Tumulo ang luha sa mata ni Chu Qiao sa isang maayos na linya. Tinanggal niya ang mabigat niyang manto at hinayaan itong bumagsak sa lupa. Sa oras na ito, ang heneral na tila bagyong kinuha ang West Meng at lubhang tinakot ang Xia ay naglaho. Isa lang siyang bumagsak na dalaga. Ang kanyang mukha ay maputla at mahina, ang kanyang mata ay malalim. Ang kanyang kamay, kung saan maalab niyang iwinawasiwas kapag namumuno, ay mahinang bumagsak sa parehong gilid niya. Ang tingin ng mga mata niya ay blanko. Dumadaloy pababa ang luha sa mapayat niyang mukha, dahilan para sumakit habang tinutuyo ito ng hangin.
Ngayon lang niya napagtanto na ang pagmamahal niya kay Yan Xun ay malalim na nakaukit. Habang naiipon ito nitong mga taon, iyong mga pakiramdam na iyon at tila humalo na sa kanyang dugo at naging parte na ng kanyang katawan. Noong nakaraan, hindi niya ito napagtanto nang nakapangako ng kasal pa siya kay Zhao Chun'er; hindi niya napagtanto nang napilitan siyang mahiwalay dito sa paglakbay sa Tang ng siya lang mag-isa; hindi niya napagtanto nang nakatingin siya kay kamatayan habang pinagtatanggol niya ang Beishuo. Dahil nang oras na iyon, kahit gaano sila kalayo, magkasama ang kanilang mga puso. Alam niya na lubos siyang mahal ng lalaki, kahit pilitin siyang manatili sa tabi ng isang tao, kahit gaano kalayo silang magkahiwalay, at kahit mabuhay o mamatay sila. Subalit, sa puntong ito, nakatayo ito sa likod niya, pinapanood ang bumagsak na anino niyang umalis. Bigla niyang naintindihan na ang lahat ng ito ay hindi maikukumpara sa suspisyon nito.
Ang katapatan at pagmamahal niya dito ay kahit tibay ng kabundukan; hindi ito magagalaw kahit na may malaking sakuna. Kung mayroon pa ring pagtitiwala, hindi man lang siya kukurap kahit na mamatay pa siya. Kung kaya, nang inabandona niya ang Southwest Emissary Garrison sa syudad ng Zhen Huang, hindi siya nagalit. Nang binitawan niya ulit ang Yan Bei, pinatawad niya ito agad. Pagkatapos, nang pinatay niya ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison at pinrotektahan si Cheng Yuan, kaninong kasalanan na nagpatuloy siya sa pagtahak ng landas na walang babalikan? Dahil ba ito sa trauma na naranasan niya? Ang matinding galit na malalim na dumadaloy sa kanyang puso? Ang maraming taon ng pagkasugpo at kabaliwan? O dahil ba hindi niya nagawang pigilan ito?
Sa isang iglap, bumalik siya sa madilim na tolda. Ang labas ng tolda ay kulay puti at mataas na nakatayo tulad ng lapida. Bumaluktot ang mga binti ni Chu Qiao dahilan para bumagsak siya sa manyebeng lupa. Inunat niya ang kamay para suportahan ang sarili ngunit hindi niya nagawa. Ang mga luhang pinipigilan niya ay tumulo na. Lumuhod siya sa lupa, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa nyebe. Napakasakit nito, para bang kasing lamig ng yelong kutsilyo ang hawak niya. Nanginginig ang mga balikat niya, hindi kayang pigilan ang pighati sa loob niya. Nagsimulang tumulo ang luha sa mukha niya.
Yan Xun, paano mo ako nagpagdudahan? Bakit mo ako pinagsuspetyahan?
Mas bumigat ang pagnyebe. Nakasuot ng puti si Chu Qiao at nakasalampak sa manyebeng lupa. Tinakpan niya ang kanyang bibig at tahimik na umiyak habang naiipon ang nyebe sa kanyang balikat.
Sa susunod na araw, humiling mismo si Chu Qiao kay Yan Xun, iiwan niya ang silangang lugar ng digmaan at bumalik sa Yan Bei kasama ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison. Siya ay babalik sa Huihui Mountains sa kahabaan ng distrito ng Shangshen upang isagawa ang patubig at gawaing pang-agrikultura, upang tulungan ng mga sibilyan na isaayos ang kanilang buhay matapos ang digmaan.
Matagal na tinignan ni Yan Xun ang kanyang hiling bago tahimik na inaprubahan ito ng "Oo". Kakaunti lang ang titik ng salita, ngunit mahabang oras niya itong isinulat. Nang naisulat niya ang huling guhit, maliwanag na ang kalangitan. Suminag ang sikat ng araw sa manyebeng lupa, ginagawang mas mapanglaw ang kapaligiran.
