Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

1:20 ng madaling araw, naglalakad si Chu Qiao papuntang lababo para maghugas ng kamay.

Napakatahimik sa kulungan, walang kahit anong tunog ang maririnig. Sa ganitong oras, kadalasan ay pagod at nagpapahinga na ang mga tao. Taimtim niyang hinugasan ang kanyang kamay at nag-punas. Rinig ang tunog ng flush sa buong selda. Nilagay niya ang kamay niya sa pulso at nagsimulang magbilang ng oras.

10, 9, 8, 7, 6, 5, 4…

"Oras na." Pagkatapos ay naglakad si Chu Qiao papunta sa kanyang kama.

Isang mahinang pagsabog ang narinig kasabay nito ang pagbuhos ng tubig mula sa tubong sumabog. Hindi kalayuan ang selda ni Chu Qiao mula dito, kung kaya't tinamaan siya ng rumaragasang tubig.

Kita ang gulat sa mga guardia sa labas ng selda. Tanging ang sumabog na tubo at ang presong tinamaan ng tubig, na maaring patay o buhay pa. Sa bilis ng mga pangyayari, agad nilang binuksan ang selda nito. Matapos na i-enter ang pin ng kanyang selda, pumasok silang armado. Isang submachine gun sa isang kamay habang sa kabila na man ay isang walkie-talkie. Ngunit dahil sa sumabog na tubo, hindi ito makakuha ng maayos na koneksyon. May ilang segundong pumasok sa main station ngunit tanging mga kaluskos lang ang maririnig mula sa isang hindi kilalang channel.

Hindi sinayang ng dalawang guardia ang pagkakataon na tignan ang dahilan ng pagsabog ng tubo. Si Chu Qiao na walang malay, ay biglang dumilat. Para bang isang maliksing pusa, tumakbo siya palabas ng selda. Bago pa man makahingi ng tulong ang mga gulat na guardia, ay sinaraduhan niya ito ng pinto.

Diretso siyang pumunta sa surveillance room at kinopya ang mga footage sa isang oras na nakalipas. Agad niyang nilapat sa isang DVD kung saan ay binago at nagbura ng footage. Pagkatapos ay pinuntahan niya ang camera sa loob ng selda at pinaikot ang DVD. Agad niyang pinlay (play) ang bagong edit na video para yon ang makuha sa DVD. Bumalik siya sa surveillance room para putulin ang transmission signals ng walkie-talkie.

Nasa tamang oras siya. Matapos ang limang segundo, ang maliit na aparatong ginamit niya para sumabog ang tubo, ay nagsimulang magself-repair. Ang mga parte ng tubo na may butas ay kusang naayos dahil sa liquified adhesive na madaling tumigas. Sa simula pa lamang ay nakatago na ang maliit na aparato sa kanyang buhok. Sa selda niya ay makikitang sumisigaw sa galit ang mga nakulong na guardia ngunit walang kahit anong tunog ang dinig sa labas. Sa main station ang footage na nakikita nila ngayon ay mula pa sa nakaraang isang oras, kung saan makikitang nakaupo ang babaeng preso sa kanyang kama at ang dalawang guardia ay ginagawa ang kanilang ikot.

Masuri niyang tiningnan ang kanyang kapaligiran bago bumalik sa surveillance room at binuksan ang reserve box ng mga guardia. Tinanggal niya ang kanyang basang damit at sinuot ang uniporme ng mga guardia sa 4th prison. Pagkatapos niyang maglagay ng sumbrero, kinuha niya ang AK74U at nilagay ang silencer dito. Tinago niya ito sa kanyang bewang bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Katabi lang ng capital (kabiserang lungsod) ang 4th Prison, dahil sa liblib at tago ang geographical location nito, lahat ng mga preso na nakakulong dito ay mga kriminal na naghihintay sa trial mula sa senior military court. Lahat ng defense mechanism ng bawat selda ay walang kapintasan. Sa bawat selda, may mga armas na nakatalaga sa mga guardia, laging silang bantay-sarado. Tatlong special forces operatives ang bantay sa kada isang selda, binabantayan nila ang pinakaloob at labas na pinto. Katulad sa selda na pinanggalingan ni Chu Qiao, kung alam nila ang code para sa pinto sa pinakaloob ay mabubuksan nila ito. Samantalang ang pinto naman sa labas ay nakalock gamit ang fingerprint, para mabuksan ang pinto kinakailangan ang fingerprint ng huling taong nagsara nito.

