Paglipas ng tatlong araw, opisyal nang nagsimula ang Battle of the Holy Grail sa Three Ring Towers!
Ang Battle of the Holy Grail ay magaganap pa rin sa lugar kung saan ito ginanap mula noon, sa incomplete plane ng natatanging Legend sa Three Ring Towers.
Mismong ang Wizard na si Leymann ang nagbukas ng lagusan patungo sa incomplete plane at pinapasok ang mga kalahok.
Kung may nais manuod, kailangan nilang pumunta sa Three Ring Towers at panuorin ito mula sa magic broadcast screen.
Sa gabi ng kompetisyon, mapa-Asher Tower man, Thunder Tower, o Craftsman Tower, punong-puno ang mga ito ng mga tao.
Karamihan sa mga ito ay mga lokal na wizard, pero mayroon ring namang mga wizard at iba pang mga class na dumadayo sa lugar na ito para lang panuorin ang kompetisyon.
Noon pa man ay isa nang kapana-panabik na kompetisyon ang Battle of the Holy Grail. Sinasabing ito ang nagpapasya kung paano hahati-hatiin ang mga benepisyo sa pagitan ng tatlong towers.
Sa loob ng mataas na Ashes Tower, isang lugar ang inihanda para. Mauupo ang mga Lord base sa kanilang mga status.
Ang mga high level na wizard ay mauupo sa mga lumulutang na magic carpet para mapanuod ang kompetisyon.
Nagbubukas lang ang Ashes Tower para sa mga taga labas sa araw ng kompetisyon. Lalo pa't ang Battle of the Holy Grail ay isang pagdiriwan ng Three Ring Towers.
"Tingnan niyo, nagsimula na ang kompetisyon!" Isang boses ang maririnig mula sa madla.
Biglang nabalot ng ingay ang tower.
"Manahimik kayo!" Nag-cast ng isang Mass Silence spell ang isang grupo ng mga wizard enforcer mula sa Ashes Tower.
Sa isang iglap, biglang natahimik ang lahat.
Pinagmasdang mabuti ng lahat ang unang kupunan na lalabas sa screen.
…
Tiningnan lang ni Marvin ng mabuti ang paligid habang humahampas sa mukha niya ang hangin at nyebe!
Kahit na pinaghandaan niya ito, nagulat siya sa biglaang pagdating na ito!
Dahil bigla na lang siyang lumitaw sa tuktok ng snow mountain!
Kani-kanina lang ay nasa loob pa siya ng isa sa mga kubo sa incomplete plane ni Leymann habang pinag-uusapan nila ni Wayne ang kanilang gagawin.
Ngayon naman, bigla na lang siyang napunta sa lugar punong-puno ng yelo at nyebe!
May isang ginintuang susi na nakasabit sa kanyang leeg.
Napakalamig ng hanging umiihip sa kanyang kinatatayuan. Hindi gaanong nagbalot si Marvin para hindi malimitahan ang kanyang paggalwa. Mabuti na lang may inihandang gamot laban sa lamig si Hanzer para sa magkapatid.
Kung wala ito, malaki ang magiging epekto ng lamig sa fighting strength ni Marvin!
Pagkatapos inumin ang gamot, nanumbalik ang sigla ni Marvin, saka nito inaral ng maigi ang kapaligiran.
Dahil sabay ang bagsak ng nyebe at ihip ng malakas na hangin, walang gaanong makita. Isang platform na gawa sa bato lang ang nakikita ni Marvin.
Nakapatong rito ang isang ginintuang Magic Holy Grail.
May mahinang ilaw na kulay berde ang nakapalibot sa platform. Alam na alam ng mga nakakaintindi ng mga patakaran ng kompetisyon kung ano iyon. Ang kulay berdeng ilaw na 'yon ay ang namuong [Dissociation]!
Kung may magtatangkang abutin ang Magic Holy Grail, mapipira-piraso ang katawan nito!
Sa ilalim ng platform ay mayroong anim na susian. Tanging ang sabay-sabay na paggamit ng anim na susi ang makakapagtanggal ng [Dissociation] mula sa Magic Holy Grail.
Iba-ibang susi ang kailangan ng bawa susian,
Nakasabit sa leeg ni Marvin ang isa sa mga ito.
Tatlong Wizard at tatlong follower ang ipinadala sa lugar na ito. Kailangan nilang kalabanin ang isa't isa para makuha ang mga susi, kung sino man ang makakuha ng lahat ng ito ang siyang mananalo. Makukuha na nila ang Magic Holy Grail kapag nakuha nila ang dalawa pang pares ng susi.
