Isa ding master sa pakikipag-usap si Xinghe. Pailalim din niyang kinukutya ang ugali ni Tong Liang na makialam sa mga bagay na walang kinalaman dito.
Hindi pinansin ni Tong Liang ang sarkasmo at ngumiti. "Tulad ng sinabi ni Miss Xia, desperate times call for desperate measures. Gayunpaman, wala ka namang karanasan sa trabahong ito, kaya kailangan mong mag-ingat dahil baka magdala ka lamang ng kahihiyan sa bansa natin."
"Wala akong ideya na mahal na mahal ni Miss Tong ang bansa namin ng husto, nakakagulat naman itong talaga," sabi ni Xinghe ng may bahagyang ngiti, pero nag-iba ang mukha ni Tong Liang.
"Xia Xinghe, ano ang ibig mong sabihin diyan? Ano naman ang nakakagulat sa pagmamahal ko sa bansang ito?" Tanong ni Tong Liang sa malakas na tinig na sapat para sa kanilang dalawa.
Hindi siya pinansin ni Xinghe at humarap ito para kausapin ang iba. "Ang oras ay halos nandito na, maaari na tayong lumabas."
"Okay. Little Xia, uupo ako sa tabi mo, huwag kang mag-alala, maaari mong hayaan ang mga mahihirap na tanong sa akin," ang pinakamatandang Embahador Zhou ang mabait na nagsabi sa kanya.
"Salamat, senior Zhou," nagpapasalamat na sambit ni Xinghe bago sila kumilos para lumabas. Tuluyan niyang hindi pinansin ang presensiya ni Tong Liang. Malamig na tumawa sa kanyang sarili si Tong Liang bago ito humabol sa kanila.
Gusto niyang makita ng kanyang sarili mismo kung paano haharapin ni Xinghe ang napakaraming tagapagbalita na iyon. Handa na siyang makita na maging katatawanan si Xinghe!
β¦
Habang lumalabas ang grupo ng mga embahador, ang mga mamamahayag ay tila nagising sa kanilang pagkakahimbing habang ang mga camera ay tumutok na sa mga ito. Para sabihin ng eksakto, ang lahat ng mga camera ay nakatutok kay Xinghe. Siya ang pinaka pangunahing karakter, ang kabali-balita sa lahat.
Gayunpaman, si Xinghe ay hindi responsable sa pambungad na talumpati, iniwanan na niya ito kay Ambassador Zhou. Magsasalita lamang siya sa press Q&A.
Matapos na ang lahat ay makaupo, sinimulan na ni Ambassador Zhou ang kanyang talumpati. Una ay pinasalamatan niya ang pagdalo ng lahat ng naroroon bago sinimulan ang paksa ng pagkalat ng virus. Tinapos niya ito sa pagkakatalaga ni Xinghe at kung paano ito itinalaga para ayusin ang international relations na nagkakagulo kamakailan lamang.
"Alam kong lahat kayo ay nabigla sa biglaang pagkakatalaga kay Miss Xia at marami kayong tanong para sa kanya. Ang oras ay bukas na ngayon at maaari na ninyo siyang tanungin ng kahit anong tanong na gusto ninyo, at siya ang kinatawan ng Hwa Xia para sagutin ang ilang importanteng tanong." Sa sandaling sinabi ito ni Ambassador Zhou, halos lahat ng mga mamamahayag na nasa loob ng silid ay nagtaas ng kanilang mga kamay.
Ang mga mamamahayag ay may mga media tags sa harapan nila at nakaupo ayon sa kanilang kinauugnayan. Ang lugar nila ay malinaw ang pagkakamarka, na nagpapakita ng malinaw kung anong bansa ang kanilang ikinakatawan. May maliwanag na tingin si Xinghe sa mga ito mula sa kanyang kinakaupuan.
Kung matalino siya, iiwasan niya ang mga tanong mula sa tagapagbalita ng Country W at Country C. Ang dalawang bansang ito ay patuloy ang pagtugis sa Hwa Xia kamakailan lamang kung kaya siguradong mahihirap ang mga tanong nito.
Gayunpaman, ang unang pinili ni Xinghe ay isang mamamahayag mula sa Country W. Nang inilahad niya ang kanyang kamay para ituro ang mamamahayag, ang lahat ay nagulat. Hindi ba siya natatakot na magiging mas mahirap ang lahat para sa kanya?
Sabik na tumayo ang reporter at sinadyang magtanong gamit ang lengguwahe ng Country W. "Miss Xia, nais kong malaman kung ang virus outbreak na ito ay may kinalaman sa iyo at sa bansa mo o hindi? Dahil ang academikong kumpetisyon mo ang dahilan kung kaya nangyari ang trahedyang ito. Kaya naman, hindi ba sumagi sa isip mo na ito ay dahil sa iyo at sa katotohanan na sinaktan mo ang napakaraming inosenteng tao kung kaya ang relasyon ng Hwa Xia sa ibang bansa ay naging magulo at walang katiyakan?"
Ang tanong ay talagang mahirap! Hayagang sinisiraan nito si Xinghe.