin.

"Rawr!"

Matapos ang matinding labanan, sa wakas ay nadurog na ng Asuran Bear ang ulo g Ogre!

Halos maubos rin nito ang stamina ni Marvin.

Masyadong malakas ang kakayahan nitong pagalingin ang sarili at mahusay rin ang mga melee ability nito. Kaya naman kumain ng malaking halaga ng stamina ang pagpatay dito.

Sa wakas, hindi na siya nag-iisa!

Bawat Dark Knight ay kayang kumalaban ng isang makapangyarhang Ogre isa-isa.

Matitibay ang mga armor nito at napakalakas naman ng kanilang mga katawan.

Kahit na tamaan ang mga it ng makapal na pamalo ng mga Ogre, makakatayo pa rin ang mga ito paglipas ng ilang segundo. Saka nila gagamitin ang kanialng greatsword para hiwain sa dibdib ang mga ito.

Parehong naipit sa walang katausang labanan ang magkabilang panig, kaya naman tabla pa ang laban sa ngayon.

Hindi naman nalimutang tingin ni Marvin ang isitwasyon sa magulong labanan na ito/.

Mukhang nangyayari naman ang lahat base sa kanyang pinlano.

Nahati sa tatlo ang labanan. Ang pangunahing laban ay nangyayari sa kanya at ng kanyang mga Dark Night.

Ang pinakamalakas na po sa bung FEinan, ganyan ho laging sinasabi nyan.

At ang nasa dakong hilaga at sa dakong timog, kahit na marami ang namatay noong sumugod ang kabalyero, matagumpay naman nilang napaghiwa-hiwalay ang mga Ogre.

Bawat Ogre ay may kaharap na sampu o higit pang kalaban!

Ang mga kalaban nila ay mga Knight o Paladin na sumugod, mga adventurer na may hawak na mga kadenang espesyal na ginawa para pigilan ang pagkilos ng mga ito, matitikas na Fighter, mga rogue na palihim na umaatake gamit ang mga hawak nilang pana, at mga Wizard na tuloy-tuloy na ginagamit ang kanilang mga spell para umatake, kaya naman epektibong nakakapagdulot ng pinsala sa mga Ogre ang pinagsama-samang pag-atake ng mga ito..

Kahit na malalakas ang mga Ogre, sa harap ng matinding istratihiya ni Marvin, humihina ang mga ito.

Kahit na maaaring may mamatay ano mang oras, nagawa na ni Marvin ang lahat ng magagawa niya para harapin ang mga Ogre, ang mga nilalang na makinarya ng pagpatay.

Parehong ang laban sa dakong hilaga at timog ay mayroong Ogre na napatumba.

Mukhang epektibo naman ang taktikang ito.

Kasunod na rito ang napakahaba at matinding labanan. Kailangan lang nilang ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa at matatalo niya rin ang mga Ogre!

...

Matapos umangat ng alikabok, ang mga Ogre ang unang halimaw na lumabas mula rito, pero hindi lang sila ang mga halimaw na naninirahan sa bundok na ito.

Kalaunan, isang malakas na pag-alulong ang maririnig dahil sa maraming lobo na lumabas mula sa bundok. Sa likod nito ay isang malaking lupon ng mga Goblin, Gnoll, Kobolds, pati na iba pang mga malalakas na nilalang.

At ang lahat ng mga ito ay mga tauhan ng mga Ogre.

Kasama na rin sa kanyang pinlano ito.

Tumalon siya nang napakatakas at ginamit ang [Intimidating Roar] sa mga nilalang na ito sa malayo!

Ginamit rin ng mga Dark Knight ang kanilang [Brave Soul Pressure] para takutin ang mga halimaw na ito!

Sa isang iglap, nagkakagulo na ang mga ito, at ang mga low level na halimaw ay hindi maiwasan matakot sa mga nakakatakot na presensya ng mga ito.

Agad namang tinuon ng Wizard ops ang kanilang mga atake at mga long range spell, sa mga paparating na halimaw.

Lahat ay naaayon sa plano ni Marvin!

Tinulungan ni Marvin ang isang Dark Knight na patayin ang isa pang Ogre, halos ubos na ang kanyang stamina.

Kailangan na niyang bumalik sa pagiging tao.

Delikado itong gawin sa gitna ng labanan.

Agad namang lumapit ang dalawang Dark Knight, isa sa kaliwa at isa sa kanan, pinoprotektahan siya ng mga ito.

Balak na niyang umatras muna at manduhin ang kanyang hukbo.

Isa itong malaking digmaan, Malayong-malayo ito sa isang simpleng paglalakbya lang. Basta mayroong kalaban sa iyong harapan, kailangan mo silang patayin.

Bilang commander, kailangan maunawaan ni Marvin ang kabuoan ng sitwasyon. Matapos niyang makalagpas sa helera ng mga kalaban, abot kamay na nila ang tagumpay.

Kailangan nila ng oras para magtagumpay. Kailangan manatiling mahinahon ni Marvin, at bantayan kung ano mang bagay na biglang mangayri.

Pansamantala siyang umatras mula sa labanan.

Sa Norte, dalawang hindi magkaugnay na laban ang nagaganap.

Sina Bamboo at Daniela.

Si Ivan at ang Iron Ogre.

Nasa magkabilang panig ng kaparangan ang mga ito at patuloy na naglalaban.

Kahit na parehong mabagsik ang labanan ng mga ito, magkaibang-magkaiba ang paraan nila ng paglalaban.

