Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 891 - Ililigtas Kita; Bibigyan Kita ng Kalayaan

Chapter 891 - Ililigtas Kita; Bibigyan Kita ng Kalayaan

Pero kahit na gaano pa sila daganan ng mga sundalo, nagpatuloy sila sa panlalaban. Ang lahat ay sumisigaw na tila ito na ang huli nilang hiyaw, tulad ng isang hayop na nawawalan na ng pag-asa.

Habang napapanood ang kanilang malakas at masasakit na emosyon, ang mga miyembro ng SamWolf ay natigilan. Hindi talaga nila naisip na ang kagustuhan ng mga tao na ito na maging malaya ay napakatindi. Ang mga normal na tao ay agad na matatalo ng mga sanay na sundalo, pero ang mga taong ito ay nagpatuloy na manlaban kahit na ang mga braso nila ay halos mabali na. Ang kawalan ng pag-asa ay kitang-kita sa kanilang mga mukha…

Mas masahol pa ito sa malawakang pagpatay. Bakit kailangan silang tratuhin ng ganito? Anong kasalanan ba ang ginawa nila maliban sa napili sila ng He Lan family?

Agad na nahawa ng kanilang kawalan ng pag-asa at lungkot ang SamWolf. Mahigpit nilang naikuyom ang kanilang mga kamao at sa wakas ay nawalan sila ng kontrol sa galit na nag-aalab sa kanilang mga puso.

"Pakawalan ninyo sila—" hiyaw ni Sam habang nagmamadali itong kinalaban ang sundalo na dumadakip kay Shi Jian. Ang sigaw niya ay tila isang utos para sa iba pang miyembro ng SamWolf. Mga propesyonal na mersenaryo sila, kaya naman nagawa nilang mailigtas ang maraming tao sa napaikling panahon na iyon.

Nakita ito ni Tong Liang at nanigas ang mukha nito. "Gusto ba ninyong mamatay? Sige, guards, barilin ninyo sila!"

"Tumigil kayo ngayon!" Sabay na sambit ng matalim na tinig ni Xinghe sa buong silid. Ang mga salita niya ay tila mahika, agad na tumigil ang pagkilos ng SamWolf at ng grupo ni Shi Jian. Habang tumigil sila, ganoon din ang pagtigil ng pagkilos ng lahat ng mga sundalo.

Pinasadahan ng tingin ni Xinghe ang lahat ng naroroon at nagtanong kay Tong Liang sa malinaw at makapangyarihang tinig, "Kailangan ba ninyo silang dakpin sa kahit na anong paraan?"

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng mabigat na pressure si Tong Liang habang kausap si Xinghe. Tumindig ito ng buong tuwid at mariing sumagot, "Oo, kailangang lahat sila ay madala palayo."

"Dahil lang ba sa maaari silang maging banta sa lipunan ng mga tao?" Tanong ni Xinghe na may malamig na ngiti.

"Maraming dahilan, pero ito ang desisyong naaprubahan ng lahat. Siyempre, mayroon kaming mga dahilan sa paggawa ng desisyong ito, at maraming bahagi ng impormasyon na hindi ko maaaring ibunyag," walang pasubaling paliwanag ni Tong Liang, na ipinaaalam sa kanila na dinadakip sila dahil sa iba pang kadahilanan. Pero ano nga bang dahilan ang mga ito? Sino pa ba ang nakakaalam ng tungkol sa plano ni He Lan Yuan maliban sa kanila?

Hindi nais ni Xinghe na makipaglaro pa ng tungkol sa pulitika dito kaya malamig itong nagtanong, "May paraan ba para mapakawalan sila?"

Bahagyang ngumisi si Tong Liang. "Wala. Binigyan na namin sila ng posibleng maaari naming ibigay sa kanila. Miss Xia, pinapayuhan kita na huwag ka nang makialam pa dito; ito ay isang bagay na maaari mong pakialaman."

"Paano kung nagpasya akong makialam?" Tanong ni Xinghe.

Nawala ang ngiti ni Tong Liang. "Nakadepende din ito kung may kakayahan ka o wala."

"Tama ka, wala akong magagawa sa ngayon."

Lumingon si Xinghe para tumingin kay Shi Jian at sa iba pa. Habang kaharap ang umaasang kislap sa mga mata nito, maliwanag niyang inanunsiyo, "Tama kayong lahat, ako ang nagbigay sa inyo ng pag-asa, kaya naman hindi ko kayo bibiguin. Ito ay dahil sa kontribusyon ninyo kung kaya't ang masamang plano ni He Lan Yuan ay natigil, kaya naman hindi ko hahayaang ang pagpupunyagi ninyo ay mauwi sa wala. May isa lamang akong tanong sa inyo, naniniwala ba kayo sa akin o hindi?"

"Miss Xia, ano ang plano mong gawin?" Tanong agad ni Shi Jian, ang dugo niya ay kumukulo ng hindi mawari.

"Ililigtas ko kayong lahat para ibigay sa inyo ang kalayaan at buhay na nararapat sa inyo. Nagtitiwala ba kayo sa akin o hindi?!" Sagot ni Xinghe sa isang malakas at makapangyarihang tinig.

Sa sandaling iyon, ang lahat ay natigilan.

Related Books

Popular novel hashtag