Tatlong guardia ang palaging naikot. Bago ang mga insidente, may dalawang guardia na ang nasa selda ni Chu Qiao. Hawak niya ang film na naglalaman ng fingerprint ng guardia na hinanda niya para gamitin sa scanner. Agad rin namang bumukas ang pinto, suot ang uniporme nila, naglakad siya papalabas ng main gate ng kulungan.

Matapos niyang makalagpas sa gate, isang mahabang pasilyo ang tumambad sa kanya. Nasa pang ikaapat na lebel na siya ng underground prison. Malayo pa ang kanyang tatahakin para makamit ang kanyang layunin. Ang binago niyang surveillance footage ay tatagal lamang ng halos isang oras kaya kailangan niyag madali.

Sa ikaapat na lebel ng kulungan, lahat ng nakakulong ay mga top military commander at mga secret agents na hinihintay ang pataw ng military court. Sa ikatlong lebel naman ay matatagpuan ang most wanted na mga kriminal. Receptions area ang pangalawang lebel kung saan dito napunta ang mga bumibisita. Samantlang, sa unang palapag ang working quarters ng mga opisyal ng 4th prison. Sa ikalawang lebel ang kailangan niyang puntahan.

Matapos ang dalawang minuto, nakaalis siya sa mga kulungan. Sa dulo ng pasilyo, makikita ang apat na sanay at armadong mga guardia dala-dala ang kanilang submachine guns. Sa 4th prison, walang air conditioning ducts at walang mga bakanteng underwater na mga tubo. Bukod sa pasilyong ito, wala ng ibang daan para makalabas siya. Ang makaalis ng walang aberya ay napakaimposible.

Nang makita nila ang di pamilyar na mukha ni Chu Qiao, nagsimula silang kabahan. Agad na inangat ng kanilang lider ang kanyang baril at sumigaw, "Tumigil ka dyan! Sino ka? Ano ang password?"

Tinitigan ng maiigi ni Chu Qiao ang guardia habang naglalakad. Bitbit ang mga binder ng mga dokumento sa kanyang mga braso, ng nagsalita siya, "Ako si Liu Siwei galing sa military law department. Dala ko ang file 12685 na nag-iimbestiga sa kaso ng military arms smuggling. Pakitawagan si Lieutenant Colonel Tan Zhongming. May importante akong dokumentong kailangan ibigay sa kanya."

"Ma'am, wala si Lieutenant Colonel Tan Zhongming. Pribado ang personal niyang number, patingin ng identification card mo."

"Hindi kailangan na ipakita ang identification card dito sa 4th prison. Inanyayahan akong tumulong sa kasong ito ni Warden Li ng 4th prison. Noong isang araw, si Colonel Lu Fanghao ang mismong nagdala sa akin sa trial hall, di niyo ba alam?" Sumimangot si Chu Qiao at tinignan ang guardia sa gilid ng kanyang mata bago nagpatuloy, "Saang unit kayo galing? Alam niyo ba ang mga military regulations? Anong serial number niyo? Pati na ang unit's code?"

Nagulat ang mga guardia matapos marinig ang kanyang sinabi. Napaka-klaro ng mga rango sa military. Base sa kanyang pananalita, at mukhang pamilyar siya kay Lieutenant Colonel Tan at kay Warden Li. Napahanga siya sa babaeng nasa harap niya. "Ma'am, ang serial number ko ay 0475, galing sa 8th Southern Army 309 Brigade Task Force 571. Wala kami sa awtoridad ng regular na army. Kakalipat lang namin ng nakaraan na araw, kaya hindi namin alam na si Lieutenant Colonel Tan ang mismong nagdala sa inyo sa trial hall."

As Chu Qiao heard this, her expression softened and her brows relaxed. She nodded and said, "You are from the 8th army? How is your assistant commander, Commander Liu? Was he the one that brought you all in? Coming into the capital to work, are you guys staying for a few more days?"

The soldier started to gain respect for her. He told himself that those in the military law department were indeed different. He replied, "Ma'am, Commander Liu is well. Our team was brought here by Advisor Yan and we will not be following him back to the South."