Kaya naman isang battle royale ang Battle of the Holy Grail!
Kahit na nauna kang umabot sa tuktok ng bundok, walang silbi ito kung hindi mo hawak ang lahat ng mga susi.
Isa pa, magkakahiwalay ang mga Wizard ang mga follower. Tanging ang Legend Wizard na si Leymann at ang mga manunuod ang nakaka-alam kung nasaan ang bawat isa sa kanila.
Walang ka-alam-alam ang mismong mga kalahok.
Halimbawa, simula pa lang ay napunta na si Marvin sa tuktok ng bundok.
Napapalibutan siya ng mga daang balit ng nyebe. Puro nyebe lang ang nakikita niya sa tuwing tumitingin siya sa ibaba.
'Nagbago na ang plano, hindi ko inaasahang mapunta kaagad sa tuktok.'
Sumimangot si Marvin nang masulyapan ang Holy Grail.
Nang biglang may mapansin siya mula sa gilid. Nakakita siya ng isang anino!
Tuloy-tuloy na papunta ito sa kinatatayuan niya!
Mukhang nakikit nito sa Marvin sa tuktok.
'
'Pucha! Malas. Makakaharap ko na agad 'to.'
Nabigla si Marvin at hindi napigilang magmura!
Dahil ang taong papalapit ay ang Guardian!
,..
"Mukhang minamalas ang Marvin na 'yon?"
"Sinwerte siya noong nakaraan dahil bilang isang ranger, gamay niya ang pagkilos sa kagubatan. Pero ngayong nasa tuktok siya ng snow mountain, wala na siyang matatakbuhan."
"Siya ang follower ng Apprentice Wizard ng Craftsman Tower, isang level 7 Guardian. Ordinaryo lang ang attack power niya pero siguradong pahihirapan niyan ang batang 'yon!"
Matapos mawalan ng bisa ang Mass Silence, unti-unting nagsimulang magbulungan ang mga tao.
At dahil sa incomplete plane ni Leymann nangyayari ang kompetisyon, alam niya ang lahat ng nangyayari.
Gamit ang sightseeing spell, at isa pang broadcast screen, malinaw na naipapakita ng tatlong towers ang mga pangyayari.
Mukhang naipit na sa sitwasyon si Marvin!
Wala man siyang nakaharap na Wizard sa pagsisimula ng kompetisyon, nakaharap naman niya ang mortal na kalaban ng mga Ranger, isang Guradian.
…
Ang mga Apprentice Wizard na sinermonan ni Marvin ay nagsimulang magbulong-bulungan, kita ang saya ng paghihiganti sa mga mata ng mga ito.
Nagsalita rin pati na ang mga noble naman na naisip sumipsip sa Unicorn Clan, umiiling sila habang nagpapanggap na nalulungkot para sa Magore Academy dahil panghuli na naman ang mga ito.
Kahit ang mga manonood na walang pinapanigan at ang mga taong mataas ang tingin kay Marvin ay iniisip na pangit ang naging simula ng magkapatid.
Lalo pa't mayroong talagang mga class restriction. Siguradong magdudusa ang marahas na si Marvin sa kamay ng isang Guardian na kapareho niya ng rank!
.
Pero syempre, mayroon ring mga sumusuporta kay Marvin.
"Imposible! Siguradong makakahanap ng paraan si Baron Marvin para madispatya yang taong lata na yan!"
Walang nakaka-alam kung saan nanggaling ang boses na 'yon.
Napa-iling at napangiti na lang ang mga matatanda. Marahil isang ignoranteng batang babaeng noble ang nagsabi nito. Siguro'y nasabi niya ito dahil humanga ito sa ipinamalas ni Marvin noong nakaraan, o baka dahil sa iba pang rason.
Pero sa tingin ng karamihan, nanganganib si Marvin! Walang kaduda-duda.
…
'Tingnan natin kung ano ang hinanda mo para sa sitwasyon na 'yan.'
'Sana'y hindi ako madismaya sa makikita ko.'
Sa loob ng Ashes Tower, nagbabalat ng dalandan at kumakain si Hathaway habang nanunuod.
Makikita sa screen na naka-abot na sa tuktok ang Guradin na mula sa Craftsman Tower at kaharap na nito si Marvin.
Maliit lang ang espasyo sa tuktok, at nagtitinginan ang dalawa mula sa magkabilang panig ng platform.
…
Sa Thunder Tower. Napakaraming tao rin ang nagtipon-tipon.
Sa tabi ng isang lamesa, magalang na sinabi ng isang binata sa isang dalaga, "Miss Kate, maupo ho kayo."
