Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 190 - Sea Emperor’s Crown

Chapter 190 - Sea Emperor’s Crown

Pearl Island.

Isang lugar na sinasabing sinumpa raw.

Kumalat ang mga kwentong ito sa mga kapitan, pero walang gaanong alam ang mga sailor tungkol ditto. Pero may kaunting nalalaman ang mga Navigator tungkol dito. Lalo pa't trabaho nilang ilayo ang buong barko sa mga nakakatakot na bagay sa karagatan.

Ang alam lang ng mga sailor ay dapat nilang iwasan ang lgar na ito!

Kaya naman, nang makita ng Lookout na malapit na sila sa Pearl Island, nataranta ang mga sailor!

Kung hindi dahil sa lakas ni Marvin, baka tumigil na sa pagtatrabaho ang lahat.

Pero hindi katulad kanina, nanginginig na ang mga kamay at paa ng mga sailor.

"Lord Marvin!"

Ang dating Second Mate na si Roberts ay ang bagong Boatswain matapos nitong tulungan si Marvin na makuha ang Southie.

Nangako si Marvin na itatalga siya bilang Captain ng Southie sa oras na mabuo na ang bagong pantalan.

Lalo pa't madalas na bumabyahe sa karagatn si Marvin.

Ikinatuwa naman ito ni Roberts.

Wala siyang kinatatakutan at mataas ang ambisyon. Tinatawanan niya lang ang mga balita tungkol sa Pearl Island.

"Medyo natatakot sila. Gusto nilang malaman kung saan mo talaga balak pumunta pagkatapos nito," sabi ni Roberts.

"Kaya ko silang pakalmahin sa ngayon, pero hindi ito magtatagl," dagdag niya.

Lumingon si Marvin para tingnan ang mga taong natatakot at sinabi nang malakas, "Isang pangkaraniwang isal lang ang Pearl Island. Wag kayong maniwala sa mga bali-balita. Isa pa, hindi mananatili sa Pearl Island ang Southie. Sandali lang tayo rito at pagkatapos noon ay babalik na tayo patimog-kanluran"

"Mayroong magandang dalampasigang pwedeng pagdaungan doon. Pwede nating ligtas na malampasan ang Shrieking Mountain Range sa dagat. PAgkatapos noon ay makakarating na tayo sa lugar kung saan ko balak itayo ang bagong daungan!"

"At hindi malapit lang ang lugar na 'yon sa White River Valley."

Himinahon ang karamihan sa mga sailor nang marinig ang sinabi ni Marvin.

At dahil naging bahagi sila sa pagpatay ng kanilang tunay na kapitan, wala na silang ibang pwedeng puntahan. Kaya hindi nila maaaring tanggihan ang mga sinasabi ni Marvin.

Unti-unting nakarating ang Southie sa Pearl Island, tumigil ito labing-limang kilometro mula sa baybayin.

Nagsimula nang sumikat ang araw, at sa ilalim ng sinag ng araw, bahagyang numipis ang hamog sa gilid ng Pearl Island.

Sinamantala ng ilang sailor ang pagkakataong ito para magpahinga, habang ang iba ay nagbabantay dahil sa mga kwento tungkol sa lugar na ito.

Inutos ni Marvin na bukod sa kanya, wala nang pwedeng umapak sa isla.

At habang nasa isla siya, si Lola ang susundin nila.

Hindi rin nag-aalala si Marvin na baka tumakas ang mga ito habang nasa isla siya. Dahil kung wala siya, wala nang ibang pupuntahan ang mga ito.

Tanging White River Valley na lang ang tatanggap sa kanila.

Kahit na ang amisyosong si Roberts ay hindi mangangahas na tumakas.

Isa pa, may plano na si Marvin kung mangyari man ito. Iniwan niya ang Wind Fairy sa barko.

Kung magpapadalos-dalos ang mga taong iyon, maaaring pigilan ng Wind Fairy ang hangin upang hindi sila maka-usad.