"Oh," Chu Qiao nodded and said, "I started my military career from the 8th army too and was working in the intelligence department of the 8th army. You can say we were comrades too. When you see your commander, please send him my regards. Okay, I still have matters to settle. Go to the transmitting center to fax these documents out, two documents in a single form. Also, notify Advisor Zhang and Commander Hua's secretary, that tomorrow morning at six, Colonel Liu Siwei from the military law department will be paying a visit to discuss some issues." Upon finishing her sentence, she turned and walked off.

The soldier stayed rooted at the same position, his arms wobbling from carrying the huge stack of documents with "CLASSIFIED" printed clearly on the top.

Advisor Zhang… Commander Hua…

Walking out of the cell area of the 4th prison, the back of Chu Qiao's shirt was drenched with sweat. She leaned against the wall and was slightly breathless. She raised her wrist and looked at her watch. Ten minutes had passed. Taking a deep breath, she stood up straight and continued walking.

After searching and monitoring the other levels, she finally arrived outside the VIP room on level two. Looking at the plaque which read "Military Law Department" hanging on the door, the edge of Chu Qiao's lips curled to reveal a tiny smile.

Very good. There is a lead for injustice and an owner for a debt. She finally found the real owner.

She spent no time figuring out the password for the door, after which she gently twisted the handle and slid into the room sideways. Although it was late in the night, the corridors were very well lit, and there were still many people moving around. Chu Qiao maintained her composure, held her head high and walked through the corridor of the Guest Department, nodding and waving to the officials of the 4th prison that passed by her.

Although they did not recognize her, her calm demeanor and military outfit allowed her to blend in with the other officials without raising any eyebrows.

Five minutes later, she left the office corridor, and the Military Law Department's employees' resting room came into view. She could smell the wafts of alcohol coming from that room, she knew that she was in the right place.

Chu Qiao's slender hands were on the AK around her waist in no time.

A man wearing a black suit stuck his head out and was greeted with the black muzzle of the gun. With the help of the silencer, the bullet flew out of the muzzle and blasted a huge bloody hole in his chest. His pupils widened and Chu Qiao was quick to support his body while covering his mouth, right until his pulse stopped. Only then did she carry him into the room.

There were two rows in the room, with sixteen people living in it. Apart from the man that was just killed, the rest were still fast asleep. These were insiders, the ones who took care of the informants and creators of legal identities.They were top quality comrades with precise weapons.

Chu Qiao had always lacked compassion toward the enemy. Although she had been involved in behind the scenes planning for all these years, it did not mean she lacked the courage to pull the trigger. Chu Qiao held up the pistol and aimed the muzzle straight at a middle-aged man lying on one of the beds. With a dull thud, the man shuddered violently in his sleep and passed away without knowing what had happened.

Without any pauses, she quickly walked forward. After ten seconds, there was no one left alive.

Opening the door inside, there were only five men lying on the bed, sleeping soundly. Many times, killing was much easier than eating or having a bath. There was no hesitation. Five rounds were shot continuously, with dull thuds heard each time. Fresh blood oozed out of the wounds along with minute cracking sounds, the air soon filling with the nauseating smell of blood.

From the man lying furthest into the room, Chu Qiao found a small DVD while rummaging through his wallet. Standing over the bodies strewn all over the place, she turned on the device and started to watch the videos on it.

May pitong sasakyan na kulay jet black ang mabilis na bumabaybay sa highway ng X. Dalawa ang nakapuwesto sa unahan, dalawa ang sa likuran at dalawa naman ang nakapuwesto sa gilid ng convoy. Ang mga sasakyang nito ay base sa military specifications. Naglabas ng napaka swabe at steading tunog ang high powered engine nito. Tinatakpan ito ng high performance alloy. Kung titingnan maigi ay mapapansin mo ang nagpapabullet proof na spiral patterns sa windshield nito. Walang plate number or military insignia na makikita rito. Sumakatuwid ay napakadaling paghinalaan ng convoy na ito. Pero paano itong nakalusot sa isang napaka secured na siyudad?

Matapos ang isang oras ay pumarada ang convoy sa isang ordinaryong dilaw na gusali sa isang rural area ng siyudad. Apat na sundalong naka camouflage uniform ang naglakad paabante at sumenyas na ang convoy ay sasailalim sa security checks. Nang bumukas ang mga pintuan sa sasakyang nasa harapan ng convoy ay isang lalaking naka itim na suit ang lumabas at nagbigay ng isang dark red card sa sundalong nakatayo sa harapan ng convoy. Matapos makita ng sundalo ang dark red card ay nagsabi ito na "kailangan ko po munang humingi ng permiso sa mga superior ko."