"Ang Battle of the Holy Grail ay isang malakihang kompetisyon sa East Coast. Isa itong kompetisyon para parangalan ang Holy Grail na ginawa ng isang dakilang Wizard God."
"Isa pa, sa pagkakataong ito, naghanda kaming Unicorn Clan para dispatyahin ang inutil na nangahas na galitin ang pamilya naming."
"Nakikita mo ba ang Baron Marvin na 'yan? Mukhang malas talaga siya. Wala pa mang ginagawa ang mga tauhan namin, nakaharap na siya ng isang Guardian."
Makikita ang bahagyang pagkagulat sa mata ng magandang dalagang nakaupo.
Nakilala lang niya ang lalaking ito na sinasabing siya ang tagapagmana ng Unicorn Clan noong pauwi ito sa kanila. Nabighani naman ang lalaki sa kagandahan ni Kate kaya pilit nitong niyaya si Kate na samahan siyang manuod ng Battle of the Holy Grail.
Naalala ni Kate ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng kanyang kapatid, na para makabuo ng malakas na pwersa, kailangan nila ng malalakas na ka-alyansa. Kasabay nito, nabalitaan niya rin na makapangyarihang pamilya sa East Coast ang Unicorn Clan kaya naman kahit ayaw niya, pinaunlakan nito ang lalaki. Wala siyang nararamdaman para sa lalaking ito, pero dahil interesado ito sumama siya sa Three Ring Towers.
Pero hindi niya inakalang makakakita siya ng pamilyar na mukha sa Battle of the Holy Grail!
"Miss Kate? Ayos ka lang ba?" Napansin ng lalaki na kakaiba ang rekasyon ni Kate.
"Ah eh, wala, mukha kasing isang Ranger ang Baron Marvin na 'yon, kaya sa tingin ko mahihirapan siya sa sitwasyon niya," tugon ni Kate.
Hindi tanga si Kate. Naramdaman nitong may hidwaan ang pamilya nito at si Marvin, kaya agad siyang nagkunwaring hindi niya kilala si Marvin.
Malungkot namang sumagot ang lalaki, "Sayang naman kung mapapatay na siya ng Guardian na 'yan!" Pagmamayabang niyang dagdag na, "Ipinadala pa naman ng clan naming ang pinakamalakas na elite killer para patayin siya."
"Ipapakita naming sa buong East Coast kung anong nangyayari sa mga taong ginagalit ang Unicorn Clan."
Bahagyang tumango si Kate, at nanuod muli ng mabuti.
Hindi niya alam kung bakit pero bigla nitong naalala ang gabing magkasama sila ni Marvin sa jail tree at ang nakakahiyang pakiusap nito sa kanya.
Namula ang pisngi nito habang iniisip ito.
.
At nang makita ito ng lalaki, inakala nitong dahil 'yon sa kanya. Kaya naman patuloy lang siyang nagkwento ng mga bagay na sa tingin niya'y kawili-wili.
Pero sa katunayan, nakatuon lang ang atensyon ni kate sa nagaganap sa tuktok ng snow mountain. Hindi ito nakikinig sa mga sinasabi ng lalaki.
'Kakayanin naman niya siguro 'yan. Mas malakas naman siya kumpara sa mga ordinaryong class holder…' isip-isip ni Kate.
…
Sa tuktok ng Snow Mountain.
"Bigay mo na sa akin ang susi mo!" Sabi ng Guardian na tila nababagot.
"Hindi makakalampas sa depensa ko ang mga dagger mo!"
"Napanuod ko ang ginawa mo noong nakaraan. Malinaw at mahusay ang istratehiyang 'yon. Pero wala akong ganoong kahinaan, walang kahit anong puwang ang armor kong 'to."
"Hindi kita sasaktan basta ibigay mo sa akin ang susi."
Dahan-dahan itong lumapit kay Marvin. May hawak itong malaking shield, isang maliit na hatchet naman ang nakasabit sa baywang nito, at ballot ng armor ang buong katawan nito.
.
Malalim ang paglubog ng mga paa nito sa bawat yapak nito.
"Hindi ka na makakatakas! Napapaligiran tayo ng mga bangin, kaya mamamatay ka lang kapag tumalon ka!"
Hindi tumigil ang Guardian sa pagpilit sa kanya.
"Sigurado ka ba?" Ngumisi si Marvin, "Baka masyado kang kampante!"
Hinawakan ni Marvin ang kanyang mga dagger.
"Kung ganoon, pasensyahan tayo!" Sabi ng Guardian.
Itinaas nito ang kanyang shield at sumugod papunta kay Marvin!