'Maiiwasan ko na ring kalabanin ang mga Foglets na 'yon dahil nakarating ako ditto ng umaga.'

Ito ang nasa isip ni Marvin habang pasakay ng Bangka.

Isang matipunong sailor ang nagdala kay Marvin sa isla.

Pinanuod ng lahat ang Bangka habang papalayo ito nang papalayo. Kahit na hindi nila alam kung anong ginagawa ni Marvin, base sa kanyang kasikatan, sa palagay nila ay may pinaplanong mahalagang bagay na gawin ang taong ito.

Lalo pa at ang palayaw na [Magical Marvin] ay umalat na mula sa River Shore City hanggang sa East Coast.

Kasing sikat na ito ng alyas na [Masked Twin Blades].

Kumbinsido silang si Marvin ang susi sa mas magandang kinabukasan.

Magmula nang mamuno sa Southie ang mainiting ulo na si Captain George, naging miserable ang buhay ng mga sailor dahil sa masamang pagtrato nito sa mga ito. Dahil kung mabuti ang pagtrato ng kapitan na ito sa mga sailor, hindi ganoon kadaling nakumbinsi ni Lola ang mga ito na magrebelde.

Kahit na kasing bagsik lang ito ni Marvin, hindi naman ito basta-basta na lang nagagalit.

Pakiramdam ng mga sailor, ano man ang mangyari, mas mabuti na ito kesa kay Captain George.

At naging mas maayos pa ang lahat dahil sa pamamagitan ni Lola.

Napakagandang tingnan ng Pearl Island. Tila hindi naman ito ang nakakatakot gaya ng sabi sa mga kwento.

Lumlakas ang alon habang papalapit ang Bangka sa Pearl Island.

Ilang beses nang binalaan ni Marvin nag matipunong sailor: hindi ito maaaring umapak sa Pearl Island.

"May sumpa ang lahat ng bagay sa Pearl Island."

"Tingnan mo, ang mga putting tuldok na 'yon na nasa buhangin ng baybayin ay mga perlas. Kapag kumuha ka ng kahit isa, mamamatay ang lahat ng tao sa barko. "

"Hintayin mo lang ako ditto, naiintindihan mo?"

Tumango naman ang masunurin na sailor.

Kahit na napansin niya ang mga perlas mula sa malayo, hindi ito nangahas dahil sa mga kwento tungkol sa sinumpang karagatan na ito at ang mga babala ni Marvin.

Maganda man sa pakiramdam ang kayamanan, mas mahalaga pa rin ang buhay niya.

Pero hindi niya mapigilang itanong, "Kung ganoon, bakit gusto mong magpunta sa isla? Hindi k aba natatakot?"

"Pupunta ko sa isla para ibalik ang isang bagay. Hindi para kumuha. Wag mo nang isipin 'yon." Mahinahong sagot ni Marvin.

Tumango na lang ang sailor at hindi na nagsalita pa.

Matapos ang ilang saglit, pinatigil siya ni Marvin sa pagsasagwan.

"Dito ka na lang," sabi nito.

Pagkatapos ay inayos na nito ang damit nito at saka lumusong sa tubig. Nasa di kalayuan ng baybayin ang Bangka at madali na lang itong languyin.

Sa Southie, makikita ang pagkalito ni Roberts habang pinapanuod ang pangyayari. "Miss Lola, pwede mo bang ipaliwanag kung ano ang binabalak ni Lord Marvin?"

"Hindi ko rin alam eh," direktang sagot ni Lola.

"Walang nakakaalam kung ano ang iniisip niya."

"Pero ang alam ko lang ay lagi siyang nakakagawa ng mga himala. Kelan lang may problema sa pagkain ang White River Valley. Kaya ako nagpunta rito para hanapan ng solusyon pero sa huli, siya rin mismo ang nakalutas nito."

"Magtiwala lang tayo kay Lord Marvin. Kahit na isa siyang Swimming Fish. Maaasahan pa rin siya."

