Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 189 - Pearl Island

Chapter 189 - Pearl Island

Pinutol na ang mga lubid na nag-dudugtong ng barko sa daungan.

Itinaas na rin ang malaking angkla.

"Krash!" Sa utos ng Second Mate, ibinuka na ng mga naiwang sailor ang layag ng barko.

Nasa ilalim na nag pamumuno ni Marvin ang barkong ito.

Pero hindi pa sila ligtas. Nasa Black Dock Harbor pa rin sila, at wala pang gignagawa si Marvin na gay nito noon. Kailangan niyang umasa sa wilderness clearing order at gamitin ang dahilan na naunang hinuli ng White Elephant chamber of commerce si Lola, para lang mabigyang katwiran ang pagkuha niya sa barko.

Kung mayroon namang arbiter na mula sa South Wizard Alliance, mayroon naman siyang Ninth Month Medal para gamitin laban sa White Elephant Chamber of commerce.

Kaya ano mang mangyari, sa kanya na ang barkong ito!

At gaya ng ibang barko, isang Priest ng Silver Church ang Navigator ng barkong ito. Ang lalaking ito ay nais lang iligtas ang sarili, kaya naman dahil sa pagbabanta ni Marvin at sa posibilidad na mas lumaki ang kanyang kita, agad itong sumapi sa kanila. Mas lalo pa itong ginanahan nang sabihin ni Marvin na maaaring tumaas ang posisyon nito sa Silver Church dahil sa koneksyon niya kay Collins.

Kahit na gabi pa, hindi sila mahihirapang tuntunin ang kanilang destinasyon, dahil sa parol sa daungan at makikita pa rin ang mga bituin sa kalangitan.

Basta makatakas sila sa Black Dock Harbor at makapunta sa karagatan, simple na lang ang kailangan nilang gawin.

Pero hindi ganoon kadaling makatakas sa Black Dock Harbor.

Sarado ang mga floodgate ng Black Dock Harbor sa gabi. At para buksan ito, kailangan nilang makakuha ng pass at ng regular na kwalipikasyon sa paglalayag.

At malinaw naman na walang ganoong klaseng kwalipikasyon ang Southie matapos itong kunin ni Marvin.

Kahit na konrtolado na nila ang barko, kailangan pa rin nilang hingan ng pahintulot ang mga tauhan ng harbor para padaanin sila.

Kailanagan nilang linlangin ang mga ito.

Sa Black Dock Harbor, sa parola.

Dalawang sundalong bagot na bagot ang naglalaro ng baraha.

Wala namang naglalayag nang hating-gabi, wala namang gagawin nag mga ito kaya normal lang ang paglalaro ng baraha.

"Pucha, talon a naman," pagmumura ng isa sa kanila.

Pero sa pagkakataong ito, biglang tumayo ang isa sa mga lalaki.

"Anong ginagawa mo? Baliw ka ba?" makikitang masama na ang timpla ng unang sundalo.

"Ano yun? Bakit naman may maglalayag ng ganitong oras?"

Tinitingnan ng mga sundalong nakabantay ang liwanag na paparating mula sa dilim.

May iba't ibang ibig sabihin ang mga apoy, at ang ibig sabihin nito ay buksan ang floodgates ng Black Dock Harbor.

"Ang Southie pala 'yon eh, barko ng White Elephant chamber of commerce."

"Parang may mali, ilang araw pa lang ang lumipas noong dumating sila. Sabi sa ulat, dalawang araw pa raw bago sila umalis."

"Bakit naman sila maglalayag ng hating-gabi?"

Nagkatinginan ang dalawang sundalo, pareho silang naguguluhan.

Nang biglang may aninong lumitaw sa kanilang harapan.

"Buksan niyo ang gate," mabilis na sabi ng tao, "May natanggap ang Southie na biglaang trabaho, kailangan naming magpunta sa tornado harbor para salubungin ang mga kalakal."

"Bilisan niyo."

Captain George!

Nang makita nilang lumitaw si Captain George, biglang nawala ang pagdududa ng dalawa.

Lalo pa't alam naman ng lahat na ang kapitan ng Southi ay si George, ang ikatlong anak na lalaki ng pinuno ng White Elephant chamber

"Pero… taliwas 'yon sa…"

Nag-aatubiling sabi ng isa.

Pero hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang biglang siniko ng isa pang sundalo ang sikmura niya.

Napayuko sa sakit ang sundalo at inulit pa nang isang beses ng kanyang kaibigan ang ginawa nito.

Nawalan ito ng malay.

"Masusunod po. Bubuksan po name nang gate agad para sa inyo," sagot ng isa pang sundalo. "Napakambuti sa amin ni Sir Mondine ng White Elephant chamber of commerce. Maliit na bagay ang po to kaya walang problema."

