Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 111 - A Special Skill

Chapter 111 - A Special Skill

Sumugod?

Siguradong hindi ito tunay na pagsugod!

Sa isang iglap napagtanto kaagad ni Marvin ito.

.

Limitado lang ang laki ng lugar na ito, at siya ang lamang sa sitwasyon na ito. Hindi siya magpapadalos-dalos.

Dahil sa taas ng dexterity ni Marvin, magagawa niyang maiwasan ang pagsugod ng Guardian. Kapag nangyari 'yon, maaaring mahulog ang Guardian sa bangin dahil sa sobrang bilis nito.

Kaya siguradong hindi buong lakas ang pagsugod na ito.

Sa loob ng maikling panahon, naisip na agad ito lahat ni Marvin at mabilis na kumilos!

Mahirap kalaban ang Guardian! Pero umaaabot na sa lagpas 100 ang napatay niyang guardians.

Hindi binunot ni Marvin ang mga dagger na hawak niya, sa halip tumakbo ito papalapit sa Guardian.

Nagulat ang Guardian dahil hindi niya inaasahang ganito kabilis ang magiging reaksyon ni Marvin. Nagawang malaman ng Ranger na 'to ang kanyang binabalak sa isang iglap lang.

Paunti na ng paunti ang distansya ng dalawa sa isa't isa, at di magtatagal magsasalubong na sila!

Sumigaw ang Guardian at mabilis na gumawa ng paraan!

Nilagyan niya ng pwersa ang kanyang shield at pinilit na gawin tunay ang kanina'y pekeng pagsugod!

[Shield Bash], isang sa mga prominenteng skill ng mga Guardian, ito ang pinakamagandang gamitin para guluhin ang kanilang mga kalaban.

Dahil sa karagdagang pwersa nito, siguradong mahihilo ito kapag tumama siya sa shield!

Pero habang nanunod ang lahat, hindi hinayaan ni Marvin na magtagumpay ang Guardian.

Anti-Gravity Steps!

Pilit nitong inapakan, gamit ang kanyang kanang paa, ang dalawang metrong shield ng Guardian para iangat ang sarili, at sa isang iglap umabot na ito sa itaas ng shield!

Saka ito biglang tumalon sa balikat ng Guardian!

Nanatili namang mahinahon ang Guardian at inangat ang kanyang shield sa kanyang ulo!

Nababalot din ng mga matatalim na bagay ang helmet nito, kaya tila mukhang isang cactus ang buong katawan nito. Kung titingnan, tila imposibleng may magawa ang kahit na sino laban sa kanila.

Malaki ang kumpyansa niya sa kanyang depensa!

Pero hindi niya inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Nakita lang nito na inilabas ni Marvin ang wishful rope at gamit ang isang incantation, nagismulang lumiit ang wishful rope!

Pagkatapos nito'y tumalon na mula sa likod ng Guardian si Marvin.

"Anong ginagawa niya!"

"Wishful rope? Protektado ng armor ng Guardian ang leeg nito. Hindi masasakal siya masasakal ng wishful rope!"

Hindi maalis ang tingin ng mga manunuod sa mga nangyayari. Hindi nila maintindihan kung para saan ang mga ginawa ni Marvin!

Pero agad rin naman nilang nakita ang kasagutan!

Nakatali na ang wishful rope sa leeg ng Guardian at hinila ito ni Marvin saka ito yumuko para itali ang kabilang dulo sa kanang paa ng Guardian!

Agad naman sumipa patalikod ang kalaban!

Mabuti na lang at mataas ang dexterity ni Marvin kaya nagawa niyang iwasan ang atake. Matagumpay niyang naitali ang wishful rope sa kanang paa ng Guardian!

"Kaliwa naman!" Bulong ni Marvin sa sarili.

Yumuko muli ito at naiwasan ang shield ng galit na Guardian habang tinatali ang wishful rope sa kaliwang paa nito!

Sa loob lang ng ilang segundo, natapos ni Marvin gawin ang kanyang plano!

Mahigpit na nakatali ang Wishful rope sa leeg at paa ng Guardian, kaya naman nawalan ito ng balanse at natumba!

Bilang isang uncommon item, matibay ang wishful rope. Kailangan mo ng hindi bababa sa 22 na strength para masira ito, kung hindi, hindi mo ito masisira.

Kadalasan, hindi ganoon kataas ang strength ng mga Guardian.

Madami nang napatay ni Marvin na Guardian. At dahil sa karanasan niya, alam niyang ano mang mangyari, kailangan niya lang itali ang mga taong lata na ito!

Kahit na hindi naman mamamatay ang mga Guardian dahil dito, at hindi lang sila makakagalaw, siguradong malaking magkakaroon pa rin ng malaking oportunidad ang kalaban dahil dito.

