Pagkatapos nito ay tumalikod na ito at umalis.
Hindi makapaniwala na nagtanong si Sam, "Agad na lamang niya tayong pinawalan… nananaginip ba ako?"
Alam nila ang tindi ng selos ni Mubai, ang totoo, halos namatay na silang lahat sa mga kamay nito minsan. Ang katotohanan na napakabait nito sa ngayon ay… nakakabahala.
Nag-aalinlangang nagsalita si Cairn, "Siguro ay ayos lang ito."
Pero, ano itong kakaibang nararamdaman niya?
Ang kanilang kaba ay hindi naman walang basehan dahil hindi kalaunan ay naghiganti sa kanila si Mubai!
Sa tulong ng ilang tagong paraan, inilabas ni Mubai ang larawan ng tatlo sa kanila sa publiko, para malaman ng publiko na sila ang malalapit na kaibigan ni Xinghe, at ang mga ito ay malaki ang naitulong kay Xinghe sa laban nito kay He Lan Yuan.
Ang tatlo sa kanila ay mga makikisig na binata at ang mga babae sa buong mundo ay halos himatayin nang malaman ng mga ito ang tungkol sa kanila. Silang tatlo ay nakakaawang tingnan sa katatago sa mga humahabol sa kanila.
Bago nito, umaasa sila na magkakaroon ng nobya para naman matakasan na ang kanilang pagiging single, pero ngayon…. napakaraming babae na naghahabol sa kanila na tila nalulunod na sila sa mga ito. Namumuhay sila na tila mga takas na bilanggo noon, pero mas masahol pa ngayon. Kung tutuusin, mas nanaisin nilang ipagpatuloy ang buhay nila bilang single kaysa sapitin ang ganitong kapalaran…
Gayunpaman, ang mga alalahaning ito ay sa susunod pa.
Matapos na umalis si Mubai, nagtungo ito para hanapin si Xinghe. Patuloy na nagtago si Xinghe matapos na tapusin ang mga satellite. Abala itong tinatalakay ang susunod na hakbang ng kanyang plano sa United Nations. Maaaring tapos na ang banta ng mga satellite, pero buhay pa si He Lan Yuan.
Hindi na sila sinubukang kontakin pa ni He Lan Yuan. Ang ilang natitirang satellite ay normal na gumagana pero hindi na sila nakatanggap ng anumang hudyat mula sa buwan muli. Ang iba't ibang bansa ay nagpaplanong maglunsad ng marami pang satellite para tingnan ang sitwasyon sa buwan. Intensiyon pa nga nilang ipadala ang kanilang militar doon.
Nabigo ding kontakin ng Galaxy Control Centre si He Lan Yuan. Habang karamihan sa mga satellite ang bumagsak, ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang partido ay nagtapos.
Mahalagang matandaan na ang anumang satellite na ninanais ilunsad sa hinaharap ay kakailanganing makipag-ugnayan sa Galaxy Control Centre. Ang signal tower na ito ang magiging pinakamalaking kumokontrol ng mga impormasyon sa Earth.
Hindi naman madamot sa kanyang abilidad si Xinghe. Halos lahat ng kilalang eksperto ay nagpunta sa tore dahil gusto nilang malaman kung paano nagawang makuha ni Xinghe ang kontrol ng mga satellite mula kay He Lan Yuan. Sinabi sa kanila ni Xinghe ang lahat ng gusto nilang malaman.
Ang paraang ginamit niya ay simple lang naman. Iisa ang ginagamit ni He Lan Yuan sa kanyang system outline; ginamit niya ang kaparehong sistema sa halos lahat ng kanyang mga teknolohiya.
Sa madaling salita, sa lahat ng kanyang sistema, mayroong central defense point. Kung normal ang pagbabasehan ay isa itong kahinaan, pero dahil ang pagkakadisenyo ng sistema ay masyadong mahusay, malakas ang loob ni He Lan Yuan na gamitin ang parehong sistema sa lahat ng kanyang teknolohiya.
Sa madaling salita, sa paghack sa isa sa mga ito, ay magagawa ding mahack ang iba pa. Kaya naman, sa sandaling napasok na ni Xinghe ang defense system sa launch base ng He Lan family, magagawa niyang ulitin ang kaparehong resulta sa iba pang sistema ni He Lan Yuan. Ito ang paraan kung paano niya nagawang makontrol ang mga satellite na ito.
Sa normal na pagkakataon, hindi ito magiging posible dahil ang sistema ng depensa ay masyadong malakas. Walang tao ang makakagawang mapasok ito. Sa kasamaang-palad para kay He Lan Yuan, hindi niya nabilang ang halos hindi makataong kahusayan sa computer ni Xinghe.