Nagdikit ang mga kilay ng lalaking naka black suit at nagpakita ng pagkainis habang pabulong na sinabing "Nandiyan na sa card ang pirma ni General Jin, kaninong approval pa ba ang kailangan mo?"

Hindi naman nagpakita ng kahit anong emosyon ang sundalo at sinabing "Nagbababa po ng utos ang mga superior ko Major. Walang pong puwedeng makapasok sa pasilidad na ito bukod sa mismong Head of state at ang mga pinayagang pumasok nina General Jin at ng Chief of Staff na si Mr. Zhang."

"Ikaw.."

"Li Yang."

Sabi ng isang malalim na boses na nanggagaling sa sasakyan sa likuran niya. Isa sa mga itim na kotse ang dahan dahang umabante. Ibinaba ng driver ang bintana. At ang nasa likod nito ay isang matandang lalaking nagpapakita ng pagod sa kanyang mukha. Nagulat ang sundalo. Tumayo ito ng tuwid at sumaludo. "General Sir!"

Tumango lamang si General Jin at nagtanong, "Puwede na ba kaming makapasok ngayon?"

Tumigil sandali ang sundalo at sinabing, "Utos po ni Chief Zhang na wala pong vehicular movement sa loob at paglalakad lamang po ang puwede sa loob ng kampo sir."

Sumimangot si General Jin habang tinatapik niya ang kanyang binti at sinabing "Kahit na ako ay kailangan maglakad?"

Nakaramdam ng lalong pagkabagabag ang sundalo dahil sa sitwasyon. Tumingin siya sa sasakyan ni General Jin upang tingnan ang injured na binti nito. At kahit na nakita na niya ito ay nagaalala niyang sinabing "Pasensya na po talaga sir. Galing po sa taas ang utos na ito. Bawal po ang kahit na sinong gumamit ng sasakyan sa loob ng kampo. Paglalakad lang po ang pinapayagan!"

Pumula ang mukha ni Li Yang sa sobrang galit nito.

Mahinahong pinaalis ni General Jin ang sundalo at humarap kay Li Yang. "Pumasok ka sa loob at dalhin mo ang mga dokumento ko. Kailangan mong mailabas si Agent 005 ng ligtas at secured. Hindi na natin kakayanin ang mawalan pa ng Agent tulad ng nangyari kay Agent 003. Ang mga agent na ito ang kayamanan ng ating Empire." Utos niya.

Natigilan saglit si Li Yang habang nakaharap sa isang napapagod na matanda. Sumaludo siya at determinadong sinabing "Huwag po kayong mag alala General, susundin at tatapusin ko po ang pinapagawa niyo."

Kasabay nito ay isang napakalaking pagsabog ang narinig nila. Makikita ang napakaliwanag at nagbabagang apoy na sa ilalim ng isang itim at napakalaking mushroom cloud. Nanlaki ang mga mata at naglabasan ang mga ugat sa noo ni Li Yang sa sobrang pagkagulat. Mabilis itong tumakbo papasok sa kampo.

Sa gabing ito, Mahimbing na natutulog ang mga nakatira sa X, pero sa labas ng city limits nito at sa Forth Military Prison ay may isang malaking pagsabog ang naganap na ikagugulat ng buong mundo. Nakatingin ang lahat sa iisang lugar habang naghihintay na sumikat ang araw sa loob lang ng ilang oras.

Apat na oras bago ang mga pangyayaring ito.

Sa loob ng courtroom ng Fourth Military Prison ay may pitong high ranking military officials na nakaupo suot ang kanikanilang mga uniporme. Ang mga ranggo sa mga epaulets nila ay nagkikislapan sa kanilang mga balikat. Lahat sila ay mga heneral. May limang military judges sa judges' stand. Nanggaling sila sa iba't ibang military divisions na kung saan ay may iba't ibang mga military system. Sa ilalim naman nila nakatayo ang labindalawang mga lalaking may bitbit ng kanikanilang mga Kurt MOD733 5.56 caliber machine gun. Lahat sila ay miyembro ng pinakakinikilalang special forces sa buong bansa. Handa silang patumbahin ang kahit na sinong magkangkang manggulo sa loob ng courtroom.