Maaliwalas ang kalangitan ng pag-alis ni Chu Qiao; ang hamog, na mayroon pa rin ilang araw ang nakakaraan, ay nawala na. Wala sa mga sundalo ang naghatid sa kanya, kahit si Yan Xun. Sumakay siya sa kabayo niya at tumingin sa asul na kalangitan, nakita ang puting mga agila na pumapaikot sa ere. Ang mga irit nila ay matagal na umalingawngaw sa tanawin.
Yan Xun, aalis na ako. Ingatan mo ang sarili mo.
Nang araw na umalis siya ng Shangshen, maaliwalas din ang kalangitan. Kahit na papalapit na ang bagong taon, malamig pa rin ang panahon ngunit maaraw, asul at malinis na ang kalangitan. Ang sikat ng araw ay mainit, nagmumukhang gintong hibla ng sutla. Isang hanay ng magandang mga pandigmang kabayo ang tumatakbo sa manyebeng kapatagan. Ang hanay ng mga kabayo ay umaabot sa malayo; masasabi na mayroong 2,000 katao.
Sa kasalukuyan, patapos na ang taon 776 ng kalendaryo ng Bai Cang. Sa kalahating buwan, darating na ang bagong taon. Habang nasa daan, maraming nakasalubong si Chu Qiao na mga negosyante na mula sa panloob na malaking lupain para isagawa ang pangangalakal nila. Ang ekonomiya ng Yan Bei ay naging maunlad. Bagama't hindi pa natatapos ang digmaan sa hangganan, maraming mga negosyante mula sa panloob na malaking lupain ang pumunta sa Yan Bei habang-daan ng mga ruta ng tubig sa timog na hangganan upang isakatuparan ang kanilang pangangalakal.
Tinanggal ni Chu Qiao ang sumbrero sa kanyang ulo at tumingin sa asul na kalangitan. Ang tingin ng mga mata niya ay malinaw. Sa isang iglap, isang taon ang lumipas. Ang dalaga ay tumangkad; ang tabas ng kanyang mukha ay mas mature. Maayos na nakatali ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng berdeng manto habang nakasakay siya sa likod ng pula niyang pandigmang kabayo.
Nilapitan siya ni Ge Qi mula sa harap ng kabayo nito at nagpahayag, "Heneral, nais ni Commander He na magpasa ako ng mensahe sayo, na magtatayo tayo ng kampo sa paanan ng bundok ng Minxi ngayong gabi. Nakapaghanda na siya kasama ang naunang partido."
Tumango si Chu Qiao; bigla, narinig niya ang mga agila sa itaas niya. Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa malayo. Oras na makalagpas sila sa bundok ng Minxi, mararating nila ang kapatagan ng Huolei. Malayo pa, mararating nila ang bagong sakop na Hilagang-kanlurang teritoryo ng Yan Bei. Ang piraso ng lupa na iyon ay pag-aari ng Xia dati, ngunit isinama na sa mapa ng Yan Bei. Ang digmaan sa Yanming Pass ay tumagal ng isang buong taon.
Ang taon na iyon ay makasaysayan. Ang taon 775 ay kilala bilang pinaka magulong taon sa kasaysayan ng West Meng; karapat-dapat dito ang lugar niya sa mga aklat ng kasaysayan. Matapos maputol sa kalahati ang digmaan sa pagitan ng Xia at Yan Bei, isang serye ng sakuna ang nangyari sa teritoryo ng Xia. Ang mga sibilyan sa hilagang rehiyon ay gumawa ng gulo, kasama ang pito nilang namumuno. Lubos nitong napinsala ang mga mapagkukunan na magagamit upang matustusan ang labanan sa hilagang-kanluran, kasama ang bilang ng mga mapipilit magsundalo na magagamit para ilista sa hukbo. Naging desperado, kinailangang baguhin ni Zhao Che ang kanyang istratehiya mula sa pag-atake tungo sa pagdepensa, binabantayan ang Yanming Pass hanggang kamatayan, para magkaroon ng oras na maayos ang panloob na salungatan. Nang humupa ang bagyo, biglang namatay ang Emperor ng Tang. Sa gitna ng kaguluhan, ang Crown Prince ng Tang, si Li Ce, ay umupo sa trono. Dahil sa alitan sa loob ng imperyo ng Tang, maliit na labanan ang sumabog sa hangganan na humihiwalay sa Xia at Tang. Kung hindi dahil kay Zhao Yang, na pinadala sa hangganan para pigilan ang labanan, mahaharap ang Xia sa pagkakataon na labanan ang tatlong sangang digmaan. Lahat ay nasaksihan ang tanawing ito. Ang imperyo ng Xia, sa maikling taon lang, ay halatang nasa landas ng pagkawasak. Sa kanluran, wala silang kapangyarihan na sakupin ang Yan Bei; sa hilaga, hindi nila mapalubag ang kanilang mga sibilyan; sa timog, hindi nila matakot ang Song na sumuko; sa silangan, sila ay napailalim sa pagpigil sa ekonomiya ng Song. Sa kasalukuyan, ang kontinente ng West Meng ay wala nang nangingibabaw na pinakamalakas.