Nagulat si Marvin.

Matapos niyang gamitin ang Mask of the Deciever, naging kamukhang-kamukha niya si George. Hindi na makikita ang kanilang pagkakaiba sa dilim.

Noong una ay kailangan niya pang magpanggap ng matindi para lang mapaniwala ang dalawang sundalo.

Pero hindi niya inakalang mayroong sundalo doon na "kakampi" niya.

'Mukhang sinusuhulan ng White Elephant chamber of commerce ang ilan sa mga sundalo…' Natawa si Marvin sa kanyang loob-loob. Agad naman siyang tumango at naghagis ng ginto.

"Hindi na makakapaghintay ang kalakal sa katimugan."

Tumango naman ang sundalo. "Nauunawan ko po."

"Ihahanda ko na po ang lahat para sa inyo. Patatahimikin ko na rin ang lalaking ito."

Tumango si Marvin at mabilis na nawala sa dilim.

Tahimik nang binuksan ang Black Dock Harbor.

Natutulirong nagkatinginan ang lahat ng nasa Southie. Hindi nila inaasahang magagawan ni Marvin ito ng paraan sa loob lang ng ilang sandali.

"Misteryoso nga talaga si Lord Marvin."

"Oo nga, basta makalabas tayo dito, wala na tayong magiging problema."

"Totoo ang lahat ng sinabi ni Miss Lola!"

Natutuwang bulungan ng mga sailor.

"Itigil niyo na ang daldalan, bilisan niyo na!" Muling lumitaw si Marvin sa barko.

Lahat sila'y nanatiling tahimik dahil sa takot.

Itinaas na ang layag habang minamaniobra naman ng Helmsman ang barko paalis ng Black Dock Harbor palabas sa karagatan!

"Lord, saan po tayo pupunta?"

Sa napakaliwanag na kwarto ng kapitan, nagtanong ang Navigator na may mayabong na bigote.

Tiningnan ni Marvin ang baybaying unti-unting nawawala at sa wakas ay ibinigay na ang destinasyon nila.

Iniladlad ng Navigator ang tsart ng karagatan nang nakangiti. Pero nang malaman niya kung saan sila patungo, biglang nagbago ang kanyang mukha. "Baliw ka!"

Sa sumunod na sandal, isang curved dagger na naman ang napunta sa leeg ng Navigator.

"Wag mong kukwestyunin ang desisyon ko."

"Ang pagpunta dyan ang tanging paraan," seryosong sabi ni Marvin.

"May sumpa ang lugar na 'yan. Kapag nalaman ng mga sailor 'to…" sabi nang Priest ng Silver Church.

"Hindi dapat nila malaman. Saglit lang tayong titigil sa isla," mahinahong sabi ni Marvin. "Isa pa, wala namang aapak sa islang ito bukod sa akin."

"At isa pa, wala namang ibang nakakaalam kung nasaan ito bukod sayo, hindi ba?"

Tumango ang Navigator.

Biglang sumigaw ang dalawang sailor, "May dalawang barkong nakasunod sa atin!"

"Mas mabilis sila kesa sa atin!"

"May pagpipilian ka pa bang daan ngayon?" Sabi ni Marvin.

Walang nasabi nag Priest. Tulad ng sabi ni Marvin, kung susundan lang nila ang normal na ruta, sigruadong maaabutan sila ng mga ito.

Ang tanging pag-asa na lang nila ay ang piniling ruta ni Marvin.

Kinuyom nito ang kanyang ngipin at agad na umalis sa kwarto ng kapitan para hanapin ang Helmsman.

Sa walang hanggang karagatan, nagsimulang magiba ang direksyon ng Southie mula sa orihinal na ruta patungo sa timog-silangan.

"Nag-iba sila ng direksyon!"

"Pucha, may mali."

Sa dagat, mahigpit na sinundan ng dalawang barko ng White Elephant ang anino sa malayo.

Ito ay mga barko ng White Elephant Chamber of Commerece, agad naglayag ang mga ito nang mapansing mayroong mali.

Mas mabilis ang mga ito kumpara sa Southie dahil mayroong silang kasamang mga [Wind Wizard]!

Tila sika tang class na ito, pero sa katunayan, mga apprecntice lang ito na hindi gaanong talentado kaya nagpalit sila ng class.

Naroon sila para gumawa ng malalakas na hangin para sa mga barko upang mas bumilis ang mga ito.

Dahil ang Wind Wizard lang naman ang may gawa nito, hindi nagagamit ng matagal ito. Maaari lang nila itong gamitin sa maikling distansya.

