Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 920 - Complexities

Chapter 920 - Complexities

Maraming media outlet ang nais na panayamin si Xinghe dahil sa biglaang pagkakatalaga sa kanya bilang embahador ng Hwa Xia. Nais din niyang magbigay ng pahayag sa lalong madaling panahon para matigil na ang nakakabahalang paglaki ng mga diplomatikong isyu.

Nagulat si Tong Liang ng mabalitaan niya na nahirang bilang bagong embahador si Xinghe. Paanong hindi niya nalaman ito ng mas maaga?

Biglang naitalaga si Xinghe, sa mabilis na botohan, at agad na naluklok sa pwesto.

Iniisip palagi ni Tong Liang na dapat ay mag-ingat siya ng husto kay Xinghe. Maaaring nasa bente pa lamang ang edad nito pero ang talino sa pares ng mga mata nito ay tila mas matalim pa kumpara sa mga nakakatanda na matagal ng nabubuhay sa mundo. Ang bawat pagkakataon na nakakaharap niya ito, hindi sinasadya ay nagiging mapag-ingat si Tong Liang laban dito.

Ngayon na biglang naitalaga bilang embahador ng Hwa Xia si Xinghe para ayusin ang insidenteng ito, may pakiramdam si Tong Liang na may kakaibang nangyari. Ang kutob niya ay nagsasabi sa kanya na mas maging maingat kay Xia Xinghe, na ang kanilang target…

Tumawag si Tong Liang sa isang hindi rehistradong numero para ibalita ang lahat ng mga pangyayaring ito.

Ang balita na gustong magpatawag ni Xinghe ng isang press conference ay agad na kumalat sa buong bansa. Ang lahat ng mga banyagang media na nakatalaga sa City A ay nakatanggap ng abiso at imbitasyon.

Ang bulwagan ng kongreso ay punung-puno ng mga reporter bago pa ang nakatalagang oras. Ang malaking bulwagan ay pinagsisiksikan ng mga tao. Ang bawat mamamahayag ay nagtataka tungkol sa babaeng ito na nagawang iligtas ang mundo at bigla ay naging embahador ng Hwa Xia.

Ito ang unang beses na makakapanayam nila ito, kaya naman marami silang inihandang katanungan. Gayunpaman, ang ilan sa mga tanong na ito ay mas malayo ang hirap kaysa sa iba.

Abalang naghahanda si Xinghe sa backstage sa tulong ng mga kapwa embahador at sekretarya. Binibigyan nila ito ng mga huling minutong paalala kung paano magsalita, kung paano harapin ang media, at iba pa…

Nag-aalala sila sa kanya dahil wala siyang karanasan sa foreign affairs. Hinihiling nila na kung maaari ay maipasa nila ang kaalaman nila sa utak ni Xinghe o kaya naman ay palitan ito sa kumperensiyang ito. Naiintindihan ni Xinghe at pinapahalagahan ang kanilang kabutihan, kaya naman tumayo siya at tahimik na nakikinig.

Sina Ali at Sam, na umaakto bilang bodyguard ni Xinghe, ay iniisip na masyadong minamaliit ng mga taong ito si Xinghe. Ito ang babaeng nagligtas na sa mundo dati, kaya bakit naman siya matatakot na humarap sa isang maliit na press conference?

Gayunpaman, mapagkumbaba si Xinghe at handa siyang matuto sa iba na may mas karanasan kaysa sa kanya.

Hindi nagtagal, dumating na din si Tong Liang sa eksena. Bilang vice secretary ng United Nations, ang kanyang iskedyul ay punung-puno; halos lahat ng gawain ay kasali siya. Gayunpaman, sa pangalan lamang ito bilang respeto sa United Nations; wala naman talaga siyang aktuwal na kapangyarihan sa kahit na ano.

Maliban sa grupo ni Xinghe, na nakakaalam tungkol sa sikreto ni Tong Liang, ang impresyon ng iba tungkol dito ay isang propesyunal na babae na nagmamahal sa kapayapaan at sa kanyang bansa. Malugod nila itong sinalubong noong makita nila ito.

Palaging may pinapanatiling mabini at maayos na imahe si Tong Liang. Ang mukha niya ay kailanman hindi nawalan ng ngiti, na nagbibigay ng pakiramdam ng kabutihan at pagiging pala-kaibigan.

Ginamit niya ang kanyang posisyon bilang nakakatanda para makipag-usap kay Xinghe. "Miss Xia, nagulat ako ng bigla kang nagkaroon ng posisyon sa embahada ng Hwa Xia. Ang balitang ito ay biglaan at hindi kapani-paniwala, kaya naman hindi ako agad na nakarinig ng balita tungkol dito agad-agad."

Ang mga salita ni Tong Liang ay kalmado at natural, pero alam ni Xinghe na sinusubukan siya ni Tong Liang at pailalim siyang kinukutya na may kakaibang istorya sa likod ng biglaang pagkakatalaga niya.

Sumagot ng may ngiti si Xinghe, "Desperate times call for desperate measures. Abala si Miss Tong sa mga trabaho mula sa United Nations, kaya naman hindi na ako nagugulat kung hindi napansin ni Miss Tong ang balita."