Kalahating taon ang nakakalipas, opisyal na umupo sa trono si Yan Xun sa bundok ng Luori, idineklara ang Yan Bei bilang mag-isang bansa. Kilala sila bilang bansa ng Yan, pinangalanan ang kanilang kalendaryo bilang kalendaryo ng Chuyuan. Bukod sa Xia, ang ibang imperyo ng Tang at Song ay hindi tinutulan ang mosyon na ito. Dito, opisyal na siyang naging lehitimong pinuno ng Yan Bei, pinatatag ang posiyon niya sa loob ng bansa.
Nang araw na iyon, wala si Chu Qiao. Sinabihan niya ang mga tauhan niya na umalis habang mag-isa niyang tinahak ang Huihui Mountains. Ang palasyo ng Nada ay nakatayo sa tuktok ng Huihui Mountains – ito ang palasyo na pinatayo ni Yan Shicheng para sa kanyang asawa, si Bai Sheng. Gawa ito sa puting bato at nilubog sa loob ng malawak na tanim ng pula at dilaw na mga bulaklak. Mukha itong tanawin sa isang tintang larawan—payapa at tahimik, walang kahit anong bakas ng pag-istorbo ng tao. Ang mga sulambi ng bubong ay nakataob, pinagmumukhang isang paraiso ang tanawin. Dumadaloy ang tubig at gumagawa ng ingay, para bang inilalarawan nito ang pagmamahal na binibigay sa asawa ng hari.
Umupo siya sa tuktok ng Huihui Mountaing, naririnig ang walang malay na kanta ng mga pastol sa kanilang bukid sa ibaba. Nakapapawi ang tunog, at may kapangyarihan na pakalmahin ang sino mang makarinig ng boses. Tumingin siya tungo sa abot-tanaw, nakita ang grey na anino ng Luori Mountains, at ngumiti. Sa kabila ng malayo sa isa't-isa, tila ba nakita niya ang lalaking nakasuot ng marilag na roba, nagdarang sa kanyang kaluwalhatian. Umangat ang kanyang labi habang nakangiti siya at tumingala. Umihip sa mukha niya ang hangin at bahagyang pinagaspas ang kulay berde niyang kasuotan, nagmumukhang namumulaklak na berdeng lotus.
Ang kasalukuyang Yan Bei ay hindi na katulad dati. Sa Song na nagbibigay ng pang-ekonomiyang suporta, ang pagkakuha ni Yan Xun ng kalamangan sa digmaan, at pagsisikap ni Chu Qiao sa muling pagtatayo at pagkumpuni ng malaking lupain, senyales ito ng pagtaas ng bagong royal capital. Ang teknolohiyang armas ng Yan Bei ay milya ang kalamangan sa iba pang tatlong imperyo. Sa ilalim ng pamumuno ni Chu Qiao, magkakasunod silang nagtayo ng serye ng mga pabrika ng armas, nagtayo ng higit 30 malalaking minahan, nagsagawa ng mga patubig, at ginawa ang lupain ng Yan Bei na angkop para sa mga gawaing pang-agrikultura, at nagtatag ng malalaking lugar ng produksyon ng pagkain sa paligid ng Huihui Mountains sa kahabaan ng distrito ng Shangshen. Sa taglagas na iyon, dalawang beses na mas marami ang nagawa nilang pagkain kumpara sa nakaraang mga taon, ginagawa ang kanilang panustos ng pagkain na sapat. Labis silang namuhunan sa pagpapaunlad ng medisina, nagtayo ng paaralang-militar, at pinagbuti ang relasyon sa kalakalan sa pagitan nila at ng mga imperyo ng Song at Tang. Bagaman ang kanyang mosyon na wakasan ang pang-aalipin ay hindi naipasa, bibihirang makakita ng alipin sa mga kalye na nasa ilalim ng hurisdiksyon niya. Ang maluwag na patakaran ng gobyerno, kasama ang batas at kaayusan sa lipunan, ay nakakuha ng maraming sibilyan at negosyante. Sa loob ng kulang isang taon, ang bundok ng Huihui aynapalitan ng malaking lugar ng titirahan. Ang mga pambukid nitong elemento ay napalitan ng elemento ng mga distrito ng negosyo, tulad ng sa hilagang-kanluran.
