Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 922 - Mahusay na Sagot

Chapter 922 - Mahusay na Sagot

Marahas na kinaharap ng tagapagbalita ng Country W si Xinghe kung kailan kakatalaga lamang dito; kakaiba na itong masyado. Hindi sinasadyang napakunut-noo si Ambassador Zhou at ang iba pa. Makikitaan ng kabayangan ang mga mata ni Tong Liang.

Inisip ng Xia Xinghe na ito na madaling maging embahador? Hindi magtatagal ay malalaman niya na ang katauhang ito ay hindi magdadala sa kanya ng benepisyo kundi pati na din kahihiyan. Ang imahe ng isang embahador ay may kaugnayan sa imahe ng isang bansa. Kung hindi maganda ang naging sagot ni Xinghe sa tanong na ito, magiging katatawanan lamang siya at ng buong Hwa Xia.

Hindi karaniwan ang pang-uuyam sa tanong ng tagapagbalita at sinadya niyang idesenyo ito para mahulog sa patibong si Xinghe na walang karanasan sa larangang ito. Gusto niyang ipahiya ang Hwa Xia.

Sabik na naghintay si Tong Liang sa sagot ni Xinghe. Bago pa magawa ng translator ang kanyang trabaho, sumagot ng direkta si Xinghe gamit ang lengguwahe ng Country W ng may perpektong accent, "Salamat sa tanong. Ang pagkalat ng virus na ito ay nangyari nga sa panahong ginaganap ang academic competition na ginawa ng aking akademiya, at ako ay nabigla, nalulungkot at humihingi ng paumanhin dahil dito. Nalulungkot dahil ang biglang pagkalat ng sakit ay kumitil sa napakaraming buhay at nagdala ng sobrang sakit sa mga mamamayan ng bansang ito pati na din sa mga kaibigan mula sa ibang bansa.

"Lubos akong nakakaramdam ng kabiguan sa aking sarili dahil hindi ko man lamang mapagaan ang kanilang kaloob mula sa sakit na dala ng karamdaman. Kaya naman, ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang pagiging embahador ay dahil sa nais kong lumabas para sabihin sa lahat na, habang ang Hwa Xia at ako ay personal na nalulungkot sa pangyayaring ito, gagawin din namin ang lahat ng aming makakaya para labanan ang karamdamang ito ng lahat ng mayroon sa amin.

"Naiintindihan ko ang inyong galit at kabiguang nararamdaman sa amin, kaya ipinapangako ko na hindi namin susukuan ang kahit na sinong pasyente, kahit na ano pa ang kanilang nasyonalidad, hindi namin sila pababayaan. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para iligtas sila!

"Kaya naman, kahit na gaano pa kalubha ang internasyonal na kaugnayan at mga sitwasyong diplomatiko dahil sa hindi pagkakaunawaan, hindi nito mapapawi ang aming kagustuhan na labanan ang trahedyang ito o ang aming pananalig na iligtas ang bawat pasyente. Ang trahedya ay nagkalat at maaaring mangyari sa anumang pagkakataon. Ngayon o sa hinaharap man, para sa kapakanan ng kapayapaan sa mundo, gagawin lamang namin ang tamang desisyon. Ito ang sagot ko sa iyong tanong, salamat po."

Ang kalmado at magandang sagot ni Xinghe ay nagpatahimik sa lahat ng isang segundo bago sumabog sa malakas na palakpakan ang buong bulwagan. Ang sagot niya ay napakahusay. Hindi niya direktang iniwasan ang tanong ng mamamahayag ng Country W.

Sinabi niya sa mga ito na ang mga trahedya ay nagkalat kahit saan, kung saan inialis nito ang Hwa Xia mula sa cause-and-effect ng pagkalat ng sakit. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na ang Hwa Xia ay tatakbuhan ang responsibilidad nito dahil nangako din siya na pahahalagahan ang lahat ng buhay ng mga pasyente.

Sa kaparehong pagkakataon, iniungkat din niya na ang posibilidad ng internasyonal na mga kaugnayan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kahit pa, pinapanatili ng Hwa Xia ang sarili nitong pananaw kung saan ay gawin ang tamang desisyon. Hindi nila iiwanan ang kahit na anong pasyente dahil sa kanilang nasyonalidad at gagawin ang lahat para iligtas ang kanilang buhay.

Nagawa niyang bumuo ng isang mapagmahal sa kapayapaan na positibong imahe sa Hwa Xia, at ang kapalit nito, ay ibinaba ang imahe ng mga bansang pinipilit na sirain ang pangalan ng Hwa Xia nitong mga nakaraan.

Sa anumang kaso, ang maikling talumpati ni Xinghe ay tila naresolba ang lahat ng mga problemang kinakaharap ng bansa. Napigil din nito ang iba pang mga tagapagbalita na magtanong ng iba pang sensitibong tanong ng tulad niyon.