Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 839 - Ang Disenyo ng Kanyang Ina

Chapter 839 - Ang Disenyo ng Kanyang Ina

Ang mga eksperto ay napahanga ng husto matapos na ipaliwanag ni Xinghe ang sistema. Nagawa niyang ma-hack ang napakakumplikado at hindi maintindihang sistema. Ang abilidad niya ay isang bagay na hindi nila mauunawaan. Gayunpaman, may isang tanong na nananatili sa kanilang isip.

"Miss Xia, dahil alam ni He Lan Yuan na ang lahat ng mga teknolohiya ay sumusunod sa parehong sistema, dapat ay naalerto siya nang ma-hack mo ang mga computer sa launch base. Gayunpaman, tila hindi niya ito nalaman, bakit kaya?"

Ang totoo, tila ba hindi nito alam na nagawang makuha ni Xinghe ang kontrol mula dito hanggang huli na ang lahat. Isa itong katanungan na hindi nila malutas.

Lumikot muna sandali ang mga mata ni Xinghe bago ito sumagot, "Ang tangi kong paliwanag ay hindi naman sa kanya talaga ang sistema. Marahil ay hindi siya ganoon kahusay sa mga computer. Dahil, ayon sa ating kaalaman, isa siyang siyentipiko, hindi isang eksperto sa computer."

Tila naunawaan na ng mga ito. "Marahil ay tama ka. Tila ba marami siyang kahanga-hangang talento na nagtatrabaho para sa kanya."

"Alas, ang lahat ng mga taong iyon ay nasa ilalim niya, kung makikita lamang nila ang katotohanan at kumampi sa hustisya. Mahuhusay na talento ang mga ito na makakatulong ng malaki sa pag-unlad ng sangkatauhan."

"Tama. Sana lamang, kapag narating ng militar ang buwan, ang mga taong ito ay pipiliing sumuko dahil tatanggapin natin sila ng buong galak."

"Miss Xia, narinig ko na susundan mo din sila sa buwan, totoo ba iyon?" May nagtanong sa kanya.

Tumango si Xinghe. "Oo, susunod nga ako. Sige, iyon na lamang ang lahat sa ngayon, mayroon pa akong bagay na gagawin."

Naglakad si Xinghe patungo kay Mubai na naghihintay sa may pinto. Habang papalapit siya, natural lamang na kinuha ni Mubai ang kanyang kamay habang naglalakad sila palabas.

Sa labas, pasapit na ang gabi. Ang mga bituin ay kumikislap; ang mabituwing gabi sa Galaxy Control Centre nang gabing iyon ay nakakamangha ang kagandahan.

Habang naglalakad sa madamong daan, kahit si Xinghe ay hindi mapigil ang kanyang sarili sa pagtingala para tingnan ang napakagandang tanawin. Magiliw na tinanong siya ni Mubai, "Ano ang iniisip mo?"

Sumagot si Xinghe, "Iniisip ko kung ano ang mayroon doon sa itaas at kung buhay pa ba siya."

Kilala ni Mubai ang tinutukoy ni XInghe. Ito ang kanyang ina, ang ikalawang Shen miss.

"Siguro ay buhay pa siya. Sa mundong ito, wala nang iba pang mas talentado kaysa sa kanya, sa kanyang kakayahan, makakahanap siya ng paraan para makaligtas."

"Sana nga ay tama ka, pero natatakot ako na paghihigantihan siya ni He Lan Yuan," seryosong sambit ni Xinghe.

Ang lahat ng mga sistema ay dinisenyo ng kanyang ina, siguradong malalaman ni He Lan Yuan ito at maiisip nito ang kaugnayan. Natatakot si XInghe na sasaktan ni He Lan Yuan ang kanyang ina matapos nitong malaman ang katauhan niya.

Pinisil ni Mubai ang kanyang kamay at sinabi, "Sigurado akong mayroon siyang naisip na back-up na plano dahil nakaisip siya na mag-iwan ng malaking kahinaan sa sistema para makita mo iyon."

Tumango si Xinghe at buong kumpiyansang sinabi, "Kahit pa, kailangang sumama ako doon at personal siyang makaharap."

"Susunod ako sa iyo," dagdag ni Mubai.

"Pero ang katawan mo…"

"Ay ayos lang," sabi ni Mubai ng may ngiti. "Nasa akin na ang pinakamalakas na puso mula sa lahat sa buong mundo, kaya sa tingin ko ay wala nang kwalipikado bukod sa akin na sumama sa paglalakbay na ito kasama mo. Isa pa, nagawa ko na ang kinakailangang pagsusuri; ayos lang ang katawan ko."

"Pero ang panganib ay nandoon pa din," seryosong sabi ni Xinghe. Pupunta sila sa buwan, walang paraan na masabi kung anong klase ng panganib ang naghihintay sa kanila.

May mga personal na dahilan siya para pumunta pero hindi niya gustong sumunod ito sa kanya.

Binawi ni Mubai ang kanyang ngiti at tumingin sa kanya ng mariin.