"Swimming Fish?" Makikita ang pagkalito sa mukha ni Roberts.

"Hindi moa lam ang mga astrological sign kahit na sa dagat kayo naglalakbay?" Tanong ni Lola, "Paano ka naging Boatswain?"

Tahimik namang pinunasan ng Navigator ang kanyang pawis habang tinitingnan si Marvin na umabot na sa Pearl Island.

'Iyan ang sinumpang baybayin, pagpalain ka nawa ng Silver God…'

Habang naglalakad si Marvin sa dalampasigan, inalala niya ang mga kaganapan sa lugar na ito.

May naalala siyang isang alaala at natutuwa siyang pamilyar na pamilyar siya sa bawat instancesa Feinan.

Isang mapanganib na lugar ang Pearl Island, lalo na sa gabi. Kung hindi mag-iingat siguradong makakasagupa nila ang mga nakakataot na Foglet.

Lahat ng bagay ditto ay hindi maaarng hawakan lang basta-basta, lalong-lalo na hindi pwedeng buhatin.

'Bawat perlas ay may Curse of Aging. Ang sino mang humawak ditto ay ilang taon na lang ang matitira sa buhay nito.

'Black Pearl, Curse of Death…'

'Blue Seastar, Curse of Hostility…'

Maingat niyang iniwasan ang mga nakakatakot na bagay na naalala niya hanggang sa nalagpasan na niya ang mga "patibong" sa dalampasigan.

May isang maburol na lugar sa harap. Walang puno, walang kweba.

Kahit paano ay ligtas ang lugar na ito.

Walang balak si Marvin na kunin ang lahat ng kayamanan ng Pearl Island. Sa halip, gusto niya lang magsiyasat at mabilis na kumuha ng mga benepisyo.

Lalo pa't hindi pa niya nakokolekta ang Six Cursed Pearls.

Pero sapat na ang isa para may makuha siya mula sa Pearl Island.

Kailangan lang alam mo kung paano.

Tumingin-tingin si Marvin sa paligid hangang sa nakahanap siya ng kweba at pumasok dito.

Mamasa-masa at madilim sa loob ng kweba. Pumunta siya sa kaibuturan nito at nakakita ng isang lawa.

Maputik ang tubig sa lawa, pero alam ni Marvin na pare-pareho ang mga lawa sa loob ng mga kweba sa islang ito. Lahat ito ay daan patungo sa pinakamalaking lihim ng Pearl Island.

Inilabas niya ang kanyang cursed pearl at maingat na inilaglag sa lawa.

'Tama naman siguro ang pagkakatanda ko…'

Pinagmasdang mabuti kung may mangyayaring pagbabago sa perlas.

At tulad ng inaasahan, nagsimulang matunaw ang perlas sa ilalim ng misteryosong lawa.

Sa isang iglap, isang liwanag ang lumabas at ang mga isdang gumagalaw sa loob ng perlas ay biglang tumalon palabas.

Masaya itong lumangoy-langoy sa lawa panandalian bago tuluyang lumukso.

Tinitigan nito si Marvin at kagulat-gulat na biglang nagsalita. "Pinakawalan mo ako sa aking kulungan. Bibigyan kita ng regalo."

"Bibigyan kita ng regalong walang sumpa, pero nakikiusap ako sayo na alalahanin mon gang lahat ng bagay ditto sa islang ito ay may sumpa. Wala kang pwedeng hawakan." Babala ng maliit na isda.

Tumango si Marvin.

Sa sumunod na sandali, tumalon na muli sa lawa ang isda!

Nasabik si Marvin!

Sa kailaliman ng tubig na iyon ay ang kayamanan ng Pearl Island!

Ang pinakamasamang laman na nito ay mga Magic Item!

Posible ring makakuha rito ng Legendary Item!

Swertihan lang ito.

Maaaring pumili ng kahit ano ang isda para ibigay kay Marvin, pero walang katiyakan kung ano ito!