"Shing!"

Sa Snow Mountain, dalawang dagger ang binunot. Kumislap ang isang nakakasilaw na liwanag.

Hindi pa rin binibitawan ng Guardian ang kanyang shield. Kahit na sa ganitong sitwasyon, tama pa rin ang reaksyon at desisyon niya!

Ang shield ang pinakamabisang gamit upang kalabanin ang isang Ranger. Kung wala ito, maaaring makakahanap ng butas ang Ranger.

Tunay nga elite ang lalaking ito.

Sa kasamaang-palad, nakaharap niya si Marvin!

"Noon pa man, basura na ang tingin ko sa mga class na walang alam kung dumepensa."

"Kahit na pagbabalot ng armor ang gawin mo, kaya pa rin kitang patayin."

"Anong silbi ng pagsuot ng ilang patong ng armor? Sa mga mata ko, wala ang mga 'yan!"

Biglang umikot ang mga dagger ni Marvin at agad na umatake!

"Klang!"

Sa ma baywang tumama ang isa sa mga dagger, habang ang isa naman ay tumama sa mabigat na helmet at kumislap.

"Hindi gagana ang mga atake mo!"

Galit na sumigaw ang Guardian na walang magawa!

Tunay nga naman na walang epekto ang mga attake. Hindi makakalusot ang mga dagger sa depensa ng kanyang helmet.

Pero hindi tumigil si Marvin.

Paulit-ulit na dumudulas sa helmet ng Guardian ang dagger ni Marvin, na gumagawa ng malakas na ingay at nagdudulot ng pagkislap nito!

"Anong ginagawa mo?"

Nang maramdaman ng Guardian na may mali, bigla itong nagpupumiglas. Iwinasiwas nito ang kanyang shield pero masyadong mabilis si Marvin.

Hindi lang naka-iwas si Marvin sa atake kundi, nakapagdulot na rin ng maliit na lamat sa armor sa baywang!

'Oras na.'

Ngumiti si Marvin.

'Oorasan na kita.' Hindi maunawaan ng Guardian ang sinabi ni Marvin!

Sa susunod na sandal, tila isang multo si Marvin na iniikutan ang nag-aalalang Guardian habang tuloy-tuloy na kumikisap-kisap ang mga dagger sa kamay nito!

"Klank! Shing!"

Umaalingawngaw ang iba't ibang tunog!

Gustong umatake pabalik ng Guardian nang makita ang walang habas na pagsugod ni Marvin pero hindi nito masundan si Marvin, at hindi rin ito makagalaw ng maayos.

Makikita ng dalawang anino sa tuktok ng bundok na nasa magulong sitwasyon.

"Hm? Kakaiba ito ah." Interesadong nanunod si Hathaway sa loob ng Ashes Tower.

Isa lang siya sa kakaunting taong naiintindihan kung ano ang ginawa ni Marvin.

"Nararapat lang sa isang Seer. Napakahusay na taktika nito."

"Paganda nang paganda ang mga nangyayari. Walang magawa kahit na ang isang Guardian sa kanya?"

Habang kausap ang kanyang sarili, hindi rin nito mapigilang magbalat at kumain ng dalandan.

Tila mas nahihilig siya sa dalandan noong mga nakaraan.

"Mukhang mataas ang dexterity ng Marvin na 'to. Pero ano bang silbi ng dexterity sa pakikipaglaban sa isang Guardian?"

Nagdidiskusyon ang ilang Apprentice Wizard, "Sayang lang ang stamina niya."

"Oo nga, naiiwasan ma niya ang mga atake ng Guardian sa ngayon, pero hindi makakatagal ang stamina niya! Kapag naubos na 'to, siguradong tapos na siya!"

"Kung ako sa Guardian na 'yan, hindi na ko gagalaw at papanuorin na lang ang ginagawa niya."

Makikitang pinagkakatuwaan ng mga taong ito ang kamalasan ng iba.

Nang biglang may malamig na boses ang biglang umalingawngaw sa tabi nila, "Kung kayo ang Guardian na 'yan, siguradong patay na kayo agad."

Nagulat ang mga nanunuod at hinanap kung saan nanggaling ang boses.

Isang Wizard Enforecer!

Sabi raw ay napakaraming karanasan sa pakikipaglaban ng taong ito, at kahit na babae siya, mas magaling pa siya kumpara sa karamihan ng mga lalaki dito.

Noong araw na gumawa ng gulo si Marvin sa MAgore Academy, ang grupo ng Enforcer na 'to ang rumesponde.

"Magandang araw ho, Dame Lucy…" Yumuko ang ilang mga apprentice.