Si Daniela man o si Bamboo, kapwa silang makapangyarihan na mga caster. Kahit na matindi rin ang kanilang laban, labanan lang ito ng mga spell.

Gayunpaman, sadyang napakamakapangyarihan ng Ice Angel na si Daniela!

'Para makaharap ang isa sa pinakamalalakas na Half-Legend Chosen, napakahalaga ng Shapeshift Sorcerer bloodline.'

'Kaya naman pala masyadong pinapahalagahan ng Cridland clan ang dalisay na bloodline.'

Pero base sa labanan ng magkabilang panig, hindi pa lubusang nababawi ni Bamboo ang kanyang lakas. Masyado itong nagmadali para hanapin si Marvin at isabotahe ang kanyang operasyon.

Hindi lang inaasahan nito na mayroong kasama ang grupo ni Marvin na taong gaya ni Daniela.

Tabla na ang magkabilang panig. Hindi pa rin masabi kung sino ang mananalo sa labang ito, perp mukhang hindi naman gaanong nanganganib si Daniela. Lalo pa at siya ang babaeng magiign Ice Empress sa hinaharap.

At para naman sa isa pang labanan, tila ba hindi sibilisado ang labanan nina Ivan at ng Iron Ogre.

Hindi kasing balanse ng labanan ng dalawang babae ang labang ito.

Hindi makalaban ang Iron Ogre. Tila pinaglalaruan lang ito ni Ivan.

Pero sadyang malakas ang Constitution ng Iron Ogre. Sapat ang lakas ni Ivan para pumatay ng isang Dragon pero kaya niya lang bugbugin ang Ogre hanggang sa sumuka ito ng dugo.

Matapos ang ilang sandal, tatayo muli ito at muling lalaban kay Ivan.

'Para iyon na ang pinakamagandang kasama sa pagsasanay.' Napailing si Marvin.

Sa palagay ni Marvin, ang mga Legendary specialty ng Iron Ogre ay [Major Recovery] at [Rapid Regeneration].

Ang dalawang matinding legendary specialty na ito ang dahilan kung bakit buhay pa rin ito sa kabila ng mga pag-atake ni Ivan.

Pero kaunti na lang ay sigradong matatalo na rin ito.

Nakahinga nang maluwag si Marvin.

Tinantya ni Marvin ang sitwasyon.

Pero noong mga oras na iyon, isang atungal ang narinig mula sa pinakamalaking Ogre.

Mayroon itong kulay tsokolateng balat at iisa lang ang mata nito.

Matapos ang pag-atungal nito, kagulat-gulat na pare-pareho ang ginawa ng mga Ogre. Lumapit ang lahat ng ito sa kanya.

'Hindi maganda 'to!'

'Ang Ogre na iyan ang Komander nila. May kakayahan siyang tipunin ang kanyang tao.'

'Hindi natin siya pwedeng hayaan!'

Nanlumo si Marvin at agad na sumigaw, "Gordian!"

Agad namang naunawaan ng Paladin na ito ang ibig-sabihin ni Marvin!

At iyon ay pigilang magtipon ang mga Ogre!

Kailangan muling sumugod ng mga Knight at Paladin para mapaghiwa-hiwalay ang mga ito.

Ibig-sabihin rin nito na mas maraming tao ang mamamatay sa kanila.

Hindi madaling kalabanin ang mga Ore. Sa tuwing susugurin nila ito, mayroong Knight o Paladin ang sapilitang matatanggal sa kanyang kabayo at mamamatay.

Pero kahit pa ganoon, ginawa pa rin ito ng mga Knight ng River Shore City at ng mga Paladin ng Silver Church.

Walang kahit anong paraan ang mga adventurer para hulihin ang mga Ogre. Sadyang napakalakas ng mga ito.

Kahit na higit sa sampung Ogre ang napatay na nila, sa oras na magtipon-tipon ang mga ito, magiging napakalakas na pwersa na ng mga ito.

Kailangan nila itong Pigilan!

"Sugod!"

Sa ilalim ng pamumuno ni Gordian, at ng Head Knight, muling sumugod ang mga kabalyero!

Desidido silang panatilihing hiwa-hiwalay ang mga Ogre na ito.

At si Marvin naman, nakatuon ang kanyang atensyon sa Ogre na nagbibigay ng utos!

'Kailangan mamatay ang Ogre!'

'Basta mapatay ko siya, aipapanalo natin ang labang ito!'

Biglang nanlisik ang mga mata ni Marvin.

"Woosh!"

Biglang lumitaw ang dalawang dagger sa mga kamay ni Marvin. Umatras ito ng bahagya at nagsimulang tumakbo patungo sa Dark Knight.

"Tulungan mo ko!"

Sinunod naman nito si Marvin at pinagdikit ang mga kamay nito para maaring talunan ito ni Marvin, saka ito gumamit ng pwersa para paliparin si Marvin patungo sa laban.

Anti-Gravity Steps, Flicker!

Ang 26 puntos na Dexterity ay nagbigay kay Marvin ng pambihirang liksi. Para bang sa libro lang maaaring mabasa ang mga ginagawa nito dahil sa bilis nitong binaybay ang labanan sa pamamagitan ng pagtalon-talon niya sa mga balikat ng mga kalaban.

Sa loob lang ng ilang segundo, nakaabot na siya sa komander.

Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang kumislap, kasabay nito ang pag-atake niya gamit ang kanyang mga dagger, "Tabi! Sa akin ang Ogre na ito!"