Ang pagtatalaga ng pangkat ng Southwest Emissary Garrison ay nakansela sa huli, dahil hindi na sila parte ng panlaban na pwersa ng Yan Bei. Dahil itinayo nila ang kampo nila sa paligid ng ilog ng Xiuli, napalitan ang pangalan nila bilang hukbo ng Xiuli. Nakilala din si Chu Qiao ng mga sibilyan bilang Heneral ng Xiuli. Sa kasalukuyan, ang hukbo ng Xiuli ay binubuo ng 9,000 tauhan. Sa papalapit na bagong taon, ito ang huling beses na maghahatid sila ng rasyon sa unahang hanay na mga sundalo bago kuhanin ang nararapat nilang pahinga.
Bago magdapit-hapon, nakarating si Chu Qiao at ang pangkat niya sa Minxi Mountains. Maraming malawak na kapatagan sa Yan Bei. Kahit na kilala bilang bundok ang Minxi Mountains, sa totoo, isa lang itong maliit na burol na kulang 100 metro ang taas. Nang dumating si Chu Qiao at ang mga kasamahan niya, nagtayo si He Xiao at ang mga tauhan niya ng mga tolda at naghanda ng piging. Uminom si Chu Qiao ng mainit-init na makarneng sabaw, ang pagod ng buong araw ay nawawala habang umiinom siya.
Gabi ang pinaka magandang oras ng Yan Bei. Ika-15 araw ng lunar calendar, habang maliwanag na sumisinag ang bilog na buwan sa kalangitan, iniilawan ang manyebeng puting kapatagan. Sa mga bundok ay ang mga sanga ng ilog na matigas na nagyelo. Nang nakaraang araw, nang dumaan siya sa syudad ng Mawei, ang alkalde nito ay nagpumilit na bigyan siya ng regalo. Dahil hindi niya matanggihan ang alok nito, kinailangan niyang pumili ng kahon mula sa malaking karwahe. Nang binuksan niya ito, inilantad nito ang berdeng manto sa loob. Natatangi ang pagkakahabi nito ng balahibo ng sable, dahilan para kumintab ito. Malambot ito sa pandama; makikita na hindi mabibigyan ng halaga ang mataas na gradong kayamanan na ito.
Apat na pugon ang sinindihan sa loob ng tolda, dahilan para mahirap makahinga sa loob nito. Isinuot ni Chu Qiao ang kanyang manto at naglakad palabas ng tolda, hanggang sa paanan ng bundok. Malungkot ang anino niya; ang liwanag ng buwan ay mapanglaw at bahagya nitong binalot ang kanyang anino. Sinabi ng nagturo ng daan na isa itong templo na pag-aari ng Diyosa ng Yan Bei. Tinayo ito ng mga ninuno ng Yan Bei daang-taon na ang nakakaraan. Sa mga taon, lagi nitong binabantayan ang lupain ng Yan Bei.
Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang paa habang naglalakad sa mahirap na landas ng bundok. Mabigat na nyebe ang naipon sa daanan, dahilan para maglakad siya sa hanggang tuhod na lalim ng nyebe. Sa dalawang oras, naglakad siya ng naglakad, hanggang marating niya ang tuktok. Isa itong palasyo na binubuo ng bato. Hindi ito malaki; ang tangkad nito ay kapantay ng apat na taong magkapatong. Mayroong tag-isang gate sa silangan at kanlurang parte ng gusali. Nakatayo si Chu Qiao sa kanlurang pinto, nakatingin sa istatwang halos umabot na sa bubong. Tila inookupa nito ang karamihan ng espasyo sa templo. Sira-sira na ang templo; lumulusot ang nyebe sa bitak sa bubong. Mga sapot ng gagamba at alikabok ay makikita sa templo. Gayumpaman, ang nag-iisang istatwa na iyon ay walang kahit kaunting alikabok habang mataas itong nakatayo sa templo. Maaliwalas ang mukha ng diyosa. Habang nakatingin dito, tila nakikita ni Chu Qiao ang ina ni Yan Xun sa Jiu You Platform maraming taon na ang nakakalipas. Ang mata nito ay kalmado at malumanay. Ang tabas ng bato ay ipinapakita ang isang damit na nililipad-lipad ng hangin. Ang kanyang tiyan ay malaki; makikita na buntis siya.
Noong bata pa siya, sinabi ni Yan Xun sa kanya na ang diyosa ng Yan Bei ay babae. May dalawang parte ang diyosa: ang isa ay magiting na mandirigma na may palakol sa kanyang kamay, na kumakatawan sa pagsupil at pagpatay. Ang kabilang parte ay isang mainit at malumanay na pigura ng ina na buntis, na kumakatawan sa pagbabantay at kasaganaan. Sa kasalukuyan, nakatayo siya sa harap ng istatwa, napagtanto niya na totoo ang sinabi nito.