Napakaseryoso at tahimik ng hangin sa loob ng courtroom habang ang lahat ay nakatingin ng maigi sa defendant stand. Kasabay nito, isa sa mga judge na nakamilitary uniform ang nag ayos ng kanyang lalamunan at nagsimulang magtanong gamit ang kanyang malalim na boses. "Pangalan"

"Chu Qiao," mahinahong sagot na nanggaling sa isang mababang boses. Sa liit nito ay walang kahirap hirap na malaman ang kasarian ng may ari ng boses na ito ng kahit na sino.

At tulad nga ng inaasahan ng lahat ay isang babae ang nakaupo sa defendant's stand. Nakabihis siya ng light green military pants ang puting pang itaas. Makikita ang katamtaman niyang braso nang itaas niya ang kanyang manggas. Mahinahon siyang umupo sa defendant's stand ng walang bahid ng kaba.

Itinuloy ng judge ang dry judiciary process, "Kasarian?"

"Babae."

"Araw ng kapanganakan?"

"October 8th, 90."

"Tirahan?"

"Luo City sa Yun Tu Province."

"Mga naging posisyon sa militar?"

"Nagpaenlist po ako sa military school ng empire noong 109. Noong 111 naman po ay napili po ako at itinransfer sa 5th intelligence unit sa loob ng military command center para matuto. Noong taong ding iyon ay naassign po ako sa Hawk Squad ng 7th army para simulan ang training ko. Noong August 27, 112 naman po ay nainduct ako at nagtrabaho sa 5th intelligence unit, section 2. Naassign po ako sa data analysis at distribution. Noong December 113 naman po ay natransfer po ako sa intelligence department ng Y City. Doon namin iinitiate ang Plan HL kasama ng 9th Military Intelligence Division. Noong June naman po ng sumunod na taon ay nagtrabaho po ako sa labas ng bansa bilang espiya. Bumalik lang po ako noong November 114 at nagtrabago sa 11th division command center bilang assistant commander hanggang sa kasalukyan po."

"Anong mga operations ang kinabilangan mo habang nasa tour of duty ka?"

"Nagexecute po ang 11th division ng 97 na bilang ng mga operations sa kabuohan, 29 dito ay kinonduct ko. Ang mga misyon pong ito ay kinabibilangan ng 11 one-starred missions, 9 two-starred missions, 5 three-starred missions, 4 four-starred at walang five-starred missions."

"Ano anong mga operations ang kinabilangan mo noong nasa serbisyo ka pa? paki elaborate mo sa amin ang mga misyong may four-star pataas."

"Noong August 114, gamit ang impormasyong nakuha namin sa 7th intelligence division ay sumali po ang 9th intelligence division sa 'Operation Sea Salt' na pinlano naming pareho ni Colonel Li na nagresulta sa pagkakakuha ng tatlong uranium ores. Noong November naman po ng parehong taon ay nagsama ang 11th division at ang 6th outpost division para sa isang 'Bait and Capture' operation na nagresulta sa pagkakahuli ng lider ng mga rebelde na si 'Mica Half Rat' at pagkasira ng mga nuclear reserves ng Bansang F. Noong April 115 naman po ay nagplano at ginipit ko ang mga makapangyarihang tao sa bansang E para matagumpay ko pong makuha ang mga password sa loophole ng Central Bank. Noong June naman ng parehong taon, sa tulong po ng bansang X at sa mga makapangyarihang mga tao nito na pinlano ng 11th division ay kinonduct po ni Agent 003 ng 9th division ang Operation Ximo na nagresulta po sa pagpapasakamay natin sa blueprint ng HK 47.

Itinaas ng judge ang kanyang salamin habang binabasa niya ang mga dokumento at nagtanong na, "Puwede mo bang ielaborate sa amin kung ano ang relasyon mo at ni Agent 003 ng 9th Military Intelligence Division?"

Tumaas ang mga kilay ng babae at ang kanyang pagiging kalmado ay biglang naging nagmistulang isang napakalamig na emosyon. Matapos nito ay tinitigan niya ng maigi ang pitong opisyal na nasa stand at nagsabing "Noong nagtetraining pa lang po ako sa 7th army ay tumira ako sa sa isang bunk kasama sina Agent 003, Agent 007 at Major Huang Minrui na isang operations planning officer ng 11th division. At noong 115 naman po ay naging parte ako at si Agent 003 sa Operation Ximo."