"Manuod kayong mabuti." Dagdag pa ni Lucy, makikita sa mga mata nito ang kagustuhan niyang lumaban habang nakatingin sa magic screen, "Higit pa sa inaakala niyo ang lalaking 'yan."

"Higit na mas malakas."

"Klang!"

Nagawa n ani Marvin ang huling hiwa, at gumulong para maiwasan ang atake ng Guardian. Sa pagkakataong ito, gumulong siya papalayo!

Tinitigan lang siya ng Guardian. Nagulat siyang biglang lumayo sa kanya si Marvin.

Nang biglang sinabi ni Marvin na, "32 segundo, mas mabagal kesa dati…"

Hindi pa man siya tapos magsalita biglang natanggal ang Wishful Rope mula sa katawang ng Guardian.

Sa sumundo na sandal maririnig ang, "Klang! Klang!" mula sa katawan ng Guardian!

Sa harap ng mga gulat ng mukha ng mga manunuod, biglang bumagsak sa lupa ang armor na kanina'y ipinagmamalaki ng Guardian!

Bumagsak ito!

Naging pira-pirasong bakal na lang ito na nakakalat sa lupa!

Ngumiti si Marvin.

"Hindi ako magaling sa pagtanggal ng damit ng babae."

"Pero magaling akong magtanggal ng suot ng mga Guardian."

Biglang nagkagulo ang mga taong nanunod sa Three Ring Towers!

Natulala sila habang pinapanuod na isa-isang bumabagsak sa lupa ang suot ng Guardian, at naiwan lang ang kanyang panloob sa gitna ng lamig ng bundok.

"Mama! Tinanggal ng mamang 'yon ang damit niya." Maririnig sa isang tabi ang boses ng isang batang babae.

Nagulat ang lahat!

Pwede ba talagang mangyari ang ganito?

Paano nagawa ito ni Marvin!

Natanggal niya ang lahat ng suot na armor ng Guardian!

"Pucha! Nagawa niya 'to dati?! Mayroon ba talaga espesyal na skill na ganito…"

"Nakakatakot ang skill na 'yan."

"Tsk. Kita niyo 'yang Guardian na 'yan? Mukha lang siyang malakas dahil sa armor niya pero kulay rosas naman ang panloob niya. Hindi ko naman alam na tigasin siya sa panlabas at mahinhin sa loob.."

Nagdaldalan ang lahat.

Napakaraming pwedeng pag-usapan sa mga nangyari!

Hindi lang basta kinalaban ni Marvin ang Guardian, pinahiya niya pa ito!

Nanlamig ang lahat ng Guardian na nanunod. Pakiramdam nila na maaaring matagal na parang damit ang mga armor nila!

Gulat na gulat naman ang ilan sa mga Apprentice Wizard.

Hindi nila inasahang ganito ang mangyayari!

Alam naman ng lahat na kahinaan ng mga Ranger ang mga Guardian, bakit kabaliktaran ang nangyari kay Marvin?

Sa tuktok ng snow mountain, halos mabaliw ang Guardian!

Umihip ang napakalamig na hangin sa kanyang kulay rosas na panloob. Sa sobrang lamig ay hindi nito mapigilan ang pangangatog.

Mas hindi niya kinakaya ang mapangutyang tingin sa kanya ni Marvin.

"Ayos lang, naiintindihan ko," ika ni Marvin. "Maraming tao naman ang may pagkababaeng itinatago."

"Mamatay ka na!" Galit nag alit ang Guardian.

Tuluyan nang nawala ito sa kanyang sarili, itinaas nito ang dalawang kamay nito at sumugod kay Marvin!

Pero ang ganitong klaseng reaksyon ang inaasahan ni Marvin!

Shadow Step!

Sa isang iglap, napunta si Marvin sa likuran ng Guardian!

Cutthroat!

Perfect combo.

Sumirit ang dugo mula sa leeg ng Guardian. Pilit tinatakpan nito ang kanyang lalamuna pero wala itong nagawa, dahil ito na ang katapusan niya!

Bumagsak ang Guardian.

Namatay ito sa tuktok ng snow mountain. At dahil doon, napasakamay n ani Marvin ang susing hawak nito.

Namula ang nyebe sa paligid dahil sa dugo at mas lalong lumakas ang hangin.

Mahinahong itinabi ni Marvin ang kanyang mga dagger. Walang nakapansin na ang dagger na ginamit niya sa pagsira ng armor ng Guardian ay ang Blazing Fury, ang regalo mula sa matandang blacksmith!

'Hawak na naming ni Wayne ang kalahati ng mga susi.'

'Pero nagsisimula pa lang ang kompetisyon.'

Tumingin pababa si Marvin habang nakatayo sa tuktok ng bundok.

Hindi nagtagal nakita niya ang dalawang taong naghahabulan!

…..