Nabablangko silang napatingin sa kanya, ang mga salita niya ay umaalingawngaw pa sa kanilang pandinig. Ang pangako niya ay napakalinaw na mahirap para sa nakarinig na kumbinsihin ang kanilang sarili na nagkamali sila ng dinig. May kakayahan itong iligtas sila?
"Miss Xia, ang United Nations ang may kagustuhan na ikwarantina kami, talaga bang matutulungan mo kami?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shi Jian.
Tumango si Xinghe. "Oo, hahanap ako ng paraan para matulungan kayo. Kahit na gaano pa ito kahirap, hindi ako susuko."
"Pero magiging matagumpay ka kaya?"
Tumawa si Xinghe at sinabi, "Nagawa kong malutas ang krisis sa mundo, ano pa ba ang makakapigil sa akin? Kung may tiwala ka sa akin, bigyan mo ako ng ilan pang panahon, siguradong maibibigay ko sa inyo ang lahat ng kalayaan at kaligayahan na nararapat sa iyo."
"Okay!" Sabik na sigaw ni Shi Jian. "Naniniwala ako sa iyo, lahat kami ay naniniwala sa iyo!"
"Lahat kami ay naniniwala sa iyo!" Sabay-sabay na sambit ng iba pa.
Tumango si Xinghe at seryosong nangako, "Hindi ko na kayo bibiguing muli."
"Higit pa iyan sa sapat na." Tumingin si Shi Jian sa kanya ng may luha sa mga mata nito. "Paumanhin sa mga nasabi ko; sa totoo lang, kailanman ay hindi namin pinagdudahan ang ugali mo. Miss Xia, salamat."
Pagkatapos, agad na humakbang palapit si Shi Jian para kamayan siya. Bahagyang nanginig ang mga mata ni Xinghe, at idinagdag nito, "Huwag kang mag-alala, isa akong babae na may isang salita."
"Alam namin." Patuloy na hinawakan ni Shi Jian ang mga kamay nito, nakahawak sa kanya na tila ito ang kanilang spirituwal na haligi. "Miss Xia, sa mundong ito, ikaw lamang ang taong pinagkakatiwalaan namin. Sinagot mo ang paghingi namin ng tulong, at iniligtas mo kami. Hihintayin ka namin, kahit na gaano pa katagal."
"Okay." Tumango si Xinghe ng wala ng sinasabi pang iba. Ang pangako nito ay kasing halaga ng ginto dahil hindi ito nangangako ng ganoon kadali. Si Shi Jian at ang iba pa ay naniniwala na gagawin nito ang lahat para matupad ang pangko niya. Ang pangako niya ay ang kanila ding huling pag-asa.
Binitawan na ni Shi Jian ang kamay ni Xinghe at sinabi nito habang humihiwalay, "Miss Xia, pakiusap ay hayaan mo akong maging kinatawan ng lahat sa pagpapasalamat sa iyo!"
Matapos na bigyan siya ng malalim na pagyuko, naglakad na si Shi Jian patungo kay George. "Ngayon, pumapayag na kaming sumama sa inyo."
Ang iba pa nilang kasama ay sumunod na din. Sa wakas ay nakakita silang muli ng pag-asa, may pag-asa pa sila na mailigtas matapos na sila ay madakip.
Nag-alangan si George bago nag-utos, "Dakpin na silang lahat."
"Yes, sir!" Pumila na ang mga sundalo sa isang tuwid na linya, gumawa ng isang prosesyon para igiya sila patungo sa labasan. Hindi na nila sinaktan pa ang mga tao at hinayaan ang mga ito na kumilos sa nais nilang bilis. Kumuha ng huling tingin si Shi Jian sa grupo ni Xinghe bago tumingin palayo para sundan ang iba pa.
Habang dinadala ang mga ito palayo, mayroong mabigat na pakiramdam na naiwan sa puso ni Xinghe.
"Miss Xia, salamat sa tulong mo sa ngayon. Talagang napaikot mo sila sa iyong mga daliri." Biglang lumapit sa kanya si Tong Liang para purihin siya ng may bahid ng ngiti. Malamig na tiningnan siya ni Xinghe; ang tingin nito ay kasilang lamig tulad ng ibabaw ng nagyeyelong lawa.
Natural na naramdaman ni Tong Liang ang disgusto na nakadirekta sa kanya.
"Hindi kita tinutulungan," mapwersang paliwanag ni Xinghe. "Totoo ang bawat salitang sinabi ko sa kanila."
Talagang tutulungan niya ang mga ito na makahanap ng buhay na puno ng kaligayahan at kalayaan. Napangiti sa kanyang sarili si Tong Liang, na tila ba hindi niya pansin ang baliw na babaeng ito na kinakausap siya.
"Miss Xia, kung ganoon ay hinihiling ko na swertehin ka. Pero huling payo ko sa iyo, ang maging bayani ay hindi madali, ipinagdarasal ko na hindi ka mahumaling na maging isa sa mga ito. Huwag mong hayaang lumaki ang ulo mo."
Pagkatapos, tumalikod na ito para umalis, ang ilang embahador ay nakasunod sa kanya.