Nagtanong muli ang judge gamit ang kanyang malalim na boses, "Paano mo madedescribe ang inyong relasyon ni Agent 003? Kasamahan ba sa trabaho? O isang kakilala?

Nanatili siyang kalmado at tinaas muli ang kanyang kilay. Matapos ang ilang saglit ay sumagot siya, "Kami po ay magkaibigan."

At nagsimulang magbulungan ng mga miyembro ng Jury. Tiningnan niya ng matalim ang dalawa sa mga judges. Makikita rito ang kanilang mga ngiti na hindi nila kayang maitago.

"Puwede ba nating sabihin na malapit kayong magkaibigan ni Agent 003 na kung saan ay nagshashare kayo sa mga bagay-bagay?" tanong ng babaeng judge na may edad na nasa forties at nakabihis ng dark green military outfit.

"Humarap at tiningnan niya ng maigi ang babaeng judge na para bang kinikilala niya ito. At sinabi niyang, "Your Honor, Kami po ni Agent 003 ay dumaan sa professional training at nabibilang sa mga pinakamahuhusay at kinikilalang mga sundalo ng bansa. Malinaw po sa amin kung ano ang dapat naming sabihin at ano po ang hindi. At dahil po sa paratang ninyo tungkol sa amin na kami po ay nagshashare sa mga bagay-bagay ay nararamdaman ko pong pinagdududahan ninyo ang aming professionalism. Para po akin na isang bayani na itinaya ang aking buhay para sa interes ng bansa ay maituturing ko po itong kawalan ng galang at respeto po sa akin.

Natameme ang babaeng judge at namutla habang napuno naman ng pagkapahiya ang hangin sa kanyang paligid.

Tumuloy na muli sa pagtatanong ang main judge, "Sa ngayon ay paki linaw at pakijustify ang Operation M1N1."

Sa puntong ito ay papunta na ang hearing sa pinakaimportanteng parte nito. At pagkatapos marinig iyon ay humarap ng diretso at nagfocus ang dalawang judge na may mga edad na nasa forties.

Ibinaba ni Chu Qiao ang kanyang ulo at idineretso ang kanyang leeg matapos ang napakatagal na oras. At mabagal at malinaw niyang sinabing, "Gusto ko po sanang makausap ang aking superior, o kung hindi kaya ay magkaroon po ako ng pagkakataong madinig sa pinakamataas na military court. Pero bago ang lahat ng iyan ay hindi na po muna ako makapagsasabi ng kahit na ano pang impormasyon tungkol sa Operation M1N1."

Sumimangot ng may halong galit ang judge. "kinukwestyon mo ba ang awtoridad ng hearing na pinamunuan ng limang magkakaibang military districts na itinalaga ng nangungunang mga law experts?"

"Hindi po." paulit na sagot ni Chu Qiao habang siya ay nakatingala, "Gusto ko lang po makita ang aking superior. At habang wala ang isang sulat kamay na kasulatan na magdedeclassify sa operayong ito ni General Jin ay hindi ko po maaaring ielaborate ang kahit na anong detalye o data ng Operation M1N1."

At dahil dito ay nagdikit ang mga kilay ng judge at nagpatuloy muli sa kanyang tanong. "kung gayon ay ijustify mo at ielaborate mo ang utos mo na sugurin at iraid ang main operations building na nagresulta sa pagkamatay ng 23 na mga hostages galing sa iba't ibang bansa."

"Hindi po sila mga hostages." Sabay taas ng kanyang ulo at pabulong na sinabing, "Ang lahat ng mga inutos ko ay alinsunod sa military law at hindi ako pumatay ng kahit isang inosenteng tao. At hangga't hindi ko nakikita ang kasulatan galing sa aking mga superior at kay General Jin ay hindi ko maipapaliwanag ang naging operasyon sa military court at hindi na ako tatanggap ng kahit na ano pang tanong tungkol dito."

Dito natapos ang hearing ngayong araw. Matapos dakipin paalis si Chu Qiao ay umalis na rin ang mga general sa courtroom. Nakamonitor ang lahat ng kanilang galaw sa CCTV. Pero ang hindi nila alam sa ilalim ng mga upuan nila ay may isang device na mayroong nagbiblink na pulang ilaw at may screen na nagpapakita ng mga numerong nagcocountdown.