'Kung suswertehin ako, baka makakuha pa ako ng pinakamagandang Magic Item…'

'Mas maganda kung Legenderay Item ang makukuha ko…'

Naupo si Marvin sa tabi ng lawa, at naghintay saglit. Isang anino naman ang hirap na umaahon mula sa lawa.

May inaahon itong isang bagay gamit ang kanyang ulo!

"Kunin mo ito bilis! Hindi ko na kayang dalhin pa 'to nang matagal! Masyadong mabigat!" sabi ng maliit na isdang nahihirapan.

Agad namang kinuha ni Marvin ang bagay na iyon.

Mukha itong isang korona.

Maingat na tiningnan ni Marvin at bigla itong natuwa!

Alam niya kung ano ito!

Ang Sea Emperor's Crown, isang Legendary Item!

'Teka… Ano? Bakit ang sabi ditto ay – Sealed –?" Biglang napawi ang tuwa ni Marvin.

Hindi pa niya nakukuha ang Sea Emperor's Crown dati.

Pero sinasabing maaari mong ipahayag na ikaw ang Ruler of the Seas gamit ito!

'Mukhang sinwerte naman ako. Nakakuha ako ng isang sealed na Legendary Item, kaya dapat siguro akong mauwa. Pwede pa rin naman sigurong magamit ang ilang effect nito.'

Huminahon na si Marvin. Pasasalamatan na sana niya ang maliit na isda, pero bigla itong nawala nang hindi niya napapansin.

Hindi na ito gaanong pinansin ni Marvin, dahil magkikita naman sila ulit kapag nakuha na ni Marvin ang Six Cursed Peals para makuha ang tunay na kayamanan ng Pearl Island!

Kapag nangyari iyon, pupulikatin na si Marvin sa pagbibilang ng pera.

Ito ang kayamanang iniwan ng Pirate King ng ika-anim na henerasyon!

Paglipas ng dalawang oras, bumalik na si Marvin sa Southie at inutos ang paglayag nito!

Ang baybayin na nasa timog-silangan ng White River Valley ang kanilang destinasyon!

Hindi niya alam ang eksaktong lokasyon nito pero basta sundan nila ang baybayin at malampasan ang Shrieking Mountain Range, kahit papaano ay makikita niya na kung saan pinakamagandang itayo ang pantalan.

Sa kwarto ng kapitan, hawak niya ang Sea Emperor's Crown at sinimulang tingnan ang mga effect ng sealed na Legendary Item na ito.

Maingat niyang hinawakan ang Sea Emperor's Crown nang biglang pumasok ang isang malawak na karagatan sa kanyang isipan!

Nakikita niya ang Southie, at ang bawat nilalang na nasa dalawang kilometro mula ditto!

'Eye of the Sea?' Kuntento naman si Marvin sa uanng ability na sinubukan niya.

Nang biglang may napansin siyang anino sa tubig!

Isang aninong may napakalakas na presensya!

Pero hindi mabuti ang presensyang ito. Tila nababalot ito ng pighati.

"Ano?"

Kinontrol ni Marvin ang Eye of the Sea para makitang mabuti ang aninong ito.

Pero natigilan siya sa kanyang nakita.

Ang nilalang na ito ay nasa isang kahoy at nagpapalutang-lutang

Wala man itong malay ay mahigpit naman ang kapit nito sa kahot. Walang nakaka-alam kung gaano na ito katagal nagpapalutang-lutang.

'Hindi ko alam kung siya baa ng sinwerte o ako dahil nagtagpo na naman kami."

Natuwa si Marvin at agad na inutos ang pagpapalit ng direksyon ng Southie para puntahan ang kinalalagyan ng aninong iyon.

Paglipas ng tatlumpung minute, hirap naman na iniahon ng mga sailor ang lalaki.

"Bang!"

Nahulog sa deck ang lalaki at bumuga ng kaunting tubig, bahagyang bumalik na ang malay nito.

Tiningnan siya ni Lola at nagulat.

"Ano? Anong nangyari sa kanya?"