Matapos mag-iba ng direksyon ng Southie, wala na silang magaw akundi sundan na lang ito.

Paglipas ng ilang sandali, lumalapit na ang dalawang panig.

Pero biglang may makapal na hamog ang lumitaw sa kanilang harapan!

"Hindi maganda 'to, napapalapit na tayo sa lugar na 'yon."

Napagtanto na ng dalawang kapitan kung ano ang problema!

Tanging ang sinumpang lugar na iyon ang magkakaroon ng makapal na hamog buong taon sa buong East Coast.

Biglang pumasok sa isipan ng dalawang kapitan ang mga balit-balita tungkol sa lugar na iyon.

Hahabulin pa ba nila o hindi?

Isang malaking problema ito.

Pagod na ang mga Wind Wizard, pero kaunti na lang ay maabutan na nila ang Southie.

Saglit na nag-usap ang dalawang kapitan, at nagdesisyon ang mga ito na ipagpatuloy ang paghabol!

Ito'y dahil kaunti na lang ay maaabutan na nila ito!

Pero nang mga oras na iyon, biglang sumigaw ang isang sailor, "Captain! Biglang bumilis ang Southie!"

Bumilis?

Paano nangyari 'yon?

Nagulat ang dalawang kapitan. Walang Wind Wizard sa Southie. Paano sila bumilis?

Nang pumunta ang dalawa sa deck, nakita nga nilang bumilis ang pag-usad ng Southie at napag-iiwanan na sila!

Walang takot na dumeretso ito sa bahagi ng karagatang iyon!

Sa kasalukuyang bilis ng magkabilang panig, siguradong makakatakas na ang Southie mula sa mga humahabol dito!

Masyado rin kasing makapal ang hamog. Dahil halos wala nang maaninag, kapag nawala sa paningin moa ng iyong hinahabol, wala ka nang magagawa kundi umasa sa swerte para mahanap uli ito.

Walang nagawa ang dalawang kapitan kundi iutos na bumalik ang kanilang mga barko.

Ayaw pa nilang mamatay kaya hindi na nila sinundan ang Southie.

Wala nang balikan kapag pumasok sa lugar na iyon!

Maririnig naman ang pagdiriwang mula sa deck ng Southie!

Nakikita rin nilang sumusuko na ang dalawang barkong sumusunod sa kanila.

Sa wakas ay malaya na sila!

Makikita sa paraan ng pagtingin ng lahat kay Marvin na halos sambahin na nila ito!

Mula sa pagkamangha, naging takot, hanggang sa halos sambahin na nila ito.

Mayroong maliit na pigura sa taas ng layag ng Southi na masayang pinakakawalan ang kanyang kapangyarihan!

Wind Fairy!

Ang uanng servant ni Marvin.

Nang makatawid siya sa Shrikieng Mountain Range, hindi sinasadyang natuklasan ni Marvin na ang regaling ito sa kanya ni Hahthaway ay matagumpay nang napalaki ito.

Ipinanganak ang isang Wind Fairy at mayroon na agad itong pambhirang kapangyarihan.

Bilang servant ni Marvin, walang halong pagdududa ang katapatan nito kay Marvin.

Ang isang level 1 Wind Fairy ay mayroong dalawang innate ability, at isa na rito ang pagmanipula sa hangin!

Sa aspetong ito halos natural na ito sa kanila, marami ang nagkukumpara sa mga ito sa mga Wind Wizard!

Nang lumitaw ang Wind Fairy, agad na lumaki ang distansya ng Southie mula sa humahabol sa kanila.

Biglang bumilis ang pag-usad ng Southie patungo sa kanilang destinasyon.

Nakatayo naman sa unahan ng barko si Marvin habang pinapanuod ang karagatan.

Matapos ang ilang sandali, nagsimula nang huminahon ang mga sailor.

Hindi pa rin humuhupa ang hamog kaya nagsimula nang magduda ang mga ito.

Pero dahil sa galing na ipinamalas ni Marvin, walang isa sa kanila ang nangahas na magsalita.

Napagod na ang lahat kaya naman nahiga na ang mga ito.

Bahagyang humupa ang hamog pagputok ng arawm pero biglang sumigaw ang Lookout, "Diyos ko! Saan ba tayo napadpad?!"

Ngumiti si Marvin at agad na ginamit ang Wishful Rope para makapunta sa tuktok ng barko.

Kinuha nito ang lente ng Lookout at tiningnan ang kapaligiran.

Kahit na hindi pa rin niya gaanong makita ang kapaligiran dahil sa hamog, nakikita naman niya ang baybayin ng isla.

Pearl Island!

Ngumiti si Marvin.

Sa wakas ay nakarating na sila.