Wala ng natitira pang oras.

Tahimik na umupo si Chu Quao sa kanyang metal bed habang ang ulo niya naman ay nakahung sa ibabaw ng sahig. Ang kanyang selda ay gawa sa steel reinforced one-way glass para makita ang kanyang bawat kilos sa labas. Pero sa loob naman ay wala siyang kalam alam sa kung ano ang mga pangyayari sa labas. Walang kahit na anong uri ng privacy ang binigay sa kanya. Sa sobrang tibay ng reinforced glass na iyon ay kinakailangan mong tuloy tuloy barilin ito gamit ang rifle ng buong araw para lamang makagawa ng napakaliit na butas dito. At isang nuclear bomb lang siguro ang sasapat kung gusto mong tumakas dito.

Bilang isang senior commander ng isa sa mga pinakaclassified na intelligence units sa buong bansa ay kabisadong kabisado na niya ang layout ng buong complex kahit na wala man lang siyang marinig na ni isang tunog sa labas. At habang nakalagay ang isa niyang kamay sa kanyang pulso ay nalalaman niya ang oras na malapit na ang oras ng pagkain gamit lang ang kanyang heart beat.

At tulad nga ng inaasahan niya ay tumunog ng isang malaking click ang hatch sa ilalim ng reinforced glass at bumukas ito. Matapos ay isang kamay na may hawak na tray ang pumasok sa hatch na ito.

Nakayukong umupo si Chu Qiao na para bang hindi siya gumagalaw. Makikita rito na hindi siya gumagalaw pero isang pebble ang tahimik at asintadong lumipad at tumama sa watch strap ng sundalo na nagbigay sa kanya ng pagkain. At matapos nito ay nahulog ang relo sa sahig ng selda.

Nagulat ang sundalo at kinapa niya gamit ang kanyang kamay ang kanyang relo pero hindi niya ito mahanap. Narinig naman ni Chu Qiao ang pagkahulog ng relo at lumapit ito na para bang isang batang walang kaalam alam kasabay ng pagkunot ng noo niya na para bang inaalam kung ano ang nangyari. Alam niya na bukod sa sundalong nagbigay sa kanya ng pagkain ay may isa pa itong kasama na nakabantay ng maigi sa kanyang mga kilos. Karaniwan lang na kapag naghahain ang sundalo ng pagkain sa selda ay hindi dapat lumapit ang preso rito hangga't hindi ito natatapos. Pero ngayon ay mabagal siyang humarap paptungo sa relo ng sundalo. Nakita ang lahat ng ito ng sundalong nakabantay sa labas ng selda at sinubukang kunin muli ang kanyang relo pero matapos mahulog ulit nito sa sahig ay hinayaan na lamang niya na tulungan siya ng Chu Qiao.

Tumalon si Chu Qiao pababa sa kanyang metal bed, pinulot ang relo, inilagay ito sa palad ng sundalo at ngumiti sa reinforced glass. Pagtapos nito ay kinuha niya ang tray at bumalik sa kanyang higaan.

At ilang saglit pa naging tahimik na sa labas ng selda.

Ang lahat ay makikitang nasa ayos at walang anumang bakas ng anomalya.

Pagkatapos niya kumain ay lumakad si Chu Qiao papunta sa isang simpleng banyo sa kanyang selda at binuksan ang pinto nito.

Bilang parte ng pagiging moral ng gobyerno ay dinesenyo nila ang banyo sa mga selda ng may kaunting privacy para sa mga nakakulong dito. Mula balikat pababa ay gawa sa isang opaque plastic na kung saan malabong makikita nila ang mga galaw ng preso. Umupo si Chu Qiao sa kubeta at yumuko. Alam niyang pinapanood siya ng mga bantay ay hindi siya puwedeng manatili sa loob ng banyo ng higit sa 20 minutes.

Noong walang sinuman ang makakita kung anong ginagawa niya sa loob ng banyo ay binuksan ni Chu Qiao ang isa niyang palad. Noong nakaraan pala nang iabot niya ang relo ng sundalo sa kanyang palay ay mayroon na siyang isang sheet ng plastic sa kanyang kamay na ginamit niya para makuha ang fingerprints nito. Alam niyang tumatakbo ang oras at kailangan na niyang kumilos.