"Sister, pupunta ka ba sa malayong lugar?" Maririnig ang boses no Cole Kant mula sa likod no Edith.
Pinagpatuloy niyang ayusin ang kanyang mga damit nang hindi lumilingon sa kanyang kapatid. "Hindi masyadong malayo. May pupuntahan lang ako sa Western Region."
Pumunta siya sa kanyang tabi at nagtanong ulit, "Gaano katagal?"
"Hindi ko alam."
Tinignan ni Cole ang mga damit na nakatambak sa kama ng kanyang kapatid. "Hindi ka kumuha ng kahit anong pormal na damit, bigkis o ang paborito mo na paha… Hindi ka ba bibisita sa ilang mga noble o dadalo sa mga piging?"
Saglit siyang tinitigan ni Edith. "Mas magaling ka ng mag-obserba ngayon, pero hindi mo dapat laging sabihin sa iba ang mga bagay na napapansin mo."
Ngumiwi ang batang lalaki at sinabi, "Ikaw mismo ang nagturo sa akin kung paano paunladin ang abilidad ko sa pag-oobserba."